Chapter 1

1594 Words
Chapter 1 Naalimpungatan ako sa dahil sa ingay ng ring ng cellphone. Inis ko iyong inabot at nang makita na si Rica na kaibigan ko ang tumatawag ay inis ko iyong sinagot habang papikit-pikit pa. “What?” inis na sambit ko. “Zoe, nasaan ka na? Our first class will start five minutes from now!” she exaggeratingly said and I rolled my eyes. “Mukha ba akong may pakialam?” inis na sambit ko saka ko siya binabaan ng tawag. I am always late. Ang daming sermon na ang narinig ko sa mga instructors na pinapalabas ko lang rin sa kabilang tainga kaya wala na akong pakialam kung muli akong pagalitan ngayon. I can deal with everyday sermons. Dahil sa pang-iistorbo ni Rica sa tulog ko ay hindi na muling bumalik ang antok ko kaya inis na lang akong bumangon saka naghanda na para pumasok. My school is thirty minutes drive from my condo and I know I can make it up to my first class. Thirty minutes late isn’t new to me and so as my instructors. Hindi ako nagmadali sa pag-aayos. Hindi ko inalala ang klase ko. I can deal with sermon but I can’t deal with me being ugly. Nang matapos akong mag-ayos at magbihis ay tamad akong lumabas at dumiretso sa parking lot. I drove my brand new Porsche to my school and when I got there I even winked at the guard. Ang dami-daming mga messages ni Rica na nakakatamad basahin kaya dire-diretso lang akong naglakad patungo sa classroom namin. I love the sound of my heels kaya sinigurado ko na tumutunog iyon sa bawat paghakbang ko nang taas noo akong pumasok sa classroom namin. My classmates were all quiet and that is something new since our first subject is always boring. Lahat sila ay nakaupo ng tuwid at parang seryosong-seryoso na nakikinig kaya napataas ang kilay ko. Kaagad kong namataan si Rica sa pinakaharap at nang makita ang panlalaki ng mga mata niya ay walang gana kong nilingon ang nginuso niya. At bahagyang nangunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na lalaki na nakatayo sa harap. He’s wearing a neat and well-ironed black tux and his eyeglasses made him even more sexy. Sobrang layo sa instructor namin na malaki ang tiyan, panot, at pandak. Bakit parang may nangyayaring hindi ko nalalaman. Kaagad kong tinago ang pagtataka ko saka ako matamis na ngumiti sa hindi kilalang instructor. What happened to our boring instructor? “Care to introduce yourself, Miss?” malamim at malamig na sambit ng lalaki. He looks strict yet sexy. “I’m sorry, am I in the wrong class?” tanong ko kahit mga classmates ko naman ang nandito. This instructor looks to young. Baka siya ang naligaw at hindi ako? “I am your substitute instructor because Atty. Mariano is on his leave. Are you late, Miss?” malamig na sambit niya. To be honest, bahagya akong kinabahan pero hindi ako magpapatalo. “Oh, I am so sorry, Sir. Didn’t Atty. Mariano informed you that I am always late in his class?” may matamis na ngiting tanong ko pero pag-igting ng panga ang iginawad niya. Napangiti ako lalo saka nagsimula nang maglakad patungo sa tabi ni Rica na taas pa rin ang noo. My classmates are so silent. At bago pa ako makaupo ay muli kong nilingon ang gwapong instructor namin na may matalim na tingin sa akin na para bang naputol ko ang pagtitimpi niya. “By the way, I am Zoe Anastacia Zobel, Sir,” pakilala ko bago ako umupo sa tabi ni Rica na putlang-putla na. “Gaga ka, that’s Atty. Axl,” bulong ni Rica kaya nagsalubong naman ang kilay ko. Who’s that? Hindi na ako nakapagtanong pa kay Rica dahil malakas na tumikhim ang nasa harapan. “Who wants to be a lawyer in this class?” paunang tanong nito at kanya-kanyang nagtaas ng kamay ang lahat pati na ako na ikinangisi ng bagong instructor. Is he a lawyer? Parang dalawang taon lang ang agwat niya sa amin. And I am sure that without his eye glasses he will look even younger. “I see, all of you wants to be a lawyer. Now that I will be teaching you this course, I want you to prove yourselves to me that you are worthy to bring the title as a lawyer sooner. Lawyers had principles, rules, and discipline,” matigas na sambit nito at sinadya nitong lumingon sa akin nang banggitan niya ang huling salita. “Ah, nakakatakot,” mahinang bulong ko sabay irap pero mabilis akong siniko ni Rica. “I will introduce myself once again for the sake of Miss Zobel,” sambit nito muli at nakarinig ako ng mahinang tawanan mula sa mga kaklase ko kaya inis ko silang nilingon. Hindi na ako natutuwa dito. “Don’t bother—” Hindi na natapos ang pagsasalita ko dahil kaagad siyang nagsalita ng matigas na parang gusto niyang luhuran siya. “Atty. Axton Xavier Lopez de Lerma at your service. Call me Atty. Axl, Miss Zobel,” sambit nito at hindi nakawala sa pandinig ko ang pagiging sarkastiko at pang-uuyam. Napalunok ako sa pamilyar na apelyido. Lopez de Lerma. Kaano-ano niya ang may-ari ng school namin? “Don’t be late in my class. I am not as kind as Atty. Mariano. If you want to graduate this year then be a worthy student and I’ll be a worthy instructor,” sabi nito kaya muli akong napairap at yumuko. At halos magpasalamat pa ako sa loob ng utak ko dahil natapos na kaagad ang oras para sa klaseng ito. “Alright, let’s go,” sabi ko saka kaagad na tumayo para lumabas na pero wala ni isa sa mga kaklase ko ang tumayo. Nakahalukipkip na nakatingin sa akin si Atty. Axl na parang inis na inis kaya peke akong napanguso saka bahagya kong tinuro ang relong suot ko. “Am I not being worthy? Mali bang tumayo kahit tapos na ang class period?” tanong ko sa inosenteng tono. “Dismiss,” matigas na sambit ng instructor kaya doon dahan-dahan na tumayo ang mga kaklase ko na parang bang ingat na ingat. Mabilis ko namang hinila patayo si Rica at tuloy-tuloy na kinaladkad palabas ng classroom. “Ano ka ba, Zoe. Anak ng may-ari ng University si Atty. Axl!” sigaw niya nang makalayo kami ng tuluyan. Gulat ko siyang nilingon pero kalaunan ay nagkibit balikat ako. “And so? I can ace my exams and you know that. I maybe late always but I can pass. Hindi niya ako pwedeng ibagsak kahit siya pa ang may-ari ng University,” nakangiting sabi ko kaya napailing na lang si Rica na tila pagod na pagod na siya sa akin. “Gaga ka talaga. Ang gwapo niya kaya,” sabi niya pa kaya nagkibit balikat ulit ako. “Ang daming mas gwapo sa kanya,” sagot ko naman saka tuloy-tuloy lang sa paglalakad habang nakasunod naman sa akin ang kaibigan. We have our two hour break and I want to eat in our cafeteria which is very far from our building. “Huwag ka nang magpa-late,” sabi ni Rica na tinawanan ko lang. “Excuse me, kapag pinapagalitan ako ni Daddy ay pinapalabas ko lang sa kabilang tainga ko. Why would I be affected to that newby instructor? He might me a lawyer but let’s see if he’s an effective educator,” sabi ko habang patawa-tawa at palingon-lingon kay Rica. Dahil doon ay hindi ko nakita na may makakasalubong kami at tuluyan ko iyong nabangga. Inis kong binalingan ang nakabangga at tulad ko ay mas inis ring nakarehistro sa mukha niya. At kung minamalas nga naman, sa dinaami-dami ng makakabangga ko ay ang bagong instructor pa namin na halatang inis na sa akin dahil sa nangyari kanina. “Zoe,” kaagad na hila sa akin ni Rica gamit ang takot niyang boses. “Watch your step,” malamig na sambit nito. “No, you watch your step, Atty. Axl,” sagot ko kaya nandilim ang mga mata niya at kitang-kita ko iyon kahit may suot siyang glasses. “Sorry po, Attorney. Hindi sinasadya ni Zoe,” biglang pagsingit ni Rica pero hindi siya man lang tinapunan ng tingin ng nakabangga ko. “You should have took a different program. Being lawyer doesn’t suit you,” malamig na sabi nito saka mabilis kaming nilampasan. Hindi ko inasahan iyon kaya natulala ako at hindi nakapagsalita habang pinoproseso lahat sa isipan ko. At nang bumalik ako sa wastong pag-iisip ay nakalayo na siya ng tuluyan kaya tanging pagkuyom na lang ng kamao ang nagawa ko. “Walang hiya. Siya nga ang hindi bagay maging abogado. Dapat sa kanya maging macho dancer!” inis na sigaw ko sa sobrang inis at galit, “Tumigil ka na nga. Kapag ikaw talaga binagsak niya ngayong taon ay hindi ka makaka-graduate. Family of lawyers pa naman kayo,” pananakot ni Rica kaya mas lalo akong na galit. “I will perfect all of my exams in his course. Tingnan natin kung sino ang hindi bagay maging abogado. I don’t care if he owns this school. My parents can probably buy this,” galit na galit na saad ko at hindi na natigil ang mga galit na litanya ko hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nakikinig lang sa akin si Rica pero kitang-kita ko na hindi siya nasisiyahan sa mga sinasabi ko pero wala akong pakialam. Marunong naman akong gumalang pero hindi sa kanya. Nakakainis. Nakakainis siya. I will slap my grades on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD