Chapter 16: Psychopath

3793 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW SOBRANG BILIS ng patakbo ni Asmodeus sa kaniyang sasakyan. Kulang na lang ay paliparin n'ya 'yon. Hindi siya mapakali dahil paulit- ulit sa kaniyang isip ang mga sigaw ni Freya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag namatay ito. He'll dive into the flames of hell of punish himself. Nang mabasa niya na nakasulat sa Deathbook ni Lucas ang pangalan ni Freya ay natakot siya. It's impossible for a hunter to have her name written in the book of death pwera na lang kung papatayin ito ng isang demonyo. Or he'll be the one to kill her himself. "Are you sure that it's Freya's name?" He asked Lucas once again. "Oo nga, pinabasa ko pa nga sa'yo diba?" Lucas answered sa inis na tono. "Demon Hunters can't die, Lucas. Mamatay lang sila kapag tapos na ang misyon nila. They can only die if a demon tries to kill them or a hunter itself. Impossibleng may pumatay kay Freya, she doesn't have any idea that she have hunter's blood running on her veins." Paliwanag ni Asmodeus kay Lucas. "What if isang demonyo pala ang papatay kay Freya ngayon?" Azazel ask him at saka ito sumandal sa upuan ng sasakyan. "If a Demon will kill a hunter it's possible. Maaring nalaman na ng nasa baba na nagkaroon na ng Part 7 ang Romeo and Juliet ng langit at impyerno." Nang-aasar nitong tugon pero binalewala lang siya ni Asmodeus dahil nasa ibang bagay ang isip nito. He wanted to save her that's all. "Nakalagay sa libro ang dahilan ng kinamatay niya?" He asked him. Muling binuklat ni Lucas ang kaniyang libro. "Multiple stab wounds, fatal blow in her heart will kill her. She'll die at 2:45: 57 in the morning. A psychopath killed her." Paliwanag ni Lucas at muli n'yang sinara ang kaniyang libro. Napatingin si Asmodeus sa orasan ng kaniyang kotse. Nakita n'yang 2:10 na ng umaga. "s**t, it's 2AM!" napalo niya ang busina ng malakas. "Freya, forgive me... hahanapin kita ha? I'll save you. I can't let you die." Bumaba sila sa labas ng University ngunit tahimik na ito. Wala ng tao at tanging isang guard na lang ang nakaduty. "Freya! Freya!" sigaw niya sa pangalan nito.Hoping that he'll hear her banshee voice pero wala siyang sagot na nakuha.  "Hahanapin namin siya ni Lucas sa loob. We'll be back." suwestiyon ni Azazel. "Wait teka lang! Hindi ako pwedeng tumulong sa pagligtas sa kaniya. I can't break the rule of the reapers!" Saad ni Lucas. Pinakitaan siya ni Azazel ng pulang mata nito para takutin dahil lumalabas ang kaartehan nito tungkol sa batas ng mga reapers. "Hahanapin mo lang siya, Lucas. It doesn't mean that you'll save her." Azazel responded. "Pinapahamak n'yo ako e, maboborjak ako kay San Pedro nito!" giit n'ya. "Anong mas gusto mo, Kay San Pedro o kay Lucy?" tanong naman ni Azazel sa kaniya. Napakamot na lang siya ng kaniyang ulo dahil mas nakakadiri magalit si Lucy. Wala nang nagawa si Lucas kung 'di ang magteleport upang hanapin sa loob ng campus si Freya kasama si Azazel. "Freya, nasaan ka?!" sigaw niya muli pero walang sumasagot sa kaniya.  "Hijo, hanap mo ba yung babaeng nakasuot ng dilaw na hoodie dress?" tanong ng isang gwardya sa kaniya. Tila ba bagong gising ito at nagising lang dahil sa malakas niyang pagtawag sa pangalan ni Freya. Napatingin siya rito. "Yes, I'm looking for her. Did you see her around?" He asked him. "Oo hijo, nakita ko siya kanina. Sinundo siya ng pulang Toyota Innova." Sagot nito sa kaniya. "Narinig n'yo po ba ang pangalan ng sumundo sa kaniya, Manong?" tanong naman ni Asmodeus, hoping that it's someone that he knew. Lihim niyang hinihiling na sana ay nasa bahay na ito at natutulog ng mahimbing. "Nadinig kong tinawag niya Joey yung sumundo sa kaniya. Alas onse na 'yon ng gabi, ayaw pa nga niyang sumakay pero kinumbinsi siya nung lalaki." Giit nito sa kaniya. "Salamat." Asmodeus responded. Agad nitong kinuha ang kaniyang cellphone at ni-dial ang numero ni Joey. Habang hinihintay niyang sagutin nito ang telepono ay humahaba ang leeg niya na tila ba isang giraffe. "Yes, Hello?" nadinig niya ang boses ni Joey. "Where the f*****g hell is Freya?" He asked, nanginginig ang boses ni Asmodeus. The thought of living in this world without her is killing him. Mas gusto n'yang may pumatay na lang sa kaniya, mas gusto niyang mamatay na lang kesa si Freya ang mawala sa mundong ito. "Chill bro, ano bang nangyari?" "I'm asking you Joey! Where the hell is Freya?!" singhal niya muli dito. "Ang sabi dito sa school niya sinundo mo siya kaninang 11PM. Where the hell did you f*****g bring her?!" galit niyang tanong rito. "No, hindi ko siya sinundo. Nasa Davao ako with my friends. It's impossible na masusundo ko siya. Ano bang nangyayari kay Freya?" Nanuyo ang labi ni Asmodeus ng madinig niya'ng wala sa Sitio si Joey. "If a Demon will kill a hunter it's possible. Maaring nalaman na ng nasa baba na nagkaroon na ng Part 7 ang Romeo and Juliet ng langit at impyerno." Naalala niya ang sinabi ni Azazel sa kaniya,binaba niya ang cellphone at hinanap ang numero ni Freya. Again, he's wishing that Freya would pick the phone up. After a couple of rings, the phone picked up. Tahimik ang kabilang linya, humugot ng malalim na hininga si Asmodeus, hinihiling na sana nasa bahay lang ito at natutulog. "What the hell Freya?! What took you long so long to answer the goddamn phone?!" tanong n'ya rito pero wala agad sumagot. Kinabahan si Asmodeus dahil ang alam niya kapag tumatawag siya ay awtomatikong bumubungad sa kaniya ang malambing na boses ng dalaga. "Where the hell are you?! Nasaan ka na ngayon?! Freya, come on speak!" Still he heard silence. Lumabas ang kaniyang pulang mata, he wanted to scream and throw fit right now. Hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya kung may mangyayaring masama kay Freya.  "Freya nasaan ka na nga kasi?! Speak!" utos niya sa akin. "She's okay with me, we are actually having fun, Asmodeus." He heard a familiar deep voice. His Teeth gritted, galit na galit na siya. Kilala na niya kung sino ang kausap niya and Freya is surely in danger because of it. Azazel and Lucas appeared, confirming that Freya is not in the campus. "Oh ano, 'di ka ata nakapagsalita agad, Asmodeus." Mapang-asar na giit ng boses sa kabila. "Berith..." Tumawa ang lalaki sa kabilang linya ng madinig niyang banggitin ng kapwa demonyo niya ang pangalan niya. Ang kausap niya ay ang demonyong mahilig pumatay. His name is Berith, he tempts men to do homicide. For short, his the father of all Psycopath killers in the whole wild world. Name it and it has been under his influence. "Yes it's me! akala ko 'di mo na maalala ang boses ko. Ilang daang taon ka rin kasi nakulong sa loob ng isang lumang locket. Akala ko nagka-amnesia ka na. Bakit ka 'di dumaan sa impyerno matapos mong makawala. Nakakatampo ka Asmodeus." Nagpeke pa si Berith ng tono sakaniyang boses. Hoping to pissed Asmodeus off at 'di nga siya nagkamali. It really did pissed him off. "What the hell did you do to Freya?! Why did you have her?!" singhal nito sa kausap niya pero tumawa lang ito na tila ba nakakatuwa ang ginawa niyang paglalaro. "Wala pa naman akong gagawin pero mamaya mayro'n na."Giit ni Berith kay Asmodeus, ang sunod na nadinig nito ay ang tili na mala - Banshee ni Freya. "Tulungan mo ako! Tulungan mo ako! Stinking Demon help me!" Tili ni Freya at saka ito napasigaw sa sakit. "Asmodeus!" Tili muli nito sa pangalan niya. "What the hell are you doing to her?! Berith, h'wag na huwag mong idadamay si Freya sa putanginang kademonyohan mo!" singhal ni Asmodeus sa kaniya.  "Parehas lang tayong demonyo, ulol. Asmodeus kung tutuusin nga ginagawan na kita ng pabor. Do you really want to die in this lifetime?" nakakalokong tanong ni Berith kay Asmodeus. Napasigaw muli si Freya sa paraang halos mapatid na ang litid nito. "s**t Freya! s**t! Anong nangyayari sa'yo?!" tanong n'ya sa akin. "Asmodeus, help!"Mahina ngunit dinig na dinig ni Asmodeus ang kagustuhan ni Freya na mailigtas siya nito. "Hayop ka, Berith! Hayop ka!" singhal ni Asmodeus at saka nito binato ang kaniyang cellphone. Naputol ang kabilang linya, napatingin siya sa dalawang kasama niya. "Let's save her." Giit niya. "Help me to save her. I can't loose her, I can't!" Nanghina na si Asmodeus at naiyak. He might be a demon but he is weak in terms of love. Mahal na mahal niya si Freya, he's loving the same girl for 1500 years and loosing her would kill him. If Freya will die without killing him then her soul would vanish forever. That's the consequence for not doing her mission as a assigned hunter. I rather die again, I rather disappear forever than you. Because living in this world without you is useless.  "We'll help you, okay?" Azazel assured at tumingin ito kay Lucas. "Sasabihin ko lang ang location niya then I'll be out." Giit ni Lucas which Asmodeus understands, Grim Reapers can't break their laws like Angels and Demons. "I can't help any more. I can't break the rules." Giit ni Lucas sa kanila. "It's okay. I just need to know here is she. I need to come there before she dies. She can't die. She can't." Asmodeus desperately said. "Then where are they?" Azazel asked him. "In the old Heraldine mall. The abandoned one." Giit nito at saka bilang nagteleport paalis sa kanila. Azazel and Asmodeus went to the place alone. Sa labas pa lang ay nadinig na nito ang mga sigaw ni Freya. Nagmadali s'yang tumakbo at sumunod naman si Azazel sa kaniya. When they got there, they saw Berith laughing, hinanap ng mga mata nila si Freya at nakita nila ito. She's almost covered in blood. "Please tama na!" pakiusap ni Freya. "Ano ka ba? Sa sampung pinakawalan ko. Dalawa lang ang tumama sa'yo, sa hita pa." giit nito at muling tumawa. "Berith!" malakas na sigaw ni Asmodeus. Napatingin na lang si Freya at mahinang napangiti. "Ang sabi ko sa'yo dadating siya bago ako mamatay."  She boasted despite of her injuries. Napaiyak na s'ya, she felt relieved when she saw him. "Nandito ka na pala..." Giit ni Berith at saka biglang lumutang ang pinakamalaki at matalas n'yang kutsilyo. It pointed towards Freya's heart. "Sakto ang pagdating mo ngayon. Makikita mo kung paano ko literal na dudurugin ang puso niya." Nakangiting tugon ni Berith. Nanlaki ang mga mata ni Asmodeus at Azazel. Berith used a protection so that Azazel won't be able to use his powers. He knows that Asmodeus would bring someone who could fully use his power since he is possessing a human body. "Freya!" sigaw ni Asmodeus, fear crept up in his heart. Napatingin si Freya kay Asmodeus. "f**k you, Berith!" Giit niya at saka siya tumakbo papalapit kay Freya. Pero napapapikit na lang si Freya, trying to accept her upcoming death. *** QUINN FREYA WESTWOOD HINDI ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko ng makita ko si Asmodeus malapit sa akin. Kahit duguan na ako at halos 'di na makagalaw, nagawa ko pang ngumiti. "Ang sabi ko sa'yo dadating siya bago ako mamatay." Mapang-asar kong giit sa lalaki sa harap ko. He smirked na tila ba alam niyang dadating si Asmodeus para sunduin ako. Hindi ko alam kung mauubos na ba ang dugo ko. O kung makakalakad pa ako matapos ng insidenteng ito. I just want this to end, I just want to see Asmodeus again and he did. He's here! He's here to save me, pero 'di ko alam kung aabot pa akong buhay. I have so many wounds and I have lost a lot of blood. Ginagawa akong Russian Roulette ng Psychopath na ito, I have sustained a lot of wounds. "Nandito ka na pala. Sakto ang pagdating mo ngayon. Makikita mo kung paano ko literal na dudurugin ang puso niya." Nakita ko ang biglaang confusion sa mga mata ni Asmodeus. He screamed my name as he ran towards me. Napatingin ako sa kaniyang tinitingan at nakita ko ang kutsilyo na papalapit sa akin. Napapikit na lang ako. I still want to tell him how important he is for me. Gusto ko pa s'yang makasama ng matagal. Siguro ito ang consequence ng kagustuhan kong makasama ang isang demonyo. Maybe God has decided for me to die. Hinintay kong tumama sa aking kutsilyo ngunit na imbes na sakit ang maramdaman ko dala ng kaniyang patalim ay hindi 'yon ang nangyari. May yumakap sa akin ng mahigpit, I heard someone groan from pain. "Asmodeus, f**k!" sigaw ng isang boses. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakayakap siya ng mahigpit sa akin.  "Ay ang tanga mo talaga. Kaya namatay ng anim na beses e." Nadinig kong saad ni Psyco guy. "Asmodeus..." bulong ko sa kaniyang pangalan. Humiwalay siya sa kaniyang yakap sa akin, "I'm sorry I came in a little late. Bakit mo pa kasi hinihintay. You should've go home without me." Sermon niya sa akin.  "Bakit mo ako niligtas?" I asked him. He forced a smile, kasabay ng pag ngiti niya ay ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang labi.  "Importante pa ba ang dahilan?" nauutal n'yang tanong sa akin. tumulo ang luha ko. Alam ko ang ginawa niya, sinalag niya ang patalim para sa akin. "Asmodeus!" singhal ko sa kaniya.  Muli lang niya ako niyakap ng mahigpit, wala akong pakialam kung matamaan niya ang mga sugat ko. Mas masakit ang nakikita ko ngayon kesa sa mga natamo kong sugat. "I'm sorry, If I didn't come into your life. You wouldn't have experience this shit..." bulong niya sa akin. "I always bring you into trouble don't I?" he asked me. Tuluyan na akong umiyak. Gusto ko s'yang yakapin pabalik.  Bakit pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin? Hindi siya pwedeng mawala sa akin.  "Asmodeus please... don't say that." I begged him. "Hold on! Hold on!" Giit ko nakita kong sinusuntok na nung kasama ni Asmodeus ang baliw na lalaking 'yon. They are using their extraordinary skills to fight against each other.  "I'm just doing Asmodeus a favor! Anong mali sa ginawa ko?!" singhal nung baliw na lalaki sa kaaway.  "Anong mali? You can't decide for Asmodeus, Berith!" "That girl will kill him! His force is not that strong anymore dahil sa paulit- ulit na pagtangkang pagpatay sa kaniya. He doesn't even have physical body and he needs to possess a human being just to to be seen! I'm doing this for him!" "That reason doesn't give you the right to do that!" The man told him as he gave him another punch on his face. "Mabubuhay nga si Asmodeus pero papatayin mo naman ang puso niya." He laughed like a psychotic s**t. "Demons aren't suppose to have a f*****g heart and fall in love over bullshits of Love that the old f*****g man created! We are suppose to oppose it and harm his beloved creations! And look what the Demon did. Look what you are still doing, Azazel. The both of you are f*****g nuisance of Demons like us. The both of you shouldn't be in the hierarchy of strong ones!" sigaw ni Psycho guy.  The guy with Asmodeus fired up, galit na galit na ito. He hit hit hard, paulit- ulit niyang pinagsusuntok si Psycho guy hanggang sa mawalan ito ng malay. "This is the f*****g reason why I'm up high in the hierarchy. I can beat you into shit." "Freya..." muli akong napatingin sa kaniya. His finger reached for my lips, he gave me a sweet kiss at muling tumingin sa akin. "Asmodeus you can't leave me. Hindi ka pwedeng mamatay." He chuckled. "Kailangan na kitang iwan, Freya. Wala akong ginawa kung 'di ang saktan ka... Pinapahirapan lang kita." Paliwanag niya sa akin. "Hindi mo ako pinapahirapan. You were never a jinx. You might be stinking demon but I want to be with you. You promised to bother me forever right?" I asked him. He smiled again at unti- unti na niyang pinikit ang mga mata niya. "Bubuhusan kita ng holy water kapag pumikit ka pa. Open your f*****g eyes!" utos ko sa kaniya. Mas dumami ang dugong lumabas mula sa kaniyang bunganga. "You can't die... You can't leave me... You can't do that because I love you. I love you..." bulong ko sa kaniya. This moment, alam ko na ang sagot sa mga tanong ko. Why do I have the desire to make him stay with me? Bakit hindi ko kayang mabuhay na wala ang panggugulo niya. Why does my heart flutters whenever I am with him? Why am I jealous of the girl she is in love with? Why can't I drown him in a pool of Holy Water just to send him back to Hell.  I know that this is sinful but maybe God would forgive me? I didn't fall in love with him because I have evil intentions. I fell in love with him because it is what my heart says so. Pakiramdam ko ang tagal kong nanghintay para sa kaniya. I just want to be happy with him. Maybe others would think that a demon deceived me so that he can have my first blood and make me a sinful human being, or that I fell in love with because he using Aleister's body but no... I love him because its what my heart tells me.  I love him. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Narinig mo ang sinabi ko? I love you. Huwag kang pumikit please. Don't leave me!"Pinilit n'yang ngumiti at saka siyang tumango. "Kailangan pa kitang maging boyfriend kasi umamin na ako." He forced to smile. "I'm sorry..." bulong niya sa akin at saka siya tuluyang napasandal sa aking leeg. "But I need to go..." giit niya sa akin. "No! No! H'wag kang pumikit! Asmodeus, h'wag kang pumikit! Huwag kang matutulog! Huwag mo akong iwanan." sigaw ko. Tinigilan ng lalaki ang pagsuntok kay Psycho guy at saka siya lumapit sa akin. Psycho is already beaten up, wala na itong malay- demonyo.  Lumapit ang lalaking 'yon sa akin, Asmodeus already fell into the ground bleeding. With a snap of this man in front of me, lumuwag ang pagkakatali sa akin. I can suddenly move freely. Lumebel siya kay Asmodeus at saka kinapa ang pulso nito. Kahit pilantod ako at natumba pa ako pagkatayo ko ay pinilit kong gumapang. Lumapit ako sa kanila, I kept on shaking Asmodeus' body. Napasigaw na ako ng sobrang lakas. "You're a f*****g stinking demon! You need to be alive!" Pinilit ko siyang gisingin pero 'di na siya nagising pa. The guy tried to feel his pulse. Tumingin sa akin ang lalaking 'yon, his face is very serious. He snapped his fingers at nakaramdam ako ng matinding hilo. I just fell into the ground, sinubukan kong abutin ang mukha ni Asmodeus but I am too weak. *** NAGISING ako dahil sa tunog ng plato sa aking tabi. I opened my eyes and the white ceiling welcomed me. I stared at it for a while, hanggang sa maalala ko ang huling nangyari.  I saw my Mom beside me, peeling an apple. She looked at me, tila ba na-excite siya ng makita niya akong gising. "You have waken up, Freya!" giit niya at saka n'ya ako niyakap. I groaned in pain dahil sa aking sugat but I ignored it. "Nabiktama ka nung gumagaling serial killer around our municipality. Mabuti na lang dumating si Aleister at niligtas ka--" Si Asmodeus. He took the stab for me. Nasaan na siya? Napahamak siya ng dahil sa akin. All I remember is that I fell asleep. I was trying to wake him up and I fell asleep. "Nasaan s'ya, Mom?"I asked her. Mom avoided my question and showed me her gentle smile. "Good thing nahuli na 'yung killer. Your Dad and Almira is working on the case, they want to file charges dahil sa nangyari sa inyong dalawa ni Aleister." Pagkwento niya sa akin pero 'di iyon ang mga detalye na nais kong madinig. I want to know what happened to Asmodeus. I want to know!  "Nasaan s'ya?!" I asked her again, this time there is a raise on the tone of my voice. "Dear, you still have wounds. Calm down." Pagpapatahan sa akin ni Mama.  "Mom tell me where he is?!" I asked her again. My hand shook in fear and nervousness. Wala akong pakialam sa nangyari sa akin. I just need to see him safe.  "I'll tell you, Freya, okay?Just calm down for a while, huh?" She asked me. Kumuha siya ng isang basong tubig at inabot 'yon sa akin. Hindi ko 'yon tinanggap, I looked at her waiting for an answer, silently praying that he's safe. Na sana 'di siya namatay. "Mom, nasaan siya?" I asked her again. "He's still in the ICU, he's not waking up. Ang sabi ng doctor na-comatose siya dahil sa fatal ang tama ng kutsilyo sa kaniya. He's still lucky to be alive. He barely made it." Giit sa akin ni Mama. Agad kong tinanggal ang kumot ko at pinilit kong tumayo ng kama. I tried to remove the dextrose from my hand. The fear of Asmodeus living alone crept up in my heart. Takot akong mawala siya sa akin. I just want to be with him forever at pakiramdam ko mababaliw ako kung mawawala siya. I feel like my I'm getting robbed of the chance to be happy. "Anak! Calm down! You still have injuries baka mapaano ka sa ginagawa mo!" But I'm desparate to see him. Hindi ako nagpapigil kay Mama, kahit natumba ako agad pagbangon ko dahil sa sugat ko sa hita ay ininda ko.  "Mom, I need to see him now! Mom!" umiiyak kong banggit sa kaniya. "Napahamak siya ng dahil sa akin, Mama..." I cried again. Mom hugged me tight, giving me a kiss on my forehead to calm me down.  "Wala kang kasalanan anak. Hindi mo ginustong mabiktima ng serial na 'yon. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa'yo at kay Aleister. He saved you, dear. Wala kang kasalanan." "That's the point! He saved me! He's in coma because of me. I don't deserve him any more!" iyak ko kay Mom. The door opened. "I already pa--" Natigil si Dad sa pagsasalita ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko. He kneeled right away, taking me away from Mom. Wiping my tears and hugging me tight. "Dad, I just told him that I love him... He can't leave me alone..." iyak ko sa kaniya. Pumasok ang isang nurse na babae, tumingin siya sa akin at mahinang ngumiti na tila ba nangungusap ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD