Pagkagaling niya kina Bry ay dumeretso na siya sa kanila.Ang gusto niya lang mangyari ngayon ay ang umiyak ng umiyak. Nasasaktan siya sa inasal ni Brylle sa kanya,hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng binata ang gusto niya lang ngayon ay lumayo. Ang importante nasabi niya na dito ang nararamdaman niya.Pag pasok niya sa loob ng bahay nila nakita niya si nana Luz ang Yaya niya at halos naging ina na sa kanya
"Nana.."Lumapit siya at agad na yumakap dito,Dito niya lahat nilabas ang sakit na nararamdaman niya,at alam niyang naiintindihan siya nito.
"Shhhh bakit ka umiiyak? May nangyari ba,may umaway ba sayo sa school?"Sunod sunod na tanung nito.
Umiling siya dito at lalo lang napahagulgol ng iyak
"Alam niya na po nana."naramdaman niya tumigil ito sa pag haplos ng buhok niya "Sinabi kona po sa kanya dahil hindi ko na po kaya ang pag babaliwa niya sa akin.masakit lang po na iniiwasan niya ako ng ganun ganun na lang" kwento niya sa matanda,alam nito ang nararamdaman niya kay Brylle, dito niya sinasabi lahat ng secreto niya.Kung may isang tao man na nakakaalam ng tungkol sa kanya walang iba yon kundi ang nana Luz niya na siyang nakasma niya sa paglaki.
"Ang sakit sakit po nana nag mahal lang naman ako pero bakit ganito kasakit"aniya rito.
hinawakan nito ang baba niya tinignan siya sa mga mata pinunasan ang kanyang mga luha.
"Anak pag hindi ka masasaktan ay hindi mo mararamdam na nagmahal kana pala.Dahil ang akibat nang pag mamahal ay ang sakit.Lahat tayo ay dadaanan ang sakit na yan at hindi lang yan ang maramdaman mo. Pero lagi mong tatandaan na bawat sakit ay may dulot na aral kang makukuha. At lagi mong pag kakatandaan na andito lang ako para gabayan ka at alalayan ka sa lahat ng sakit na mararanasan mo" Sabi nito sabay yakap sa kanya kaya mas Lalo pa siyang umiyak.
"Sige lang iiyak mo lang yan ha, mawawala din ang sakit na nararamdaman mo at papalit ang saya diyan sa puso mo."
________________
Graduation day
After niyang umamin kay Bry ay Hindi na rin ito nag pakita pa sa kanya.May nag sasabi na nakikita ito na laging kasama si Joyce at minsan ay nasa court daw ito.pero di na lng niya pinapansin ang mga ito alam niya na nag tataka na ang iba nilang mga kaibigan dahil hindi na sila lagi nag kakasama ng binata. Sina Shiela at Maybelle lang kasi ang nakakaalam tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Bry at gaya nang sinabi nang nana Luz niya ay di matatapos lang doon ang buhay.
Ngayon na ang pag tatapos nila sa high school at marami siyang kelangan na iwan dito kasama na ang kanyang pag mamahal sa binata. kelangan na niyang kalimutan ng tuloyan ang nararamdam para dito.andun pa rin ang hinanakit niya rito na para bang ganun ganun na lang kung kalimutan siya nito.Hindi man lang siya ginawang kausapin ng binata at talagang tuluyan iniiwasan siya nito. Ilang beses din siyang nag tangkang kausapin ito pero di lagi itong wala.
"Abay kay ganda naman ng alaga ko" bungad sa kanya ni nana Luz nakakapasuk lang sa kanyang kwarto.
"Salamat po nana"nakangiting saad niya rito
"Ganda nga pero di naman umaabot sa mata ang mga ngiti na yan" anito sa sabay kurot sa baba niya
"Nana talaga!"
"Oh siya bumaba kana at hinihintay kana ng papa mo."
"Upo nana"
"Halika nga dito"wika nito at Lumapit sa kanya sabay yakap. " parang kelan lang baby kapa ngayon ay dalaga kana at mag tatapos na sa pag aaral mo next month mag birthday kana dalaga kana anak."maluha luha saad nito
"Nana naman eh Pinaiiyak niyo po ako! Nawawala tuloy ang ganda ko"biro niya dito
"Oh siya baba na pasensya kana medyo nag drama ang matandang ito."natatawang sabi nito
Pagbaba nila ay nakita niya ang kanyang ama na nang aantay sa kanya.ngumiti siya dito alam niyang kung gaano kasaya ang ama niya at kung gaano siya kamahal nito
"Ang ganda ganda mo princess,kamukhang kamuha mo ang mama mo na di nakakasawa titigan."Sabi nito at niyakap siya.
"Salamat po papa pero matagal ko na pong alam na maganda ako"kindat pa niya sa ama na kinatawa nito
"Oh siya oo na matagal na pati ang pag hangin diyan sa utak mo ay namana mo sa iyong mama.
"Papa magtaka ka kung sa kapitbahay natin nakuha ang pagkahangin ko." natatawang biro pa niya nalalong kinatawa nito ang saya lang dahil nakikita niya na napapatawa niya ang kanyang ama gaya ng dati.
"Congratulations anak"Sabi nito sabay abot ng sa kanya ng isang maliit na kahon.
"Ano po to papa?Sana po di n kayo nag abala pa makasama ko lang po kayo sa pag akyat sa imtablado ay malaking regalo na po sa akin"Aniya rito
"Para talaga yan sayo anak,buksan mo na"utos pa nito sa kanya nang mabuksan na niya ang box ay ganun na lng ang pag kamangha niya, isa itong gold necklace na may nakaukit na pangalan niya.
"Wow!"Yon lang ang lumabas sa kanyang bibig
"Come here and I'll put the necklace on you. "
Ayan bagay na bagay sayo" nakangiting sabi nito.
"Thank you so much papa."
"Halika kana at baka malate na tayo sa graduation mo"Aya na nito sa kanya
"Richelle dito" Tawag sa kanya ni belle agad naman siyang nag paalam sa papa niya.
"Ay bongga! ang ganda mo nagayon girl. totoo nga ang sabi nila na mas lalong gumaganda ang mga taong sawi sa pag ibig"Sabi ni sheila sa kanya
"Hey bunganga mo talaga walang preno baka may makarinig sayo"Saway ni belle dito kaya natawa na lamang siya sa dalawa nang tumingin siya sa likod niya di niya inaasahan na andun ang binata na matalagal ng hinanap ng mata niya kanina dahil kahit ano man ang sabihin niya na kalimutan ito ay hindi ganun kadaling gawin.Nag tama ang kanilang mga mata pero agad din niyang iniwas ang tingin dito.
"Brylle halika mag picture naman tayo total last na natin pag sasama to sa high school" gulat pa siya nang yayain ni shiela si brylle na makipag picture sa kanila kasama ang iba pa nilang kaibigan.tumingin muna ito sa kanya bago nag lakad papunta sa kanila,nag iwas siya nang tingin dito.Nagulat pa siya ng may umakbay sa kanya, pag angat niya ng tingin ay napatigil siya ganun din si brylle.pakiramdaman niya tumigil ang ikot ng mundo sa kanilang dalawa nag katinginan lang silang dalawa na para bang sila lang ang andun.
"Ay ang ganda ng kuha natin" Nabalik lang siya wisto nang marinig ang boses ni shiela. agad niyang tinanggal ang kamay ni Bry sa kanyang balikat at tumikhim
"ah congratulations pala"Sabi niya rito at kunway ngumiti, tumitig ito sa kanya
"Salamat, Congratulations din sayo"Saad nito
"Brylle Rich ngiti kayong dalawa para may pic kayo ngayong graduation natin "Saad ni mark nakinuhanan sila nag litratro.Ngumiti siya sa camera total last day naman nila susulitin na lamang niya.
Naramdaman niya ang mga braso ni Brylle nanakapulopot sa kanyang baywang kaya tumingin siya dito nakatingin din pala ito sa kanya
"Hala para silang love birds dito na inlove sa isa't isa."Dinig nila sa mga kaibigan pero parang wala lang silang narinig na dalawa
"Rich tignan mo oh" Si zyrel na lumapit sa kanila at pinakita ang litrato nila.kung titignan sa litrato ay parang totoong mag kasintahan sila na nag mamahalan sa isa't isa. Andun ang pagmamahal sa kanilang mga mata,pero alam niyang hindi totoo yung nakikita niya.