Chapter 3

2079 Words
Chapter 3 Hindi ko masukat ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyari. Tinotoo ni Daddy ang sinabi niyang kagabi na grounded ako! He blocked all of my cards! Ni wala akong pambili ng kape at napahiya lang ako sa starbucks kanina! One thousand pesos lang ang natitirang cash ko at nakakahati na iyon ngayon dahil pinambayad ko ng taxi! At wala na akong pera at kasalanan ‘tong lahat ng abogadong iyon na akala mo kung sino. Hindi ko inalala ang klase ko at tuloy-tuloy lang akong naglakad patungo sa opisina si Atty. Axl. He will regret doing this to me. Pagsisisihan niya ang mga sinabi niya sa Daddy ko kagabi. Pagkarating ko sa labas ng opisina niya ay pabalya ko iyong binuksan at malakas na sinara ang pinto na siyang gumawa ng sobrang lakas na tunog dahilan para mapatingin siya sa akin. I glared at him and I badly want to choke him to death right now. “You, bastard! Kasalanan mo ‘tong lahat!” sobrang lakas na sigaw ko sabay tapon ng bag ko sa itaas ng lamesa niya. At mas lalo lang nagpuyos ang damdamin ko nang ngumisi siya ng nakakaloko. “Coming here without me calling for your presence is disrespectful—” “Do you think I care?! I am grounded because of you! Isang libo lang ang pera ko at hindi gumagana lahat ng cards ko! At kasalanan mo ‘to!” galit na galit na sigaw ko pero mas lumaki lang ang ngisi niya. “Ganyan dapat ang nangyayari sa spoiled brat na kagaya mo,” he mocked and that made me mad even more. “No! Tell my Dad to unblock my cards! Ayusin mo ang perwisyong ginawa mo!” sigaw ko. Wala na akong pakialam kung sino at ano siya sa paaralang ito. Hindi ako grounded kung hindi siya nagsumbong kay Daddy ng kung ano-ano kagabi. “Out, Ms. Zobel. Go out before I fail you for disrespecting me,” Biglang sumeryoso ang boses niya saka walang pakialam na bumalik ang mga mata sa laptop niya kaya kumulo ng lubusan ang dugo ko na parang gusto kong umiyak sa sobrang galit na umaalpas. “Fail me then! Ganito na ba ang mga professors ngayon? Incompetent and what? You’ll fail me for your personal reasons? Saan mo nakuha ang diploma mo? Or did you really passed the Bar exams?” walang pakundangan na pang-iinsulto ko kaya muli siyang napatingin sa akin gamit ang nandidilim at matalin na mga mata. Pero hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagtayo at paglapit sa akin kaya bahagya akong napaatras. Pero huli na dahil nakalapit na siya sa akin. He’s so tall. Nakatinghala ako sa kanya at hanggang ibaba ng tainga niya lang yata ako dahil nakasuot na ako ng heels. At namamawis ang ilong niya kasabay ng pag-iling ng panga niya na sobrang galit na galit. “Get out of my office you. I can expel you, Ms. Zobel. Wala akong pakialam kung sino ka. Do not disrespect me and act like a student,” madiin na sambit niya pero dahil wala akong pakialam doon at ang importante lang sa akin ngayon ay magamit muli ang mga cards ko kaya ngumisi ako ng nakakaloko. “Oh? Napindot ko ba si anger? Galit ka na kaagad? Why don’t you call my Dad and tell him to unblock my cards because I am now a good girl so I’d leave you alone?” nakangising sambit ko na sarkastiko lang niyang ikinatawa. “Dream on. Attend your class and be a good girl then. Kaya mo ba?” nang-iinsultong tanong niya at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang walang siya makitang maganda sa buo kong katauhan. “You are evil!” I spat and he smirked evilly. “Go, child, be a good student and earn your Dad’s trust again. Huwag mo akong idamay. I don’t have time to deal with your tantrums,” sambit niya saka akma akong tatalikuran pero inis ko siyang hinawakan sa braso para iharap muli sa akin. “Child? Seriously? Do I look like a child to you? Well, matanda ka na kasi kaya ganyan! You want to get rid of me, Attorney? Call my Dad, now! I have no money!” sigaw ko kaya tumalim lalo ang tingin niya sa akin. “Shut up, ang ingay mo. Umalis ka na at pumunta sa Daddy mo. Why are you ranting here?” “Because it’s all your fault!” inis na sigaw. “Out now, get out habang nagtitimpi pa ako,” madiin na sambit niya saka mahigoit na hinawakan ang palapulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako sa nararamdamang sakit. His eyes were so dark. Parang mangangain ng tao. “F*ck you!” I shouted without remorse. Mas lalong tumalim ang mga mata niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin na parang kapag nasagad ko ang galit niya ay walang pakundangan niyang babaliin ang buto ko. “F*ck me? Should I strip now?” Nanlaki ang mga mata ko doon saka mabilisan ko siyang tinulak ng sobrang lakad dahilan para bahagya siyang lumayo sa akin kasabay ng pagbitaw niya sa palapulsuhan ko. “Or you want to strip me instead?” mapang-uyam ngunit sobrang diin na sambit niya. “Pervert!” sigaw ko saka ako nagkukumahog na lumabas sa opisina niya dala ang galit ko na hindi ko masukat. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis at galit. I literally have no money! Hindi ko akalaing matitiis ako ni Daddy ng ganito. Hindi ako pumasok sa mga klase ko. Umupo ako sa labas ng building namin habang paulit-ulit na tinatawagan si Daddy at Mommy pero paulit-ulit ang mga sagot nila na naririndi na ako. Paano ko pagkakasyahin ang isang libo sa isang linggo? Pamasahe pa lang ay wala na. Paano ako mabubuhay? Nang dumating ang lunchtime ay pinuntahan ako ni Rica at sabay kaming pumunta sa cafeteria. Nakasimangot ako dahil literal na two hundred na lang yata ang pera ko sa wallet ko. O baka three hundred kung isasama ang mga coins. “I have no money. I’m grounded,” inis na sambit ko nang makaupo kami kaya nalaglag ang panga niya. “Ano? Manghiram ka!” kaagad na sambit niya na ikinairap ko. “Pahiramin mo ako. Ten thousand,” sabi ko na ikinalaki naman ng mga mata niya. “Five hundred lang ang cash ko. Credit card ni Daddy ang gamit ko araw-araw. Paano kita pahihiramin?” Mas lalo akong nainis sa naging sagot niya kaya galit na galit kong sinumbong lahat ng nangyari kung bakit ako grounded pati na rin ang pagsugod ko sa opisina ni atty. Axl ngayong araw. At tawang-tawa si Rica matapos kong ikwento ang lahat. “Lesson learned! Huwag ka nang magpa-late! Ayan tuloy!” sabi niya at walang awa siyang bumili ng pagkain at ininggit niya pa talaga ako kaya nakahalukipkip lang ako habang nakasimangot. I am not hungry and I have no plans to eat, too. Pero hindi naman araw-araw ay hindi ako gutom. Saan ako kukuha ng pera? Pumasok ako sa afternoon classes ko pero nang uwian na ay hindi ko alam kung saan ako sasakay. Si Rica ay sinundo ng manliligaw niya matapos ang klase at ayaw ko namang sumabay dahil ayaw kong makakita ng nakakadiring lambingan. But the problem is, hindi ako marunong sumakay ng jeep! I grew up having a driver and a car of my own. Ngayon lang ako nangapa sa ganito at hindi ko na alam ang gagawin. Kung sasakay ako ng taxi ay wala na akong pera kinabukasan. Nilakasan ko ang loob ko at muli akong naglakad patungo sa opisina ng taong may pakana nitong lahat. At gusto kong isipin na swerte ako nang makita ko siya sa loob na tamad na nakasandal sa swivel chair niya. Wala akong nararamdamang hiya ngayon. “What do you need?” malamig na tanong niya pero lumapit lang ako sa lamesa niya at naglahad ng kamay na ikinataas ng kilay niya. “Pahinging pamasahe,” sabi ko kaya mas lalong nangunot ang noo niya. “Excuse me?” inis na tanong niya kaya mas nilahad ko ang kamay ko sa kanya. “I have no pamasahe! Kanina pa tapos ang klase ko pero hindi ako makauwi dahil wala akong pamasahe! Give me my pamasahe!” sigaw ko kaya bigla siyang tumayo saka umiling. Buong akala ko ay ibibigay na niya ang hinihiling ko pero sinara lang niya ang laptop niya saka dire-diretsong siyang lumabas kaya patakbo akong sumunod. Ang lalaki ang mga hakbang niya kaya halos hindi ko siya maabutan. “Ano ba! Pamasahe lang naman ang hinihingi ko para makauwi na ako! This is your fault in the first place! Kung hindi ka nagsumbong ng kung ano-ano sa Daddy ko edi sana nasa condo na ako ngayon! You are pain in the ass!” inis na sigaw ko dahil nakaabot na kami sa parking lot sa paghabol ko sa kanya. “No, you are the pain in the ass,” malamig na ganti niya bago huminto sa harap ng isang Chevrolet Corvette na kulay itim ay kaagad na pumasok doon. “Wow! You own a sports car and you can’t even give me my pamasahe?” naiinis na sambit ko pero malamig lang niya akong tiningnan. “Get in,” malamig na sabi niya kalaunan na ikinairap ko na lang at hindi na ako nag-inarte pang pumasok sa passenger’s seat. “Malapit lang ang condo ko. Pero traffic kaya baka matagalan. I’m also hungry. I haven’t eat lunch earlier because I have no money,” sabi ko sabay ngiti ng peke sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin at hindi na nagsalita pa. I made myself comfortable inside his car at sobrang napangiti ako nang malaki nang huminto siya sa isang drive thru malapit sa school. “I want burger, chicken, sundae, fries, and spaghetti,” kaagad na order ko nang bumaba ang bintana ng sasakyan niya. Barya lang ‘yon sa kanya kaya hindi na ako nagpigil pa. And I am literally hungry. Wala siyang ibang sinabi at nag-abot lang ng card para bayaran ang orders ko at hindi nagtagal ay inabot na iyon sa amin kaya tuwang-tuwa kong kinuha. The smell of delicious foods made me hungry even more. Hindi na ako nakapigil pang kumain dahil sa gutom. “I’m so hungry. It’s your fault. Wala akong pang-lunch bukas. Should I starve myself to death?” sabi ko habang kumakain at tahimik lang siyang nagmamaneho. Naubos ko kaagad ang spaghetti at doon ko lang siya nilingon. He’s busy driving pero kita ang kunot sa noo niya. “Do me a favour. Sabihin mo kay Daddy na buksan na ang mga cards ko. I can live without cash. I just need my cards back,” sabi ko at doon niya ako binalingan saglit gamit ang inis niyang mga mata. “How much do you need everyday?” seryosong tanong niya kaya napangiti ako ng malaki. “Twenty thousand? That’s enough na,” sabi ko kaya bigla siyang napa-preno at tamang-tama naman dahil naipit kami sa traffic. “What? Then you really deserve to be grounded,” inis at hindi makapaniwalang sabi niya kaya bumalik ang inis ko. “The foods in cafeteria are so expensive!” sigaw ko kaya umigting ang panga niya na parang inis na inis na at gusto na akong paalisin dito sa kotse niya. “Magtipid ka—” “Paano ko titipirin ang isang libo sa isang linggo? Should I eat skyflakes the whole day?” sarkastikong tanong ko pero hindi na siya nakasagot dahil umusad na ang traffic. Hindi na siya sumagot kaya humalukipkip na lang ako hanggang sa makarating kami sa gusali kung nasaan ang condo ko ng wala akong tinuturong direksyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kaya tinaasan ko siya ng kilay bago ko kinuha ng wallet ko para kumuha ng piso doon. “I don’t want to be rude so this is my pamasahe,” sabi ko saka sarkastikong tumawa bago ko inabot sa kanya ang piso at mabilis na bumaba. Mas lalong dumaan ang inis sa mukha niya dahil sa ginawa ko pero taas noo lang ako naglakad palayo habang dala ang pagkain na siya ang nagbayad. This day isn’t as bad as I think, though. Akala ko magugutom ako. Good to know that I have a sponsor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD