MALAKI ANG VALLE Hacienda at hindi lang ito maiikot ng isang araw. Kaya nga't isa ito sa sikat na Hacienda rito sa Batangas. Hindi lang ito basta Hacienda. This place has a resort and only rich could afford it. You could afford it, unless you have a lot of money. Hindi kasi basta-basta ginawa ang resort. The things in there are luxury and his Lolo bought it in England.
Nakapasok na si Nate sakay ng kaniyang Bugatti sa Hacienda. Ilang oras ang byinahe niya para lang makapunta rito. He wouldn't come in here if his mother didn't beg him. It's an important matter, and he needs to be there. Ano kaya iyon? Kahapon pang gulong-gulo ang utak niya dahil doon.
Habang nagmamaneho sa malawak na kalsada patungo sa mansiyon ng Lolo Arturo niya, hindi mapigilan ni Nate ang mapangiti. Ilang buwan na rin pala ang nakalipas nang magtungo siya rito kaya ganoon na lang ang excitement sa dibdib niya. And rest in peace to his Lolo. Namatay na kasi ito dahil sa ataki raw sa puso. Ni hindi man lang siya nakapunta dahil abala siya sa pagtatrabaho nitong nakaraang mga araw. It was his father's fault.
Tanaw na ni Nate ang mansiyon malayo sa kaniya. Ilang minuto na lang ay mararating na niya iyon. The mansion is huge kaya kita na niya agad iyon. And after a minute, he stopped his car in front of the gate of the mansion. He took a deep sigh then went outside. Inayos na muna niya ang laylayan ng plain t-shirt niya saka inangat ang tingin sa mansiyon.
"Nice," he murmured then walked towards the gate that was already opened.
Nang makapasok sa loob, naglakad na naman siya. Nakakapagod iyon dahil ilang minuto pa bago niya marating ang loob ng mansiyon. May dadaanan pa siyang mahabang pathway. Nang makarating sa harap ng malaking pinto, without any hesitation, he opened it.
"Oh God, Nate. Mabuti at nandito ka na," biglang sabi ng Mommy niya na hindi niya alam kung saan ito nanggaling.
"You're here, Nate, how's my company?" his Daddy asked.
Kaagad na umarko ang kilay niya. "Dad, could you stop this? Pagod na pagod na ako sa pamamahala ng kumpanya mo," medyo may kainisan niyang sabi saka masamang tiningnan ang ama. 'Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa kaniyang Mommy. He gave her a kiss on her cheek. "How are you, Mom?" he asked then.
"Ayos lang naman ako, Nate. Let's go in the library. Your Lolo's Attorney was there," sabi ng Mommy niya saka hinawakan ang isa niyang braso at hinila paakyat sa hagdan.
His Lolo's Attorney? Wait, what does she mean?
"Ano po bang gagawin, Mom? I'm so curious," gulong-gulong sabi niya.
"Wait for it," ani ng Daddy niyang hindi niya nalamang nakasunod na pala.
He just rolled his eyes in annoyance and let her Mommy grab him. At ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na sila sa third floor ng mansiyon. They entered in a private library of the mansion wherein the important talks happen here. And in front of him, he saw many people sitting on the couch while facing each other. It was his other grandparents on his Lolo Arturo's side. And one man caught his attention, a man who was wearing a tuxedo ang glasses. Maybe it was his Lolo's attorney.
"Sit there, Nate," sabi ng Mommy niya kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo sa single couch. "Let's start, Attorney," dagdag pa ng Mommy niya at umupo na sa kaliwang gawi niya kasama ang mga grandparents niya. Tapos iyong Attorney naman ay nakaupo sa harap niya.
"W-What is happening?" nakakunot-noo niyang tanong sa lahat.
Lahat ng mga mata ay dumako sa kaniya. It looks like he's having a concert because he is the center of attention. Ano ba talaga ang nangyayari? Damn!
"Okay, let's start our talk," sabi ng Attorney. "Pag-usapan na natin ang mamanahin mo, Nate," dagdag pa nito na ikinaamang niya.
Mamanahin? Wait, he's a heir?
"GUWAPO KAYA IYONG magmamana ng ari-arian ni Don Arturo?"
Sabay-sabay silang napatingin; si Rosallia, Annie, at Janine nang biglang magtanong si Mean. Hindi alam ni Rosallia kung matatawa ba siya sa tinuran nito o ano. Kagabi pa ito, palagi nitong tinatanong kung guwapo ba ang magmamana ng ari-arian ni Don Arturo. Maski siya'y walang ideya roon dahil hindi pa naman niya nakikita ang lalaking iyon— si Nate.
"Gaga ka talaga, Mean. Kagabi ka pa, ah. Kung ang pagluluto ang inaatupag mo para mapabilis ang gawain natin hindi iyon puro kalandian iyang iniisip mo. E, ano naman kung guwapo iyon?" Si Annie.
Kaagad na umirap si Mean. "Curious lang nama ako, e. Ang ganda kasi ng pangalan. At for your information, hindi kalandian ito, no. Bahala na nga kayo," anito saka naiinis na tumalikod sa kanilang tatlo at nagpatuloy sa paghahalo.
"Ang daming puwedeng isipin, iyon pa, ha. Guwapo man iyon, hindi kayo noon magugustuhan dahil mahihirap lang kayo. At malay ba nating magdala iyon ng jowa niya rito," ani naman ni Janine habang nakangiwi— naggagayat kasi ito ng sibuyas.
Siya naman ay naggagayat ng bawang habang si Annie ay naggagayat ng baboy. Marami ang lulutuin nila dahil magsasalo-salo na naman ang mga Del Valle at mga feeling pinamahan. Ngayong araw na rin darating iyong anak ni Ma'am Janine na si Nate kaya nagpaluto na rin ito ng marami. Mabuti na lang talaga at hindi sa mga kapatid ni Don Arturo ibinigay ang ari-arian dahil kung oo, baka nagsasaka na siya ngayon. Iyan naman ang ginagawa niya noon pa man, nakikisaka siya sa mga magsasaka para may makain sila. Kaya nga medyo maitim siya, e dahil buong araw siyang nakababad sa araw noon.
Wala na siyang narinig pang alitan ng tatlo kaya nanahimik na ang kapaligiran nila. Mayamaya pa, bigla siyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaagad siyang tumayo at nagpaalam sa tatlo na magbabanyo muna siya na tinugunan naman kaagad ng mga ito. Mabilis siyang lumabas ng kusina at naglakad sa direksyon ng banyo. Nang makarating, umihi na siya agad. Nang matapos ay lumabas na siya para bumalik na sa kusina— para bumalik sa kaninang ginagawa.
Habang tahimik na naglalakad, napabaling siya sa may hagdanan at mula roon ay naglalakad pababa ang mag-asawang Del Valle— sina Sir. Nathan at Ma'am Juietta na kaisa-isang anak ni Don Arturo na nakatira sa mansiyon. At kasabay noon ay ang pagbukas ng malaking pinto. Animo'y nag-slowmo ang lahat nang makita niya kung sino ang pumasok. Isang matangkad at guwapong lalaki iyon. Pakiramdam ni Rosallia ay parang tumigil sa pag-inog ang mundo niya dahil sa lalaki iyon— pakiramdam niya'y nakalutang siya sa ere.
"Rosallia, nakatulala ka!"
Natigilan na siya nang biglang may tumusok ng kaniyang tagiliran dahilan para mapapitlag siya. Mula sa unahan niya, nakatayo roon si Mean habang nakakunot-noong nakatingin sa kaniya.
"H-Huh?" wala sa sariling tanong niya rito.
"Sabi ko, tulala ka. Bakit ba?"
"Ano kasi..." Binalingan niya ang lalaki pero nawala na ito. Nang igala niya ang kaniyang mga mata, nakita niya ito habang hawak-hawak ni Ma'am Julietta at umaakyat na sa hagdan. "Wala ito, Mean. Halika na nga sa kusina at magtrabaho na tayo," kunwari ay naiinis niyang sabi saka padaskol na tinalikuran ito.
ILANG ORAS PA ang nakalipas, natapos na sila at sakto namang dumating ang mga tao sa bahay. Nakahain na ang mga pagkain nila kaya naman tahimik lang silang apat na nakatayo sa tagiliran.
"Hindi ako makapaniwala kay Kuya Arturo na kay Nate niya ipinamana ang lahat ng ari-arian niya. Paano naman kaming mga kapatid niya?" Si Ma'am Madett— wala talagang ipinagbago.
"You're right, Madett. Nakakainis iyang si Kuya. Ipinamana pa talaga sa apo niyang alam naman nating hindi maalam mag-handle ng ganito," ani Ma'am Nadia.
"Excuse me, Auntie Nadia. I think you're wrong," anang isang boses.
Dahan-dahan niya iyong tiningnan at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaki kanina. Ito ba ang tinutukoy nilang si Nate? Kung gayon, talaga namang guwapo ito at ang lakas maka-artista.
"Prove it, Nate," may katarayang ani Ma'am Nadia.
Ngumisi ang lalaki— si Nate. "I handle my father's company for days and I must say, I have enough knowledge when it comes to this kind of thing. I could handle my Lolo's property, I could care this by my own hand and without any help of others," may pagmamayabang na sagot nito.
Sunod-sunod na umiling si Ma'am Nadia habang nakangisi. "For days? Are you out of your mind, Nate? Ilang araw mo lang h-in-andle ang kumpanya ni Nathan pero kung magyabang ka akala mo'y marami ka ng alam. For your information, I could handle his property at kaya kong alagaan iyon habang nabubuhay ako. Muwang ba namin na gagamitin mo ang mga pera niya sa masama. And the worst is, baka ibenta mo ang mga ari-arian niya," nakataas-kilay na lintaya nito kay Nate.
"Stop this, Auntie, Nadia. You're too much!" biglang sigaw ni Ma'am Julietta.
"I'm just telling the truth, Julietta. I deserve Kuya Arturo's property," sabi pa nito.
Nang balingan niya muli si Nate, nakita niyang nakangisi na ito. "You're too old to be liked that. Ganid ka, Auntie Nadia. Oh, I shouldn't call you Auntie. From now on, I won't call you Auntie. Kung gusto mong sa iyo na lang ang ari-arian ni Lolo Arturo, go, take it. Just stab it on your lungs!" nakatiim-pangang sabi nito saka pagalit na tumayo at walang awang tinabig ang mga gamit na nasa harap nito dahilan para mahulog— magkabasag-basag ang mga iyon. Bago ito umalis, masama itong tumingin kay Ma'am Nadia at akala mo'y isusumpa na nito ito. "f**k you, b***h!" animo'y nanggagalaiting wika nito at tuluyang nang umalis.
At dahil sa sinabi nito, halos lahat ng tao sa kusina ay hindi mapigilan ang magulat, maski siya, nagulat din dahil sa tinuran nito.
———