QUINN FREYA WESTWOOD
NAKATINGIN ako kay Asmodeus habang natutulog ito. It's been a week at 'di pa siya gumigising, ang sabi ng doktor niya. It's a miracle na nabuhay pa ito pero para sa akin, ako ang dahilan kung bakit siya nasa bingit ng kamatayan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Hija, I think you need to rest." Tita Almira told me. Sa isang linggo ko rito sa hospital ay 'di ako halos umaalis ng kwarto niya.
"I'll wait."
"Aleister will wake up soon at gusto niyang makita na magaling ka na pagkagising niya." Giit niya sa akin. Umiling ako, I can't leave him alone. Hindi ako pwedeng mapanatag, mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Asmodeus.
"This happened because of me." I whispered.
"Marahil ay sinisisi mo ako sa nangyari sa kaniya. I put your son's life in danger." Giit ko sa kaniya, she smiled weakly to me.
"Ikaw ang dahilan kung bakit gumagaling na si Aleister. Hindi ko magawang magalit sa'yo dahil pinili niyang iligtas ka kasi alam ko na kung 'di ka niya nailigtas baka mahirapan siya at mas lalong lumala ang sakit niya. Freya, let's just pray that he'll wake up, okay?" She assured me. Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya. I rested my head on the bed at saka pinaglaruan ang daliri ni Asmodeus.
Sana magising ka na...
Please...
Kung hindi magkakatotoo ang panaginip ko. Na ako ang magdadala sa kamatayan mo. Remember my dreams? Those where I killed you. Alam kong 'di ikaw 'yon kasi si Kuya Aleister ang nasa panaginip ko pero... h'wag naman sanang mangyari iyon sa totoong buhay.
Ayokong magising sa katotohanan na ako ang magdadala sa kamatayan ng lalaking mahal ko.
At Asmodeus, ikaw ang lalaking 'yon. Well, in this case, ikaw ang demonyong mahal ko. No matter what you are, you are still that someone. Please wake up... Please...
"Ikaw lang ata ang nag-iisang demonyong na-comatose. Diba may powers ka? Bakit 'di mo mapagaling ang sarili mo?" I asked him at tumingin ako sa kaniya.
"Basta gumising ka ha? I love you..." bulong ko muli at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi.
A few more days passed, hindi ako nawalan ng pag-asa na magigising siya. Everyday I am waiting in anticipation, I'm always talking to him even though his asleep. Habang mahigpit kong hawak ang kaniyang kamay ay naramdaman kong gumalaw ito.
I looked at him, at muling gumalaw ang kaniyang kamay. "Tita Almira! His finger is moving!" sabi ko sa kaniya. Tita Almira looked at me at saka sa kaniya.
"Oh my God! Tatawag ako ng nurse!" sabi niya sa akin at nagmadali siyang lumabas.
His eyeballs started moving at 'di nagtagal tuluyan ng bumukas ang kaniyang mga mata. Napaluha ako ng makita kong gising na s'ya, he stared at the ceiling for a while while blinking his eyes.
"You're awake!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. Nagkunot ang kaniyang noo, agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
He groaned because of pain, "Why the hell did you do that? You almost died because of me!" singhal ko muli sa kaniya.
"Freya..." tawag n'ya sa akin. Humiwalay ako sa aking pagkakayakap sa kaniya. Nakakunot ang kaniyang noo. "Sa susunod nga gamitin mo ang utak mo! Paano kung namatay ka?! Paano kung may nangyari sa'yo?! I don't want to loose you like that. H'wag mo namang gawing totoo ang mga panaginip ko!"
He looked at me with questions in his eyes. "Anong sinasabi mo? Why am I in the hospital?" He asked at sinubukan niyang bumangon pero napahiga lang siya dahil nasaktan siya biglaang pagbangon niya.
"Don't you remember what happened?" I asked him. Umiling siya sa akin, "I feel like I'm blocked for a long time. Umatake ba ang sakit ko?" He asked at tiningnan niya ako. "Why do you have wounds? Did I do that to you?!" He asked, his voice is starting to panic.
Bakit 'di niya maalala ang mga nangyari? Sa pagkakaalala ko ay nasaksak siya sa likod at 'di naman sa ulo. "Tell me, Freya?! What did I do?" He asked me. Pumasok na ang doktor sa loob pati si Tita Almira, naabutan nilang nagpapanic si Kuya Aleister.
"Answer me, Freya?! Sinong gumawa n'yan sa'yo?!" he asked me again. Hindi ako nakasagot. Did Asmodeus left me? Halos maluha ako ng dahil sa naisip ko. Did the Asmodeus inside him died? Talaga bang nawala na siya ng dahil sa akin? Did I put him into death. Tuluyan na akong naluha pakiramdam ko ay nadurog ang aking puso.
"Dear, relax. Hindi ikaw ang may gawa n'yan kay Freya?" Tita Almira tried to calm him down.
"Then who?! Bakit siya may sugat Mom? Bakit ako nasa hospital?! Why are we here?!" He asked once again.
"A serial killer kidnapped Freya while she is waiting for you in the school. Hindi mo ba naalala anak? You saved Freya at ilang linggo ka ring na-coma ng dahil sa injuries mo." Pagkwento ni Tita Almira sa kaniya.
"I don't remember anything, Mom. The last thing I remembered is at the party. Doon lang. Hindi ko alam na nangyari 'to. Mom umaatake na naman ba ang sakit ko?" He asked Tita Almira. The doctor sighed.
"Aleister, you've been cured. Do you remember almost a month ago, Dr. Mendez told you that you're getting fine. Hindi mo ba 'yon naalala anak?" She asked him at saka niya pinunasan ang luha sa mga mata ni Kuya Aleister. I'm still dumbfounded, iyak pa rin ako ng iyak.
How can he leave me like that?
"I think this is because of the trauma that he's been through. He just lost some of his memories, it will comeback soon." Agad akong umalis ng kwarto ni Kuya Aleister. Asmodeus is no longer around.
Tumingin sa akin si Kuya Aleister, I also turned my gaze on him, hoping to see any signs of Asmodeus inside him. Magaling kasi magpanggap ang demonyong 'yon, ilang beses na niya akong nauto na siya daw si Kuya Aleis tapos i-score lang pala siya sa akin. Lumapit ako sa kaniya, "Hindi mo ba talaga naalala ang lahat?" I asked him.
Tumango siya sa akin. "Did I really saved you?" He asked me. Hindi ako nakasagot dahil ang ala-ala ng mga nangyari ay masakit balikan. I should be happy dahil magaling na siya, in the first place, Asmodeus used his body. dapat maging masaya ako dahil nagising si Kuya Aleister despite of the injuries that he sustained when Asmodeus is inside of him.
"I've been waiting for you to wake up." But hindi nagising ang gusto mong magising. Hindi nagising ang inaakala kong nagising.
Hindi ko magawang maging masaya ng tuluyan. Napatingin ako sa locket na nakasabit sa kaniyang leeg.
"Talagang bang wala ka na?"I asked myself again but that made me burst into tears again.
"Kuya babalik na lang ako mamaya ha? Magpahinga ka muna." I told him at pinilit kong ngumiti.
"Sa tingin ko nga hija kailangan mo munang paghinga. What's important is that Aleistet is awake. Thank you for waiting with me." She smiled as she said those words. Pinilit ko ang ngumiti.
Agad akong tumalikod at bumuhos na ang takot at luha sa aking puso.
Umiiyak akong bumalik sa aking kwarto. Naghina ako pakiramdam ko dinurog ang aking puso. Naalala ko ang mga nangyari ng gabing 'yon, the way he smiled at me before he closed his eyes. The way his lips touched mine. Hindi ko akalain na 'yon na ang huling beses na mangyayari 'yon.I dont want it to be the last, that's why I prayed everynight. Pinagdadasal kong magising siya upang makapag- usap kami muli. Hoping to continue my confession. Hoping to have a fairytale with him.
"I'm sorry... I'm sorry, Asmodeus. Siguro na-realized mong napahamak kita or what's worst, maybe I killed you." Umiiyak kong saad sa hangin.
***
IT'S BEEN five days since it happened at sa linggo ay maari na akong umuwi upang doon na lang magpagaling sa bahay. Ang serial killer na nagtangkang pumatay sa akin at kay Asmodeus ay nakatakas. Maybe because he's a demon, he can do whatever he wants too. And he used his power to escape in jail. Wala Napabuntong hininga ako at napatingin sa TV, this past few days, parang nawalan ako ng gana. My heart is numb from the pain it's suffering right now, sobrang sakit.
The fact that he is gone in my life is devastating. I remember his promises and our moments together
Walang Asmodeus na pumasok sa kwarto ko upang guluhin tho Kuya Aleister does. Mula ng magising siya ay lagi siyang pumupunta dito. His injuries healed fast when he woke up making him elligible to go home this week. Madalas siyang pumupunta rito dahil nagtataka siya kung bakit 'di na ako bumalik sa kwarto niya matapos no'n.
"Is he really gone inside you?" I want to ask him but I don't want him to worry about me. Or what Asmodeus did when he was inside him. Alam kong magagalit ako kapag natuwa siya dahil wala na ang demonyong 'yon sa loob niya. And I also don't want to accept that he is gone.
I want to see him. I badly want.
"Freya..." he called me. Hinawakan niya ang kamay ko, pinanatili ko sa TV ang aking mga mata. "Nakakapanibago ka naman. Akala ko ba masaya ka at nagising ako?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya, instead of answering his question, I asked him instead."Ikaw ba talaga si Kuya Aleister?" I asked him.
"Bakit did my other personality do something to you? I mean the Demon inside me?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot. The way his eyes panic when I'm asking him who he was is an evidence na si Kuya Aleister na talaga siya.
"Umalis na ba talaga siya sa katawan mo?" I asked him.
He smiled sweetly, his innocent smile welcomed me. "I think so, 'di ko na siya nakikita kapag tumitingin ako sa salamin. I think, I'm already okay. Maybe he realized that using my body is not worth it." Nakangiti niyang giit sa akin.
"Ngayon malalapitan na kita, mahahawakan at mahahagkan ng walang alinlangan. Masasamahan na kita sa batis, at mahahatid, masusundo, makakapag date na rin tayo kung gusto mo. Those things that I forbid myself to do to you, magagawa ko na. Freya, let's start o--" natigil siya ng hawakan ko ang mukha niya.
Why can't I see a sign of deceiving? Why can't I see any signs of Asmodeus inside him? Alam kong redundant ako at dapat tanggapin ko na lang ngunit bakit? Kinuha ko ang maliit na spray bottle ko at winisik 'yon sa mukha ni Kuya Aleister pero 'di siya napaso.
"Freya! Para ka namang bata niyan. Why are spraying water on my face?" He asked me.
"Holy Water 'yan, tiningnan ko lang kung matatakot ka." Sagot ko sa kaniya. He smiled gently at saka hinawakan ang pisngi ko.
"Are you still afraid of the Demon inside me? O natatakot ka sa akin kasi baka ulitin ko ang ginawa ko sa'yo noon sa party?" tanong niya sa akin.
Umiling ako bilang sagot sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. Maybe if I seduce him the Asmodeus inside him will come? Baka mamaya ay bigla siyang ngingisi at saka ako paparusahan o 'di kaya... Wala sa loob kong dinalaan ang daliri niya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay niya sa mukha ko pero 'di ako nagpatinag. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata habang dinidilaan ang daliri niya.
"Fe- Fre--ya, a-- anong gina--gagawa mo?" Nauutal n'yang tanong sa akin..
"I just want to make sure if you're really Aleister..." Sabi ko sa kaniya, binitawan ko ang daliri niya at saka sinubukan ko siyang halikan. Dinampi ko ang labi ko sa kaniya ngunit wala akong naramdaman na kahit ano. It feels like I'm kissing someone I don't know. He kissed me back pero agad kong hininto ang halik namin. The intensity is gone, the longing is gone.
I really fell in love with the Demon inside him and not the Aleister that I know. "
"Did you really leave me, Asmodeus?" tanong ko sa kaniya. Tumingin si Kuya Aleister sa akin, I can see the disappointment in his eyes
"Bakit mo hinahanap ang demonyo na nasa loob ko?" seryoso niyang tanong sa akin. Ang ngiti sa mga mata niya ay naglaho.
"Please... kung nandyan ka pa. Lumabas ka muna saglit. Talk to me please..." I begged. Muling tumulo ang aking luha. Wala akong nakita na kahit na anong sign ni Asmodeus sa mga mata niya. "Kailangan ko lang malaman kung buhay ka pa? O kung aalis ka na dahil pinahamak kita. Please, magpakita ka naman kahit saglit lang." Umiiyak kong pakiusap sa kaniya ngunit wala.
Walang Asmodeus na nagpakita sa akin.
"Did you fell in love with the Demon inside me, Freya?" He asked me. Wala akong nagawa kung 'di ang tumango. Masakit man aminin pero mahal ko na si Asmodeus, I saw something inside him. I can feel something for him, I am waiting for him and before I could touch him, I realized that I put him in much danger.
"That Demon violated you. He is not a good creature, masama siya. Kahit saang anggulo mo tingnan masama siya, Freya! Why did you fell in love with him?!" halos pagalit n'yang tanong sa akin.
Umiling ako bilang sagot sa kaniya. "I don't know. I just know one day that I love him. The moment when he save me from that psychopath Demon, alam kong mahal ko siya. I just love him." Giit ko sa kaniya.
"Freya he is a demon from Hell! He possessed my body, he used you while living inside me! Alam mo 'yon. Alam mo kung gaano siya kasama, Freya!" singhal niya sa akin. "You promised me that you'll help me get rid of him and not fall in love him!" muli n'yang sigaw sa akin.
"Mahal ko siya. Wala akong pakialam kung ano siya basta mahal ko siya." Bulong ko sa kaniya, halos walang boses na lumalabas sa aking labi. I can only hear myself whispering my declaration of love for him.
"Freya, akala ko babalikan kita." Gigil n'yang saad sa akin. Alam kong 'di niya maintindihan. "Why did you fall in love with the demon who took my life?" He asked me.
Hindi ako nakasagot...
"I'm sorry kuya but... can you make him go back to your body? Please I need to see him. Just this once... Please... I love him so much and the thought of life without him will kill me." I begged him.