CHAPTER 5

1636 Words
Kung nakakalula sa labas ng bakuran niya ay mas nakakalula sa loob dahil kumikinang sa ganda ang mga nuebles. Halatang mga bago rin ang lahat ng gamit niya na parang hindi nadadaan ng alikabok. "Hello!" Isang matandang babae na nasa edad singkuwenta ang lumapit saka yumuko. "Good afternoon, Madam." "Ay, sorry hindi po ako mayaman 'wag n'yo akong tawagin na Madam. Isa po akong servant ni Sir," paliwanag ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka saka nag-sing of the cross siya. Umangat ang kilay ko. "May nakikita ba kayo na hindi ko nakikita?" Ilang beses na umiling ang matanda. "Anong pangalan mo?" "Euhanna po." "Ako nga pala si Anastasia, ako ang mayordoma rito. Halika na at pumasok sa loob. Ituturo ko sa iyo ang silid mo." Tumango ako sa kanya pagkatapos ay sumunod ako. Pagpasok ko sa loob ay napansin ko ang mga babae mga katulong na nakatingin sa akin pagkatapos ay magbubulungan sila. "Dito ang silid mo," turo sa akin ni Aling Anastasia. Hindi na ako nagtataka kung may sariling silid ang mga katulong. Ganito talaga ang napapanood ko sa mga pelikula may maids headquarter. Nasa ground floor kami ng bahay at malapit ang silid namin sa kusina. Pumasok ako sa loob. May single bed at isang electricfan. May maliit salamit at hanging cabinet na paglalagyan ng damit. "May kasama ba ako rito sa kuwarto?" "Naku, wala ikaw lang. Magpahinga ka muna diyan dahil wala pa si sir Aldrin." "Salamat po." "Oo nga pala bukas ay ituturo namin sa iyo ang mga gagawin mo sa loob ng mansyon bago kami magbakasyon lahat." "Magbabakasyon po kayo?" Tumango siya. "Excited na nga akong makita ang mga anak ko at apo. Mabuti na lang at dumating ka na." "Salamat po at mag-ingat po kayo." "Siya sige, maiwan muna kita rito. Hintayin mo na lang si Sir. Aldrin." Tumango ako sa kanya. Nang makaalis na siya ay isa-isa kong inilagay ang mga damit ko sa cabinet pagkatapos ay tinawagan ko si Ate Alice upang kumustahin ang anak ko. Dahil hindi ko pa alam ang trabaho na gagawin ko ay humiga ako sa kama upang matulog. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa pagbabantay ko sa anak ko. "Wake up." Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ng ingay. Tumingala ako at kinusot ang mga mata ko. "How's your sleep, sleeping beauty?" Salubong ang kilay ni Aldrin habang nakatingin sa akin. "Aldrin?" "Call me Sir. Aldrin, you're my slave, remember?" Tumango ako. "Sorry, Sir. Aldrin kung nakatulog ako." Bumangon ako para mag-toothbrush upang makipag-usap kay Sir. Aldrin." "Nagugutom na ako kaya ipagluto mo ako ng pagkain." Humarap ako sa kanya. "Hindi pa ba nagluluto ng pagkain si Aling Anastasia?" Ang pagkakaalam ko kasi ay bukas pa niya ako tuturuan sa mga gagawin ko. Nagsalubong ang kilay niya. "Aling Anastasia is on vacation now and all my maids are on vacation, at ikaw ang gagawa ng naiwan nilang trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo." Sa laki ng bahay ni Aldrin baka buong maghapon akong naglilinis. Mukhang hindi ako makakapagpahinga dito. Talagang sinusulit niya ang binayad niya sa akin. Mas makakatipid nga siya kung pagbabakasyunin niya ang mga katulong niya. Wala siyang babayaran buwan-buwan. "Hindi pa niya ako tinuruan ng mga gagawin ki rito." "Ituturo ko sa iyo kung paano maglinis at magluto." Napilitan akong tumango kahit labag sa kalooban ko. "Bilisan mo ang diyan at hihintayin kita sa labas." Pagkatapos ay umalis na siya. Huminga ako ng malalim. "Huwag kang susuko. Isipin mo ang anak mo na nagpapagaling ngayon sa hospital. Kung hindi dahil sa pera niya ay hindi maoperahan si Elisa," kausap ko sa sarili. Alas-otse na ang gabi nang lumabas ako ng silid ko. Hinanap ko si Aldrin pero hindi ko siya agad nakita dahil sa laki ng bahay niya kaya nang makita ko siya ay nakasimangot na siya. "Bakit ang tagal mo?" Inis na tanong niya. "Naligaw ako sa laki ng bahay mo." "Ang dami mong sinasabi!" Sigaw niya. Tumayo siya at walang pakundangan niya akong hinila papunta sa kusina. "Dito ka magluluto. Ayun ang nga stock ng mga karne, at yan naman ang mga gulay at ibang sangkap. Every month namimili ka ng stock na mga pagkain para sa loob ng isang buwan." Tumango ako. "Yes, Sir." "Now, magluto ka na!" Tumalikod siya sa akin saka umupo ng nakaharap sa akin. Naka-dikwatro pa ang mga paa niya at salubong ang kilay. Mas malala pala ang ugali niya kaysa sa labas. Saglit akong nag-isip kung anong pagkain ang puwede kong iluto sa kanya. Binuksan ko ang refrigerator at nakita ko ang marinate na bangus kaya iyon ang inilabas ko sa fridge ulang lutuin. Naghiwa rin ako ng talong para prituhin. Nahagip kasi ng mga mata ko ang ginisang alamang na nasa bote. May bahaw na kanin silang natira pero nagsaing pa rin ako para mainit ang kanin niya na kakainin niya mamaya. "Anong amoy 'yan ang baho!" sigaw niya. Nakatakip pa siya ng ilong. "Sir. Ang bango ng amoy eh, nakakagutom " Halos patayin naman niya ako sa mga titig niya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!" Sigaw niya saka ay umalis. "Anong problema niya? Galit na galit agad." Pagkalipas ng kalahating oras ay naihanda ko na ang mga pagkain sa lamesa. Tinawag ko siya upang kumain ngunit nang makita ko siya ay kumakain na siya ng mga pagkain na in-order niya. "Sir. Hindi na ba kayo kakain?" Tiningan niya ako. "Ano ba sa tingin mo?" Kuyom ang kamao ko sa inis. Napipikon na ako sa ginagawa niya sa akin. "Sa tingin ko po ay hindi na kayo kakain kaya ako na lang ang kakain ng mga niluto ko." "Sinabi ko ba sa iyo na kumain ka?" "Hindi po. Sir." "Huwag kang kumain hayaan mong mapanis ang pagkain basta hindi mo ito puwedeng kainin." Tumango ako. "Kayo po ang masusunod." Tumalikod ako sa kanya upang bumilis sa kuwarto ko, ngunit bago pa ako makarating sa kuwarto ko ay muli niya akong tinawag. "Euhanna!" Huminto ako saka humarap sa kanya. "Ano iyon?" "Sinabi ko ba sa iyo na umalis ka?" Umiling ako. "Hindi po." "Kung gano'n huwag kang umalis ng hindi ko sinasabi sa iyo." "Yes, Sir." Nakatayo ako sa harapan niya habang kumakain siya. Nakakainis dahil sinasadya niyang matakam ako sa kinakain niya. Sobrang daming kalat pagkatapos niyang kumain kaya niligpit ko ito. "Pagkatapos mong linisin 'yan ay pumunta ka sa kuwarto ko." "Nasaan po Sir, ang kuwarto n'yo?" "Yung malaking pinto na iyon ang kuwarto ko." Turo niya sa akin. "Sige, Sir, liligpitin ko lang ang lahat ng kalat." "Huwag kang magkakamaling tumikim ng pagkain dahil makikita kita sa CCTV camera." Tumingala ako para tingnan ang mga CCTV camera. Ngayon ko lang napansin ang mga iyon. Kung sabagay, malaking bahay ito normal na mayroong CCTV camera. "Ye, Sir." Isa-isa kong niligpit ang mga pinagkainan niya. Napansin ko ang isang styro na may lamang ulam at kanin. Sinadya niya sigurong bumili ng extrang pagkain upang subukan niya ako. "Gutom na ako." Napahawak ako sa tiyan ko habang naghuhugas ng plato. Kung alam ko lang na hindi pala libre ang pagkain sa mansyon niya sana nagdala ako ng pagkain ko. "Hindi bale, ngayong gabi pa lang naman ako hindi makakain. Iisipin ko na lang na diet ako." Pagkatapos kong maghugas ng plato ay dumiretso ako sa kuwarto ni Aldrin. Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa kuwarto niya. Kasama sa trabaho ko ang ibigay ang sarili ko kaya kung gusto niyang makipagtalik ay pagbibigyan ko siya. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito bumukas. Oh, gosh! Tinitigan ko si Aldrin mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Aldrin ng brief at tumutulo pa ang tubig na mula sa kanyang buhok. Bagong paligo lang kasi ito. Bahagyang umangat ang kilay niya. "Tapos ka na bang titigan ako?" "A-Ah! A-Ano ba ang ipagagawa mo sa akin?" tanong ko. "Come in." Niluwagan niya ang pintuan upang makapasok ako sa loob ng silid niya. Lumunok ako saka pumasok sa loob. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig dulot ng aircon. Dumapa si Aldrin. "I-massage mo ako." Lumunok ako, para kasi akong natutuyuan ng laway. "N-Nasaan ang lotion mo?" "Ayon, kunin mo." Turo niya ng lotion. Kinuha ko ang lotion pagkatapos ay sinimulan ko siyang hilutin. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nanginginig ang kamay ko. Siguro dahil gutom lang ako o kaya hindi ako sanay na may hinihilot nang nakasuot lang brief. "Lower!" utos niya. Kapag ibinaba ko pa ay mahahawakan ko ang puwit niya. "S-Sir, kailangan ba iyon?" "Yes, masarap kapag hinihilot ang mga binti at paa." "Iyon ba ang gusto n'yong sabihin?" "Of course. Ano ba ang iniisip mo?" Umiling ako. "Wala Sir." Nakahinga ako ng malalim. Iba pala ang nasa isip ko. Nang matapos kong hilutin ang likod niya ay humarap siya. "I-massage mo ako at hubarin mo ang damit pang itaas mo." Namula ang mukha ko. Hindi pa ako nakakabili ng pills baka mabuntis ako nito. "S-Sir…" "Sundin mo ang pinag-uutos ko sa iyo." Huminga ako ng malilim pagkatapos ay hinubad ko ang suot kong damit hanggang sa bra at panty na lang ang natira. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "Massage me, habang minamasahe kita." Tumango ako sa kanya. "Nakaupo ako sa hita niya at minamasahe ko ang dibdib niya. Nakatitig siya sa akin, pero ako ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. Kinabahan ako nang makita ko ang p*********i niya na nakatayo. Sinimulan na niyang haplusin ang braso ko hanggang sa inalis niya ang suot kong bra at minasahe niya iyon. "Damn! I feel lust." Hinila niya ang batok ko saka hinalikan. Wala akong nagawa kung hindi ang pagbigyan siya sa gusto niya. Lahat ng inutos niya ay ginawa ako. Gayunpaman, wala akong nararamdaman pandidiri sa ginawa niya. Bagkus ag nakakaramdam ako ng kakaibang ligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD