Chapter 4

1993 Words
Chapter 4 The next day I woke up so late kaya nagmadali akong nag-ayos. Mas lalo akong nagmadali nang maalala kung sino ang instructor ko sa first class kaya napilitan akong sumakay ng taxi kaya mas lalong nasimot ang natitira kong pera. And as expected, I came to school very late. More than thirty minutes late and I still have the strength to attend my first class. At pagpasok ko ay bigla akong napahinto sa pagsasalita si Attorney Axl saka galit na bumaling sa akin. “Parang hindi ka yata nakakaintindi ng salitang ‘ayaw ko ng late’, Miss Zobel,” malamig at seryosong sambit niya kaya peke akong napangisi. “Pwedeng sorry lang?” sambit ko kaya umigting ang panga niya bago sandaling napapikit. “Take your seat, now. And get your one fourth sheet of pad paper. We’ll have a short quiz about our discussion earlier,” sabi niya kaya napasinghap ako sa gulat at nang biglang magtama ang mga mata namin ay sarkastiko siyang ngumisi. “Hala, hindi ako nakinig. Pakopya,” sabi ni Rica kaya inis ko siyang nilingon. “Anong isasagot ko? Kadarating ko lang,” inis na sabi ko bago humablot ng papel sa kanya. Nagbabasa ako sa mga araw na sinisipag ako kaya sa ten items na quiz ay may tatlo naman akong nasagutan at tama naman iyon kaya three ang score ko pero hindi pa rin sapat kaya inis na inis akong pumasa. Huli akong pumasa kaya kitang-kita ang score ko. Wala akong nagawa kung hindi sumimangot lalo na dahil tumagal ang tingin ni Attorney Axl doon bago ako inis na tiningnan. “That’s what you get for being late,” inis na sambit niya. “Mabuti ng may score kaysa wala,” sabi ko at bumalik na sa upuan ko para kunin ang bag at tuloy-tuloy na lumabas habang hatak-hatak si Rica. “One lang ang score ko! Sa palagay mo makaka-graduate ako? Lagot ako kay Daddy!” reklamo niya. “Hindi ka kasi nakikinig,” sisi ko kaya inis niya akong inirapan. “At least hindi ako late,” sabi niya na binalewala ko lang at tumuloy na sa palagi naming tinatambayan habang naghihintay ng susunod na klase. At habang tamad kaming tumatambay ay biglang sumulpot ang manliligaw ni Rica na si Bryle kaya biglang nabuhay ang dugo ni Rica na ikinainis ko. “Come on, huwag kayong maglampungan sa harap ko,” tamad na sambit ko na ikinatawa lang ng dalawa pero sa mga susunod na segundo ay naglampungan at hindi ko naman naitago sa disgusto sa mukha ko. “Zoe, marami sa mga teammates ko ang may gusto sa’yo pero natatakot lumapit kasi ang sungit mo daw. Reto kita?” biglang pansin sa akin ni Bryle habang nakahalukipkip ako matapos ang ilang minutong paglalampungan nila. “Can they support my everyday needs? I am grounded so I don’t need a suitor right now, I need a sugar daddy,” walang prenong sabi ko na ikinatawa ni Rica ng malakas. “Oo ba,” sagot naman ni Bryle na ikinairap ko na lang at hindi nagtagal nagpasalamat na dahil natapos na rin ang vacant time namin at oras na para sa sunod naming klase kaya natapos na rin ang lambingan ng dalawa. “I can’t understand why can’t you make him as your boyfriend. Para rin rin namang kayo na,” sabi ko habang naglalakad kami ni Rica. “I’ll answer him na,” sabi niya na kinikilig na ikinangiwi ko na lang. And after our class I faced another major problem again. Nagmamadaling umalis si Rica dahil kailangan niyang umuwi dahil tinawagan siya ng Daddy niya. Magpapalibre sana ako ng lunch pero wala nang pag-asa dahil umalis na siya kaya nagbabakasali kong tiningnan ang laman ng wallet ko dahil baka kaya ko pang bumili kahit sandwich lang. Pero namutla na lang ako nang makita kong twenty pesos na lang ang pera ko at wala na talaga maliban doon. I immediately called Dad and he immediately answered. “Dad, I have no money. Hindi ako nag-breakfast at wala akong pambili ng lunch. Anong gagawin ko?” reklamo ko dahil baka maawa siya sa kaisa-isa niyang anak. “You learned your lessons now?” tanong niya sa kabilang linya at gusto ko na lang mag tantrums. “Daddy! I am starving now! Importante pa ba iyon?” inis na reklamo ko. “I regret giving you everything, Zoe. You are pretty privileged but it’s time to discipline you,” sabi niya at kaagad akong binabaan ng tawag na sobrang hindi ko inaasahan. I tried calling Mom after that but she can’t be reached. Wala na akong nagawa kung hindi inis na inis na naglakad patungo sa opisina ng lalaking bibili ng pagkain ko ngayon. At nang makarating ako sa opisina niya ay hindi na ako kumatok at dire-diretso na lang na pumasok at nadatnan ko siyang tamad na tamad na nakatingin sa laptop niya. “I am busy,” bungad niya kaagad nang makapasok ako ng hindi man lang ako tinitingnan. “I am hungry,” sabi ko at kaagad siyang tumayo at nag-ayos ng coat na suot bago ako binalingan. “Then eat,” sabi niya at walang pasabing lumabas ng opisina niya kaya mabilis ko naman siyang sinundan. “I have no money! Paano ako kakain?” reklamo ko at maraming mga tao sa corridor ngayon pero wala na akong pakialam. “What? Bibilhan ulit kita ng pagkain?” malamig na tanong niya at mas binilisan pa ang paglalakad kaya hinabol ko siya hanggang sa parking lot. “Yes, I want to eat Japanese foods!” sabi ko at kaagad ring pumasok sa kotse niya nang pumasok siya kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Baba,” inis na sabi niya pero humalukipkip lang ako na mas lalo niyang ikinainis. “I said I am hungry,” ulit ko kaya malakas siyang huminga ng malalim. “I have no time to babysit today. Bumaba ka,” sambit niya pero hindi ako nagpatalo at nanatili lang ako doon. Nagsuot pa ako ng seatbelat kaya inis niyang pinalo ang steering wheel kalaunan na parang ubos na ubos na ang pasensya niya bago siya nagsimulang magmaneho kaya napangiti naman ako. Buong akala ko ay dadaan ulit siya sa drive thru tulad kahapon pero dire-diretso lang siya hanggang sa huminto sa isang mataas na tower na alam kong pag-aari ng pamilya ng may-ari ng University na pinapasukan ko. At malapit lang rin dito ang firm namin. “I said I am hungry!” sabi ko nang diretso siyang bumaba. “Do I look like I care?” walang pakialam na sambit niya at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob ng building kaya inis na inis akong sumunod. Gusto kong maiyak sa sobrang frustration at wala talaga siyang pakialam. “I am so hungry! Wala akong pera! I called Dad at hindi niya ako binigyan!” reklamo ko at umaasa akong bibilhan niya ako ng pagkain tulad kahapon pero mukhang nagkakamali ako. Sumunod ako sa kanya hanggang sa elevator at hanggang sa makarating kami sa opisina niya. So, it’s really true that he has his own firm. “Attorney Axton Xavier Lopez de Lerma,” pagbasa ko sa pangalan niyang nakasulat sa table name plate nang makatapak ako sa malawak niyang opisina. I roam my eyes around his office. Namangha ako sa lawak nito lalo na dahil salamin ang pader na nakatuon sa labas kaya kitang-kita ang view ng city. This is larger than may Dad’s office. Gusto ko rin ng ganitong office sa susunod. “Wow,” hindi ko naiwasang nasambit dahil nakakamangha talaga. He’s so young to have this. “You can leave now,” malamig na sabi ko kaya doon ulit ako napabaling sa kanya. He’s on his swivel chair now and he’s starting to read some files. “I’m hungry. I need to eat my lunch. May klase ko ng alas dos. I’ll faint if I won’t eat. Hindi rin ako nag-breakfast,” sabi ko kaya dumaan ang inis sa mukha niya saka niya binaling ang tingin sa akin. “Do you expect me to buy your foods?” inis na sambit niya na ikinairap ko bago ako mabilis na lumapit sa lamesa niya. “Of course, ikaw naman ang dahilan kaya ako grounded. Feed me,” sabi ko at matapos kong sabihin iyon ay biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom at siguradong rinig na rinig niya iyon. “Seriously?” inis na sambit niya saka mabilis niyang nilapag sa ibabaw ng lamesa niya ang cellphone niya malapit sa akin kaya mabilis akong napangiti saka iyon kinuha. “Password?” kaagad na tanong ko at hinawakan lang niya ang gilid ng phone kaya bumukas kaagad kaya nangingiti naman akong nag-order ng pagkain na gusto kong kainin ngayon habang siya ay bumalik na sa pagbabasa ng mga papeles niya. Mas lalo akong nagutom dahil sa mga pagkain kaya dinamihan ko na ang order. And I can’t be also rude not to buy him foods so I ordered a lot. At ilang sandali nga ay may kumatok na sa pinto at pumasok ang parang sekretarya niya kasunod ang isang delivery guy. “Good morning, Attorney. Your orders arrived,” sabi ng babae sabay tingih sa akin ng may halong pagtataka. “That’s mine. Put it here na lang, Kuya,” masayang sabi ko sa delivery guy bago tinuro ang maliit na table malapit sa couch. At halos hindi pa magkasya ang mga pagkain dahil sa dami kaya tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan iyon. At nang makaalis ang sekretarya niya saka ng delivery guy ay nakangiti ko siyang binalingan. Nahuli ko siyang nakatingin na sa akin saka sa mga pagkaing halos hindi na magkasya sa lamesa. “Dinamihan ko na para makakain ka na rin,” sabi ko sabay kindat kaya umigting ang panga niya sabay iling. “Are you happy now?” sarkastikong sambit niya bago tumayo para lumapit sa mga pagkain. “My hungry stomach is so happy,” I answered before eating at napairap na lang ako dahil kumain na rin siya. I satisfied myself a lot and after eating a lot I decided to retouch my makeup while he’s watching me. Ang mga tingin na binibigay niya sa akin ay magkahalong panghuhusga at hindi makapaniwala. “I can’t believe brat girls like you do really exist,” nang-uuyam na sambit niya nang matapos akong mag-ayos. “I have class at two. Twenty pesos na lang ang pera ko. I need money,” sabi ko sabay lahad ng palad. Inis siyang tumayo saka naglakad patungo sa table niya para kunin ang wallet niya na nandoon. Napangiti naman ako saka sumunod habang nakalahad pa rin ang palad. “Hindi ka ba marunong magtipid?” inis na tanong niya saka ako binigyan ng isang daan kaya napasinghap ako. “What? Hindi ako aabot sa school nito!” reklamo ko kaya nainis siya lalo bago dinagdagan ang pera ng limang daan kaya napangiti na ako kaagad. “That’s enough,” matigas na sabi niya kaya nagkibit ako ng balikat. “What about may pamasahe later after my class?” tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. “I’ll go there later,” sabi niya. “You’ll drive me to my condo again?” taas kilay na tanong ko. “Just go to school now. Male-late ka na,” he dismissed kaya kinuha ko na lang ang bag ko dahil male-late na nga ako kung magtagal pa ako dito. “Thanks, sugar dad,” pabirong sambit ko bago naglakad patungong pinto habang natatawa at alam kong inis na inis na naman siya pero hindi ko na nilingon pa at dire-diretso na akong lumabas habang malaki ang ngiti. I don’t mind being grounded if it’s the case. I can make him pay for my needs. Ito ang napapala niya sa pagsumbong sa akin sa mga magulang ko. Hindi ko naman siguro masisimot ang pera niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD