Alas-sais pa lang ng umaga ay nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Kahit inaantok pa ako ay napilitan akong bumangon para alamin kung sino ang nasa labas ng pinto. Baka kasi Simon ang nasa labas. Magalit pa siya dahil hindi niya mabuksan ang pinto. Pinalitan ko kasi ang password dahil kahapon nang dumating kami ni Cedric bukas at hindi naman naka-lock ang pinto. Hindi ko pa na i-report sa may ari ng building na ito dahil inaantok na ang anak ko at ayaw ko naman iwan. "Good morning." Nakangiti si Aldrin sa akin nang buksan ko ang pinto. May bitbit siyang bouquet na bulaklak at malaking paper. Nakasuot lang siya ng maong shorts at white t-shirts na may tatak ng pangalan ng branded na damit. "Bakit nandito ka?" Gulat na gulat ako nang makita ko siya. Sa halip na sagutin