"Bakit kaya ang tagal dumating ni Aldrin?" Kanina pa ako nasa sala at naghihintay sa kanya. Antok na antok na ako pero hindi ko magawang pumunta sa kuwarto ko para matulog. Kung matutulog na kasi ako ay siguradong umaga na ako magigising. Hindi ko na siya maasikaso kapag natulog ako. Binuksan ko ang telebisyon upang manood ng mga pelikula para malibang ako sa habang naghihintay. Ngunit habang nanonood ako ay hinihila naman ako ng antok hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Naalimpungatan na lang ako nang may humalik sa labi ko. "A-Aldrin." Ngumiti siya sa akin. "Good morning." Mabilis kong tiningnan ang wall clock at nakita kong alas-dos na ng madaling araw. "Good mor— ummh." Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. Amoy