PART 8

1257 Words
"Sorry, Pare, kung bigla na lang akong umalis sa party,” paghingi ng dispensa ni Jonathan kay Gomer nang magsabay silang magkaibigan na pumasok sa kanilang negosyo kinabukasan. Silang dalawa ni Gomer ang may-ari ng Armor Auto Buy and Sell na kanilang ipinatayo limang taon na ang nakakaraan. Kasama nila ang isa pa nilang kabarkada pero nasa ibang bansa na kaya ipinauubaya na sa kanila ang pamamahala. At kahit paano ay maganda pa rin ang takbo ng kanilang ‘baby’ kung tawagin nila. Ang unang chicks nila. “It’s okay, Pare. Pero puwede itanong kung bakit ka nga ba bigla na lang umalis? Ano ‘yung sinabi mong emergency?” sagot at tanong sa kanya ni Gomer. Nag-uusap ang magkaibigan habang patungo sa kanilang opisina. Tyempo na magkasabay silang pumasok. “Si Ashlene. Akala ng nurse ay gigising na siya. Unfortunately, it turned out to be a false alarm.” “Really?” Natuwa si Gomer. He nodded. Hindi nga lang niya malaman kung ngingiti siya o ano. “Sayang pala kung gano’n. Sana’y nagising na lang siya.” Si Gomer ang lumapad ang pagkakangiti. Malapit din kasi si Gomer sa kanyang asawa. Kapag dumadalaw kasi noon sa kanya si Ashlene ay laging may dalang kung anu-ano rin ito para kay Gomer. “Oo nga, eh,” he said weakly, a deep sadness moving through his eyes. “Pero sabi naman ng doktor ay may mas pag-asa pang gumising na siya sooner or later dahil sa paggalaw niya kagabi. He advised me not to excessively worry anymore, as he considered it a positive sign.” “That’s still good news, then. Makakapiling mo na ulit ang asawa mo malapit na, Pare,” ani Gomer. Smiling, he punched him on the arm. Isang alanganing ngiti naman ang itinugon niya sa kaibigan. Sana magdilang anghel ito. Sana nga malapit na niyang makasama ulit si Ashlene dahil miss na niya ang asawa. He missed her intensely, to the point that his chest ached, his head throbbed, and his eyes welled up every time he was reminded of her. “Oh, I remember nga pala, Pare.” May kinuha si Gomer sa wallet nito at iniabot sa kanya. “Here. Ibigay ko raw sa ‘yo.” “What is this?” nagtakang tanong niya kahit alam niyang cellphone number iyon na nakasulat sa isang maliit na papel. “Do you remember JL? ‘Yung kaibigan ng bagong girlfriend ko?” Tumango siya dahil naaalala nga niya ang dalaga. Nasa kasarapan sila nang pag-uusap kagabi ni JL nang biglang tawagan siya ni Marjorie. “What about her?” he asked disinterestedly. Pumasok na siya sa kanilang opisina. Sumunod sa kanya si Gomer. May mga tauhan sila na bumati sa kanila na kanilang mga sinuklian naman at may kasama pang ngiti sa kanilang mga labi. Parehas sila ni Gomer na may pagpapahalaga sa kanilang negosyo at mga empleyado kaya nagiging maganda ang takbo ng Armor Auto. “Sabi niya ay ibigay ko raw ‘yan sa ‘yo. Tawagan mo raw siya agad. Actually, hinihingi niya ang number mo pero alam ko naman ang ugali mo na hindi basta-basta nagbibigay ng numero lalo na sa babae kasi takot ka kay Ashlene kaya hindi ko ibinigay.” Sinundan ni Gomer ng malutong na tawa ang sinabi. He smirked. Totoo ‘yun na takot siya dahil baka magagalit talaga si Ashlene. Selosa rin kasi si Ashlene minsan. Naalala nga niya noong may na-wrong sent lang noon ng text sa kanya at “Hi” lang ang laman ng text na iyon noon ay muntik na siyang hiwalayan. “Type ka ni JL, Pare,” saad pa na may kasamang kindat sa kanya si Gomer. Jonathan shook his head. He wasn’t interested. Ibinulsa na lang niya ang papel na ibinigay sa kanya ni Gomer. Pagkuwa’y nag-busy-busy-an na siya sa kanyang desk. “Hindi mo ite-text o icha-chat man lang?” dismayadong tanong Gomer. “Sayang naman, Pare. Ang ganda pa naman ni JL. Hayup ang katawan. Parang hinulma sa isang hour glass.” “If you want ay ikaw na lang,” pilyo niyang sabi kasabay nang pagbubukas niya ng kanyang laptop na laging nasa kanyang desk. “Ayoko. Mahal ko na si Flower. Kahit gano’n ang babaeng ‘yun ay seryoso ako sa kanya.” “Gano’n din ako sa aking asawa, Pare,” aniya na natuwa rin dahil mukhang seryoso na sa buhay ang kaibigan. Sa tagal nitong playboy ay sa wakas mukhang nakahanap na rin ito ng katapat, tulad niya kay Ashlene. At seryoso siya sa sinabi. Mahal na mahal niya si Ashlene kaya kahit gaano pa kaganda si JL ay hindi niya ito papatulan. Ngayon pa ba siya magluloko na may kasiguraduhan nang gigising pa ang kanyang asawa? Hihintayin na lamang niyang magising si Ashlene kaysa sa gumawa siya ng katarantaduhang pagsisisihan niya lamang bandagng huli. ********* "Hello," sagot ng kabilang linya na tinig bagong gising. “Hello, Ate? Kumusta kayo diyan?” natuwang bati ni Marjorie. Wala kasi siyang magawa kung kaya naisipan niyang tumawag sa bahay nila, pero dahil busy naman sa pamamalengke ang nanay nila ay ang Ate JL na lang niya ang tinawagan niya. “Kakauwi mo lang dito noong isang araw, hindi ba? Syempre ganoon pa rin. Okay lang naman kami,” tamad ang boses na sagot ng kapatid. “Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo, Ate. Miss ko na kasi kayo agad.” Humagikgik si Marjorie. Gusto niyang maglambing sa Ate JL niya kaya tinawagan pa rin niya ito kahit na sinabi na sa kanya ng nanay nila na puyat na naman ito kagabi. “Ikaw talaga.” Nagbago na ang timpla ng boses ni JL. Hindi na inaantok. “Anong ginagawa mo ngayon? Ako heto bagong gising lang at may hangover. Napuyat kasi ako kagabi.” “Paano gumimik ka na naman daw sabi ni Nanay? Wala ka nang sawa kakagimik?” “’Yaan mo na ako. Ngayon lang ako nagdadalaga, eh. So, ano nga? Anong ginagawa mo ngayon diyan?” Napatingin si Marjorie sa kanyang pasyente bago sumagot. “Ito gano’n pa rin. Binabatantayan pa rin si Ate Ashlene. Akala ko nga ay magigising na siya kagabi, eh, pero false alarm lang pala.” “Kilitiin mo kaya para magising na?” biro ni JL. Labas sa ilong na natawa siya. “Sana nga ganoon lang siya kadaling gisingin. Boring kaya ang pagbabantay kapag ganito.” “Eh, at least mas magaan naman ang trabaho mo diyan kaysa doon ka sa mga hospital.” “Sabagay. Kaso ang boring lang kasi talaga, Ate. Wala man lang makausap kasi.” Ilang sandali na hindi umimik si JL. “Ate, nandiyan ka pa ba?” “Ah, Oo. Inisip ko lang kasi kung saan ako gagala ngayon pero wala akong maisip. Kung gusto mo ay diyan na lang ako pupunta. Chika-chika tayo para hindi ka kamo nabo-boring. Bonding tayo?” Awtomatikong namilog ang mga mata ni Marjorie sa katuwaan. “Talaga, Ate? Pupunta ka rito?” “Oo, pero ang tanong ay hindi ba magagalit sa ‘yo ang amo?” “Okay lang ‘yon. Mabait naman at hindi mahigpit si Kuya, eh. Punta ka rito, hah? Hihintayin kita, Ate.” “Sige, sige. Magpapaalam lang ako kay nanay pagdating niya sa pamamalengke tapos magbibihis na ako.” “Sige, Ate. Ingat ka sa byahe.” Matapos patayin ang tawag ay nagtatalon sa sobrang kasiyahan si Marjorie. Iyon talaga ang gustong-gusto niya na sana ay mangyari noon pa; ang makapag-bonding silang magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD