Nakatingin ako kay Euhanna mula sa tapat ng kuwarto ko. Nasa first floor siya at naglilinis ng mansyon. Sinadya kong pagbakasyunin ang mga katulong ko upang pahirapan si Euhanna. Nakikita ko kasi sa kanya ang ex-girlfriend ko na niloko ako. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sa kanya. Nawalan na ako ng respeto sa mga babae dahil sa ginawa ng ex-girlfriend ko. Minahal ko siya at inaalagaan ngunit sa huli lolokohin pala niya ako.
Napadako ang tingin ko sa likod niya nang yumuko siya. Maikling lang ang tabas ng blouse niya kaya naman ay kapag yuyuko siya ay umuurong ito. Nakikita tuloy ang likod niya.
Biglang lumingon si Euhanna sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Nang mapansin kong wala na siya ay ay dumiretso ako sa kuwarto ko.
Hangga't maari ayokong matangay sa init ng katawan ko dahil ayokong masanay na nakikipagtalik kay Euhanna. Kinuha ko si Euhanna sa club upang ipamukha sa dating ex-girlfriend ko na si Michaella na naka-move on na ako sa kanya. Si Euhanna ang pamatid uhaw kapag nararamdaman ko ang init ng katawan ko. Ngunit dahil sa malaki ang binayad ko sa pagpapagamot ko sa anak niya kaya kailangan kong sulitin ang lahat ng ginastos ko sa kanya. Pinagbakasyon ang lahat ng mga katulong namin para si Euhanna ang lahat ang gagawa ng trabaho ng mga ito. Gayunpaman, kahit matagal ang bakasyon ng mga ito ay bayad naman ang bawat buwan habang nakabakasyon sila kaya tuwang-tuwa sila ng sabihin ko iyon sa kanila. Ilang minuto pa akong nasa loob ng kuwarto nang magdesisyon akong lumabas. Nakasuot ako ng damit pambahay. Agad kong nakita si Euhanna na hindi pa rin tapos sa paglilinis ng mansyon
"Euhanna, ipaghain mo ako ng pagkain. "
"Kumain na lang po kayo busy pa ako sa ginagawa ko. Nakatakip naman ang pagkain sa lamesa," sabi niya nang hindi man lang ako nagawang tingnan.
Nagsalubong ang kilay ko. "Anong sabi mo?" Inis kong tanong.
"Sir, hindi mo ba ako naririnig? Ang sabi ko nakahanda ang mga pagkain sa lamesa. Kukuha na lang po kayo ng kutsara at plato para makakain."
"Sino ba sa atin ang alipin?"Bakit hindi mo sinusunod ang utos ko?"
Huminto si Euhanna. "Okay po, ako na ang maghahain ng pagkain." Binitbit niya ang timba at basahan na ginagamit niya sa paglilinis saka dumiretso sa kusina para ipaghanda ako ng pagkain. Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ako nakakain ng maayos.
"Aalis na ako at huwag magpapasok ng kahit sinong tao.
Ilang beses siyang tumango sa akin. "Saan po ba kayo pupunta Sir?"
"Aalis ako para bumili ng damit mo. Hindi ba't mamaya na ang party?" alibi ko. Ang totoo ay pupunta ako sa mansyon namin para bisitahin ang parents ko.
“Sir, sigurado po ba kayo na hindi n’yo ako kailangan?” tanong ni Euhanna sa akin.
Kanina pa siya nakabantay sa akin habang nagbibihis ako ng damit.
Saglit akong huminto sa pagbibihis ng damit at tumingin kay Euhanna. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa iyo?” Inis kong tanong sa sabi.
“Narinig ko naman Sir, pero concern po ako sa inyo dahil ibibili n’yo ako ng damit nang hindi n’yo alam ang sukat ng damit ko.”
Tinitigan ko siya ng masama. “Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Hindi naman sa gano’n. Gusto ko lang makasigurado na hindi masasayang ang pera n’yo sa pagbili ng damit ko.”
“I know what I'm doing so shut up."
"Okay, kayo po ang bahala." Pumihit siya patalikod upang lumabas ng kuwarto ko.
Umiling ako habang nakatanaw sa kanya. Hindi ko na gusto ang pagiging kampante ni Euhanna sa akin. Masyado na siyang nagiging pakialamera at nagiging kampante na rin siya sa akin.
Hindi puwedeng maging kampante siya sa akin. Dapat ko siyang pahirap para maranasan niya ang naramdaman kong sakit noong pinagpalit ako ng ex-girlfriend ko.
Naabutan ko si Euhanna sa garden at naglilinis kaya lumapit ako sa kanya.
"Euhanna, ang small size ay kasya sa iyo 'di ba?"
Tumango siya. "Opo, small size lang po ang mga suot kong damit."
Tumango ako. "Ipapadala ko mamaya ang damit na bibilhin ko. Isukat po ang damit para malaman ko kung kailangan pa siyang bawasan."
"Thank you, Sir." Ngumit siya sa akin.
Tumango ako saka sumakay ng kotse ko. Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi ng mansyo. Habang binabagtas ko ang daan ay bumalik naman sa alaala ko ang araw ng paghihiwalay naming dalawa ni Michaella. Araw din kasi ng birthday niya kami naghiwalay.
Bitbit ko ang bouquet na red roses at isang box na cake habang papunta ako sa condo ni Michaella. Walang siyang alam na nakabalik na ako galing Amerika. Mahigit isang linggo kasi akong nasa Amerika at ang alam niya ay sa susunod na araw pa ako darating.
Sinadya kong bumalik ng Pilipinas at kahit sino ay wala akong pinagsabihan na babalik ako dahil gusto kong surpresahina ng girlfriend ko sa espesyal na araw ng birthday niya.
Kanina pa siya naghanda sa mansyon nila at ngayon ay nasa condo na siya na kasama ng ibang kaibigan niya para ituloy ang birthday party niya.
Nang nasa tapat na akong pinto ng condo niya ay huminga ako ng malalim bago ko pindutin ang password ng pinto nh condo niya.
Ngunit ng pumasok ako sa loob ay napawi ang ngiti ko nang makita ko ang mga leftover na pagkain, mga upos ng sigarilyo at bote ng alak. Masyadong makalat ang condo niya. Ngunit ang nakapang-init ng ulo ko ay nang makita ko ang nakakalat na damit ni Michaella. Binaba ko ang dala kong bouquet at cake pagkatapos ay dahan-dahan akong pumunta sa kuwarto niya. Nagdilim ang paningin ko nang makita ko si Michaella na may kasamang lalaki at nakahubad silang dalawa. Kahit nanginginig ang katawan ko sa galit ay kinuhanan ko sila ng video at larawan."
"Mga hayop kayo!" sigaw ko ng malakas.
Napabalikwas silang dalawa. "Aldrin?"
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makilala ko ang lalaking kasiping ni Michaella.
"Ikaw, Simon?" Kuyom ang kamao ko sa galit. Nilapitan ko siya at sinuntok. "Hayop ka!" Pinagsusuntok ko siya.
"Aldrin tama na!" sigaw ni Michaella. Tinakip niya ang puting kumot sa katawan niya. Tumulo ang luha kong tumingin sa kanya.
"Nakakadiri ka! Akala ko matino kang babae!"
Umiyak si Michaella. "Babe, let me explain, nadala lang kami dahil pareho kaming lasing. Please, believe me."
"f**k you! I don't believe you. Anong akala mo sa akin maniniwala ako sa inyo! Magsama kayong dalawa!" sigaw ko.
Tumalikod ako at padabog na sinara ang pinto ng condo niya saka sumakay ako ng kotse pauwi. Sa sobrang sakit ng ginawa niya ay nagpakalasing ako hanggang sa maaksidente ako. Ang akala ko ay hindi na ako mabubuhay pa.
Ilang beses na humingi sa akin ng tawad si Michaella ngunit hindi ko na siya pinatawad. Sinira niya ang pangarap ko para amin dalawa. Mula noon ang tingin ko lahat ng babae ay manloloko kaya hindi na ako naniniwalang may babae na matino ngayon. Dahil Ka nilang ipagpalit ka sa iba.
Malakas na busina ang nagpabalik sa realidad ko. Nang silipin ko ang labas ay nasa kalsada ako kung saan nag green light na ang stoplight. Pinaharurot ko ang kotse ko palayo hanggang sa makarating ako sa mansyon namin. Mula nang maghiwalay kami ni Michaella ay hindi na ako tumira dito. Ayokong makasama ang stepbrother ko na si Simon. Kapatid ko siya sa Ina pero paborito siya ni Daddy kaya nawalan na ako ng amor kay Daddy.
"Good morning, Sir. Aldrin " bati sa akin ng katulong namin na nagbukas ng malaking gate ng mansyon.
Ngumit ako sa kanya bilang tugon ko pagkatapos ay dumiretso ako sa loob ng mansyon.
"Mabuti naman at naisipan mong umuwi?" sarcastic na sabi ni Daddy. Nakaupo siya sa malambot na sofa habang nagbabasa ng diyaryo. Napansin ko rin ang kape sa gilid niya.
"Good morning, Dad," tipid kong sagot. Tumalikod ako para pumasok sa kuwarto.
"Aldrin! Mag-usap nga tayo!" sigaw ni Daddy.
"I'm tired, can we talk later?"
Bumuntong-hininga siya. "Okay, take a rest."
"Thank you." Dumiretso ako sa loob ng silid ko. Hindi pa rin nagbabago ang pagkakaayos ng mga gamit ko sa kuwarto ko. Humiga ako sa kama pagkatapos ay tinawagan ko ang sekretarya ko upang utasan siyang bumili ng damit na bagay kay Euhanna. Sinabi ko lang ang size ng damit ni Euhanna at ang kulay na gustong damit. Pagkatapos at ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog. Kapag ganitong oras ay hindi pa gising si Mommy kaya habang naghihintay ako sa kanya ay matutulog muna ako.
Dalawang oras akong nakatulog bago ko naisipan bumangon. Naligo ako bago lumabas ng kuwarto.
Nasa sala sila Mommy at Daddy nang bumaba ako. "Mabuti naman at gising ka na?"
Lumapit ako sa kanila para yakapin at halikan sila sa pisngi.
"Good afternoon, Mom, Dad."
"Kumusta ka na? Bihira mo na lang kami dalawin."
"Busy ako sa kompanya."
"Pupunta ka ba sa birthday ni Michaella ngayon?" tanong ni Mommy.
"Yes, pupunta ako kasama ng girlfriend ko."
Nagkatinginan si Mommy at Daddy. "Really? May girlfriend ka na?"
"Yes, hindi ko kailangan panghinayangan ang babae na manloloko."
Yumuko si Mommy. "Sana patawarin mo ang Kuya mo."
"Kung siya ang pag-uusapan natin mabuti ng umalis na lang ako."
"No! Anak, huwag ka munang umalis. Samahan mo kami ng Daddy mo na kumain ng lunch. Hindi kami kumain para hintayin ka."
"Okay, let's eat."
Sa tuwing nasa mansyon ako ay hindi nagpapakita sa akin ang stepbrother ko. Naging magkasintahan ang stepbrother kong si Simon at ang ex-girlfriend kong si Michaella. pinagpatuloy nila ang relasyon nilang dalawa pagkatapos ko silang mahuli. Nalaman kong matagal na silang magkarelasyon dalawa. kaya sobra ang galit ko sa kanila. Ngunit mamaya muling magtatagpo ang landas naming tatlo, pero hindi na ako katulad ng dati. Pupunta ako kasama si Euhanna na magpapanggap na girlfriend ko.