Chapter 3 - Paalam

1367 Words
Bago magsimula ang graduation ceremony sa Vnight Academy ay kumilos na agad si Minari laban sa mga masasamang bampira. Alam ni Minari na may gagawin ang kapatid niya na hindi maganda. Para lang matulungan niya si Minlei ay palihim niyang tinaniman ng mga bomba ang lahat ng tagong sulok ng mga buildings. Hindi niya lubos naisip at inakala na mapapabilis ang plano ng kaniyang kapatid na maglabas ng mga toxic bombs laban sa lahat ng mga bampirang nasa Academy. Kinailangan tuloy nilang ilabas nang mabilis ang mga inosenteng tao pagkatapos ng graduation. "Minlei naman, bakit biglaan ang mga plano mo? Masyado kang nadadala ng emosyon mo," bulong ni Minari sa kaniyang sarili. Naiiyak na siya nang mapansin niyang hindi na ma-control ni Minlei ang sarili at galit niya. Basta na lang itong nagtatapon ng mga toxic bombs kung saan-saan sa paligid. Ang mas ikinatakot ni Minari ay noong mapansin niyang tila naglalaho na ang ina ni Chelly, ang isa sa matinding kalaban nila. Pinagmadali ni Minari ang mga kapwa niyang mga tao sa paglabas para masimulan na niya ang kaniyang ginawang plano pangsuporta sa plano ni Minlei. Kahit mahirap para kay Minari na ituloy ang plano, pinindot na rin niya ang isang remote na kung saan ay konektado ang mga bomba. Sinigurado niyang wala ng mga tao sa paligid na masasaktan. Tila naging malungkot ang itsura ng Academy dahil sa nangyaring sunud-sunod na mga pagsabog. Kabilaan ang pagsabog ng mga buildings pagkatapos mailigtas ni Minari at Kaliex ang mga kapwa nila tao. Nagulat siya nang makitang tumatakbo ang mga magulang ni Minlei, na parang mga magulang na rin ang turing niya. Nakatutok na ang baril sa sarili ni Minlei. Gusto niyang takbuhin at pigilan ang kaniyang kapatid sa ginagawa nito. Naluluha na siya sapagkat alam niyang wala na ito sa tamang pag-iisip. Sinisisi na naman niya ang kaniyang sarili, na isa siya sa dahilan kung bakit galit na galit si Minlei. Tunay na buhay ang mga magulang ni Minlei. Nalaman ni Minari ang pagsugod ng mga bampira sa pagtitipon ng mga hunters. Kahit sa murang edad niya ay walang alintanang inilagay ang kanyang sarili sa trahedya mailigtas lang ang kanyang ama at asawa nito. Pumunta si Minari sa lugar kung saan ginaganap ang pagtitipon ng mga hunters. Nakapaghanda na siya ng mga damit na pampalit ng mga magulang ni Minlei para pagpanggapin na patay na ang mga ito. May ginamit na artifical na hugis tao si Minari na pwedeng aakalain na totoong tao, mahirap ma-determine ang katawan. Habang nasa lugar ay may nakita siyang totoong katawan ng tao na pwedeng gamitin para mapalabas na ito ang tunay na mga pinuno. Kinuha niya ang mga pwedeng gamit at alahas sa mag-asawa na magpapatunay na katawan nila ito. Minanipula na rin ni Minari ang mga CCTV footages sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Kahit na alam ni Minari na ayaw sa kanya ng asawa ng ama niya, nagawa niya pa rin itong makumbinsi na umalis na at hubarin ang mga damit na suot nila. Simula noon ay si Minari na ang nagtago at nag-ingat sa mag-asawa. Alam niyang delikado na ang buhay nila laban sa mga bampirang gusto silang patayin. Mabilis na niyang nakuha ang tiwala ng mag-asawa. Naisip din ni Minari na kaibiganin si Kaliex para sabihin dito ang katotohanan tungkol sa mga magulang ni Minlei. Gusto niyang matulungan siya ni Kaliex para bantayan si Minlei sa mga hakbang nito. Wala siyang intensiyon na agawain si Kaliex sa kaniyang kapatid. Gumawa rin siya ng paraan para mabantayan ng mag-asawa ang kanilang anak na si Minlei. Lahat ng mga plano at ganap na ginawa ni Minari ay pinlano rin ng mag-asawa. Ang kapatid din niya ang dahilan kung bakit napilitang pumasok si Minari sa Vnight Academy. Nalaman niya kasi ang planong pagpapasabog ng toxic bombs ni Minlei at Denver sa eskwelahan na iyon. Gumawa agad siya ng paraan para mapagtakpan ang gagawin nila Minlei. Alam niyang naghihinala na si Mio kay Minlei nang nakita niya itong pumunta sa dorm ni Denver. Malakas na ang kutob at hinala ni Minari na bampira si Mio noon pa man. Kailangan niya lang sabihin na mahal niya si Mio upang mapalayo ang kanyang kapatid kay Mio. Lagi siyang nakamatyag kay Mio. Wala siyang tiwala sa kinikilos ng lalaking ito. Alam niyang mapapahamak lang si Minlei kapag napalapit ang loob nito kay Mio kaya gumagawa siya ng paraan para mapaglayo ang landas ng dalawa. Marami na ring mga kalabang bampira ang kamuntik-muntikan nang patayin si Minlei. Dahil lagi niya itong binabantayan, palihim niyang pinapatay ang mga kalaban sa paligid ng kaniyang kapatid. "Kasalanan lahat ito ni Mio. Hindi mati-trigger si Minlei nang ganito kung walang ginawang kalokohan ang lalaki na iyan," galit na sabi ni Kaliex. Halos manginig at pigil hininga si Mio nang makita ang babaeng mahal niya na binabantaan ang sariling buhay. Sa malakas na sigaw ni Minlei ay hindi na niya nagawang pigilan ang pagputok ng baril. Nanlaki ang mga mata ni Mio nang tuluyan nang tuluyang pumikit ang mga mata ni Minlei. Hindi niya nagawang saluhin ang babaeng mahal niya dahil sa pagkakakapit sa kaniya ni Chelly at Levi. "Ano ba kayi? Bitawan ninyo nga ako!" sigaw ni Mio sa mga pinsan niya. Hinigpitan lalo ni Levi ang kapit niya kay Mio. Galit ang nananaig sa nararamdaman ni Levi. "Kasalanan niya lahat ng iyan. Hindi mo na dapat siya pinupuntahan!" galit na sabi ni Levi. Kahit na malaki ang nagawang kasalanan ni Minlei sa kanila at sa paaralan, para kay Mio ay hindi pa rin dapat hayaan nito na mamatay ang kanyang mahal. "Pinatay niya nga si Mom, Mio! Ano ba? Hindi na niya maibabalik ang buhay ni Mom," saad ni Chelly habang iyak nang iyak. Napakagat ng labi si Mio habang nag-iisip. Hindi na rin niya alam ang dapat maging reaksyon niya. Mahalaga ang buhay ng Tita Calleigh niya para sa kaniya, sapagkat isa ito sa tumulong mag-alaga sa kaniya noong bata pa siya. Parang magulang na rin ang turing niya sa mga magulang ni Chelly. Masakit para sa kanya na mawalan ng mahal sa buhay. Padabog niyang tinanggal ang pagkakapit ni Chelly at Levi sa kaniyang magkabilang braso. Hindi na niya hahayaan na may mawala pa sa buhay niya. Kahit na naroon ang mga magulang sa tabi ng babaeng mahal niyang, handang ipaglaban pa rin niya ang buhay ni Minlei. "Anak! Minlei! Please naman, huwag kang pipikit. Narito na kami ng Daddy mo. Hindi na kami mawawala ni Dad sa tabi mo, panagako iyan. Lumaban ka," ika ng ina ni Minlei na sobra-sobra na ang hagulgol. Kabadong lumapit si Mio sa pwesto nila. Hahawakan na sana ni Mio ang palapulsuhan ni Minlei para tingnan kung may buhay pa ito, pero tinulak siya ni Kaliex papalayo. "T*randano ka pala! Ang kapal naman ng pagmumukha mong lumapit pa kay Minlei. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit siya nag-aagaw buhay ngayon?" galit na galit na sabi ni Kaliex. Napayuko na lang si Mio sa sobrang guilty. Alam niyang malaki talaga ang kasalanan niya kay Minlei. Pagkatapos malaman ni Minlei ang katotohanan sa katauhan niya ay naging ganito na ang nangyari. Dumating na ang ambulansiyang tinawag nila Minari at mabilis na kinuha si Minlei para isakay doon. Wala nang nagawa si Mio kung hindi ang hayaan sila sa gusto nila. Hindi niya magawang makalapit sa mahal niya kung may humaharang at wala rin siyang karapatan. Nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha. Rinig na rinig niya na humihina na ang pagtibok ng puso ni Minlei. Alam niyang hindi na kakayanin ni Minlei ang lumaban pa at hindi na makaaabot pa sa hospital. Napatango si Mio at hindi na niya alam ang gagawin niya. Napayakap siya kay Chelly. Hindi biro sa kanya ang mawalan ng mahal sa buhay. "Anong nangyayari rito? Nasaan ang Mom mo, Chelly?" tanong ni White, ang ama ni Chelly. Lalong humagulgol si Chelly nang makita ang kanyang ama. Walang kamalay-malay ang ama niya na wala na ang minamahal nitong asawa. Sumunod na dumating din ang mga magulang ni Mio. Nabalitaan agad nila ang nangyaring pagsabog sa Academy. Maraming inosenteng pamilya ng mga bampira ang nadamay sa nangyaring pagsabog. "Wala na si Mom," malungkoy na sagot ni Chelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD