CAPÍTULO 6

1731 Words
AT DAHIL NGA sa alitan nina Ma'am Nadia at Nate, lumisan ng mansiyon si Ma'am Nadia at isinumpa pa si Nate. Sinabi nitong hindi na ito babalik pa kahit kailan na hindi man lang ipinagsawalang-bahala ni Nate. Umalis si Ma'am Nadia na may galit at alam ni Rosallia na magtatagal iyon hanggat hindi nila pinapatawad ang isa't-isa. "Tulala ka na naman yata, Rosallia?" Natigilan si Rosallia sa malalim na pag-iisip nang biglang may tumabi sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang tingnan iyon dahil alam na niya kung sino. Sa amoy pa lang nito, kilalang-kilala na niya. Si Mean na naging kaibigan na niya maski ang dalawa. Kumibit-balikat lang siya at binigyan ng kaunting distansya ang isa't-isa bago humarap dito. "May iniisip lang ako. Nakita mo ba iyong mukha ni Sir. Nate kanina? Nakakatakot, no?" Tumago si Mean. "Sinabi mo pa. Oo nga't guwapo siya pero iyong ugali niya ay napakasama. Hindi bagay iyon sa kaniya... akala ko pa naman ay mabait siya pero hindi... parang nagmana pa yata siya kay Don Arturo," nakangusong sabi nito. "Baka inis lang talaga siya kanina. Si Ma'am Nadia naman kasi ang nagsimula. Kitang-kita ko naman sa mukha ni Sir. Nate na mabait siya at nagalit lang dahil sa mga sinabi ni Ma'am Nadia. Sino ba naman ang hindi maiinis doon? Sabihan ka ba namang walang alam sa paghawak ng ari-arian, hindi ka ba masasaktan?" seryosong lintaya niya rito. Malalim na bumuntong-hininga ang kaibigan. "Sana nga'y mabait siya katulad nina Ma'am Julietta at Sir. Nathan, sana ay namana ni Sir. Nate ang ugali sa mga magulang dahil kung hindi, na katulad ni Don Arturo, baka umalis na lang ako rito. Hindi ko ba alam kung bakit natin pinalampas iyong panggagahasa sa atin ni Don Arturo. Makukulong ba siya kapag sinabi natin? Pero patay na siya... sino ang ikukulong? Wala, hindi ba?" Iyong ginawa ni Don Arturo sa kaniya— sa kanila ay tinanggal na niya sa kaniyang isip. Bakit pa kailangang isipin iyon kung ang dala lang naman nito ay sakit? Masakit para sa kaniya dahil walang awa siyang pinagsamantalahan nito at hindi iyon katanggap-tanggap. Iniisip niya nga kung ano na ang nangyayari sa kaluluwa ng matanda. Nasusunog na ba ito sa nagbabagang apoy? Sana, kung hindi man nila masabi ang ginawa nito, mas maiging maparusahan na lang ito sa kabilang buhay. Kung paano pinaparusahan ang may mga kasalanan. Bumuga si Rosallia ng hangin mula sa bibig at humarap sa nakabukas na binata. Nasa kuwarto na silang apat at sa tantiya niya'y gabing-gabi na. Tulog na sina Janine at Annie at mula sa posisyon nila, rinig na rinig niya ang mga paghagok ng mga ito. Sino ba naman ang hindi hahagukin, e buong maghapon kung sila'y magtrabaho. "Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi na ako papasok sa trabahong ito. Akala ko ay magiging masaya ako kapag nakapasok ako pero hindi pala. Noon pa man, palagi akong sumisilip dito at pangarap kong makapasok at nang mangyari, imbis na maging masaya, rito unang nangyari ang hilakbot ng buhay ko. Pumasok din ako para hindi na magtrabaho ang Inay ko. Alam kong hirap na hirap na siya, noon pa man. Gustong-gusto kong magtrabaho pero ano namang trabaho? Hindi nga ako nakatapos ng high school at alam kong deserve ko ang ganitong klaseng trabaho. Proud akong ganito ako dahil pinalaki ako ni Inay at Itay nang maayos," maluha-luha niyang sabi nang biglang maalala ang mga magulang niya. Ang Inay niya'y alam niyang nagpapakahirap ngayon sa sakahan. Ang Itay naman niya'y nasa Maynila dahil nagtatrabaho ito bilang construction worker. Maliit lang ang kita ng mga magulang niya. Ang Itay niya ay lingguhan kung umuwi. "Hayaan mo, makakaraos din tayo." Tumayo si Mean at tinapik-tapik ang kaniyang balikat. "Sige na, matutulog na ako dahil malalim na ang gabi," anito pa. Tumango lang siya kaya umalis na ito. Ilang minuto pa siyang nagnilay-nilay hanggang sa napagdesisyunan na niyang matulog. Taimtim lang siyang tumayo at naglakad patungo sa binata at sinaraduhan iyon. Kapagkuwan ay nilakad na niya ang kama niya pero hindi pa man siya tuluyang nakakarating nang bigla siyang makaramdam ng pagka-uhaw. Sunod-sunod siyang napailing at tahimik na lumabas ng kuwarto nila dahil baka magising ang tatlong mahimbing na natutulog. Nang makalabas, naglakad na siya pababa upang makainom ng tubig. Tahimik lang niyang nilakad ang direksyon sa kusina at nang makarating, binuksan niya iyon at halos mapatid siya sa kaniyang nakita. Nakaupo si Sir. Nate habang may beer sa harap nito at may hawak itong cellphone. Nahihiya man, naglakad na siya papasok para uminom dahil uhaw na uhaw na siya. "Gabi na, ah," ani ng isang tinig— walang iba kundi ito— si Sir. Nate. Napalunok siya at humarap dito. Naka-angat na ang mukha nito sa kaniya at nagpapantastikuhang nakatingin sa direksyon niya. "A-Ano po kasi, i-inom lang po ako ng tubig," hiyang-hiya niyang saad dito. "Wala bang tubig sa kuwarto niyo?" malumanay nitong tanong. "W-Wala po, Sir. Nate," magalang niyang sagot. "I see." Umiling-iling ito. "What is your name?" tanong nito kapagkuwan. "Rosallia po." "Nice name, huh. Your name is so elegant and beautiful Mukhang naiistorbo kita, go, uminom ka na," nakangiting sabi nito. Animo'y nilamon si Rosallia ng inhibisyon dahil doon. Hindi niya mapigilan ang kiligin dahil sa inakto nito. Totoo ba itong nakikita niya? Ngumiti ang kaninang akala mo'y halimaw? Kilig na kilig tuloy siya lalo pa't ang lumanay ng boses nito. Mukhang magiging magaan ang pakikitungo niya rito. Mabuti na lang talaga at hindi ito katulad ni Don Arturo. Sana'y totoo ang ugali nito at hindi nagpapanggap lamang. Tila'y naparalisa siya nang biglang may humarang sa direksyon ni Sir. Nate. Padaskol siyang lumayo at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ito na nakatayo sa harap niya. Biglang nanuot ang napakatapang nitong pabango at isama pa ang beer na ininom nito. Kahit na malayo, amoy na amoy niya ang mala-chico nitong hininga. Ang bango kahit alak iyon... sumabay pa ang pabango nitong mukhang mamahalin at imported. "You are smiling, why?" biglang tanong nito. Kahit naman hindi siya nakatapos, intindi rin niya ang mga sinasabi nito. "W-Wala po ito, Sir. Nate." "Wala? Bakit naman wala? Ngingiti ba ang tao kung walang nagpapangiti? Tell me," malumanay pa ring bulalas nito. Sunod-sunod siyang napalunok at pakiramdam niya'y namumula na ang pisngi nito. Pakiramdam niya'y para lalo siyang nauhaw. Kaya imbes na sagutin ang tanong nito, naglakad na siya para uminom. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo, isang kamay ang humawak sa kaniyang braso at walang anu-ano'y hinapit siya. Kaagad na nanuot ang pabango ni Sir. Nate sa ilong niya dahil nakadikit ang mukha niya sa dibdib nito. Dahil sa gulat, napalayo siya rito. "B-Bakit niyo naman po iyon ginawa?" kunwari ay naiinis niyang tanong. "Wala lang," sagot nito saka pangiti-ngiting tumalikod. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito nang humarap ito sa kaniya. "Good night, Rosallia," anito saka muling tumalikod at tuluyan ng lumisan ng kusina. Napahawak si Rosallia sa kaniyang dibdib dahil sa kilig. Sa buong buhay niya, ngayon lang iyon nangyari at talagang kinilig siya sa hindi malamang dahilan. Iba rin pala ang Sir. Nate niya, madaling magpakilig. Natatawa na lang siyang umiling saka uminom na para makaakyat na't makatulog. KINABUKASAN, ABALA SI Rosallia ay pagwawallis nang garden nang biglang may tumawag sa kaniya sa hindi kalayuan. Nang balingan niya iyon, nakita niya si Manang Alice, ang kakarating lang na mayordoma ng mansiyon. Dahil sa kuryosidad, lumapit siya rito. "Ano po iyon, Manang Alice?" takang-tanong niya rito. "May tumatawag sa iyo at ikaw ang kailangan. Hulong at sagutin mo ito," sabi nito sabay abot ng telepono sa kaniya. Saka lamang niya napagtanto na may hawak itong telepono. Pero hindi na niya iyon binigyan pa ng atensyon. Kinuha niya ang telepono at mabilis na idinikit sa tainga upang kausapin kung sino man ang may kailangan sa kaniya. "Hello po," wika niya. "Ito ba si Rosallia Patrimonio?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. "Opo, ako nga po ito. Bakit po?" naguguluhan niyang tanong. "Nandito ang Inay mo at kakausapin ka. Ito, kausapin mo na siya..." "Anak?" "Inay? Ano pong nangyari?" medyo kinakabahan niyang tanong. "Anak..." Bigla na lang humagulhol ang Inay niya sa kabilang linya na ikinagulat niya. "Inay, b-bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari, huh?" tanong niya at unti-unti nang namamasa ang mga mata niya. "Anak, m-may masama akong balita sa iyo. Tumawag ang isa sa mga katrabaho ng Itay mo roon sa Maynila." Tumigil ito at lalo lang lumakas ang pag-iyak— ang paghagulhol. "Anak, ang Itay mo'y wala na..." Nang marinig iyon, halos pagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi na siya makaimik ng mga oras na iyon. Ibinigay na niya ang telepono kay Manang Alice at mahinang umiyak. Napahawak na rin siya sa kaniyang dibdib at unti-unti nang namamalasbis ang luha sa kaniyang mga mata. "A-Anong nangyari, Rosallia?" Naiangat niya ang kaniyang mukha at mula sa tabi ni Manang Alice, nakatayo roon ang kakarating lang na si Ma'am Juliett. Kita niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "M-Ma'am, ang Itay ko po k-kasi... p-patay na... raw po..." nanghihina at nahihirapan niyang sagot dito. "Oh, God." Nasapo nito ang bibig. "Sige, umuwi ka na muna sa inyo. Magpahatid ka na muna kay Manong Gabriel at bibigyan kita ng pera para sa panggastos niyo. Sige na, Rosallia, mag-impake ka na. Manang Alice, tawagan mo na si Manong Gabriel at ipahanda mo na sa kaniya ang sasakyan para maihatid si Rosallia," sabi nito. "Sige po, Ma'am Julietta." Tumango si Manang Alice at umalis na. "Maraming salamat po, Ma'am. Maraming-maraming salamat po." "It's okay, Rosallia. Maghanda ka at hintayin mo ako. Bibigyan kita ng pera para maging maayos ang burol ng Itay mo." Tumango lang siya kaya tumalikod na ito. Sandali siyang tumahan pero kalaunan ay napahagulhol na naman siya. Naiinis niyang pinunasan ang mukha saka pumasok na sa loob para maghanda sa pag-uwi niya. Habang naglalakad, nakita niya si Sir. Nate na pababa sa hagdan. Hindi niya iyon pinansin at nakatingin lang siya sa lapag habang masakit ang kalooban. "What happened, Rosallia?" tanong nito na may halong pag-aalala. Pero imbis na pansinin, nilagpasan niya ito at nagpatuloy papunta sa kaniyang kuwarto. ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD