" Chel " Napalingon siya sa tumawag sa kanya.
" Nakita mo ba si bry? my usapan kasi kami pero kanina ko pa siya nakikita" tanong sa kanya ni Joyce Isang linggo na mula nung mag outing na sila.
" Ha? Hindi eh ," sagot niya dito dahil yun naman ang totoo
" Ganun ba, sige tawagan ko na lang ulit siya baka my ginagawa pa siya. " ngumiti lang siya dito
" Sige Joyce mauuna ako may gagawin pa kasi ako eh " kunwari Sabi niya dito,dahil ang totoo ayaw niya sa presensiya nito,
Dumeretso agad siya sa loob Ng clasroom nila.
" Rich may gagawin ka ba ngayon? " tanung ni shiela nakakapasuk lang din kagaya niya.
" Wala bakit? " sagot niya dito.
" Good sumama ka sa amin ni belle mag movie marathon tayo mamaya sa bahay pwede din sa inyo "
" Sige sa bahay na lang tayo sa bahay na din kaya kayo matulog ni belle."suggestions niya dito
" Wow ! Magandang idea yang naisip mo,Sige pag pajamas party na lang tayo sa inyo." pumapalakpak pang sabi nito na parang bata.
" hmm, oo nga maganda mag pajamas party tayo sa bahay para maka pag bonding na din, graduation na natin sa Friday at hindi na tayo makapag bonding, magiging busy na rin tayo sa isa't isa," Sabi pa niya rito
"Oo nga nasabi mo na ba kay tito Robert sa plano mong pag kuha ng interior design? " Tanong ni shiela sa kanya kaya nag angat siya ng tingin dito, ang totoo nasabi niya na sa papa niya ang tungkol sa pangarap niya pero di siya pinayagan nito,matutulad lang daw siya sa mama niya.
"Hindi siya pumayag na mag aral ako ng gusto kong course eh" nakangiting sabi niya rito pero alam niyang di umabot yun sa mata niya,
"Anu plano mo ngayon?"
"Mag enroll sa business ad " kibitbalikat niyang sabi dito.
"Magiging masaya kaba dyan sa desisyon mong kunin? pwede mo naman kasi kontrahin si tito Rich pero sunod sunoran ka sa lahat ng gusto niya." may pag alalang sambit nito sa kanya.
"okay lang ako shie ayaw ko kontrahin si papa, dahil alam kong para sa akin din naman lahat ng ginagawa niya, nakikita ko naman kong ganu ako kamahal ni papa at lahat binibigay niya sa akin."
"basta kung kailangan mo ng karamay at may mapag sabihan ng problema andito lang ako at si belle na handang makinig sa lahat Ng drama ng buhay mo" napangiti siya sa tinuran nito, masarap talaga Ang magkaroon ng totoong kaibigan.
"salamat shie ha, salamat sa inyo ni belle na anjan lagi at nahingian ko Ng karamay at lakas ng loob " wika niya rito.
" Ahh " Sabi nito sabay yakap sa kanya.
Uwian na pero hindi pa rin niya mahagilap SI brylle, kahit anino nito hindi niya nakita. inikot niya ang mata sa campus ng school nila nag babasakaling andun na ang binata nag aantay sa kanya pero wala siyang nakita. nag antay pa siya ng ilang saglit pero 30 minutes na wala pa din ito. tinatawagan niya rin ito pero di naman nasagot sa tawag niya.
Mauuna na ako Bry, baka busy ka pasensya na, nag pasundo na ako kay kuya lando" Sabi niya sa text at Senend na sa binata.Alam niyang pag nabasa ni Bry ang text niya tatawagan agad siya nito dahil bakas sa text niya ang pagtatampo.
"Kainis siya hindi man lang siya nag text o tumawag na busy siya,di sana hindi na ako nag antay sa kanya" bulong niya sa sarili habang nag lalakad palabas Ng campus nila para mag abang Ng taxi.
nagulat pa siya Ng my huminto na kotse sa harap niya.
"Rich pa uwi kana ba?" tanung ni bobby sa kanya binaba nito bintana kotse tumango naman siya dito.
"asan si Bry? di kayo mag kasabay na umuwi?"
"Hindi eh busy pa kasi ata siya kaya mauuna na akong umuwi sa kanya"
"ganun ba, sakay kana hatid na kita sa inyo." Aya nito sa kanya
"wag na bob, mag taxi na lang ako Saka Ang layo Ng bahay namin sa inyo mapapalayo ka pa." tangi niya rito
"okay lang pupunta din kasi ako ngayon Kila tita mercy kaya madadaan ko ang bahay niyo."
"ganun ba sige salamat bob ha" wika niya at sumakay na sa kotse nito
tahimik lang sila dalawa ni bobby, habang nasa byahe nakatingin lang siya sa labas at maya maya't sulyap niya sa phone niya hindi man lang nag reply sa kanya si Bry naiinis na siya dito.hindi naman kasi ganito si Bry sa kanya. first time nangyari na pinahintay siya nito.
"ahmmm andito na tayo rich" nagulat pa siya ng tumikhim si bobby,ngayon lang niya napansin na nasa labas na pala sila gate ng bahay nila.
" sorry, may iniisip kasi ako anyway salamat sa pag hatid" nakangiting sabi niya rito at bumaba na.
"Wala yun rich kung pwede nga lang na araw araw kitang ihatid gagawin ko" biro pa nito sa kanya. ngumiti lang siya dito
"oh panu alis nako" paalam na nito sa kanya nag wave pa siya dito habang paalis na ito.
Pag pasuk niya sa bahay nila nagulat pa siya na nandun na ang papa niya,himala atang napa aga ang uwi nito. Gabi na kasi lagi ito kung umuwi
" Hi pa! " Sabi niya dito sabay halik sa pisnge nito " napa aga po ata ang uwi niyo?" tanung niya dito.
"I want to tell you something, follow me to my office" seryosong saad nito sa kanya.kahit kinakabahan ay sumunod pa rin siya sa papa niya ngayon niya lang Nakita na ganito ka seryoso Ang papa niya.kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto,Nakita agad niya ang papa niya na nasa laptop ang atensiyon nito.
" pa " tawag niya dito
" Sit down " turo nito sa upuan, umupo naman agad siya
"tungkol saan po ang sasabihin niyo? kinakabahang tanong niya rito
"Alam ko na maintindihan mo naman kung bakit ko ginawa to anak,ginawa ko ang lahat ng ito para sayo" umpisa nito na kinakunot ng noo niya dahil hindi Niya alam kung anu ba ang nais nitong sabihin sa kanya
"Anu po ang ibig niyong sabihin papa" nagugulohang tanong niya
"you have to marry Dexter, your tito mark's son, you know Dexter, right?" Sabi nito sa kanya.
"Pa bata pa po ako para magpa kasal" gulat pa niya sa sinabi nito.
"after your graduation I announced to everyone about your marriage to Dexter Dela Cruz and that was final. maintindihan mo din ako kung bakit ko to ginawa pero sana anak sumunod ka na lang." ma authoridad niyang sabi
"pero pa napakabata ko pa para mag pakasal "di na niya maitago ang pa ang inis dito.
"After ng 18th birthday mo saka kayo mag papakasal ni Dexter,pwede ka naman mag aral habang mag asawa kayo"
"Pero bakit biglaan papa at bakit Kay Dexter pa?"naiinis na tanung niya sa papa niya
"dahil kailangan isalba natin ang kompanya at yan lang ang naisip ko na paraan."
"Pero bakit si Dexter?"
"Dahil kilala ko ang batang yun, pwede mo siyang kausapin na pag naka bayad na ang kompanya at maging stable na pwede ka magkipag annual sa kanya, kung di mo pa rin siya matutunan mahalin.sabi nito sa kanya
"Ganun lang yun papa? ganun lang kadali sa inyo na sabihin yan."galit na Sabi ko sa kanya.
"maintindihan mo din ako kung bakit ko ginagawa to kaysa pulutin tayo sa lansangan at walang maikain at titigil ka sa pag aaral" kalmadong Saad ng papa niya "you can choose who you will marry out of the three, dexter, lyndon or brylle?" dugtong pa nito sa kanya na kina tulala niya panu napasuk si brylle usapan?
"Bakit nasama si Bry sa pwedeng pakasalan ko?"tumutulong luha na tanong niya rito
"Dahil isa ang kompanya nila na pwedeng tumulong sa atin,pwede mo rin piliin si Bry alam kong hindi ka niya mahihindian kakausapin ko Ang tito brix mo tungkol dito" final na sabi nito at iniwan na siyang nakatulala sa office nito.
Hindi naman siya umoo na si Bry ang pipiliin niya pero mas gugustohin Niya na dito siya makasal Isa pa mahal niya Ang binata,