CHAPTER 6

1604 Words
Isa-isa kong inihanda ang mga pagkain na niluto ko. Sanay si Aldrin na laging dalawa o 'di kaya tatlo ang niluluto kong ulam sa umaga at sa gabi. "Okay na siguro ang mga ito." Pinuntahan ko si Adrin para gisingin siya. Kapag ganito kasing oras ay siguradong tulog pa ito. "Sir. Aldrin! Gising na po handa na ang almusal!" sigaw ko. Habang kumakatok ako sa pinto ng silid niya ay bigla itong bumukas kaya naman nauna ang katawan kong pumasok sa may pintuan niya. Salubong ang kilay niya. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya. Kahit sumakit ang tuhod ko ay hindi ko iyon ininda sa halip at mabilis akong tumayo. Pilit ang akong ngumiti. "Sorry, nawalan ako ng balanse. Nakahanda na po ang almusal." Pokerface ang mukha niya nang tumingin siya sa akin. "Wala naman tubig bakit ka lumalangoy?" Nilampasan niya ako at nauna siyang pumunta sa kusina. Bumuga ako ng hangin upang pigilan ang inis ko kay Sir. Aldrin. "Hmm.. mukhang nakuha mo ang lasa ng gusto kong pork steak." "Yes, ginawa ko po ang gusto mo." "That's good, natututo ka na." "Ah, Sir. Aldrin puwede ba akong humingi ng pabor sa iyo?" Huminto siya sa pagkain saka nakasimangot na tumingin sa akin. "What is that?" "Gusto ko sanang dalawin ang anak ko dahil ilang araw ko na siyang hindi nabibisita." Mas lalong dumami ang wrinkles niya nang marinig niya ang sinabi ko. "Hindi mo na siya kailangan puntahan dahil araw-araw nagre-report sa akin ang mga doktor niya." "Alam ko naman pero gusto ko pa rin makita ang anak ko para mahawakan ko siya baka sakaling magising siya kapag nararamdaman niya ako." "How about your obligation to me?" "Hindi ko naman nakakalimutan ang obligasyon ko rito." Huminga siya ng malalim. "Okay, sige sasabihin ko sa driver ko na ihatid ka papunta sa hospital." "Lumiwanag ang mukha ko sa tuwa. "Talaga? Thank you!" Niyakap ko siya at sa labis na tuwa. Nakalimutan kong kumakain pala siya. "Ay, sorry! Bigla akong lumayo sa kanya at yumuko. Tumayo si Aldrin at lumapit sa akin. "Go, hug me." "Sorry, Sir, hindi ko naman sinasadyang yakapin ka nadala lang ako ng saya ko." Pulang-pula ang mukha ko. Hindi ko naman kasi sinasadya na kanina. Masyado lang akong natuwa dahil pumayag siya sa akin. "It's okay. Go, hug me again." muli niyang sabi. Ang bilis ng t***k ng puso ko nang yakapin ko siya. Para akong na istatwa sa ginawa ko. Dahil hindi ko na maigalaw ng mga paa ko para ihakbang palayo. Idagdag mo pa ang mabango niyang hininga. "Okay, enough." Siya na ang lumayo sa akin at muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal samantalang ako ay nanatiling nakatayo sa harap niya habang nakayuko. Mabuti na lang at ito talaga ang gawain ko kapag kumakain siya. Nakatayo ako sa gilid niya at naghihintay ng utos. Nang matapos siyang kumain ay ginawa ko ang trabaho ko. Hinugasan ko muna ang pinagkainan niya saka ako naligo para pumunta sa hospital. "Sir. Aldrin, alis na po ako." "Okay, gusto ko lang din ipaalala sa iyo na may pupuntahan tayong party bukas kaya hindi ka puwedeng magpuyat sa pagbabantay sa hospital." Tumango ako. "Hindi ko makakalimutan." "Good." Tumalikod ako sa kanya upang umalis na ngunit nakakalimang hakbang pa lang ako ay tinawag niya ako. "Euhanna!" Huminto ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Huwag naman sanang magbago ang isip niya. Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti. "B-Bakit? "May nakalimutan ka." Kumunot ang noo ko saka sinimulan kong isipin kung anong bagay ang nakalimutan ko. Lumapit si Aldrin at tinitigan niya ako. "You forgot to give me a goodbye kiss." Hindi na ako nakapagsalita dahil sinakop na niya ang labi ko. Ang isang kamay niya ay nkahawak sa puwit ko. Lumalim ang halik ni Aldrin sa akin kaya naman ang dapat na goodbye kiss ay nauwi sa panghahalik niya sa leeg ko at paghimas ng dibdib ko. Huminto lang siya nang halos maubusan na kami ng hangin sa baga. "Sir. Aldrin, puwede bang huwag muna ngayon? Kailangan ko kasing pumunta ng maaga para makabalik ako ng maaga." Tumango siya. "Okay, sure, pagbalik mo mamaya ay pumunta ka na agad sa kuwarto ko." Tumango ako saka tumalikod sa kanya saka nagmadali akong umalis. Hindi na ako lumingon dahil baka harangin niya ako. "Euhanna!" Tuwang-tuwa si Ate Alice nang makita niya ako. Lumapit ako kay Ate ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Kumusta na kayo?" Dahil pinagbakasyon ni Sir. Aldrin ang lahat ng mga katulong niya ay ako na ang gumawa ng lahat ng trabaho nila. Kinabisado ko pa ang pasikot-sikot sa loob ng mansyon ni Aldrin. Mag-isa lang si Aldrin sa mansyon niyang sobrang laki. Kaya naman sa tuwing naglilinis ako ng mansyon ay umaabot ako ng maghapon sa paglilinis. Nakakapagod ang ginawa ko dahil pagkatapos kong magtrabaho maghapon ay papagurin naman niya ako sa gabi. "Hindi pa rin siya nagigising?" Tumingin ako sa anak ko. "Sana magising na siya." "Siguradong malaki na ang bayarin natin dito baka hindi ka makaalis sa amo dahil sa laki ng utang mo. Ano kaya kung lumipat tayo sa public hospital tutal naman ay tapos na siyang operahan?" Umiling ako. "Hindi na kailangan dahil baka hindi bayaran ng amo ko ang magiging bill ni Elisa kapag inilipat siya sa ibang hospital Isa pa, maigi na siya dito dahil kumpleto ang mga apparatus sa hospital na ito." "Iniisip lang naman kita tingnan mo ang katawan mo, ilang araw ka pa lang sa trabaho mo pumayat ka na." "Hindi lang ako sanay na magising ng maaga at magtrabaho ng maaga kaya ko pumapayat pero hindi naman ako nagda-diet sa pagkain. Hindi naman ako pinagbabawalan ng amo ko pagdating sa pagkain." Pagdating sa pagkain ay hindi mahigpit si Aldrin. Lahat ng pagkain meron sa kusina ay puwede kong kainin. "Mabait din naman pala ang Amo mo." "Pagtulog." Bulong ko . "Sige na Ate Alice ako muna ang bahala sa anak ko." "Sigurado ka?" Tumango ako. "Ako muna ang magbabantay ngayong araw sa anak ko. Magpahinga muna kayo sa bahay." "Siya sige, ako ay aalis muna ako babalik na lang ako mamayang gabi." Tumango ako. "Mag-iingat po ka. Ate, salamat." Nang makaalis si Ate pinunasan ko ang si Elisa habang kinakausap ko siya. Gustong-gusto na siyang magising para tuluyan na siyang sa gumaling. Gusto ko ng marinig boses niya at namimiss ko na ang pangungulit niya sa akin. Matiyaga akong nagbantay sa anak ko. At binabasahan ko siya mg story kahit tulog siya. Nang sumapit ang tanghali ay may dumating na pagkain. "Kanino galing ang pagkain?" tanong ko sa lalaki na nagdala ng pagkain." Galing po 'yan kay Mr. Hererra." Kahit madalas masungit si Aldrin hindi naman niya ako nakakalimutan kapag oras ng pagkain. Tumango ako. "Pakisabi sa kanya salamat." "Sige po, sasabihin ko sa kanya kapag tumawag po ulit siya." Isa-isa ko naman inilabas ang mga pagkain at nakita ko kung sobrang dami ng binili niyang pagkain. Gusto ba talaga niya akong tumaba sa mga pagkain na ito? Inakala ko na nurse ang nagbukas ng pinto kaya hindi ko ito pinansin. Nagulat na ako nang may humalik sa leeg ko. "Ay! Kalabaw!" sigaw ko. "Kung kalabaw ako, ako ang pinaka guwapo na kalabaw." Sabay kindat niya. "Bakit nandito ka? Ang akala ko nasa trabaho ka?" Tumango siya. "Yes, maagang natapos ang meeting kaya pumunta ako rito para dalawin ang anak mo." "Sir, anong nakain mo bakit ang bait mo sa akin ngayon?" Pilyo siyang ngumiti sa akin. "Ikaw lang ang kinain kong masarap kagabi." Nagkulay kamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Nagsisi tuloy ako kung bakit tinanong ko pa iyon sa kanya. "K-Kumain na tayo gusto mo ba?" Pagbabago ko ng usapan. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan namin. Tumango siya. "Yeah, nagugutom na nga ako." "Sandali at aayusin ko lang ang mga pagkain natin." "Okay, take your time." Inayos ko ang mga payakain namin at inilagay ko sa table. Maganda talaga kapag private room dahil para ka lang nasa bahay. May telebisyon din at refrigerator kaya hindi agad napapansin ang mga pagkain na binibili. "Sir. Aldrin, kumain na po tayo," sabi ko pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain. Lumapit naman siya agad sa akin pagkatapos ay sabay kaming kumain dalawa. Napapansin habang kumakain ako ay nakatingin siya sa akin. "Sir, bakit ka nakatingin sa akin?" "Hindi ka kasi gumagamit ng kutsara habang kumakain." "Masarap po ang kumain ng nakakamay. Naghugas naman ako ng kamay ay naglagay ng alcohol kaya malinis ang kamay ko." "May nakita na rin akong babae na kumakain ng hindi gumagamit ng kutsara." "Masarap po kasi, subukan n'yo minsan." Tumango siya. "Okay, sa bahay ko na lang susubukan." Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa hindi namin namalayan na naubos na namin ang pagkain." "Busog na busog ako. Maraming salamat, Sir. Aldrin sa libreng lunch." Hindi siya sumagot sa tanong ko." I need to go back to my office." Tumango ako. "Sige po, Sir. Aldrin." Limang minuto pa lang nang umalis si Sir. Aldrin ay pumasok naman ang nurse para i-monitor si Elisa. Habang nilalagyan ng gamot ang dextrose niya ay nagulat ako nang tawagin ako ng nurse. "Ma'am, gising na ang anak n'yo. Lumapit ako sa palapit sa kanya ay nakita kong nakatingin sa akin si Elisa. Ngumiti siya sa akin. Tumulo ang luha ko." Elisa.. anak." Lumabas ang nurse para tawagin ang Doctor. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko ito "Salamat at bumalik ka na. Mahal na mahal ka ni Mommy." Walang paglagyan ang kaligayahan ko dahil sa wakas ay gising na si Elisa. Agad naman dumating ang Doktor ni Elisa upang tingnan ang kalagayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD