Masarap ngang maging single, lahat ng gusto ko nagagawa ko, walang nakikialam at nagrereklamo, dahil sarili ko lang ang iniintindi't inaalala ko.. Nakakapag enjoy ako, kasamang mga kaibigan at kabarkada, Inuumaga sa disco at bar nagsasaya, di alintana ang oras tuloy ang ligaya.. Napupuntahan ko ang mga lugar na gusto ko, nakakapag lakbay at nakakarating kung saan saan ng walang storbo, kahit na abutin pako ng taon sa mga pinupuntahan ko, ayos lang dahil wala namang naghihintay sa pag-uwi ko. Pero pagkatapos ng lahat ng ito, napapaisip ako kung totoo bang ako'y masaya sa mga ginagawa ko, malaya nga ako pero parang may kulang sa buhay ko? at naisip kong sariling pamilya pala ang kelangan ko.. Nito ko lang naalala, ang mga panahong sinayang ko sa pagsasaya. narealized kong dipa huli para ako'y muling mag umpisa, na maghanap ng babaeng mamahalin ko't makakasama. Kaya ngayon ito ako, busy sa f*******: kakasearch kay Miss Maldita...
"Anubaaa... bakit di kita mahanap hanap R'joy Queen?"
Nadagdagan ang yamot at pagkainis nya ng mag ring ang cellphone nyang hawak at naka charge.
"Tol, napatawag ka?"
"Nakulong na naman daw si Pao?"
Napabuntong hininga na lang sya saka sinagot si Ym ng.. "Yeah" ng may bigla syang maalala.
"Tol Ym, diba ka university mo si Maldita?"
"Oo, bakit?"
Napangiti sya sa sagot nito. Napahawak sya sa kanyang dibdib ng tumibok ang puso nya ng mabilis. Namawis biglang kamay nya sa sobrang excitement na nararamdaman.
"Anong f*******: nya Tol, lam mo ba?"
"Bakit?" May himig pagtatakang tanong ni Ym.
"Basta! Wag na kasing maraming tanong pa. Bigay mo na lang."
"Bad Girl Queen.. Kursunada mo sya nuh?" Panunukso ni Ym sa kanya.
"Oo na! Sige bye na't busy ako ngayon." Pinatay nya kaagad ang tawag at natatarantang hinanap ang kanyang laptop. Pero hindi nya ito makita kaya binalikan nyang cellphone na naka charge at yun na lang ang kanyang ginamit ulit. Napatulala sya ng tumambad sa screen ng kanyang cellphone ang f*******: account na kanyang hinahanap. Napakurap kurap ang kanyang mga mata ng makita ang profile picture ni R'joy. Nakaupo ito sa motorsiklo.
"Astig pomorma hanep! Pamatay talagang ganda't alindog ng babaeng 'to wheww.."
Napatitig sya sa suot nitong hills. "Bakit kapa ba naghi hills Queen? Eh ang tangkad mo na, dapat flat shoes na lang isuot mo para pantay lang ang height nating dalawa, kasi nagmumukhang pandak ako kapag ganyan ang porma mo.."
Napapalatak pa sya ng makitang followers nito na mahigit 3k, samantalang lima lang ang friends nito. Naka public lang ang account nito kaya naman bawat posted sa wall ng dalaga libo libo ang likes at comments. Marami itong shinishare na quotes and sayings at sa lahat ng share nitong post isa lang ang binalik balikan nyang basahin.
'Ang sss, hindi Diary?'
So hindi kinakailangang ipost na may
kadate ka kagabi.
Hindi ito police station para
ireport na nawala ang wallet mo.
Hindi ito recipe book na inililista
ang mga naging ulam nyo.
Hindi ito nagbibigay ng travel
advisory so wag mo nang
ipaalam kung saan ka pupunta.
Hindi ito marriage counselor na
pinagsasabihan ng away mag-
asawa.
Hindi ito doctor para ikunsulta
ang dysmenorrhea.
Hindi trivia book para ideclare
na umuungol ka.
Hindi lahat ay
dapat ibinubunyag.
Dahil hindi lahat dapat
ipinagkakalat.
Anu ba ang
pakialam ng mundo kung
umuusok ka sa galit?
O
naglalaway sa subrang kilig?
Some things must be kept. Have a
little bit of privacy.
Ikaw rin, dahil sa sobrang open
mo…baka sa susunod,
unconsciously maipost mo pang
“Just had s*x with somebody.”
Bahagyang natawa si Mc at napa comment pa nga ng 'Smiley'. Binasa nyang about nito...
'I want the kind of love that people are jealous of. The kind of love that last forever. I want someone who is kind and gentle. Someone who can't get enough of me. Who don't second guesses our relationship. Someone who would tell strangers about me. Looks at me like I put the light in the sky. Someone who is blessed to wake up next to me. Who's obsessed with me as much as I am with him. Someone who takes pictures of me because he love me that much. Someone who won't let me go to bed mad or upset. The kind of person who would be there to hold my hand when things get hard and guide me through it all, and not try to fix me, but be there for me.'
Matapos nyang basahin yun, napabalik ang kanyang tingin sa profile picture nito na tanging naka upload sa Photos nito.
'Bakit feeling ko may rason kaya ka ganyan ka maldita? Feeling ko kahit na nakangiti ka, ang katotohanan nun ay nalulungkot ka, na kahit gaano pa kalakas ang pagtawa mo, di maikukubli nun ang sakit at hinanakit mo sa buhay.. Your so mysterious R'joy Queen.. Sana mabigyan ako ng pagkakataong makilala ka ng lubusan. Para magkaroon naman ng kabuluhan ang malungkot at magulo kong buhay.'
Nabitawan nyang hawak na cellphone ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila. At dere deretsong pumasok si Paolo na may bitbit na paper bag, sa likuran nito ay si Reign na may dalang tatlong box ng pizza at ang huling pumasok at nagsara ng pinto ay si Ym na walang dala na kahit anu kundi ang sling bag lang nito.
"Pambihira! diba kayo marunong mag doorbell o kumatok man lang, bago kayo magsipasukan sa pamamahay ko ha?"
Naiinis nyang dinampot ang cellphone sa sahig saka pumasok ng kusina para kumuha ng mga baso nila sa inuman session na sigurado syang magdamagan na naman.
"Hindi naka lock ang bahay mo, kaya useless lang ang effort namin kung kakatok at do doorbell pa kami."
Pangangatwiran ni Reighn na sinuportahan naman kaagad ni Paolo.
"Wala ng rekla reklamo mag umpisa na tayo, ipagdiwang natin ang paglaya ko."
"Syanga naman Mc. umupo kana dito sa tabi ko at may pag uusapan tayo, dali!"
Si Ym na may hinugot na folder sa loob ng bag na dala. Binuksan nito at may inilapag na isang litrato sa center table ng sala.
"Anu naman yan Tol Ym?" Kunot noong tanong ni Reighn.
"Mamili na kayo sa kanilang lima."
Nagtatakang nagsilapitan naman ang tatlo saka sinipat ang picture ng anim na naggagandahang kababaihan.
"Anim sila Tol Ym, hindi lima! duling kana? dipa nga tayo nag uumpisang tomoma hahaha."
"Ulol! Lima lang ang pagpipilian nyo, dina kasali yang nakaupo sa gitna." Singhal ni Ym kay Pao na umupo sa sofa saka nagsalin ng alak sa mga baso nila.
"Sino yan?" Turo ni Reighn sa babaeng nakatayo sa likuran ni Rowena.. Nakasuot ito ng black tube, chekerd green skirt at naka gray shades.
"Ah yan ba! Si Ashley yan Tol, naku! kung yan ang type mo maghanda kanang mabiyak yang puso mo."
"Bakit naman?"
"Playgirl yan eh!" Binalingan ni Ym si Mc na tahimik lang habang kumakain ng pizza. "Ikaw Tol Pao? Wala ka bang type sa kanilang lima?"
"Secret! Hehe.. Tol Mc, kung si Queen ang kinahuhumalingan mo ngayon... Be ready to get crazy.. Mahabang sungay ng babaeng yan, dimu mapuputol kahit kelan."
Umiwas ng tingin saka napangiti na lang si Mc sa sinabi ni Paolo.
"Careful.” tinapik tapik pa ni Pao ang kanyang balikat.
“What?”
“Your smile." Natatawang sabi ni Pao.
“You look like you’re about to fall in love." Naiiling na lang si Ym na dinampot ang picture sa mesa saka isinilid sa kanyang bag.
"Good luck Tol Mc! or should I say... Good luck everyone!" Itinaas ni Reighn ang hawak na baso. "Cheers"
"Abante!" si Paolo.
"Ariba!" si Ym.
"Sulong!" si Mc.
At dyan nag umpisa ang magdamagan nilang inuman.
?MahikaNiAyana