Pustahan

1123 Words
Instinct na lang ni R'joy ang biglaang pagkilos nito ng mapansin ang lalaking sumusunod sa kanya kanina pa. Sabay sa pag angat ng kanang paa nya ang pagpihit paharap sa lalaking tila nagulat pa ng tumama ang sipa nya sa dibdib nito, sa lakas ng impact tumalsik ito sa gilid ng daan. Mabilis nya itong nilapitan at akmang susuntukin ulit ng nakangiwi itong humarap sa kanya. " S - sandali lang naman...!" Bahagyang napaubo pa si Mc na nakataas ang isang kamay kay R'joy para huminto ito sa paglapit sa kanya. "You bastard! Bakit moko sinusundan ha?" Hinawakan ni R'joy ang kwelyo ng damit ni Mc saka pwersahan itong hinila patayo at iniumang ang kanyang kamao dito. "Grabe ka naman sakin, sabi ko sandali lang diba?" Himas ang dibdib na napatayo si Mc. "Hindi naman kita sinusundan ah! assuming ka lang..." Halos pabulong na lang ang pagkakasabi nya dun sa huling salita. "Hindi moko sinusundan? Eh mahigit 30minutes ka ng naka buntot sakin! Wag mokong gawing tanga, baka bugbugin kita! Gagong 'to." Binitiwan nyang damit nito saka tinulak palayo sa kanya si Mc. "Don't you dare ruined my day again, your just wasting my time! Idiot." 'Kasama talaga ng pag uugali nitong babaeng 'to. Napakabastos pang bunganga, napakalutong magmura, daig pa ako eh! Nyemas! Mr. Kupido naman... bakit ba kasi sa kanya mo pa pinana itong puso ko? Kahit yata sa gitna lang diko pa maaabot ang taas ng tore nito.. Napakatayog ng palasyong itinatag ng malditang ito, na kahit naman sino yatang magtangkang abutin sya paulit ulit lang na mabibigo.' Napasunod na lang ang tingin ni Mc kay R'joy na mabilis ang lakad kahit mataas ang takong ng suot nitong sapatos. 'Grabe! Diba sumasakit ang paa ng malditang yan sa suot nitong hills?' Napapahiyang naglakad na rin sya palayo sa lugar na yun ng makitang parami na ng parami ang mga usesero sa paligid. Jollibee Sunod sunod ang kagat ni R'joy sa double cheese burger nito, wala naman syang balak pumasok sa jollibee kung di lang humihilab ang tyan nya sa gutom at ito lang ang fastfood na nadaanan nya. Nakadalawang burger na sya pero dipa rin sapat yun para makaramdam sya ng pagkabusog. Inabot nyang spaghetti at french fries, pinagsabay nyang lantakan yun. Wala syang pakialam kung nagmumukha na syang patay gutom sa bilis nyang kumain. Masyado syang tutok sa pagkain at sa kanyang cellphone, di man lang nya napansin si Mc na kanina pa nakamasid sa kanya. 'Hanep namang lumamon ng malditang 'to, walang kabusugan. Parang balewala lang sa kanya ang mga kinakain, diba 'to beauty and health conscious? ' Mabilis nyang itinaas ang menu book ng tumingin si R'joy sa pwesto nya na malapit sa entrance. 'Tsk.. Talas ng pakiramdam, parang feeling ko tuloy eh may nakadikit saking tracking device kaya nalalaman nya kapag malapit ako sa kanya.' "Ryle! Here!" Napabaling ang nagmamatyag na tingin ni Mc sa lalaking kapapasok lang at malapad ang pagkakangiti kay R'joy. 'Whew! Kala ko pa naman sakin sya nakatingin kanina.' Napaismid sya ng makitang hinalikan nito sa pisngi ang dalaga bago umupo sa kaharap na mesa nito. Napalipat kaagad sya ng upuan ng makitang seryosong pag uusap ng dalawa. "Tamang hinala mo Honey, wala pakong hawak na ebedensya pero sigurado nako dun" 'Honey?' Nanunuring mga mata ni Mc sa kausap ni R'joy. "Sapat na sakin ang confirmation mo Bee , ako ng bahala kay Neil." 'Bhe? shortcut ba yun ng Baby? Pakengshet! Mag syota bang dalawang 'to?' At sino naman si Neil? Potek! Kadami namang lalaki ng malditang 'to.' "Lets go! Honey, l want to show you something." Yaya ni Ryle at inalalayan si R'joy na agad namang tumayo. "s**t!" Nagmamadali syang tumayo para sundan ang dalawa, ng pagkalabas nyang exit ng jollibee ay makasalubong nya si Ym. "Tol, dalii!! itago moko." Natatarantang kumubli sa kanyang likuran si Ym na ipinagtaka nya. "b***h! Bilisan mo naman.. kebagal bagal mong maglakad." Yamot na sigaw ni Rowena kay Roselia na muntik ng matapilok sa taas ng suot nitong hills. "Eto na nga oh binibilisan ko na nga eh! Masyado kang atat." "Syempre ayokong matalo ano, bakit ikaw gusto mo kulelat na naman tayo ha? Pa easy easy lang yang si Mabel at Claire pero mautak at matinik ang dalawang yun. Lalo na si Ashley at Queen mahirap talunin." Mahabang litanya ni Rowena. "Stop! Nalusutan yata tayo ni Mr. Perfect Writer! San kaya sumuot yun?" Palinga linga pa sa paligid si Roselia. Pasimpleng naglakad si Mc pabalik ng jollibee habang nakakubli naman si Ym sa kanya para di sya makita nila Rowena at Roselia. "Ano bang atraso mo sa dalawang yun at hina hunting ka yata nila?" Bungad na tanong nya kay Ym pagkaupo nila sa pinakasulok na mesa sa loob ng Jollibee. "Nakita mo bang babaeng kulay pink ang dulo ng buhok?" Tutok ang mga mata ni Ym sa dalawang babae na nagtatalo sa labas ng jollibee. "Yeah! if I'm not mistaken she's Roselia." Sagot nya na napahimas pa sa kanyang baba. "She's stalking me." "Huh! At bakit naman? Obsessed ba sayo ang babaeng yan?" Natawa ng mahina si Ym, bago nilapag ang dyaryo ng school nila sa mesa. Tumambad ang headline na.. 'Ayana's search for best writer' "Anong konek nyan sa usapan natin Tol?" Nagtatakang tanong nya sa kaibigan. "Kasi, ang babaeng yan ang matinik kong kalaban sa mga writing competition." "Eh, nananalo ba naman?" "Hindi!" Mabilis na sagot ni Ym. "Ahh.. Ngayon nage gets ko na kung bakit naging stalker mo sya Tol. Kasi, naiinsulto sya sayo o di naman kaya eh naiinis at nagagalit sayo.. ganun yun." "Mali ka dyan Tol Mc.. kaya sya ganyan kasi, ako ang next target nila sa pustahan." "Ha! pinagpupustahan ka ng grupo nila? Ganun sila kasama at pinaglalaruan ka nila, ganun ba yun, Tol?" "Oo, ganun sila! kaya nga Bad Girls ang pangalan ng grupo nila.. At yang kinababaliwan mo ngayong babae ang leader nila." "Sino? si Queen?" Nanlalaki pang kanyang mga mata na parang hindi makapaniwala sa kanyang mga nalaman ngayon. "Kaya Tol Mc. habang maaga pa't dika pa hulog na hulog sa alindog ni Queen.. Layuan mo na sya." "Dead end na Tol Ym, dahil hulog na hulog nako sa kanya.. Kung si Queen ang namumuno sa kanila, titiyakin ko na hahantong ang lahat ng ito sa Game over." Napapailing na tinapik ni Ym ang balikat ni Mc saka tumayo na, pero bago umalis may sinabi syang nagpangiti pareho sa kanilang dalawa.. " Sige Tol Mc, Aariba tayo! Angkinin mo ang astig sa grupo nila na si R'joy Queen... at Aariin ko naman ang b***h nilang si Roselia Delsy!" "Hiyaaahh! Deal Tol Ym.. Abante!" Nag apiran pang dalawa at sabay na tumawa. Napatingin tuloy sa kanila ang mga tao sa loob ng jollibee. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD