Prologue

597 Words
Like na like kong mga fashion na gamit.. Jewelries, bags, shoes, dress , beauty products, basta may tatak kahit jafake pa yan hindi ko titigilan, hanggat di napapasakamay ko yan... Mapa class A. man yan, basta pasok saking taste, grab ko kaagad yan.. Isa akong adik sa shopee. Buy dito buy doon.. order nito order nyan.. Ito ang kaligayahan ko, maliban sa mga katropa kong 'Bad Girls'. Well, bumuo ako ng sarili kong grupo, dahil sa school na pinapasukan ko, uso ang grupo ng mga kabataang iba iba ang dahilan at karapatan na ipinaglalaban. Pero, kaming anim... Walang rules.. walang boundaries.. Kung anong gustong gawin.. ginagawa namin, basta't masaya at nag eenjoy kami saming ginagawa, No one can stop us. My parents abandoned me, when I was six months old. Namulat ang mga mata ko, na tanging ang laloo Consoy kong nasa aking tabi.. Gumabay, umalalay, nagmahal at higit sa lahat, ibang klase ang pamamaraan ng kanyang pagpapalaki sakin.. masasabi kong walang hihigit at katulad ang pagmamahal na ipinadama ng Laloo Consoy ko sakin. Kahit dalawa lang kaming namumuhay at nakatira sa mala Palasyo nyang bahay.. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anumang lungkot at kakulangan, bagkus.. Umaapaw na kaligayahan at pagmamahal ang aking nararanasan sa mahigit sixteen years kong buhay dito sa mundong ibabaw. Mahal na mahal kong laloo Consoy ko, kaya lahat ng mga kalokohan at kabulastugan na aking ginagawa, ay maige kong tinatago sa kanya. Matanda na kasi sya.. at ayokong bigyan ng sama ng loob, ang pinakamamahal kong Laloo. Kapag nasa galaan ako, at may posibilidad na gabihin ng uwi o di naman kaya ay dina talaga makakauwi.. Kaagad kong kinokontak ang kapitbahay naming matandang dalaga, alam na nyang kanyang gagawin, para dina mag alala pang Laloo ko sakin. Hindi libre ang kanyang serbisyo.. syempre.. binabayaran ko sya, mula sa sobra sobra kong allowance na binibigay ni Laloo, tuwing katapusan ng buwan. Malaki ang pension nya at sobra sobra saming dalawa. Marami akong bisyo at ito'y lihim na pinakakaingatan kong hindi malaman ni Laloo. Siguro naman.. hindi lang ako ang nag iisang teenagers na masyadong curious sa mga nangyayari sa kapaligirang ginagalawan araw araw. Kasamang aking tropa, nagna nightlife kami, halos nalibot na nga namin ang mga bars, kahit na gay bar napasok na rin namin. Hindi hadlang ang mga edad namin, kahit menor de edad pa kami, nagagawan din namin yan ng paraan. Hindi lang yosi at alak ang tinitira namin, kundi m*******a, shabu at maging ecstasy na rin. Isa sa libangan namin ay ang magpustahan.. Mga gamit, pagkain at kung anu anupang maisipan naming pagpustahan, pero higit sa lahat.. lalaki ang madalas naming pagtripan. Malaki ang nakatayang premyo, kaya walang sinuman saming anim ang nagpapatalo. Noong dipa namin katropa si Ashley, ako parati ang wagi. Pero simula ng maging kaisa namin sya, kadalasan second place na lang ang ending ko. Si Ashley ang 'Playgirl'.. 'Astig' naman ako... 'Nerd' si Mabel.. 'Nice girl' si Claire... 'b***h' si Roselia... At ang pang huli ay si Rowena, ang 'Hooker' ng grupong Bad girls... 'Uys!! wag munang maging judgmental saming mga Bad girls... Saka nyo na kami hatulan, kapag nabasa at nalaman nyo ng Story of our life... I'm R'joy Queen.. Sixteen.. Maganda... Maloka... Mabisyo... Suplada... How did I become a Queen? Because ... I am the Queen of my Grandma Consoy ... Queen of my Bad girls group ... And above all, Queen in the heart of the only man, who loves me for who I am. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD