Chapter 4 - Buhay

1061 Words
Mio Clarence's POV Sobrang hirap malalimutan ang mga nakaraan, lalo na nawala ang isa sa mahalaga sa aking buhay. Araw-araw akong umaasa na may magandang mangyayari. Nakatingin ako ngayon sa babaeng minamahal ko. Hindi ako makapaniwala na gumana ang pinagawa sa akin ng mga magulang ko para mapanatili siyang buhay. Nawala na siya sa akin, pero dahil sa aking dugo na pinasa sa kanya, nagkaroon muli ng buhay si Minlei. Hindi pa rin ako mapakali dahil hindi pa siya nagigising. Ilang buwan na ang nakalilipas pagkatapos ng aming graduation. Kahit papaano ay nakapagtapos na rin siya bago pa mangyari ang trahedya. Maaari ko na siyang itago muna sa isla na ito. "Mio, anong plano mo? Anim na buwan na ang nakalilipas, wala pa siyang alaala," tanong ni Mom. "Ayoko pong umalis sa tabi niya nang walang ibang nagbabantay na katiwa-tiwala. Sa inyo ko lang po pwede siyang iwan," sagot ko. Hindi pwedeng pumunta rito ang mga magulang ni Minlei dahil baka masundan sila. Alam din naman nila na delikado ang buhay ni Minlei sa mga kapwa namin bampira, mga bampira na galit sa ginawa ni Minlei. Marami kasi ang nasaktan at namatay sa ginawa niya. "Pwedeng ako ang magbantay sa kanya. Kung may gusto kang gawin sa ibang lugar, ayos lang sa akin. Ang Dad mo naman ay kailangan asikasuhin ang business natin," pagmamagandang loob ni Mom. "Maraming salamat, Mom. Alam kong mahal mo rin po si Minlei kaya malaki ang pag-aalala mo sa kanya," saad ko habang nakatingin kay Minlei na wala pa ring malay. "Sana po ay magising na siya. Marami nga lang po tayong magiging paliwanag. Alam kong mahihirapan siyang tanggapin na kauri na rin natin siya." "Iyon na nga rin ang problema natin. Galit na galit siya sa bampira tapos malalaman niya na isa na siya sa mga iyon. Malalampasan din natin ito at naniniwala ako na ang pagmamahalan ninyong dalawa ang mananaig," ika ni Mom. Sana nga ganoon kadali na matanggap niya ang ginawa namin para mabuhay siya. Natatakot ako na sabihin niya na sana hindi na lang namin siya binuhay. Ayokong pagsisihan niya na buhay pa siya. Gusto ko lang din na maitama niya kung ano ang mga kamalian niya noon. Gusto kong magbago ang pananaw niya sa mga bampira, katulad namin. Parang normal na tao lang din naman kami, nagmamahal at nagmamalasakit. Hindi lahat ng bampira ay masama. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Sobrang ganda niya pa rin kahit anong mangyari. Mas nag-enhance lang ang itsura niya nang maging bampira na siya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa siya nagigising. "Bakit po kaya hindi pa siya nagigising? Natatakot ako na sa tagal kong umasa na mabubuhay siya, bigla naman siyang mawawala," pangangambang sabi ko. "Magtiwala ka lang sa kanya. Kung gusto niya pang mabuhay, kusa siyang lalaban. Isa pa, kakaiba ang epekto ng dugo mo kaya siguro ganiyan," pagbibigay assurance ni Mom. Napabuntong hininga na lang ako. Kung hanggang ngayon ay buhay siya, maniniwala ako na lumalaban siya at gusto niya pang mabuhay. "Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko, Minlei," saad ko. Maya-maya ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Minari. Kinakamusta niya ang kalagayan ng kanyang kapatid. Nakalulungkot man isipin, wala pa ring improvement kay Minlei. Kahit mahirap magpaliwanag sa kanya, ayos lang sa akin basta magising lang siya. Hindi pa rin kasi kami siguro hanggang saan aabutin ang bisa ng aking dugo. "Hello, Mio!" tawag sa akin ni Minari. "Wala pa ring magandang balita. As usual, hindi pa rin siya nagigising," saad ko. "Nakapag-aalala nga e. Kahit sila Mom at Dad ay hindi pa rin mapakali. Ilang buwan na rin kasi ang lumilipas, wala pa ring balita sa kanya. Gustong-gusto na nilang dumalaw, pinipigilan ko nga lang at baka may makatunog," ika ni Minari. "Wala kasi tayong kasiguraduhan na totoong effective ang pagsalin ng dugo ko sa kanya. Hanggang may kaunti tayong pag-asa na nakikita, huwag tayong susuko. Naniniwala ako na magigising siya," pagbibigay motibasyon ko sa kanya. Kahit ako na hirap na hirap nang kumapit sa pag-asang mabubuhay si Minlei, hindi ko pa rin ginagawang sumuko. Kahit maliit ang chance na mabuhay siya, may chance pa rin kaya kakapit lang ako hanggang kaya ko. "Tama ka. Ganiyan ang gagawin namin. Kaya please, sabihan mo lang lagi kami ng updates tungkol sa kanya. Hindi talaga mawawala ang pag-aalala namin sa kanya," saad ni Minari. "Pero kayo ba? Kamusta kayo? Wala bang banta ngayon sa buhay ninyo?" sunud-sunod na tanong ko. Mayroon kaming mga bampirang nakabantay sa kanila. Ito ang mga bampira na pinatawad na si Minlei at naniniwala na magkakasundo rin ang mga tao at bampira. Marami talagang mabubuti, naangatan lang ng mga bampirang gumagawa ng mali at disgrasya sa mga tao. "Sa ngayon ay wala namang kakaibang nangyayari. By next week ay pupunta kami sa ibang bansa para magbakasyon muna. Iwas sa mata ng mga bampira. Nalaman kasi namin na may mga bampirang gumagawa na naman ng kasamaan," sagot ni Minari, halatang kabado. "Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hayaan mo, sasaglit ako sa area ninyo para masigurado na ligtas kayo sa pag-alis. Maganda nga na lumipat na kayo. Doon muna kayo sa mas matiwasay na lugar at kaunti lang ang mga bampira," wika ko. Imbis na mabawasan ang problema, nadagdagan na naman. Hindi talaga namin kontrolado ang lahat ng mga bampirang nasasakupan namin. May magiging pasaway talaga at hindi ko na sila kaya pang ipagtanggol. "May isa pang mas matinding problema, Mio. Parang may nadiskubre ang clan namin na may kalaban kayo na siyang nagpaparami ng mga low class vampires. Iyon siguro ang trabahuhin ninyo. Hanapin ninyo kung saan nagmula ang mga bampirang umaatake sa mga tao. Lalong lumalala ang sitwasyon pagkatapos noong nangyaring trahedya sa Vnight Academy. Akala namin ay matatapos na ang gulo dahil napatumba na rin ni Minlei ang mga bampirang naninirahan sa isang bundok, hindi pa pala," nag-aalalang sabi ni Minari. Napapikit ako nang mariin. Kailangan ko rin pala talagang umalis muna rito para tumulong sa pagtugis ng mga kalaban. Hindi pa rin pala sila nauubos. Sino ba kasi ang totoong mastermind sa kasamaan na ito? "Sisiguraduhin ko na bago bumalik si Minlei sa inyo, wala na ang mga kalaban na iyan. Maaasahan ninyo ako," pagbibigay assurance ko sa kanila. Ayoko nang maranasan ng babaeng mahal ko ang magulong mundo. Gusto ko ay maging masaya na lang siya, lalo na sa piling ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD