Boyzone

1869 Words
"Woohhh..! Party.. Party... " si Ashley na patalon talon habang labas ang litid kakasigaw. "Sarap ng libreee.." si Rowena na pagiling giling pa't patuwad tuwad, walang pakelam kung naglalabasan nang mga kayamanan nito sa suot na kapiranggot nitong damit. "Daming pogi! Grabee..! " Si Roselia na habang umiindak, umiikot naman ang tingin nito sa paligid, particular na sa mga kalalakihan. "Sayaw pa mga bad girls! magdamagan tayo dito yeyeyehh!" Si R'joy na syang talo sa pustahan ang magbabayad ngayon sa pagsasaya nilang anim. "Walang maghuhubad sa inyo dito ha! at walang mangmamanyak!" Sabay namang pasigaw nila Claire at Mabel sa apat na walang tigil kakaindayog, kakaindak sa gitna ng dance floor ng Boyzone. Ang sikat at in demand na disco bar sa Antipolo. Na kahit malayo sa kani kanilang lugar sinasadya talaga nila makapagsaya lang ng bonggang bongga. Pag aari ito ng mag partner na Vane del Valle at Dale Mondragon. Parehong fafable, fafalicious, fafabongacious pero taken at committed na sa isa't isa. Kumbaga happily married na silaa.. waahh!.. Everybody..♪ ♪ kanta ng bandang boyzone. Yeah... Yeah..♪ ♪ sabay sabay na sigaw naman ng grupong bad girls, na hindi lang mga lango sa alak kundi mga high na rin sa tinira nilang ecstasy. Rock your body ♪ ♪ "Yeahhh..." Patalon talon na sigaw ni R'joy, di alintana ang naaapakan nyang mga paa sa bawat bagsak ng 4inches high hills nya sa dance floor. "Hey! Nakakasakit kana Miss! Dika ba magsosorry sakin ha?" Pasigaw ng lalaking nasa likuran ni R'joy. "Yeah ♪ ♪ Yeah.. Woohh.." Bingi bingihang tuloy lang si R'joy sa pagsasayaw. "Dude! Queen, never know the word 'Sorry'. So, back off!" Napangisi na lang sya ng marinig ang sinabi ni Roselia. "Ganun! Kayong mga spoiled brat.. Diba kayo tinuruan ng mga magulang nyo ng magandang asal ha?" "Helloo... Disco bar po ito Manong hindi simbahan, kaya wag mo kaming sermunan.. Letche ka! Sinisira mong gabi namin, umalis kana nga!" Bwelta ni Rowena sa lalaking lalong uminit pang ulo sa kanila. "Aba't sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Baka gusto nyo sa kulungan na kayong lahat mag disco!" 'Peste!' Yung biglang pagpihit ni R'joy paharap sa lalaking di naman katangkaran sa kanya dahil sa nakasuot sya ng mataas na hills, biglang umangat ang kamao nya sabay suntok sa kaharap na awang ang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. "We are the bad girls and I'm R'joy Queen! I have no fear so don't threaten me. Stupid! Let's go girls!" Tinabig nyang lalaking sapo ang ilong na dumudugo. Deretso lang ang lakad habang may dinudukot sa bulsa ng kanyang Gucci bag at ng may mahawakang papel dun kaagad na hinugot nya yun at inabot sa lalaking papalapit sa kanya. "p*****t for the damages." "Queen!.." "I know Dale, see you next month! Please don't tell my grandma about what happened here.. you know her condition right? She's one of your patient before." "Yeah! No worries, safe ang sekreto mo sakin.. What are friends are for? kung sa ganitong kaliit na bagay lang hindi pa kita matulungan." "Thanks!" Niyakap nyang kaibigan saka hinalikan pa sa pisngi bago naglakad palabas ng bar. "Ang aga namang natapos ng pagsasaya natin" pumapadyak pa si Roselia habang naglalakad. "Oo nga! Bitin na bitin akooo..." Sigaw naman ni Rowena ng makalabas na sila ng boyzone. "Sa layo ng lugar na ito, di sulit ang traffic na tiniis natin makarating lang dito. Hayy.." Hirit naman ni Claire na umakbay pa kay Mabel. "Bakit? Sinong nagsabi na tapos ng pagsasaya natin ha?" Nakapamewang hinarap nyang mga kaibigan na napahinto sa paglalakad at excited na nakatingin sa kanya. "Hindi pa ba tayo uuwi?" Si Mabel na inaayos ang ipit sa kanyang buhok. "Yeeyy.. San tayo patutungo ngayon Queen?" Napapalakpak namang tanong ni Ashley. "Basta! Sumakay na kayo sa kotse, ako ng bahala." Misteryosong ngumiti si Rjoy bago hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa ng short na suot. Isang ring lang at sumagot ng kanyang tinawagan. "Yes! Queen?" "Open pa bang bar mo?" "Yap! Why?" "Bad Girls coming..." "Hell! Yeah!" "Thanks! Pao, see yah! Bye." She glanced at the watch she's wearing .. 2am! It is too early for their bad girls that happiness is Night life. 'Whistle' 15 minutes ding nag drive si R'joy bago nila narating ang discobar na pag aari ni Paolo Viena, Ang master ng Burdado Fraternity. Isa ito sa mga nakabangga nyang grupo sa Ayala Alabang ng maligaw sya ng daan patungo sa bahay nila Vane Del Valle. "Wow!" Nagniningning ang mga mata nila Mabel at Claire habang nakatingin sa Entrance ng Whistle. "Wafak! Yayamanin naman ng bar na yan!" "Oo nga b***h, kaya dapat sulitin natin ang gabing ito." Excited na hinila ni Rowena si Roselia patungong entrance kung saan nakatayo na dun si Ashley at Rjoy na nakikipag usap sa guard at dalawang bouncer. "Pasok na lang po kayo Miss Queen, nasa private room po si Master Pao. Ibinilin na po nya kayo samin." "Thanks.. Bogie, gumugwapo ka yata ngayon ah!" Napakamot muna sa kanyang ulo ang guard bago nahihiyang sumulyap sa kanila isa isa.. "Hehe inlab lang po Miss Queen. Your welcome po." "Masyado ngang halata, kasi naggo glow ang aura mo." Sabi pa nya bago hinila si Ashley papasok ng bar. Nakasunod naman ang apat na panay ang bulungan at hagikgikan. ♪ ♪ Woohwowooh sweet child of mine♪ ♪ Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanila. Hindi na nila nagawang umupo pa dere deretso na silang anim sa dance floor at nakipagsabayan sa mga nagiindakan o mas tamang sabihin na nagwawalang mga lasing at high na mga kabataan. "Sarap maging bad girls..! Si Ashley. "Sarap mabuhay..!" Si Mabel. "Sarap ng malaya..! Si Claire. "Sarap maging single..!" Si Roselia. "Sarap ng libreee..." Si Rowena. Sa lahat ng kanyang narinig yung sigaw ni Rowena ang nakapagpatawa ng malakas kay R'joy. Kapag kasama nyang mga ito sobra sobrang saya ang kanyang nararamdaman. Hinihingal na napahinto sya sa pagsasayaw at tinapik ang mga kaibigan. Sumenyas syang uupo muna at ng mag thumbs up ang mga kaibigan. Naglakad na sya patungo sa mesang nasulyapan nyang bakante. Mabilis syang umupo dun saka senenyasan ang waiter na nakatayo sa gilid ng mesang katabi nya. Omorder sya ng scotch whiskey isang bote ng Ardbeg brand mas gusto nyang lasa nito kesa sa Balvenie na gusto naman ni Rowena. Saka Smoky bacon-wrapped chestnuts, Chocolate- drizzled hazelnut brittle, Sage & goat cheese pizza at Salty-Sweet snack mix. "f**k! what happened to your face?" Habang naghihintay sa kanyang inorder napatuwid ng upo si Rjoy ng marinig ang boses ni Paolo sa kabilang mesa. Pasimple syang napasulyap dun. Dalawang lalaki ang kasama nito sa mesa.. Maliban kay Paolo na halata ang pagkagulat sa mukha, ang isa naman nitong kasama ay natatawa at napapailing na lang. "Hahaha.. Nasapak nung chick dun sa Boyzone Tol." "Chismoso ka talagang hayop ka!" Naiinis na singhal ni Mc kay Reighn na namumula ng mukha sa kakatawa. "Ikaw nasapak? Weh di nga? Kelan kapa lumambot sa mga babae Mc?" Singit ng kararating lang na si Ym. Napaangat naman ang sulok ng labi ni Rjoy ng makilala ang lalaking kausap nila Paolo. Ito yung lalaking maangas na sinapak nya kanina sa bar ni Vane. 'Hmm.. Kaibigan ka pala ni Paolo ha! Dika bagay sa grupo nila kasi lalampa lampa ka at parang babae yang bunganga mo. Lang tigil kakaputak!' "Ma'am, ito na pong order nyu." "Queen! call me Queen." Tumatangong Isa isang nilapag ng waiter ang kanyang inorder. Ng akma na itong aalis inabutan nya ito ng limangdaan. Kaylapad ng pagkakangiti nung waiter. "Thank you po Miss Queen, mag enjoy po kayo.." Tipid nyang nginitian ang waiter na yumukod pa sa kanyang harapan bago umalis. Napailing na lang sya sa inakto nito. "Uuyy! Daming pagkain.." "Hitsura pa lang mukhang masarap na." "Matikman nga isa isa.." Sinalinan isa isa ni R'joy ang anim na baso matapos lagyan ang mga ito ng yelo. At inabutan ang mga kaibigang abalang nilalantakan ang pagkaing nakahain sa kanilang harapan. "Kampai!" Tuloy tuloy lang ang kanilang inuman nakadalawang order na si Rjoy ng alak, at nakalimang order naman ng pulutan. Halatang may mga amatz ng mga ito dahil dina tuwid kung magsalita, pero tuloy pa rin ang kanilang kwentuhan. "Queen!" Napabaling sya ng tingin sa lalaking nakatayo na ngayon sa harapan nila. Mula sa sapatos nitong kulay itim paakyat ang tingin nya sa pantalon nitong faded na punit punit, sa T-shirt nitong kulay puti na pinatungan ng leather jacket na pula. Napangisi na lang sya ng makita ang magkasalubong nitong makakapal na kilay. "Hi Pao! Musta na?" "Okay naman ako, fully recovered ng sugat ko. Salamat sayo ha! Nadagdagan na naman ang burda sa katawan ko." "Your always welcome, gusto mo dagdagan ko pa para mas memorable ang ating pagkakakilala." "Tsk.. pinagbigyan lang kita noon, dina yun mauulit ngayon." "Talaga!" Yung biglang abot ni Rjoy sa isang bote ng alak na wala ng laman sabay hampas sa mesa, dahilan ng pagkabasag ng bote. Mabilis syang pumihit paharap kay Paolo at inundayan ito ng saksak sa hita, pero may biglang tumulak kay Paolo na tumalsik sa kabilang mesa. "Ahh..shit!" Napasapo bigla sa kanyang braso si Mc ng dun tumama ang basag na bote. "Yan ang napapala ng mga pakealamerong nagmamagaling. Stupid jerk!" Napabuga na lang sa hangin si Rjoy. "Grabeh! Nakadalawa na agad sayo ang chick na yan Tol Mc." Tudyo pa ni Reign na lalong ikinainit naman ng ulo ni Mc. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Rjoy. "What? Gusto mo pa bang masaktan ulit? Magsabi ka lang taos puso kitang pagbibigyan." Dinilaan nyang basang labi matapos lumagok ng alak sa basong kakaabot lang ni Rowena sa kanya. "Stop!" Umiiling na pinigilan ni Paolo si Mc na pasugod na sana kay Rjoy na nakataas lang ang kilay na nakatingin sa kanila. "Makinig kana lang kay Pao, Tol Mc! Hindi ka mananalo sa babaeng yan, believe me, kilala kong mga yan dahil iisang university lang ang pinapasukan namin." Pabulong ang boses ni Ym habang nakatingin kay Reign na binabalot ng panyo ang brasong dumudugo ni Mc. "Pesteng babae yan! Demonyita talaga! Idedemanda ko yan." "Hahaha.. Serious kana ba sa lagay na yan Tol? Eh bakit tila iba yatang nafe feel ko sayo.. Hmm." Taas babang kilay ni Paolo, na tila iniinis pang lalo ang kaibigan. "Gago! Imbes na magpasalamat kana lang sakin dahil niligtas kita sa malditang yan, pinapainit mo pang lalo ang ulo ko." Natatawang Iniangat ni Paolo ang laylayan ng kanyang T-shirt at pinakita kay Mc ang mahabang peklat nito sa tagiliran. "Nakita mo ba'to?" Awang ang labing napakurap kurap si Mc. Basi sa hitsura ng sugat malalim ito, nangilabot sya bigla ng maisip kong ilang stitches ba ito. "Sya bang may gawa nyan sayo?" "Yeah! Wala ng iba pa! Kaya halika na pagamot na natin yang sugat mo bago pa maimpeksyon." Nagpahila na lang si Mc sa tatlong kaibigan, ng malapit na sila sa exit hindi nya napigilang lumingon sa mesa nila Rjoy. Nagkatinginan pa silang dalawa, mula sa nakangising mukha nito, dumila ito at itinaas ang kamay at pinakita ang gitnang daliri sa kanya. Naiiling syang ibinaling ang tingin sa nilalakaran. 'May pag asa pa kayang magbago ang babaeng yun? Kasi, sayang.. Ang ganda ganda pa naman nya.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD