Mahigpit ang yakap sa akin ng anak kong si Elisa habang nakahiga kami sa kama. Pagod na pagod kami dahil sa pamamasyal namin na nilibre ni Raffy. Ang dapat bibili lang kami ng damit sa Mall ay nauwi sa pamamasyal. Pagkatapos kasi naming manood ng sine ay pumunta kami sa Manila Zoo at Ocean Park tuwang-tuwa sila Ate Alice at siyempre ang anak ko. Ngayon lang kasi kami nakarating sa lugar na iyon. Hindi rin kami hinayaan magutom ni Raffy dahil binusog niya kami sa pagkain. Bumili pa kami ng souvenir para kay Elisa. "Mama, I love you," bulong sa akin ni Elisa. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "I love you too." "Mama, kapag malaki na ako ibibili rin kita ng kotse katulad kay Tito Raffy para kahit anong oras puwede tayong mamasyal nila Tita Alice." "So, dapat mag-aaral kang mabuti para