CHAPTER 10

2025 Words
Nagising ako dahil sa tunog ng orasan ko. Ito ang oras ng gising ko para gumawa ng gawaing bahay. Bumangon ako nang mapansin ko ang hindi pamilyar na kumot ang nakabalot sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Aldrin na tulog na tulog sa gilid ng kama. Hindi tuloy ako puwedeng bumangon dahil tulog na tulog siya. "Mabait ka rin pala kahit papaano." Dahan-dahan ang naging pagpangon ko para hindi siya magising. Pagkatapos ay binalutan ko siya ng kumot. Hindi ko naman siya kayang buhatin para ihiga sa kama nang sa ganon ay makatulog siya ng maayos. Masama ang pakiramdam ko ngunit kailangan kong kumilos para gawin ang trabaho ko. Bumalik ako sa kuwarto ko saka naligo ng mabilis. Ginawa ko ang daily routine ko sa loob ng bahay kaya nang matapos ako ay bumalik ako sa kuwarto ko para muling matulog. Naramdaman ko naman ang pagod at sakit ng katawan. "Euhanna." Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha niya na punong ng pag-aalala sa akin. "Sir. Aldrin." Babangon sana ako nang mapansin ako ang bimbo sa ulo ko. "May lagnat ka naman kaya tinawagan ko na ang personal Doktor ko. Mamaya lang ay darating na siya para ma-check up ka." "Kaya ko na ang sarili ko. Nakapagluto na pala ako ng pagkain mo at ginawa ko na ang trabaho ko." "Kaya tuloy may nagkasakit ka ulit." "Kaya ko naman." "Ang tigas talaga ng ulo mo." Tumayo siya at lumabas ng kuwarto ko. Ilang minuto pa ay may dala na siyang isang tray na pagkain. Naulit na naman ang nangyari kagabi. "Sir, Aldrin, hindi niyo na ito kailangan gawin." "Pero ginawa ko at wala kang ibang gagawin ngayon kung hindi ang magpahinga. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango ako. "Kayo po ang bahala." "That's good, kumain na para makainom ka ng gamot. Sinimulan kong kainin ang pagkain na hinanda niya para sa akin.Pagkatapos kong kumain ay pinainom niya ako ng gamot. Hindi siya umalis hanggang sa dumating ang Doctor. "Over fatigue lang kaya pabalik-balik ang lagnat niya." "Kaya siguro siya na over fatigue dahil wala siya katulong sa gawaing bahay nasa probinsya kasi ang mga katulong ko kaya lahat ng trabaho dito. Anyway, maraming salamat, Doc." ani Aldrin. "Miss, huwag kang masyadong magpapagod sa trabaho kailangan mong magtira para sa sarili mo." Tumango. "Thank you." "Maraming salamat, Doctor." Nakipag-shake hand si Aldrin sa kanya. "You're welcome, yung gamot na reseta ko sa kanya ay bilhin mo. Kailangan din niyang uminom ng vitamins ang payat na niya. Nang umalis ang Doktor ay umupo siya siya sa gilid ng kama. "Gusto kong humingi ng tawad dahil masyado kitang pinahirapan. Kapag gumaling ka ay sa condo na lang tayo titira para hindi masyadong maraming trabaho." "Huwag n'yo akong isipin. Ngayon lang naman ito pero sanay naman akong sa gawaing bahay." "Basta ako ang masusunod." Tumango ako. "Kung 'yon ang gusto n'yo, Sir.". "Huwag mo na rin akong tawagin Sir.Mas maganda kung Aldrin na lang." "Okay, Aldrin." Ngumiti siya. "Sounds good. Magpahinga ka na. Babalik na lang ako mamaya para paiinumin ka ng gamot." "Si— Aldrin." Tumingin siya sa akin. "Bakit?" "Thank you." "You're welcome." Ngumiti siya saka tumalikod. Nakakahiya dahil nasa loob ako ng kuwarto niya. Kanina kasi bago ako i-check up ng Doctor ko ay inilipat niya ako sa kuwarto niya para hindi mahirap ang doctor ko sa pag-check up sa akin. Ngumiti ako. Feeling ko tuloy ay magaling na ako dahil sa sinabi niya. May kabaitan din naman pa lang itinatago si Aldrin. Wala na akong ginawa ng araw na iyon kung hindi ang matulog na at kumain. Inasikaso niya ako kaya naman nang araw din na iyon ay nawala na ang lagnat. "Simula bukas ay hindi ka na mahihirapan dito sa gawaing bahay," sabi niya matapos niya akong painumin ng gamot. "Bakit?" "Ngayong gabi darating ang mga katulong mo. Pinabalik ko na sila rito para hindi ka na masyadong mapagod sa gawaing bahay." "Baka magalit sila sa akin dahil naputol ang bakasyon nila." Umiling siya. "Actually, dapat isang buwan lang ang bakasyon nila pero lampas na sila ng isang buwan kaya siguradong nasulit na nila ang bakasyon nila sa probinsya nila. Isa pa, bayad ang bakasyon nila." "Mabait ka pala." "Bakit anong akala mo sa akin masamang tao?" Sabay taas niya ng kilay. Tumango siya. "Oo." "Magpasalamat ka may sakit ka kung hindi ay lagot ka sa akin." "Kaya nga sinusulit ko na ang pagiging mabait n'yo sa akin dahil siguradong pahihirapan n'yo ako kapag gumaling na ako." Nagkibit-balikat siya. "Babalik na ako sa condo ko kapag gumaling ka at isasama kita." Tumango ako. Mas maganda na rin iyon dahil hindi ako nahihirapan sa gawaing bahay. Kinabukasan ay agad kaming lumipat sa condo ni Aldrin. Nasa fourth floor ang condo niya na nasa Bonifacio Globe City. "Tandaan mo ang password ng condo ko," sabi niya nang ipakita niya sa akin kung paano buksan ng manual ang condo niya. May dalawang klase kasi para buksan iyon. I-swipe lang ng card at magbubukas na ito. Napanganga ako nang pumasok ako sa loob. Hindi kasi inaasahan na malaki ang condo niya. Ang inaasahan ko ay maliit lang tulad ng napapanood ko sa telebisyon. Malawak ang dalawang kuwarto niya at ang sala ay malawak din. Ang kusina at banyo ay sakto lang ang laki. "Siguro naman hindi ka magkakasakit gawain bahay?" Tumango ako. "Thank you." "Doon ka sa kabilang kuwarto matutulog pero kapag may bisita akong babae ay sa sofa ka matutulog." "Yes, Sir." "That's good, o-order na lang ako ng pagkain natin sa ngayon, pero bukas ay ipagluluto mo ako. Pinuno ko ang laman ng ref at puno rin ang laman ng grocery ko para wala ka ng hahanapin." "Naiintindihan ko." Binibitbit ko ang mga gamit ko sa loob ng kuwarto saka pumasok ako sa loob. "Wow! Ang ganda ng kuwarto ko." Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Bukod sa ang paborito ko ang kulay pink na kurtina may aircon din ako. Hindi tulad ng kuwarto ko sa mansyon. Naka-electricfan ang gamit ko. "Hope you like it." Tumango ako. "Aldrin, may sakit ka ba?" Kumunot ang noo niya. "Huh? Bakit naman?" "Bakit ang bait mo sa akin?" Napawi ang ngiti niya. "Gusto mo bang maging masama ako sa iyo ulit?" Umiling ako. "Sana huwag mo ng ibalik kasi ang bigat sa pakiramdam na may laging nagagalit sa akin." "Naawa lang ako sa iyo dahil ang sabi ng Doktor mo at malnourished ka na raw. Hindi sapat ang timbang mo sa height mo at edad mo kaya gusto kong bumawi sa iyo." Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang doorbell ni Aldrin. Sabay kaming lumingon dalawa. "Nandiyan na ang order natin na pagkain," ani Aldrin. Sabay pa kaming lumapit sa pinto para kunin ang mga pagkain na in-order niyang pagkain. Pagbukas ni Aldrin ng pinto ay nagulat kami sa nabungaran namin. "What are you doing here, Michaella?" tanong ni Aldrin. Imbis na sagutin ni Michaella ang tanong ni Aldrin ay nakataas ang kanang kilay niyang tumingin sa akin. "Nagli-live in na pala kayo ng babae na 'yan?" "So, what's the problem? Pareho naman kaming single." sagot ni Aldrin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil baka madulas ako at sabihin kong hindi kami magkasintahan. "Wala naman, dumaan lang ako rito para ibigay sa iyo itong ginawa kong carrot cake. Masarap 'yan dahil ako ang nag-bake niyan." Ngumiti pa siya. Tumingin siya. "Hindi kami kumakain ng carrot cake dahil umiiwas na kami sa matatamis," sagot ni Aldrin. "Pero paborito mo ito." "Hindi na ngayon, ang luto na lang ng mahal ko ang paborito ko." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Dumating na ang order namin kaya hindi na pinansin ni Aldrin si Michaella. Nagdabog si Michaella ng umalis habang bitbit niya ang dala niyang carrot cake. "Bakit bigla siyang umalis?" tanong ko kay Aldrin "Nagagalit siya dahil hindi ko pinansin ang dala niyang cupcake." Isa-isa kong inilagay sa lamesa ang mga pagkain na in-order niya. "Bakit kailangan niya akong bigyan ng cake? Nalaman lang niyang may bago na akong girlfriend saka siya nagpaparamdam sa akin." "Hindi mo ako girlfriend. Bakit siya magagalit?" "But she knows you're my girlfriend. And don't ever say you're not a girlfriend, especially to my parents." Tumingin ako sa kanya. "Magulang? Bakit ko naman sasabihin, hindi ko naman nakikita ang magulang mo." Kumuha ako ng plato at kutsara. "Kumain na tayo Sir. Aldrin." "Didn't I tell you not to call me Sir?" "Sorry, nasanay lang ako na tawagin kitang Sir." "Sanayin mo ang sarili mo dahil baka bigla mo akong tawagin Sir sa harap ni Michaella." "Tatandaan ko po." "Don't be too polite to me. Pretending to be my girlfriend will not be successful if you talk to me like that." "Okay, Aldrin." "That's better. Let's eat." Tumango ako at pagkatapos ay sabay kaming kumain. Hindi ko alam kung ano ang kinain niya para bigla na lang maging mabait siya sa akin. Pero sana kung anuman ang dahilan niya sana hindi na siya bumalik sa dati na magiging masungit sa akin. "Busog na ako." Nakahawak pa ako sa tiyan ko. "Uminom ka ng gamot pagkatapos ay matulog ka na para makabawi ka ng lakas. Ako na ang bahalang maghugas nito." Nanlalaki ang mga mata ko. Masyado naman yatang siyang mabait para pinagkainan namin ay hugasan niya. "Hindi naman nakakapagod ang maghugas ng plato kaya ako na ang gagawa." Uming siya. "No, magpahinga ka na diyan para mabilis kang lumakas." Tumango. "Okay, ikaw ang bahala." Pumasok ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ako ng damit napansin ko na may isa pang pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko na may banyo rin. Napahanga ako sa ganda ng banyo na halos bagong-bago pa. Pumasok ako sa loob. "Ang ganda may shower pa siya." Para tuloy akong nasa hotel dahil sa kuwarto kong ito. Inilagay ko sa warm water ang tubig ng shower pagkatapos ay isa-isa kong hinubad ang suot kong damit. Nagsimula na akong maligo. In-enjoy ko ang shower sa kuwarto ko. Sobrang nakakatuwa. "Euha— "Ay!" Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko ang tatakpan ko. Tumalikod ako sa kanya. "N-Naliligo ako," nauutal kong sabi. "S-Sorry, may itatanong sana ako sa iyo," sagot niya. Nakatalikod na rin siya sa akin. "M-Mamaya mo na lang akong kausapin." "Oh, sige, sorry," sabay alis niya. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siyang ng banyo. Feeling ko tuloy nasunog ang mukha ko. Naramdaman ko tuloy ang init ng tubig ko dahil sa nangyari. Inilagay ko sa coldwater ang set ng shower ko. Naramdaman ko kasi ang init ng katawan ko. Muli kong ipinagpatuloy ang paliligo ngunit biglang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Aldrin ng walang saplot. Natulala ako, ang mga mata mo ay nakatutok lang sa dibdib niya at pagitan ng hita niya. Sobrang makasalanan ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Lumunok ako saka tumalikod nang malapit na siya sa akin. Magaling na ako pero parang lalagnatin ulit ako dahil sa kanya. Ang kanina mabagal na pagsasabon ko ay minamadali ko. Ayokong makasabay si Aldrin sa paliligo dahil mukhang hindi ako makakalabas ng banyo ng hindi kami nagtatalik. "Mauna na ako." Bubuksan ko pa lang ang pinto nang hilahin niya ang braso ko at kabigin palapit sa kanya. Hinawakan niya ako sa bewang saka pinagmasdan ang mukha ko. Naramdaman kong may kuryente dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang katawan natin. "Why, I can't resist you?" Hinawakan niya baba ko saka siniil ng halik habang pumapatak sa amin ang tubig ng shower. Hindi na niya ako inuutusan na tumugon sa halik niya. Naging mapusok ang tugon ko sa bawat halik niya. Nang magsawa sa labi ko ay yumuko naman siya at hinalikan ang maumbok kong dibdib. Nakatingkayad ako habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Part ito ng kontrata namin. Dapat sana ay magagalit ako o tutol sa ginawa niya o 'di kaya'y mandidiri, pero kahit isa ay wala akong nararamdaman pandidiri sa halip ay parang natural na sa akin ang ginagawa niya. Or dahil siguro nasanay na akong nakikipagtalik sa kaya wala na akong naramdaman pandidiri bagkus ay ligaya ang nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD