Chapter 15: Berith

3162 Words
Updated na po ang ATPD! Enjoy reading po and please vote and comments. QUINN FREYA WESTWOOD KANINA pa ako naghihintay kay Asmodeus, mahigit tatlong oras na akong nakatambay sa labas ng school ngunit 'di pa siya dumadating. It's past 11 too, dapat ay kanina pa ako nakauwi. Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang number niya. His phone rang for countless of times ngunit 'di pa rin niya sinasagot ito.  Stinking Demon, where are you? I'm still waiting for you. I typed and I sent it immediately for him. Umupo ako sa waiting at pinanood ang ilan pang estudyante na lumalabas at pumapasok ng campus. Naabutan ko na ang night shift na students, bumuntong hininga ako. Mom and Dad might be worrying for me. Umuwi na lang kaya ako mag-isa? No! I need to wait for him. I need to atleast see him again. I don't know why my heart seemed to be in pain kapag naiisip kong iniiwasan ako ni Asmodeus. Hindi ko alam kung bakit ako naiinggit sa babaeng minahal niya. I want to think that it's because even tho I know that he is a demon. I'm still looking towards Aleister's body, at baka kay Kuya Aleister ang nararamdaman kong feelings. "Freya, 'di ka pa uuwi? Hindi ba kanina pa tapos ang classes mo?" A random classmate tapped me. I don't know her name but classmate ko siya sa isang subject ko. "Hinihintay ko pa ang sundo ko." I told her. "Ah! Yung lalaking may itim na ecosport. Yung gwapo?" He asked me. I nodded. "Naks naman, ang swerte mo. Ang ganda mo na tapos ang pogi pa ng boyfriend mo!" Giit niya sa akin, natawa naman ako sa kaniyang sinabi.Sana nga boyfriend ko siya. What the hell am I saying? Damn, mapupunta ako sa impyerno dahil sa pinagsasabi ko e. "Anyways, mauna na ako Freya! Mag-ingat ka habang naghihintay!" she told me.  "Bye! See you tomorrow!" "Bye!" saad ko at saka ako muling naupo. Ang saya isipin sana totoo na lang na boyfriend ko siya. I guess it would be fun, we are doing stuffs that normal people shouldn't do. Napabuntong hininga ako. "Oh God, Asmodeus, you are bringing all this naughtiness and kinkiness out of me. Normal ba 'to? Damn, nawawala ang innocent and sweet image ko." Natawa na lang ako sa aking naisip at saka napabuntong hininga. "I really do miss you... please... dumating ka na. I just want to have you like before..." I breathed out. Beep Beep Napatingin ako ng makita kong may kulay pulang Toyota Innova ang papalapit sa direksyon ko. The car stopped in front of me, bumukas ang bintana nito at nakita ko si Kuya Joey. He smiled at me, "Freya!" He waved his hand. "Kuya Joey, anong ginagawa mo rito?" I asked him. He smiled again, "Aleister asked me to pick you up." Tugon niya sa akin. "Bakit daw kuya?" I asked him. He should've call or sent me a message if he wouldn't arrive. "He suddenly have attacks a while ago, and his Doctor told us to let him stay in the house. So tinawagan niya ako at sinabing sunduin na lang kita." Attacks? I mean, sinubukan bang lumabas ni Kuya Aleister sa katawan niya? It's impossible for him to have attacks since sakop na sakop niya ang katawan ni Kuya Aleis. Or maybe he did. "Is he okay?" I asked him. "Yes, he's resting right now. So tara na! Your parents might be looking for you." Giit niya sa akin. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng sasakyan. I sat on the passenger's seat, tumingin siya sa akin sa saglit at saka makahulugang ngumiti sa akin. He started the engine at nagbyahe na kaming dalawa. "Aleister changed a lot when he arrived here." Giit niya sa akin, napatingin ako sa kaniya. "It's nice to see him get healed little by little because of you." Sabi niya sa akin, mahina akong ngumiti sa kaniya. Tumingin ako sa daan at napansin kong lumiko kami papunta sa kabilang sitio. "Kuya Joey, mali ata ang nilikuan mo." Giit ko sa kaniya, he chuckled darkly. Nagsimulang magpalpitate ang aking puso. Fear crept up into my heart, naalala ko ang takot na naramdaman ko noong nalaman kong demonyo ang nasa loob ni Kuya Aleis. "Pero alam mo bang naiinis ako sa pagbabagong nangyayari sa kaniya?" He asked me. Lumiko kami sa isang malawak na lupain, I looked around at nakita kong ito ang lumang building na unti- unti ng pinapatumba. Ginawa ang building para maging mall but 'di pa ito natatapos ay inabandona ito. "Kuya Joey where are we going? Akala ko ba ay uuwi tayo?" I asked him. Sinubukan kong iangat ang lock ng sasakyan para mabuksan ito but it was locked automatically. "Freya, hindi ka ba matuto ha? Why can't you just accept that Heaven and Hell doesn't want to create a breed between a demon and a hunter?" tanong n'ya sa akin at biglaan s'yang nagpreno. "Kuya Joey! Ano bang pinagsasabi mo ha? Kuya pakawalan mo ako! I will call Mom and Dad!" banta ko sa kaniya. He chuckled again, this time nag-iba ang kaniyang boses. He turned his gaze on me.  "First of all Freya, I am not Joey." He said. Nagulat ako ng nag-iba ang kaniyang anyo. He turned into a different person. He looks like a young man, malaki ang kaniyang mga mata. He's handsome too. He licked his lips at saka mahinang tumawa."Parang ang OA naman ata ng reaksyon mo. Hindi naman ako mukhang masama. Ang squishy ko kaya..." Giit n'ya sa akin. Pinilit kong buksan ang lock ng sasakyan pero 'di ko mahatak ito upang mabuksan. "Si- sino ka?" Natatakot kong tanong sa kaniya. Halos 'di ko na nga naintindihan ang aking sinabi. He lift his hand at sinubukang abutin ang mukha ko, umatras ako pero napagtanto kong nasa sasakyan ako. My hand is shaking, kinakabahan ako. Ngumisi siya sa akin. "Mukha ba akong nakakatakot. As far as I remember my form is very cute yet deadly," he winked. Saglit pa s'yang tumingin sa salamin para tingnan ang kaniyang mukha. "Le- let me go. Wala kang makukuha sa akin. Just let me go!" Pakiusap ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya sa akin dahilan para mas matakot ako. His eyes might swallow me, pakiramdam ko ay isa s'yang nakakatakot na nilalang."Should I change my appearance? Damn, maybe this facade looks scary." "What do you need from me?!" He turned his gaze on me once again.  His lips lifted into a smirk. "Mamaya sasabihin ko sa'yo ang kailangan ko pero sa ngayon, matulog ka muna para naman mamaya mamatay kang blooming." He said at saka siya kumindat. "No! Set me free! Help me! Help me! Help m--" natigil ako ng makaramdam ako ng hilo. Wala sa loob akong napasandal sa kinauupuan ko. "You're still very pretty. You really know what to do just to find my brother huh?" He sneered. "Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" I asked him. Hinawi niya ang buhok ko. "Sleep for now, Freya. Sleep..." Giit niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at tuluyan na akong napapikit at nawalan ng malay. *** NAGISING ako ng makadinig ako ng ingay. Na tila ba may hinahasang kutsilyo sa harap ko, sinubukan kong igalaw ang aking kamay pero ngunit di ko ito maigalaw. Tila ba nakatali ang mga ito, kahit bigat na bigat ang talukap ng aking mga mata ay minulat ko ito. Tiningnan ko ang paligid at napansin kong nasa isang malawak na building ako. Amoy na amoy ko ang semento sa paligid. Tila ba matagal ng na-abandona ang lugar na ito. Oo nga pala, yung lalaking nagpalit ng anyo. Doon ko lang tuluyang napagtanto na nakatali ako sa isang upuan. Nakapulupot ang tali sa aking katawan. Ang higpit nito at ang sakit rin sa balat. Baka ito yung building sa pinasukan naming lupain kanina. Mas lalo kong inikot ang aking mga mata at nakita ko ang lalaking kasama ko kanina. Ang lalaking gumaya sa mukha ni Joey at biglang naging ibang tao. Nakaupo siya sa malapit sa harap ko at naghahasa siya ng mga kutsilyo. Nakasuot siya ng itim na sumbrero, shirt at pantalon. Maging ang rubber shoes n'ya ay itim rin. "Tulong! Tulong!" Gusto ko sanang isigaw ang dalawang salita na 'yan ngunit may nakapasak na tela sa aking bunganga. Natigil s'ya sa paghahasa niya at saka tumingin sa akin. "Gising ka na pala, Freya." Bati niya sa akin. He smiled at me dahilan upang mas matakot ako. Mukha s'yang isang serial killer, mas lalo akong nagpapalag. Hoping na mapigtas ang aking tali ngunit masyadong makapal ang mga ito "Pakawalan mo ako dito! Ano bang kailangan mo sa akin?!" gusto ko isigaw 'yan. He laughed at me. "May gusto ka bang sabihin , Freya?" tanong niya sa akin. Tumayo siya sa kinauupuan at kumuha ng isang kutsilyo. Nanginig ang luha ko, takot na takot na ako at 'di ko alam kung anong gagawin niya sa akin. Ngumisi muna siya sa akin at saka siya lumapit na tila ba pinapakinggan niya ang mga nalilikha kong tunog. "Hindi naman kita maintindihan e. Linawan mo nga ang sinasabi mo!" utos niya sa akin. Again I made noises, hoping that he'll get my message. Tumingin siya sa akin, "Tatanggalin ko na nga 'to. Hayaan na kitang magkaroon ng maraming last words bago kita patayin." Giit n'ya sa akin. Tinanggal niya ang nakapasak na tela sa aking bunganga. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad akong sumigaw. "Pakawalan mo ako! Hayop ka! Anong kailangan mo sa akin?!" sigaw ko sa kaniya. "Hayop ako?! Anong klaseng hayop? Sabi kasi nila mukha daw akong tarsier!" At ang kaniyang malalaking mata ay biglang naging kulay pula. Parehas ng mga mata ni Asmodeus kapag nilalabas niya ang pagiging demonyo niya. "Anong kailangan mo sa akin?! Wala kang makukuha sa akin. Please, let me go! Please..." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Muli s'yang tumawa. "Akala ko iba ka sa mga napatay ko na. Matatakutin ka rin pala.I thought 'di ka magiging boring patayin. Sana pala ay gumawa na lang ako ng bagong serial killer." Natatawa n'yang giit sa akin. Inangat niya ang kutsilyo at saka ito tinutok sa aking leeg. Parang lalabas sa aking dibdib ang puso ko. 'Diba dapat matapang ka?' tanong n'ya muli sa akin at saka niya diniinan ang tutok ng kutsilyo sa aking leeg. Naging dahilan 'yon upang bahagyang mahiwa ang kanang bahagi ng leeg ko. "Ano bang kailangan mo sa akin?!" nanginginig kong tanong sa kaniya. He chuckled again, "Ang kamatayan mo." Sagot n'ya sa akin, tinanggal niya ang kutsilyo sa leeg ko at saka dinilaan 'yon. I saw him lick the blood from the knife, napasigaw ako sa ginawa niya. Nakakadiri siya. He might look like an angel but he is a f*****g strange psycho!"Wala naman akong nagawang mali sa'yo," halos 'di ko na marinig ang boses ko ng sabihin ko ang mga salitang 'yon. I'm too scared. "You already know that there's a demon inside Aleister's body, right?" tanong niya sa akin at saka niya ngumisi. Hindi ako sumagot sa kaniya, Paano niya nalaman na may demonyo sa katawan ni Kuya Aleister.  "Sagot!" "I don't know!" I lied. Baka mamaya ay may kung ano siyang gawin kay Asmodeus. Baka mamaya ay gusto niyang patayin ito. I can't afford if that happened. Ayokong mawala s'ya sa akin. "Liar! Alam kong alam mo and instead of getting him off the young man's body. You decided to keep him which is very wrong..." Giit n'ya sa akin. "Wala nga akong alam! Please just let me go. I don't want to die yet!" sagot ko sa kaniya muli n'yang tinutok ang kutsilyo sa aking leeg. "Your death will end Asmodeus' suffering. So you must die..." giit niya at saka niya binaba ang kutsilyo sa dibdib ko. Sa direksyon kung nasaan ang aking puso. Ano ba ang kaniyang ibig sabihin? Why would my death end Asmodeus suffering? Pinapahirapan ko ba siya?  Ring... Ring... Ring.. My phone rang kaya naman kinuha nito ang attensyon niya. Nakalapag ang mga gamit ko malapit sa mga kutsilyong hinahanap niya. "May tawag ka..." Giit niya sa akin. Pumunta siya sa table at saka niya dinukot ang aking cellphone. Napangisi siya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag sa akin. "Stinking Demon... hanap ka na ata ni Asmodeus," Giit n'ya sa akin. "I told you, I don't know him!" Nabigla ako ng magteleport siya bigla sa harap ko marahas na hinila ang buhok ko. "Don't act like you're saving him where in fact, I'm saving him from you." Matigas n'yang giit sa akin. The phone kept on ringing kaya muli niyang tiningnan 'yon at saka sinagot. Pinindot niya ang loudspeaker ng phone. "What the hell Freya?! What took you long so long to answer the goddamn phone?!" singhal ni Asmodeus sa kabilang linya. Sisigaw sana ako but this man place his palm on my mouth shutting me off. "Where the hell are you?! Nasaan ka na ngayon?! Freya, come on speak!" Nanginig na ang luha ko at tumulo na ito. I want scream for help, gusto kong pumunta siya dito para iligtas ako. "Freya nasaan ka na nga kasi?! Speak!" utos niya sa akin. "She's okay with me, we are actually having fun, Asmodeus." The Man responded to him. Natahimik si Asmodeus ng madinig niya ang boses nito. "Ano daw, nasa'an daw siya?"A man on the line asked, someone must be with Asmodeus. "Asmodeus, I didn't find her around the campu---" "Berith..." "Yes it's me! akala ko 'di mo na maalala ang boses ko. Ilang daang taon ka rin kasi nakulong sa loob ng isang lumang locket. Akala ko nagka-amnesia ka na. Bakit ka 'di dumaan sa impyerno matapos mong makawala. Nakakatampo ka Asmodeus." Nagpeke pa siya ng tono ng kaniyang boses. "What the hell did you do to Freya?! Why did you have her?!" singhal nito sa kaniya. Natawa ang lalaking nasa harap ko.  "Wala pa naman akong gagawin pero mamaya mayro'n na." Sagot niya kay Asmodeus at saka siya tumawa. Binitawan ng lalaking ito ang aking bunganga at saka niya tinapat ang cellphone sa labi ko. "Tulungan mo ako! Tulungan mo ako! Stinking Demon help me!" sigaw ko habang umiiyak. The man grabbed his knife and stabbed me in my left arm. Napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko, bumaon ang knife sa aking laman at maraming dugo ang lumabas mula dito. "Asmodeus!" tili ko sa kaniyang pangalan. "What the hell are you doing to her?! Berith, h'wag na huwag mong idadamay si Freya sa putanginang kademonyohan mo!" singhal ni Asmodeus sa kaniya. "Parehas lang tayong demonyo, ulol. Asmodeus kung tutuusin nga ginagawan na kita ng pabor. Do you really want to die in this lifetime?" tanong n'ya kay Asmodeus habang tinu-twist ang knife sa braso ko. Wala akong nagawa kung 'di umiyak na lang sa sakit na nararamdaman. "s**t Freya! s**t! Anong nangyayari sa'yo?!" tanong n'ya sa akin. "Asmodeus, help!" wala na akong boses ng sabihin ko ang mga katagang 'yon. Pakiramdam ko ay namanhid na ang braso ko. I feel like it's going to get cut off any moment, I feel like my blood will be emptied because of it. "Hayop ka, Berith! Hayop ka!" singhal niya dito at biglang nawala ang linya ng telepono.  "Ay bakit naputol? Wala bang signal?" Giit niya at saka niya hinugot ang patalim sa aking braso. Muli akong napatili sa sakit na naramdaman ko at inangat niya ang phone na tila ba naghahanap siya ng signal. "Hindi ko pa nasabi kong nasaan tayo e. Paano niya tayo makikita e 'di naman siya makapag teleport?" tanong niya at saka siya lumebel sa akin. Punong- puno ng dugo ang braso ko, may ilang laman din ng braso ko ang nakita kong nasa dress ko. My arm is in dreadful condition. Inangat niya ang baba ko at saka niya ako pinatingin sa kaniya. "Hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo. Ako nga pala si Berith, I'm a demon who loves murder.  I tempt men to commit homicide, and to be quarrelsome, contentious, and blasphemous. For short, I'm a psychopath demon. I love knives and torture." Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. "Asmodeus will come and save me..." Giit ko sa kaniya, he smirked when I said that. "Sigurado naman ako na 'di ka niya maaubutang buhay." sagot n'ya sa akin at saka siya bumuntong hininga. "See those knives on the table. They are 50 of them, and I'll make sure that every single one of those blade will have a taste of your blood." Muli n'yang giit sa akin. He snapped his fingers and I saw the set of knives float in the air. "Huwag..." I begged. He smiled at me, "Huwag kang mag-alala, paisa- isa silang tatama sa katawan mo..." Giit niya sa akin. Isang kutsilyo ang nag standout sa kanilang lahat. Nanlaki na lang ang aking mga mata ng mapagtanto kong palapit na ang kutsilyo sa akin. *** THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "HINDI mo pa ba susunduin ang Juliet mo?" Azazel asked Asmodeus habang nasa loob sila bar sa kanilang brothel. May kaniya- kanya silang ginagawa, Azazel is waiting for his time while Lucas is scanning his Death book. Napatingin si Asmodeus sa kaniyang relos at nakita n'yang alas-onse na ng gabi. Agad niyang dinampot ang kaniyang cellphone at nakita ang mahigit 60 missed calls ni Freya sa kaniya. Binaba niya ang phone at walang gana na uminom ng Martini. "Umuwi na siguro siya mag-isa. Hindi naman siya tanga para hintayin ako." Giit ni Asmodeus.  "Woah, bakit feeling ko humugot ka? 'Yang bang sinabi mo e katumbas ng mga salitang, "Hindi naman s'ya tanga para umibig sa demonyo?" He naughtily teased him. Asmodeus rolled his eyes at him. "Akala ko pa naman nagiging angel ka na dahil nagbabago ka na. Himala ata na 'di ka nakikipag s*x nitong mga nakaraang buwan?" Lucas asked him. Natawa si Azazel sa kaniya, "it's because he is shagging her Juliet. He's having a good time tasting a f*****g minor." Natatawa nitong sagot sa kaniya, sinamaan siya ng tingin ni Asmodeus dahil doon. "But seriously, the kid might be waiting for you. She's still young and stubborn baka mamaya nakatulog na ang batang 'yon sa waiting shed." Pambawi ni Azazel sa kaniya. Natigil si Lucas sa pag scan ng kaniyang deathbook ng magliwanag nito. A cursive handwriting appeared before his sight. Napatingin ito kay Asmodeus, "Asmodeus..." tawag niya dito. "What?" inis na tanong ng binata sa kaniya. "Ano ang buong pangalan ng Juliet mo?' He asked me. He rolled his eyes, "In what f*****g lifetime?" he asked. "Bakit? Why do you need her name?" "Just f*****g tell me her name?!" "Quinn Freya Westwood." He simply responded. Nanlaki ang mga mata ni Lucas ng dahil sa narinig nito. Sinigurado niyang tama ang pagkaka-intindi niya sa sulat ni San Pedro sa Death book niya.  "f**k, bro, her name is now written in the death book."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD