"Good bye, Ma'am." Sabay yuko sa akin ng sekretarya ni Aldrin. Bahagya kong inangat ang mukha ko bilang tugon sa kanya. Ang tagal ko na sa kumpanya na ito. Ngunit kahit kailan ay hindi ko nagawang ngumiti sa mga empleyado rito. Siguro dahil mainit ang dugo sa boss nila. "Mommy, anong oras po tayo susunduin ni Daddy?" tanong ni Cedric. Tumingin ako sa relong pambisig ko. Dapat kanina pa kami nasundo ni Simon. Mahigit alas-singko ng hapon pero wala pa rin siya. "Sandali tatawagan ko ang Daddy mo." Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos at dinial ang numero ng cellphone niya. "s**t! Bakit cannot be reached?" Ilang beses ko pa siyang tinawagan ngunit talagang hindi ko siya makausap. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana ginamit ko ang kotse ko. Sinasadya naming isang kotse para makita n