Chapter 2

2099 Words
Chapter 2 I am always doing what I want and no one could ever stop me. Lunes, Miyerkules, at Biryernes, iyan ang mga araw na minarkahan ko para sadyaing pumasok ng late. Palagi rin akong late noon pero mas isasagad ko ngayon. Gising na ako ng alas sais pero hindi ako bumangon. Sinadya kong bumangon ng tanghali na. I can already picture out the angry face on our new instructor. Natatapakan ko ba ang pride niya? May girl classmates probably like him that is why they are acting really good. But sadly, good looks can’t easily attract me. Tawag ng tawag si Rica habang nagmamaneho ako patungo sa school namin. Hindi ko iyon sinagot at taas noo lang na naglakad nang makarating habang kinakalkula ang oras sa isipan ko. Papasok ako sa klase na limang minuto na lang ang natitirang oras. Taas noo kong binuksan ang pinto saka tuloy-tuloy na pumasok. Mabilis kong nakuha ang atensyon ng lahat pero isang maliit na ngiti lang ang ginawad ko sa kanila. Akma akong pupunta sa upuan ko sa tabi ni Rica pero napatigil ako dahil biglang humarang sa harap ko si Atty. Axl. “Out, I do not accept late students. Out now,” matigas na sambit niya kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “Am I late?” pagmamaang-maangan ko at sumulyap pa ako kay Rica na kaagad nag-iwas ng tingin na para bang kinakahiya na niya na kaibigan niya ako. Mas lalong lumukob ang galit at inis sa mukha ng instructor namin. “Out before I do something to get you expelled, Miss Zobel,” matigas na sambit niya at doon nandilim ang mga mata niya. Pero imbes na matakot ay pagkamangha ang naramdaman ko. “Atty. I have an emergency at my condo that’s why I came late,” pagrarason ko pero alam kong hindi rin siya maniniwala dahil sa mga ngising nasa mga labi ko. “Class dismiss, and I want you to follow me, Miss Zobel. In my office!” matigas na sigaw niya na hindi ko inasahan kaya hindi ako nakagalaw nang tumalikod na siya at lumabas ng classroom namin. “Gaga ka kasi. Bahala ka diyan. Pumunta ka na sa office niya bago pa lumala ‘to,” inis na tulak sa akin ni mura. Ilang beses niya pa akong minura pero sumunod rin siya habang naiinis akong naglalakad kasunod ni Atty. Axl. Nang marating namin ang office niya ay kaagad siyang pumasok at kaagad rin akong pumasok kahit wala pa siyang sinasabi at mabilis na umupo sa isang sikya sa harap ng lamesa niya. Inis siyang bumuga ng hangin bago ako samaan ng tingin. “Kapag na-late ka pa ulit sa klase ko ay ako mismo ang mag-da-drop sa’yo sa klase. I am not joking, Miss Zobel. If your instructors let you do this then I am not like them,” matigas na sambit niya saka lumapit sa swivel chair niya. Akala ko ay uupo siya pero malakas siyang hinampas ang lamesa dahilan para mapatayo ako sa gulat. “My attendance won’t affect my exams! I can pass my exams!” malakas na sambit ko pero sarkastiko lang siyang ngumisi at marahas na tinanggal ang suot niyang eye-glasses. Dahil doon ay klase kong nakita ang kulay abo niyang mga mata. At nakita ko rin ng tuluyan ang mahahaba niyang pilik mata na gusto kong hilahin dahil nakakainggit. “Not this time,” mariin na sambit niya kaya natauhan ako at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. “Fine, iyon lang ba?” inis na tanong ko para tapos na ang usapan. “I can kick you out in this University,” mariin na sambit niya saka preskong umupo sa swivel chair niya habang matalim pa rin ang tingin sa akin. “You can’t do that. Finals for first semester is approaching and I have a very good grades, Attorney,” laban ko pero ngumisi lang siya na para bang wala siyang pakialam sa lahat ng iyon. “I can, Miss Zobel. This will be my last warning. Now go out and fix your attitude. I do not want to deal with spoiled brat acting bright,” matigas na sambut niya at sa inis ko ay padabog kong binuksan at sinara ang pinto ng office niya. Kung makapagsalita akala mo kung sino. “Anong sabi?” tanong kaagad ni Rica na nakaabang sa labas na sinamaan ko ng tingin. “Walang kwenta. As if I care,” sabi ko. “It’s your fault! Sino ba namang instructor ang hindi magagalit kapag pumasok ang estudayante niya na limang minuto na lang bago ang dismissal?” sermon niya pa na inirapan ko lang. Patuloy siya sa pagsasalita niya na hindi ko naman naiintindihan habang naglalakad kami para maghanap ng tambayan. “Saka ang gwapo ni Sir. At hindi ka ba natatakot? The fact that he is the owner of this school! You are rich, Zoe, but this school is one of the most expensive universities here in our country. Naisip mo ba kung gaano sila kayaman? And Lopez de Lerma owns a lot of businesses. Magbago ka na!” sabi ni Rica pero wala akong pakialam. “If he kicks me out using his connection then he just proves that he’s not a worthy lawyer,” sabi ko kaya inis akong hinampas ni Rica. “If I were your instructor I wouldn’t even blink before kicking you out, Zoe!” Umirap na lang ako saka hindi na pinansin pa ang mga litanya niya sa buhay. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na walang kahit isang pinapansin sa mga nagpapapansin sa paligid. I am not in the mood to entertain guys right now. Bukas na lang kapag nasa mood na ako. Dahil sa inip na maghintay na susunod na klase ay nagpasya na lang akong umuwi at lumiban. Pinilit ko pa si Rica at papayag na sana siya kaso nakita niya ang manliligaw niya kaya biglang sinipag na mag-aral. I slept the whole day on my condo. At alas tres na akong nagising dahil sa tawag mula sa Mommy ko. “Mom,” tamad na sagot ko. “Where are you? Aren’t you in school?” tanong niya na ikinabuntong hininga ko. “Nainip ako. Umuwi ako at natulog,” sabi ko at rinig ko kaagad ang paghinga ni Mommy ng malalim. “Zoe, I already told you to take your studies seriously. Hindi tayo nakikipaglaro dito. And by the way, I called to inform you that you need to go home later. Your Dad will be having a very important visitor later,” sabi niya kaya inis akong bumangon. “Fine, and tell Daddy you increase my allowance. It’s kulang, Mommy,” sabi ko. “Then stop being a rebel. Mag-aral ka ng mabuti,” sabi ni Mommy bago ako binabaan ng tawag kaya napairap ako. Having lawyer parents is pressuring. Mabuti na lang at may sarili akong pag-iisip at paraan. They cannot dictate me. Ilang beses na nilang sinubukan pero palaging hindi nagtatagumpay. I’ll pursue to become a lawyer too just like what they want me to do but I’ll have it my way. I want to enjoy the process. Hindi ko ikukulong ang sarili ko sa pag-aaral. But they are still my parents so I need to please them. Alas sais ng gabi ay nakaayos na ako. I curled my straight black hair and I took time applying my natural looking makeup. I also wore a decent black dress just for my Dad to add even a small amount to my allowance. At nang muling tumawag si Mommy na pumunta na ako doon ay kaagad na akong tumungo sa bahay. Our house is one hour and thirty minutes drive from my condo so I arrived perfectly. May naka-park na hindi pamilyar na kotse sa garahe namin kaya patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. “Here’s my daughter. She’s currently on her last year now on her pre-law course and she’ll proceed to law school after,” sabi kaagad ni Daddy nang matanaw akong papasok. Isang lalaking nakatalikod sa direksyon ko ang sinabihan niya kaya mas lalo akong nagmadaling makalapit. “Hi, naipit ako sa traffic,” rason ko kahit hindi naman para hindi nakakahiyang tingnan na nauna pa ang bisita sa mismong anak ng may-ari. “Zoe, this is Atty. Axl. He’s a very great lawyer. And his family owns your school,” nakangiting pagpapakilala ni Daddy. Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting nawala ang ngiti ko nang tuluyang lumingon sa akin ang bisita. I can’t f*cking believe this. “Zoe, manners,” sabi ni Mommy bigla nang wala akong ginawa kaya napilitan akong maglahad ng kamay sa harap. At nagtiim bagang ako dahil ilang segundo niya iyong tiningnan bago tinanggap. “I guess I know her, Attorney. She’s one of my students,” sabi niya kaya nakuha ng mga katagang iyon ang atensyon ni Mommy at Daddy. Alam na alam nilang dalawa kung ano ang mga pinanggagawa ko sa school kaya nabasa ko kaagad ang hiya sa mukha ni Mommy at Daddy. “I hope she’s doing good, Attorney,” pekeng tawa na sabi ni Mommy. “I am sorry but she’s not,” diretsong sagot ng antipatiko kong instructor kaya napasinghap ako sa inis at sinamaan siya ng tingin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Daddy at bahagya akong kinurot ni Mommy kaya nawala ang tingin ko sa bisita nila na importante daw. “Let’s better talk about this while eating dinner. And Zoe, we will talk later,” sabi ni Daddy kaya nakasimangot akong sumunod sa dining hall namin. I could really see adoration on my Dad’s eyes while he’s looking at Atty. Axl. Parang proud na proud siya dito at ako na nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila habang kumakain ay hindi na rin makapigil na mamangha. So he has his own firm now. He’s too young to have his own and that’s really something to be proud. At wala pa siyang natatalong case. “I hope my daughter could do the same,” sabi ni Daddy kalaunan kaya nabulunan ako sa tubig na iniinom ko. “Dad, I told you not to pressure me. Kung para sa akin ay para sa akin,” kaagad na sabat ko na ikinailing niya na lang. “By the way, Attorney. How’s my daughter’s performance in your class?” biglang tanong ni Mommy at napangiwi na lang ako doon. I hope they are ready for disappointment. “Attorney, I am a substitute instructor and I already met their section twice. She’s always late. Not just late, very late,” mapang-uyam na sagot ni Atty. Axl kaya sinamaan ko siya ng tingin pero walang siyang pakialam doon. Sabay na napasinghap si Mommy at Daddy habang ako naman ay napahalukipkip na lang. “Zoe,” nagbabantang tawag ni Daddy na para bang labis na kahihiyan na ang dinudulot ko ngayon sa kanya. “And she always got her reasons,” dagdag pa ng bwisita. Namumula na sa galit si Daddy. “I am afraid to say this but she might fail the course that I’m handling,” muling dagdag niya kaya napaawang na ang mga labi ko. “Of course she won’t, Atty. Axl. Zoe will be a very good student from now on because she’s grounded. No car, no allowance, no new clothes every month, no driver, and no parties unless she’ll do well in school,” marahan na sambit ni Daddy kaya napatayo ako bigla sa gulat. “No!” sigaw ko at hindi nakalampas sa paningin ko ang dahan-dahang pagngisi ni Atty. Axl na nagawa pang sumipsip sa wine niya. “That will be a good decision to discipline her, Attorney,” nakangising sambit niya pa. “Daddy, no! My allowance is kulang then babawasan pa! How will I live? Mommy!” “I have told you a lot of times to be serious with your studies, Zoe. You will be a lawyer and this is not a good attitude for a lawyer!” malakas na parang kulog na sigaw ni Daddy. “Zoe, listen to your Dad,” pagsuporta pa si Mommy kay naiiyak na lang akong tumingin kay Atty. Axl na nakanguso na tila nagpipigil sa pagngiti. I’ll seriously make him pay. Makikita niya. I don’t care if he’s my instructor. Wala akong pakialam kung sino siya. “You have made a very good decision, Atty. Zobel,” nakangising sambit niya habang nakatingin sa akin kaya pabagsak akong bumalik sa pagkakaupo habang nakakuyom ang kamao. Kapag nakakita ako ng tiyempo ay hindi ako magdadalawang-isip na sapakin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD