Chapter 2 - Ang Katotohanan

1181 Words
"Hindi naman siguro malalaman ni Minlei ang aking ginagawa, Chelly. Hindi mo na sana pinatulan at pinansin si Minlei, iniwasan mo na lang sana. Ginulo mo lang ang mga plano ko sa kanya. Hindi ko pa nga alam ang mga bagong plano niya. Matatapos naang pag-aaral sa Vnight Academy, tiyak may mabigat siyang plano," mahinahong sabi ni Mio. Totoo pala na ginagamit lang ako ng lalaking iyan? Nagtataksil at nagsinungaling siya sa akin? Iniisip ni Minlei na kinuha lamang ng kanyang kasintahan ang tiwala niya, pati na ang puso niya para lang malaman ang mga plano nila laban sa mga bampira. Sunud-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya. Pinipigilan niya ang paghikbi para hindi siya mapansin ng mga ito. Inis na inis siya sa kaniyang sarili dahil nagawa siyang lokohin ng mga inakala niyang kakampi niya, lalo na ni Mio. "Iyong tungkol sa mga magulang ni Minlei, totoo ba na buhay pa sila, Mio? Sila ang totoong pinuno ng Vampire Hunter Clan, hindi ba?" seryosong tanong ni Chelly. "Anong gagawin natin tungkol sa kanila?" "Nalaman kong buhay nga talaga sila nang sinabi mo sa akin ang mga narinig mo kay Minari. Ako mismo ang nag-imbestiga sa kanila para makasigurado. Kumuha ako nang palihim ng mga pwedeng ipa-DNA test sa kanilang tatlo. Nakumpirma ko na si Minari nga ang tumutulong sa kanilang mag-asawa para itago ang mga ito sa atin," paliwanag ni Mio. Dito nalaman ni Minlei na totoong mga magulang niya ang kausap niya kanina sa kanilang bahay. Bigla siyang nagsisisi sa kaniyang inasta sa mga ito. Kinakailangan niyang bumalik sa bahay nila para protektahan ang kaniyang mga magulang. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagtitipa ng mensahe gamit ang kanyang cellphone. Sinabihan at pinakiusapan niya si Den na ingatan ang mga magulang niya. "Kailan mo hihiwalayan ang babaeng iyon? Dapat ay hindi mo na kasi siya ginawang girlfriend. Alam mo naman na ano-" putol na sabi ni Chelly. Napalingon si Minlei sa dalawang nag-uusap. Nakatakip na ang isang kamay ni Mio sa bibig ni Chelly. Parehas silang nakatingin sa may unahan ng building nila Mio. Napansin ni Minlei na naroon si Minari at si Kaliex. Nagtataka siya kung bakit pumunta ang dalawa sa kumpanya nila Mio. Alam naman nilang bampira nga si Mio, bakit pa nila kailangang mag-risk ng kanilang buhay? "Anong ginagawa ng dalawang iyan sa lugar na ito?" mahinang tanong ni Chelly kay Mio. Malayo ang paradahan ng mga sasakyan sa building kaya hindi naririnig ni Minari at Kaliex ang boses nila Mio at Chelly. "Lagi naman silang pumaparito. Lagi silang nagmamatyag sa mga ikinikilos ko. Hindi ko lang sigurado kung paano nalaman ni Minari ang tungkol sa pagiging bampira ko," sagot ni Mio. Mula sa bibig na mismo ni Mio nanggaling ang katotohanan na bampira nga ang kanyang kasintahan. Lalong nakaramdam ng kirot ang puso ni Minlei. Sobra-sobra na ang kanyang mga nalalaman at nangyayari sa araw niya ngayon. Sobrang minahal niya si Mio. Ang tagal na nilang nagsasama at nagtutulungan sa bawat hakhang, pero hindi pala para sa kaniya ang lahat ng mga ginagawa ng kasintahan niya. Napasubsob na lang siya ng kanyang mukha sa manibela ng sasakyan. Masakit para kay Minlei na makita na may ibang kasama si Mio; kasama sa pagplano, karamay sa problema, at may minamahal na ibang babae. Gulung-gulo na naman ang kaniyang isipan ngayon. Inangat na niya ang kaniyang paningin para malaman ang nangyayari ngunit wala na si Mio at Chelly sa gilid ng kanyang sasakyan. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Hindi na niya malaman kung saan siya magpatutungo. Ayaw niya munang umuwi sa kanilang bahay. Nahihiya lang siya sa mga sinabi niya sa kaniyang mga magulang. Alam na rin ng kanyang mga magulang ang mga kapalpakang nagawa niya. Nahulog pa siya sa isang lalaking bampira, sa pinakamalakas at namumuno pa. Ipinarada niya na lang kung saan ang kanyang sasakyan. Tinanggal na rin niya ang tracker nito kanina, basta itinapon na lang kung saan. Pinili na lang niyang sa sasakyan na lang matulog. Iniisip niya na sa kinabukasan ay maging maayos na ulit ang kanyang nararamdaman. Gusto na muna niyang mapag-isa sa ngayon. "All this time ay halos lahat sila'y nagaw akong lokohin at pagtaksilan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," sambit niya sa sarili niya. Nagtataka siya kung bakit parang pinaparusahan siya ng tadhana. Ang gusto lang niya ay matapos na ang hidwaan laban sa mga bampira, ang mawala ang mga ito sa mundo. Payapang mundo lang ang kanyang hinahangad para sa mga taong katulad niya. Ayoko na talaga ng gulo. Ayoko na ng ganitong malas na buhay! Makalipas ang ilang araw ay kinailangan na ulit bumalik ni Minlei sa kanilang paaralan. Nalalapit na ang kanilang pagtatapos sa pag-aaral, kaya dapat nilang asikasuhin ang mga pinapapasang requirements sa kanila. Hindi inaasahan ni Minlei na biglang makasalubong si Mio. Kusa na lang tumulo ang kanyang mga luha at hindi na mapigilang pagtakpan ang sakit sa kanyang mga mata. "Bakit ka umiiyak, aking mahal? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo kaya hindi mo ako kinakausap lately? Please, Minlei, tell me the problem. Sobra talagang nag-aalala ako sa iyo," malungkot na tanong ni Mio. "Mahal na mahal kita, Mio. Bakit mo ba nagawang pagtaksilan at lokohin ako kahit na sa 'yo lang naman ako? All this time ay ginagamit mo lang pala ako para sa lahi ninyong mga bampira? Kinamumuhian kita, Mio!" sigaw niya kay Mio. Humagulgol lalo si Minlei. Wala na siyang pakialam kung may ibang makakakita sa drama at pagtatalo nilang dalawa. Umaapaw na ang poot at hinanakit sa kanyang puso. Gusto lang niyang maiilabas ang lahat ng kanyang hinanakit. "Anong pinagsasabi mo, Minlei? Hindi na ata kita maintindihan," naguguluhang tanong ni Mio. Biglang humalakhak si Minlei dahil sa reaksyon ni Mio. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay nagpapanggap at nagsisinungaling pa rin si Mio, parang walang alam sa nangyayari. "Tatapusin ko na ang pagpapanggap mo! Oo, napaniwala mo ako, nagwagi ka sa pagsira ng mga plano ko laban sa inyo. Masaya ka ba na pati ang puso ko ay dinudurog at sinasaktab mo hanggang ngayon?" saad ni Minlei, galit na galit ang tono. Lumapit si Minlei kay Mio, kinuha ang kamay nito. Saad niya, "Patayin mo na lang ako, tutal alam ko naman na ang totoong katauhan mo. I mean, mali, hindi ka nga pala tao. Isa ka sa nilalang na kinamumuhian ko mula noon!" "Ginawa ko lang iyon, Minlei, para mailigtas ang mga kapwa ko. Sana naman ay maniwala kang hindi lahat ng mga bampira ay masasama, may mabubuti rin. Gusto rin namin ng kapayapaan sa mundong ginagalawan natin. Hindi talaga kami ang kalaban ninyo, kung hindi ang gumagawa ng mga low class vampires, na kalaban din namin. Ang gusto ko ay ma-realize ninyo na hindi kami ang totoong kalaban ng mga tao," mahabang paliwanag ni Mio. Napasandal na lang si Minlei sa pintuan habang unti-unti nang dumadausdos papaupo sa sahig. Parang mararamdaman niyang binibiyak ang kaniyang puso sa sobrang sakit nito. Pangako niya sa kanyang sarili na hindi na ito muling mangyayari. Hindi na siya magmamahal ng isang nilalang na katulad ni Mio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD