Kanina pa ako nakatitig sa result ng pregnancy test ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito binibigay kay Aldrin. Tatlong araw na mula nang sunduin niya ako sa bahay namin pagkatapos ng isang linggo kong bakasyon sa bahay. Sa loob ng isang linggo na iyon ay nakagpa-check up na ako sa OB-Gyne at nalaman kong six weeks na akong pregnant. "Mahal ko." Inilagay ko sa ilalim ng kama ko ang pregnancy result ko saka niyakap ko siya. "Bakit nandito ka pa? Matutulog na ako." Nagsalunbong ang kilay niya. "Dito ka matutulog?" "Ito ang kuwarto ko?" Niyakap niya ako. "Kung dito ka matutulog dito na rin ako matutulog." "Bakit gusto mong matulog dito?" "Gusto kitang makatabi. Dalawang linggo kitang hindi nakasama kaya miss na miss na kita." Hinalikan niya ako sa leeg. Marahan ko siyang