"Mahal ko, I have to go to the hospital today for the monthly meeting. I'm sorry, but I have to leave you for a while." Nakayakap ng mahigpit si Aldrin sa akin habang sinasabi iyon. Tutol ako sa gusto niya dahil halos lahat ng tao sa mansyon ay hindi ako gusto. Malungkot akong tumingin sa kanya. "Kung aalis ka puwede ba akong umalis din? Gusto ko sanang dalawin ang anak ko." "Don't leave the room, sandali lang naman akong aalis babalik din ako agad." Huminga ako ng malalim. "Sige, hihintayin na lang kita." Ngumiti siya sa akin saka hinalikan ang labi ko. "Thank you, Mahal ko." Pilit akong ngumiti sa kanya. "You're welcome. " Tutol ako sa plano niya dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mansyon nila kapag wala si Aldrin. Mula nang tumira kami ni Aldrin sa mansyon n