Lumabas agad siya sa office ng papa niya at tinawag ito.
"No papa hindi mo kakausapin Tito Brixton dahil hindi ako papayag."sigaw niya dito nakinahinto ng ama niya.
"Kahit sino sa kanila hindi ako papayag na makasal sa kanila,napakabata ko pa papa lahat naman ng gusto niyo sinusunod ko, pero itong sinabi niyong mag papakasal ako sa kahit sino sa tatlo! para niyo na rin akong bininta papa" matapang na sabi niya at tumalikod na dito dumeretso siya sa kanyang kwarto at doon umiyak.
Alas 6 ng Gabi na nang dumating ang dalawa nag tataka man siya dahil hindi nag paramdam sa kanya si Brylle ay pinag walang bahala niya na lang ito, baka sobrang busy nito kaya di siya nito na replyan.
"May problema kaba?Kanina ka pa wala sa sarili mo. " tanong sa kanya ni belle kaya napatingin siya dito.
Ngumiti ako sabay iling "Wala may iniisip lang ako.Di ko kasi nakita buong araw si Bry di rin siya nag rereply sa mga text ko kaya nag aalala ako sa kanya hindi naman kasi siya ganito sa akin."kwento pa niya.
"Baka naman busy lang siya kaya di siya nag pakita at nakapag reply sa mga text mo. Tawagan mo kaya ngayon baka sagutin niya at hindi na siya busy." komento ni shiela sa kanya.
"Anu ka ba shie kung talagang busy man siya hindi pwedeng hindi mag te text yon hanggang ngayon,at kahit text di niya magawa kay rich impossible yon noh. pero oo nga rich try mong tawagan ngayon if sasagutin niya tawag mo."sabat naman ni belle
Kinuha niya Ng cellphone niya at sinubukang tawagan ang binata ilang sanglit pa ay nag ring na ito pero walang may sumasagot. Tumingin siya sa dalawa at umiling ng binaba niya ang cellphone.
"Baka busy talaga siya at nakaka istorbo ako kaya di niya na nasagot pa" kumbinsi pa niya sa sarili niya para di siya masaktan sa isiping di na siya na alala ng binata.
________________
Dalawang araw na ang lumipas mula ng di nag pakita si Bry sa kanya. Pag tinanung niya ang mga kaibigan nito lagi lang sinasabi na busy ang binata kaya naisip niya napuntahan ito ngayon sa bahay nila.
"Good afternoon po nanay Linda andiyan po ba si brylle?" nakangiting tanung niya sa katulong.
"O Richelle ikaw pala! nasa pool si Bry naliligo puntahan mo na lang siya doon" sagot naman nito sa kanya
"Thank you po nay Linda " Tinungo niya na ang pool area at nakita niyang paahun na si brylle doon.Nagulat pa ito ng makita siya. kasabay nag pagdilim ng mukha nito.
"What are you doing here?" Tanung agad nito sa kanya nasaktan siya inasal nito hindi niya alam kung bakit naging ganito ang inaasal nito sa kanya. Wala naman siyang maalala na may ginawa siya o sinabi na nakakasakit dito.
"Hindi ka kasi sumasagot sa mga text ko at tawag.Hindi ka din nag papakita sa akin kaya nag aalala ako at naisipan puntahan ka." sagot niya dito nakita pa niya ang pag lambot Ng mukha nito pero saglit lamang yon at bumalik din sa blangkong expression.
"May problema ba tayo bry? may nagawa ba ako o nasabi sayo para di mo sagutin ang tawag ko at mga text ko" tanung niya dito.
"Wala busy lang ako."sagot naman nito at nag lakad na papasuk Ng bahay.
Sinundan niya ito
"kaya ba kahit isang text ay di mo magawang mag reply sa akin" di na niya napigilan pa ang sarili tumulo na ang luha niya sa hinanakit dito
"di naman ako tanga Bry para di maramdaman na iniiwasan mo ako" my hinanakit na saad niya dito. Tumigil ito sa pag hakbang paakyat ng hagdan.
"Hindi kita iniiwasan sadyang naging busy lang ako nitong nakaraang araw" kalmado nang saad nito sa kanya
"Talaga ba Bry di mo ako iniiwasan?eh anu tong ginagawa mo ngayon?"nasa loob na sila ng kwarto nito.
" Akala mo di ko nahahalata na pag nag tanong ako sa mga kaibigan mo ay di ko nahahalata na titingin muna sila sa kung san ka naka tago.Pero di ako nag papahalata at kunwaring umaalis pero pag lingon ko nakikita na kita na andun ka, kaya ipaliwanag mo sa akin kung hindi pa ba pag iiwas ang ginawa mo sa akin." Umiiyak ba siya habang sinasabi ito sa binata.gusto niya ilabas lahat ng hinanakit niya dito. Gusto lang naman niya sabihin dito ang problema niya. Ang gusto mangyari ng papa niya.pero wala ito siguro dahil nasanay na siya na laging kino-comfort nito.
"Chell..." sambit lang nito
"Gusto ko lang naman makausap ka at may malabasan ng sama ng loob ko.Siguro nga masyado na akong nakasandal sayo at nasanay na lagi kang anjan sa akin.Siguro nga nakakasagabal na ako minsan sa free time mo.pero Anu magagawa ko naniwala kasi ako sa sinabi mo na ako yong uunahin mo" Hindi ito umimik sa sinabi niya
"Ang tanga kasi nito eh!" Aniya sabay turo ng banda sa puso niya."Ang tanga tanga nito kasi ilang beses ko mang sabihin na wag na akong umasa sayo pero umaasa parin ito.umaasa parin ito na mahalin mo din ito na mahalin mo din Ng higit pa sa isang kaibigan mo.sinanay mo kasi ako."Hindi kona napigilan pa ang emosyon ko kaya nasabi ko na ang nararamdaman ko para dito.
"Ri- Richelle.."nagugulohan sabi nito
"Yes Bry mahal kita ng higit pa sa isang kaibagan o kapatid.Kahit anung pigil ko at bawal dito at ilang beses ko man sabihin na tama na, wag kanang mahalin ay di ko magawa. Wala eh mahal kita kahit nasasaktan ako, dahil nakikita kong masaya ka sa iba, na kahit gusto ko na sana ako dapat yon." umiiyak pa rin sabi niya dito.
"Mahal kita Bry , mahal na mahal sorry kung minahal kita" pagkasabi non ay lumabas na siya ng kwarto nito.
"O Chel nag usap na ba kayo ni Bry? bakit ka umiiyak? takang tanong ni nanay Linda sa kanya
"upo nag usap na po kami, Sige nay Linda mauna na po ako"ngumiti siya dito
"Abay saglit lang bakit ka ba umiiyak?"
"Wala po nay, napuwing lang po ako sige po Mauna na po ako,maraming salamat po.