Package

1937 Words
Napakuyom ang kamao ni R'joy ng marinig ang bad news ni Ashley sa kanya. Napabangon sya bigla sa kanyang kama at dali daling pumasok ng banyo para mag shower. Ipinatong nyang cellphone sa bathtub at iniloud speaker ito bago pumasok sa shower at mabilisang naligo.. "Queen, anong gagawin namin ngayon? Tinangay ni Leopard ang pera, pero kulang ang package na iniwan nila dito." "Who's with you?" "Claire and Mabel. diko kasi ma reach sila Rowena at Roselia." 's**t!' Mas binilisan pa nyang pagkilos, alam nyang kayang lumaban ni Ashley pero si Mabel lalo na si Claire, konti pa lang alam nung dalawa.. Dipa sapat ang naituturo nya sa mga ito. "Queen?" "Papunta nako.. Ash," "Hmmm?" "Lumipat kayo ng lugar.. Alam mo ng gagawin mo." "Copy that!" Pagkapatay nya ng cellphone, lakad takbong ginawa nya pababa ng hagdan. Napahinto sya at napatuwid ng tayo ng marinig ang boses ng kanyang Lola. "Madeline, ilang beses ko na bang sinabi sayo na tigilan nyo ng Apo ko!." Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang galit na boses ng kanyang lola. Mabilis syang nagkubli sa malaking vase na naka display sa gilid patungong kusina. Mula dun nakikita na nyang matanda sa harap ng laptop nitong nakapatong sa mesa. "Mama, gusto ko lang naman malaman ang ginagawa ng Anak ko. Saka wag ho kayong mag alala maingat pong mga tao ni Erdrick, kaya kumalma kana Mama pakiusap!" 'Madeline? Huh! Di kaya syang Ina ko?' "Huwag na huwag nyong isasali sa madilim nyung gawain ang Apo ko Madeline. Mula ng iniwan nyo sya sakin para sa masasama nyung gawain, noon pa lang, mula sa araw na yun ay wala ka ng Anak.. Naiintindihan mo ba ako?" "Pero Mama!" "Wag mo akong susubukan Madeline, wag mong sagarin ang pasensya ko sa inyo ng asawa mo, alam mong makakaya kong gawin mapabagsak lang kayo. Hindi mo gugustuhing gumapang ulit sa lupa kapag sinuway mong gusto ko." Bahagyang nanginginig ang kamay ng matanda matapos nitong isara ang laptop. Kitang kita ni R'joy ng mahinang hinilot hilot nitong dibdib saka sunod sunod na huminga ng malalim. Dun na sya nagsalita na kunyari hinahanap nyang Lola para makuhang attention nito. "Laloo! Aalis na po ako.. San po kayo?" "Apo! San ang lakad mo? Linggo ngayon ah, walang pasok." Kaagad nyang nilapitan at inalalayan ang matanda ng makita nyang palabas na ito ng kusina. "Aatend po kami sa Cosplay ni Rowena, Laloo. Kung may kelangan po kayo tawagin nyu na lang si Ate Tessa sa kabila. Always ready po yun para sa inyo." "Kuu... Diko nga maintindihan ang babaeng yun eh, palagi ko na lang syang nakikita dito sa loob ng bahay, binabantayan nyang mga kilos ko, pinagbabawalan kung ano ang gusto kong kainin.. Sobra pa sayo kahigpit mag alaga sakin.." Natatawa na lang syang pinaupo sa sofa ang kanyang Lola, hinawakan nyang kamay nito saka masuyong pinisil. "Kasi po, lab ka rin nya Laloo.. Kagaya ko gusto ka rin nyang alagaan. Alam nyu naman na nag iisa lang sya sa buhay, kaya siguro ganun sya sayo kabait, Laloo." Namasang mga mata ng matanda, pero nakangiti itong hinalikan sa noo ang kanyang Apo. "Aba'y kung ganun nga sya kabait, bakit dina lang natin sya patirahin dito? Tutal malaki naman itong bahay natin. Gusto mo ba yun Apo?" Nagniningning ang mga mata ni R'joy ng marinig ang sinabi ng kanyang Laloo Consoy. "Talaga po Laloo? Pumapayag kayong dito na satin tumira si Ate Tessa?" Ng tumango ang kanyang Lola napatayo pa si R'joy saka tumalon talon at pumalakpak.. "Yeheyy! May kasama na tayo dito sa bahay! Tenk yu po Laloo.. Mwahh!" "Basta gusto mo Apo, at kung ano ang makakapagpasaya sayo ibibigay ko.. Hmm." Nayakap na lang nya ng mahigpit ang matanda.. Napabitaw sya dito ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Kaagad nyang kinuha ito sa bag at tiningnan kung sinong caller. 'Ashley calling...' 'Oh s**t! Nakalimutan ko.' " Hello Ash..." "Queen help! hahh.." Hinihingal ang boses ni Ashley habang nagsasalita ito. May naririnig syang putukan ng baril sa background at ang malalakas na boses nila Claire at Mabel. Kaagad nyang pinatay ang tawag saka mabilis na hinalikan sa noo ang matanda at tinakbo ang main door nila. "Apo, mag iingat ka sa pagmamaneho... Wag mong pag alalahanin ang Lola!" "Opo, Laloo.. Babye." Napailing na lang ang matanda ng malakas na bumagsak ang pinto pasara. Dahan dahan itong tumayo at sumilip sa bintana. Nakita pa nyang pagsampa ni Rjoy sa motorsiklo nito. Napailing na lang sya ng mabilis na humarorot palabas ng gate ang motor. Samantala sa kinaroroonan nila Ashley, abalang tatlo sa pakikipaglaban sa mga kasamahan ni Rogue, bigla na lang nagsusulputan ang mga ito sa kung saan at sinusugod sila. Kaya walang pagpipilian kundi ang lumaban. Tatlo lang sila laban sa bente kataong malalaki pang katawan na bihasa rin sa pakikipaglaban. Hinugot ni Ashley ang dalawang patalim na nakadikit sa gilid ng suot nitong boots, mahigpit nya itong hinawakan saka sinugod ng sipa ang lalaking nakahawak sa leeg ni Mabel. Ng mabitawan nitong kaibigan kaagad nyang hinagis kay Mabel ang isang patalim na hawak. Ng masalo naman nito mabilis na sinaksak sa dibdib ang kanyang kalaban. "Fight to survive, not to die!! bad girls!" Aniya bago nilundag ang lalaking pasugod sa kanya. Kaagad na pinulupot nyang mga binti sa bewang nito sabay kapit sa balikat at mabilis nyang ginilitan ang leeg ng lalaking bubunot pa sana ng baril. Ng bumagsak ito sa semento. Kaagad nyang dinampot ang baril at paluhod na binaril ang dalawang kalaban ni Claire. Napalingon si Ashley ng marinig ang humaharorot na motorsiklo papunta sa kanila. Napahinga sya ng maluwag ng makilala kung sinong paparating.. "Sa wakas dumating ka rin.. Tagal mo ah.. ma traffic ba?" Sabi ni Claire sabay salo ng susi na hinagis ni Rjoy sa kanya. "Letcheng traffic yan.. Naharang si Queen kaya nalate sa usapan! huhh." Isang malakas na sipa sa dibdib ng kalaban at paghagis ng patalim sa isa pa, pinahid ni Mabel ang dugong tumutulo sa kanyang ilong at sumulyap kay Rjoy na bumubunot ng patalim sa magkabilang leather pants nito. "Mabel! mauna na kayo ni Claire sa Bravos, dalhin nyong package, kami ng bahala ni Ashley dito." Isang kulay itim na van ang natanaw nila na paparating. Mabilis ang kilos nilang apat.. Sina Mabel at Claire sumakay ng motor at mabilis na pinaharorot palayo sa lugar na yun, samantalang sila R'joy at Ashley ay tumakbo at sumampa sa pader, sabay na tumalon sa kabila ng bakanteng lote at tumakbo ulit. Dipa sila masyadong nakakalayo ng mahagip ng tingin ni Rjoy si Paolo na nakakubli sa isang puno at nakaumang ang baril nitong hawak sa kalalakihang sumasampa na rin sa pader na pinanggalingan nilang dalawa ni Ashley. Isang putok ng baril ang kanyang narinig napabaling sya kay Ashley ng bigla itong napahawak sa kanyang braso. "s**t! Queen may tama ako sa binti!" "Ha!" Hinawakan nya sa bewang ang kaibigan saka hinila patungo sa pinagkukublihan ni Paolo. "Psst.. Anong ginagawa mo dito Adik?" Kuha nya sa pansin ni Pao na sunod sunod ng kinakalabit ang hawak na baril. "Gaya mo, naniningil ng pautang kay Leopard! Fucker na yun dinobol cross ako! Lentek lang ang di gumanti!" Sabay kalabit na naman sa hawak nitong baril. "Iiwan ko muna sayo si Ash." "Bakit? babysitter bako ng babaeng di makalakad ha?" Nasuntok nya ito sa tagiliran dahil sa inis nya dito, napaka pilosopo talaga nitong kausap. "Aray! Queen ha, nasasanay kana yatang manakit sakin, porket hinahayaan lang kita." Inagaw nyang baril na hawak ni Pao saka ibinigay yun kay Ashley na napapangiwi. "Oh! Self defense mo! Dito ka lang babalikan kita!" "Okay!" Sabay kasa ni Ashley sa baril na hawak. "Pst! Kupal, pagtanggol mong kaibigan ko ha! Lagot ka sakin kapag nadagdagan yang sugat nya." Dina hinintay pa ni R'joy ang sagot ni Pao, pumihit na sya't tumakbo ng mabilis pabalik sa mga kalaban na ngayon ay tuluyan ng nakasampa sa pader. Napamura na lang sya ng makita si Paolo na tumatakbo rin pasulong habang walang tigil ang pagbaril nito sa mga kalalakihang lumalaban ng putukan. Bigla syang napalingon kay Ashley, nakita nya itong nakatayo na at may umaalalay na isang lalaki, siguro kasamahan ni Pao. Mabilis nyang hinagis ang hawak na patalim sa kanyang likuran ng makarinig ng pagkasa ng baril mula dun.. Akma na syang tatakbo ng marinig ang malakas na sigaw.. "Walang kikilos! Mga pulis ito! Taas ang kamay!" Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nahuli silang lahat ng mga pulis.. Si R'joy at Paolo ay magkatabing nakasakay na ngayon sa isang police car. "Adik, sinong kasama ni Ashley kanina?" Pabulong na tanong nya sa katabi na panay ang buntong hininga. Ilang minuto ng lumipas dipa rin ito sumasagot kaya bahagya nya itong siniko. "Aray! Anubang problema mo?" Singhal ni Pao kay R'joy na pinandilatan lang sya nito ng mga mata. "Tahimik!" Sabi naman ng pulis na nakaupo sa harapan ng patrol. "Si Ash?" Pabulong nya ulit kay Paolo na tila kay lalim ng iniisip. "Safe!" Yun lang ang sinagot ni Paolo sa kanya, pero napanatag na kaagad sya. At least alam nyang ligtas ng kaibigan. Pagdating ng munisipyo kaagad silang ipinasok ni Paolo sa magkaibang selda ng mga pulis. Tahimik syang umupo sa isang sulok at napaisip. Hindi sya natatakot makulong mas natatakot sya sa maaring mangyari sa kanyang Lola kapag nalaman nitong kalagayan nya. Isinandal nyang ulo sa malamig na pader saka ipinikit ang kanyang mga mata. Marahil dahil sa pagod sa pakikipaglaban at pag aalala sa kanyang Lola, nakatulog si R'joy. Hindi nya alam kung gaano na sya katagal naidlip. Napadilat biglang kanyang mga mata ng makarinig ng sigawan, tumayo sya't naki usyuso kung anong nangyayari.. "Tarantado ka! Wala ka ng ginawa kundi bigyan kami ng kahihiyan!" Sigaw ng may edad ng lalaki kay Paolo na naka poker face lang. "Darling, calm down! Lower your voice please!" Sabi naman ng mestisang ginang na nakayakap kay Paolo. Masuyo nitong inakay ang binata palabas ng presinto. Nakasunod lang ang mga mata ni R'joy kila Pao hanggang sa makalabas ng mga ito ng tuluyan. "R'joy Queen!" "Yes! I'm R'joy Queen." Sinipat pa sya ng pulis mula ulo hanggang paa bago nito binuksan ang selda. "Laya kana!" Napakunot nuo namang naglakad palabas ng selda si R'joy at sumunod sa pulis. May itinuro itong isang lalaki na nakasuot ng black shirt, black pants, black rubber shoes at black na shades.. 'Wow! hate nyang color black ha!' "Hi Miss Queen, I'm Attorney Neil Cuenca, I am your Family's Lawyer." 'Family's Lawyer? Kelan pa?' Eh halos lamang lang ng ilang taon ang lalaking kaharap nya sa kanya. "Sinong nagpadala sayo dito, si Laloo ba?" "I can't answer your question Miss Queen" Her eyebrows rose immediately at what she heard. "Why not?" "Because, that's what my client told me." 'Grandma didn't send this man! then who?' "I'll take you home Miss Queen. Then I'll be back to my office. So, let's go!" Nakayuko syang naglakad palabas ng presinto. At dahil sa nakayuko nga sya hindi nya man lang napansin si Mc na nagmamadaling papasok naman sa loob. Nagkabanggaan pa nga sila sa may pinto. Narinig pa nyang pag sorry nito pero balewala lang syang naglakad pasunod kay Attorney hanggang sa sasakyan nito. 'Si Miss Maldita yun ah! Ano namang ginagawa ng babaeng yun dito sa prisento? Ahh.. Baka dinalaw si Pao.' Pagka alala nya sa kaibigan tumakbo na sya sa unang pulis na nakita nya at nagtanong.. Napabuntong hininga na lang sya ng malaman na ten minutes ng nakalabas ng prisento si Paolo. 'Hay.. Nahuli na naman ang dating ko! Lecheng traffic kasing ito sinayang lang ang oras ko. Ka bad trip!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD