CAPÍTULO 7

1733 Words
TALAGA NGANG MABAIT si Ma'am Julietta sapagkat pinahatid pa sila nito kay Manong Gabriel patungo sa Maynila. Siya at ang Inay niya ang kasama niya ngayon. "Anak, hindi ko yata kakayaning makita ang Itay mong wala na," malungkot na ani ng Inay niya habang nakatagilid ang ulo sa kaniyang balikat. Kahit na ganoon pa man, dama niya ang sakit sa boses nito. Masakit para sa kanila ang mawala ang lalaking pinakamamahal nila. Maski siya'y hindi rin kayang makita ang Itay niyang wala ng buhay. Masakit na masakit ang mawalan ng amang minahal niya ng lubusan. "Inay, kayanin natin dahil alam ko pong pagsubok lang ito ng Panginoon sa atin. Tatagan po natin ang ating loob," positibo niyang ani rito. Hindi sumagot ito bagkus ay umalis ito sa pagkakahilig sa kaniya at humarap na ganoon pa rin ang mukha simula nang makaalis sila. "Anak, hindi ko alam kung kaya kong tatagan ang aking sarili. Itay mo ang nawala at kahinaan ko iyon. Kung ikaw ay kaya mong tatagan ang sarili mo, iba ako, Rosallia," mahinahong sabi nito saka unti-unti nang namalisbis ang luha sa mga mata nito. "Ang sakit-sakit sa akin, anak," anito pa saka bumaling sa labas ng binata. Napabuga na lang ng hangin si Rosallia sa bibig at marahang minasahe ang balikat ng kaniyang Inay. Hindi na niya namalayan ang oras. Naramdaman na lang niyang tumigil ang kotse sa harap ng isang hospital. "Nandito na tayo, Rosallia," ani Manong Gabriel habang nakatingin sa unahang salamin. Tumango lang siya at lumabas na. Sumunod naman ang kaniyang Inay. Hindi pa man sila tuluyang nakakahakbang nang may lumapit na sa kanilang ilang kalalakihang halatang nagtatrabaho bilang construction worker dahil sa mga suot at ayos ng mga ito. "Ikaw ba ang asawa ni Roel?" tanong ng isang may edad ng lalaki sa Inay niya. Tumango ang Inay niya. "O-Opo... ako nga po." "Mabuti't nandito ka na, Rosa. Ako nga pala si Joel, iyong tumawag sa iyo kanina," saad ng lalaking nagpakilalang Joel. "A-Ang asawa ko po, n-nasaan na siya?" Unti-unti nang namasa ang mga mata ng kaniyang Inay. "Nasaan na si Roel? Gusto ko siyang makita." Kapagkuwan ay humagulhol na ito kaya mabilis niyang inalalayan ito. "Halika kayong dalawa. Sasamahan ko kayo sa morgue," anang Kuya Joel saka nanguna na sinundan naman nilang dalawa. Ang ilang mga kasamahana ni Kuya Joel ay nagpaiwan na dahil bawal ang marami sa morgue. Ilang minuto silang naglakad habang akay-akay niya ang Inay niyang hindi pa tumitigil sa pag-iyak. Nang tumigil si Kuya Joel sa may isang pinto, binuksan nito iyon at sakto namang may lumabas na isang doktor base sa suot nito. "Doc, sila po iyong pamilya ng lalaking pinasok lang dito kanina." Si Kuya Joel. "Sige, pumasok na kayo," tatango-tangong ani doktor at imbis na lumabas, pumasok ito na sinundan naman nilang tatlo. Hindi pa man sila tuluyang nakakalayo sa pinto nang biglang kumawala ang Inay niya at tumakbo sa isang taong natatakluban ng kulay puting kumot. Unti-unti nang tumulo ang luha ni Rosallia dahil alam niyang ang Itay niya iyon. At hindi nga siya nagkamali, nang iangat ng Inay niya ang kumot at bahagyang ibinaba iyon... doon ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki— ang Itay niya. "Diyos ko, Roel. Bakit mo naman kami iniwan kaagad, huh? Roel naman, gumising ka nga riyan, Roel!" hagulhol nang saad ng kaniyang Inay habang inuuga ang wala ng buhay niyang Itay— ng asawa nito. Sobrang sakit, natuod si Rosallia sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi niya kayang lapitan at hawakan ang wala ng buhay niyang Itay. Ang bata pa nito para mamatay— ang bait nito para mamatay. Hindi niya kaya. Baka hindi niya kayanin iyon katulad na lang ng sinabi ng Inay niya kanina. Maski siya'y hindi niya kaya— hindi niya kayang tatagan ang dibdib niya. Sa buong buhay niya, palaging nandiyan ang Itay niya na palaging gumagabay sa kaniya. Hindi niya matanggap na wala na ito... hinding-hindi niya matanggap. Iyak lang siya nang iyak ng mga oras na iyon nang biglang tumabi sa kaniya ang doktor. "I'm so sorry. Ginawa na namin ang lahat pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya. Maraming dugo ang nawala sa katawan niya kaya ayon ang naging dahilan kaya siya namatay. Maaari pa siyang maisalba kung may dugo pero wala. Alam naming mahirap ang mawalan at maski kami ay nasasaktan din dahil kami ang nakakasaksi ng pagkamatay ng mga pasyente namin. Condolence, hija. Huwag kayong paghinaan ng loob at tatagan niyo lang ang inyong loob. Sige na, mauuna na ako at aayusin ko pa ang bills ng papa mo." Tumango lang siya bilang tugon dito kaya umalis na ito. Pero iyong sinabi nito, kaagad na tumatak sa kaniyang utak na akala mo'y kidlat. Namatay ang Itay niya sapagkat naubusan ito ng dugo. Bakit ito naubusan ng dugo? Ano bang nangyari rito? Dahil sa tindi ng kuryosidad, binalingan niya si Kuya Joel na prenteng nakatayo malapit sa pintuan. Bumuntong-hininga siya at lumapit dito. Bago nagsalita, pinunasan niya muna ang luha sa kaniyang pisngi gamit ang kaniyang palad. "Kuya Joel, may tanong lang po ako," aniya rito. "Ano iyon, hija?" nagtatakang tanong nito. "Ano pong nangyari kay Itay? B-Bakit po siya naubusan ng dugo?" Bago siya nito sinagot, malalim itong bumuntong-hininga. "Nagtatrabaho kami ng mga oras na iyon. Nasa baba siya dahil naghahakot siya ng buhangin. Pero hindi talaga namin napansing may nakausling bakal at handa nang malaglag. At saktong natumba ang Itay mo, ay ang pagbulusok ng bakal mula sa taas at natusok ng bakal ang dibdib ng Itay mo. Marami ng dugo ang nawala sa katawan niya kaya sinugod na namin siya kaagad. Halos kalahating-oras yata ang lumipas nang lumabas ang doktor sa operating room at sinabi nitong wala na raw ang Itay mo dahil naubusan na ito ng dugo. Kung makikita mo lang ang hitsura namin kanina... duguan kami pero naligo na kami. Iyong pangyayaring iyon ay nasaksihan naming lahat at walang may kasalanan, hija. Sana'y huwag kang magalit sa amin dahil katrabaho lang kami ni Roel. Nga pala, handang bayaran ng aming foreman ang mga nagastos at bayarin dito kaya hindi niyo na iyon kailangan pang alalahanin. Nawa'y nasa tahimik na ang Itay mo, hija. Nakikiramay ako... kami ng mga katrabaho niya," mahabang lintaya nito na tinaguan lang niya ng ilang beses. Nagpasalamat na siya rito saka nilapitan ang Inay niyang hagulhol nang hagulhol habang hawak-hawak ang mukha ng wala ng buhay niyang Itay. Nanginginig siya habang papalapit dahil ngayon lang nangyari ito... ang lumapit siya sa patay. At doon naman kay Don Arturo, iba iyon... hindi niya pa alam na patay ito kaya hindi man lang siya natakot o nanginig. "Inay..." malumanay niyang saad saka tinabihan ang Inay niya. "Tatagan niyo po ang loob niyo. Alam kong mahirap itong tanggapin pero sana po'y dumating ang araw na maging maayos na po kayo..." dagdag niya pa. Wala siyang narinig na tugon sa Inay niya bagkus ay lalo pa itong humagulhol. Marami pa ang nangyari, hanggang sa sumapit na ang hapon. Pinauwi na siya ng Inay niya sa Batangas para ayusin ang bahay nila dahil dadalhin na raw doon ang bangkay ng Itay niya. Hindi na siya umarte pa at kaagad na sinunod ito. Pero bago umalis, ibinigay na niya muna ang perang ibinigay sa kaniya ni Ma'am Julietta, malaki-laki rin iyon. Habang tahimik na naglalakad sa hallway palabas ng hospital, isang pamilyar na lalaki ang kaniyang nakita. Hindi siya maaaring magkamali dahil si Nate ito. Oo, siya nga. Medyo malayo pa siya kaya tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam kung sino ang nag-udyok sa kaniyang lapitan ito. Papansin naman ba kaya siya nito? "Sir. Nate," nakangiti niyang sabi. "Rosallia." Malapad na ngiti ang sumilay sa mukha nito. "Mabuti na lang at nakita kita. Kanina pa kitang hinahanap pero hindi naman kita nakita." Nangunot ang noo niya. Ibig ba nitong sabihin ay siya ang pinunta nito? O nagkataon lang na pupunta talaga ito? Bahala na. "B-bakit po, Sir. Nate?" nagtataka niyang tanong. "Gusto ko lang malaman kung maayos ka na ba. Kaninang umaga, you just ignored me kaya sinundan kita rito. So, kumusta ka na? Ayos ka na ba?" halatang nag-aalalang tanong nito. Sinundan siya ng lalaking ito? Animo'y may ilang milyong nagliparang mga paru-paro sa kaniyang tiyan dahil doon. Nalimutan na rin niyang dapat ay nagluluksa siya ngayon. Pero totoo ba ang sinabi nito? Siya talaga ang sinadya nito rito? "Naku, hindi niyo po dapat ginawa iyon. Hindi ko lang po kayo pinansin kanina dahil masakit lang po ang kalooban ko. Medyo maayos na naman po ako at alam kong lilipas din po ito. Mahirap po kasi para sa isang katulad kong mawalan ng mahal, e," nakangiti niyang wika rito pero kabaligtaran iyon. Ayaw niyang ipakitang malungkot siya. "It's fine, Rosallia. Hindi ako natahimik kaya sinundan kita. Condolence to your family. Nga pala, nabayaran niyo na ba iyong bills ng papa mo? Tell me, I will pay it." "Hindi na po, Sir. Nate dahil nagbigay na po sa akin si Ma'am Julietta." "You sure? Hindi mo na kailangan ng pera?" "Hindi na po. Sige po, uuna na po ako dahil aayusin ko pa po ang bahay namin." Bahagya siyang tumungo rito at tumalikod na matapos ang ilang segundo. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang nang biglang magsalita si Nate. "Sumabay ka na sa akin, Rosallia," sabi nito. Unti-unti siyang humarap dito at parang anumang oras ay lalamunin siya ng kadiliman dahil sa hitsura nito. Napakaguwapo ni Nate kapag nakangiti at hindi niya mapigilan ang mahawa rito. Halos makalimutan na niya ang problema niya. "P-Po?" animo'y wala sa sarili niyang tanong dito. "Sumabay ka na sa akin dahil uuwi na rin ako at dala ko ang kotse ko." At walang pag-aalinlangan siyang tumango kahit na nahihiya rito. Habang tahimik silang naglalakad palabas ng hospital, biglang tumunog ang tiyan niya dahilan para mapahawak siya roon. Natandaan niyang hindi pala siya kumain ng tanghalian kaya marahil ay nag-aalburuto ang tiyan niya. "Hindi ka ba kumain?" mayamaya pa'y tanong ni Nate. Nag-angat siya ng mukha rito. "H-hindi pa po, e," nakangiwi niyang sagot. "Okay," sabi nito saka biglang hinawakan ang isa niyang kamay na ikinagulat niya. "Kakain tayo," dagdag pa nito at walang pag-aalinlangang hinila siya patungo kung saan na hinayaan na lang niya. ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD