"Ikaw ba ang Boss ni Euhanna?" Nakaupo kami sa sofa na yari sa kawayan. May pagkain na dinala si Aldrin kaya ito ang nasa harap namin. Nilalaro ko ang daliri ko habang nakayuko ako. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso. "Yes," kampanteng sagot ni Aldrin." Huminga ng malalim si Ate Alice. "Euhanna, sinabi mo ba sa kanya ang nangyari?" Sumenyas ako kay Ate Alice na huwag ng sabihin kay Aldrin ang nangyari kanina dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon. "Si Euhanna, ipinahiya ng ex-girlfriend mo sa pinuntahan naming fast-food chain." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin napigilan si Ate Alice na sabihin ang nangyari kanina. Mapipilitan tuloy akong sabihin ang totoo. Tumingin siya sa akin. "Anong sinasabi ng Ate mo?" Tumayo ako. "Ate, aalis na po kami." Nauna akong lumabas n