"Kaninong bahay yan Bee? Mukhang bigatin ang mga nakatira dyan ah."
"Bahay yan ni Erdrick at Madeline Llamedary."
Nagtatanong ang mga matang napabaling ng tingin si R'joy kay Ryle na nakangisi.
"Nahanap mo kaagad? Bilis ha!"
"But of course! Ako pa ba? sisiw lang sakin ang mga imbistigasyong ganito."
"Anong diskarteng ginawa mo?" Interesadong tanong nya ulit sa pulis na kaibigan.
"Simple lang naman, kinaibigan ko si Attorney Neil Cuenca, ng makita ko sya sa gym kasama yung kaibigan nyang si Reighn Sebastian."
"Shhh.." hinila ni R'joy si Ryle payuko ng may dumaang mga armadong kalalakihan sa pinagkukublihan nilang dalawa.
"Tsss.. Daming bantay, papasukin paba natin ang bahay na yan o wag n - s**t! "
Napamura na lang si Ryle ng pagbaling nya sa katabi ay wala na dun ang dalaga, mabilis na itong tumatakbo at maliksing tinalon ang pader. Wala na syang choice kundi ang sundan ito.
'Anubang masamang gawain ng mag asawang Llamedary na'to at galit si Laloo sa mga ito?'
Pagkaapak pa lang ng kanyang mga paa sa semento, nakita na kaagad nyang mag asawa sa garden. 'Hmm.. Tila may pinagtatalunan ang dalawa. Kelangan makalapit ako sa kanila.' pakubli kubli syang nilapitan ang pwestong tiyak nyang maririnig ang usapan ng mga ito.
"I'm warning you Madeline.. stop contacting your mother!"
"I told you Erdrick, I didn't come with you here to help you with your illegal business. I'm here to see and be with my daughter!"
Erdrick angrily strangled his wife. This is what he dislikes most about Madeline being too stubborn and not even listening to him. When she wants to, she just do it without consulting him.
"Don't make me angry Madeline, don't test my patience with you. Remember that all your luxuries in life come from my illegal business. You live like a queen and abandoned our child! You forgot that I haven't forgiven you yet? So you better behave and don't make a stupid thing against me! Do you understand?"
"U - understand!" Nanginginig na sagot ni Madeline. Wala syang magagawa o mas tamang sabihin na wala syang karapatang makipagtalo sa kanyang asawa.
Dahil unang una magkasintahan pa lang sila noon, alam na nyang masamang gawain nito. Nabuntis sya't nagpakasal ng lihim kay Erdrick kahit tutol pang kanyang Mama.
Nung magkaproblema sa negosyo ang kanyang asawa nagdesisyon itong umuwi muna sa Spain at usapan nilang mag asawa na susunod silang mag ina dun, pero sya lang ang pumuntang Spain at iniwan si R'joy na 6 months old pa lang sa kanyang Mama Consuelo. Ang kanyang rason sa kanyang ina nung magtanong ito sa kanya ay.. hindi nya kayang alagaan ang anak, pero ang totoo nyan gusto nya lang ng kalayaan.. ng buhay na walang iniintindi kundi ang kanyang sarili lamang. Ang pagkakaroon ng anak ay wala pa sa plano nya.
Kaya nakagawa sya ng kasalanan na ngayon ay kanyang pinagsisisihan. Ang pagsisinungaling sa kanyang asawa ang malaking pagkakamali na kanyang ginawa, dahil ang sinabi nya kay Erdrick na dahilan kung bakit di nya kasamang anak nila sa pagpunta ng Spain ay tutol daw ang kanyang Mama na ibigay si R'joy sa kanilang mag asawa. Dahil ayaw nitong masali ang apo sa masamang gawain nila.
Sa galit ni Erdrick, ipinag utos nya sa kanyang mga tauhan na bawiin si R'joy sa kanyang byenan at dalhin ang anak pabalik ng Spain. Ang kaso hindi madaling sindakin si Donya Consuelo, kahit na dalawa lang sila ng kanyang apo sa loob ng bahay, sa labas naman ng mansyon nito ay nakakalat ang mga secret agents na tauhan ng matalik nitong kaibigan na si Archer Ducleff.
Anong laban ng mga tauhan ni Erdrick sa mga bihasang makipaglaban na mga secret assassin agents ng Hainsha Organization? Kaya ang kinahantungan ng labanan ay walang ni isang tauhan nya ang nakabalik ng buhay sa Spain. Nadagdagan pang galit nito kay Donya Consuelo Estefan Queen ng pinapalitan ng matanda ang apilyedo ni R'joy mula sa Llamedary ay naging Queen na ang family name nito.
At ngayong bumalik na sila ng Pilipinas alam ni Madeline na gyera ang haharapin nila sa oras na magkamali sya ng hakbang. Alam nyang may plano ang kanyang asawa para mabawi ang kanilang anak mula sa kanyang Mama. Natatakot sya sa maaari nitong gawin kaya naman kumikilos sya ng palihim para balaan ang kanyang Mama, kaso hindi ito nakikinig sa kanya, natatakot din syang magpakita kay R'joy kaya ang kinukulit nya ay ang kanyang Mama na wala ng tiwala sa kanya.
Nagulat at naputol ang pag iisip ni Madeline ng biglang singhalan ito ni Erdrick.
"If the police raid the shipment again!... it's your fault Madeline!."
Galit na iniwan sya ni Erdrick sa Garden. Napaiyak na lang sya't nayakap ang sarili. Malaki ng pinagbago ng kanyang asawa, dina ito gaya ng dati na kahit gaano pa ito ka busy sa trabaho sya pa rin ang priority nito. Ngayon halos madalang na nga sila kung magkita, nagtatalo pa silang dalawa.
'Sya pala yung Madeline..'
"Psst! Honey, lika na! Dumadami ng bantay tagilid na tayo dito.. Halika na dali.."
Gusto pa sanang magtagal ni R'joy kaso hinila na sya ni Ryle patungo sa pader na dinaanan nila kanina papasok sa compound ng mga Llamedary.
"O, nakalimutan kong ibigay sayo yan kanina.. Nandyan ng lahat ang gusto mong malaman tungkol sa tunay mong mga magulang."
"Thanks! Bee, uwi na tayo." Mahigpit nyang hinawakan ang folder na naglalaman ng buong katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Binuksan nya ito saka inumpisahang basahin.
Ilang minutong katahimikan din ang lumipas ng biglang kumanta si Ryle.
"If you need me.. ♪ ♪ I'm only one call away♪ ♪ I'll be there to sa - araayyy!"
Himas himas ang dibdib nyang nasaktan sa paghampas bigla ni R'joy, gusto lang naman nya itong pangitiin masyado kasi itong seryoso, pero ng mapabaling sya sa dalaga para sana gantihan ito, nagbago biglang mood nya ng makita ang seryosong mukha nitong nagbabasa sa nakalap nyang impormasyon, tahimik na lang syang nag drive paalis sa lugar na yun.
Narating nilang mansyon ni Donya Consuelo ng hindi man lang umiimik si R'joy, tulala lang ito matapos basahin ang lahat ng lamang papeles sa loob ng folder.. kung hindi pa nya ito tinapik sa braso hindi pa ito gagalaw.
"Queen!"
Blangko ang tinging ibinaling ni R'joy kay Ryle. Napakurap kurap pa sya ng mga mata bago ngumiti sa binata, pinipigilan lang nito ang mapaiyak, dahil ayaw nyang ipakita sa kaharap na mahina sya't marupok, isapa alaskador itong si Ryle hindi sya nito tatantanan kapag ginawa nya yun.
"There are times when crying is inevitable. You want to convince yourself you are strong, but we all have limits. Sometimes those tears you are trying so hard to keep inside have to escape so your heart can find space to fit in the happiness you are so deserving of."
Sa narinig na sinabi ni Ryle, dun na pinakawalan ni R'joy ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.
Tama naman si Ryle, may mga pagkakataong hindi natin maiiwasan ang pag-iyak. Matatag at malakas ka man bibigay ka rin kapag kinakailangan. Minsan kasi ang mga luhang pinipilit mong itago at pigilan sa loob ay dapat mailabas upang gumaan at maging maayos ang yung pakiramdam.
"Kaya mo yan Honey, ikaw paba! eh astig ka nga diba?".
Napangiti na lang sya ng kabigin payakap ni Ryle saka hinaplos haplos ang mahaba nyang buhok. Ito ang pinakagusto nyang ugali nito kahit na alaskador malambing din naman. Pinahid nyang luha saka sumisinghot na nagsalita.
"Salamat Bee, isa kang tunay na kaibigan." Bumitaw sya sa pagkakayakap dito saka pinitik ang tenga nito.
"Aray! salbahe ka talaga! Bumaba kana nga sa sasakyan ko!" Nakasimangot na binuksan ni Ryle ang pintuan ng kanyang sasakyan.
Natatawang lumabas sya ng kotse, pero bago humakbang papasok ng bahay nila, nilingon pa nyang kaibigan na himas himas pang namumulang tenga.
"Bee, l owe you one! Saka na lang ako babawi sayo.."
Kumindat at sumaludo pa sya dito bago tumalikod at naglakad papasok ng bahay nila para hanapin ang kanyang mahal na Laloo Consoy.
?MahikaNiAyana