Dahan-dahan kong nilalagyan ng pulang lipstick ang makipot kong labi, habang nakaharap ako sa salamin. Ngayong araw ang opening ng bagong kumpanya ng mga Herrera. "Ready ka na ba?" tanong ni Simon, na nasa likuran ko. Tumingin ako sa salamin. "Yes, ready na ako." "Make it sure na makukuha mo ang titulo ng kumpanya. Narinig kong sinabi ni Mommy na hawak ni Aldrin ang titulo kaya nasa sarili niyang mansyon." "Okay." "Umalis ka na ngayon, good luck." Tumalikod siya at lumabas ng silid ko. Pagkaalis ni Simon ay lumabas na rin ako ng kuwarto ko. Alas-singko pa lang ng madaling araw kaya maabutan ko pa si Aldrin sa mansyon niya. Mabuti na lang at wala si Cedric. Dinala ko sa bahay namin para makasama niya ang Ate Elisa niya. Ayaw kasi niyang lagi kasama ang Yaya niya, mas gusto niyang may