Chapter 6 - Mahal kita

1031 Words
Nakatingin si Minlei sa malayo. Tanaw niya ang dagat at hindi niya maiwasan na hindi humanga sa ganda ng lugar na ito. Pinayagan siyang lumabas ng bahay, pero napansin niya na ang buong area ay napalilibutan ng tubig. Alam na niyang nasa isla sila, malayo sa bayan. Naguguluhan siya sa nangyayari, kung bakit narito siya. Naniwala na lang siya na kasintahan niya ang lalaking laging nakabantay sa kanya. Kita naman niya ang pag-aaruga at pag-aalaga nito sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Mio. Sinubukan ngumiti ni Minlei kay Mio. Sagot niya, "Maayos naman na ang aking pakiramdam. Nagtataka lang ako kung bakit ako narito. Anong mayroon? May tinataguan ba tayo?" Napatikom ng bibig si Mio. Hindi niya pa alam kung paano kakausapin si Minlei tungkol sa bagay na ito. Ngayon na nawawalan siya ng alaala, hindi na nito maiintindihan ang ipaliliwanag ni Mio. "Mahihirapan kang intindihin kapag wala ka pang naaalala. Sa ngayon, kailangan lang namin masiguro na ligtas ka dahil may banta sa buhay mo," simpleng sagot ni Mio. Mas lalo ngang naguluhan si Minlei. Nagtataka siya kung bakit mayroong banta sa kanyang buhay. Pero nasa isip niya na may punto si Mio, hindi niya rin maiintindihan kahit anong gawin niyang pilit. "May masama ba akong nagawa noon?" kabadong tanong ni Minlei. Hinaplos ni Mio ang buhok ni Minlei. Binigyan niya ito ng isang ngiting magiging kalmado ito. Sagot niya, "Para sa akin, nasaktan ka lang din noon kaya may nasaktan ka rin. Sobrang lakas mo noon at talagang hindi mo palalampasin ang mga nakasakit sa iyo at sa pamilya mo. Pero huwag kang mag-alala, ligtas ang mga magulang mo, pati na rin ang iyong kapatid. Hindi namin sila pinapabayaan." "Ganoon ba? I'm glad na ligtas naman sila. Hindi ba sila pupunta rito para dalawin ako?" kuryosong tanong ni Minlei. "Ayaw kasi nila na may makasunod ss kanila. Gustuhin man nila na makita ka, inaalala naman nila ang kaligtasan mo. Hayaan mo, may way naman para makausap sila. Kapag free time na nila, tatawagan natin sila," sagot ni Mio. Nakaramdam ng excitement si Minlei. Gusto niyang makita ang itsura ng kanyang mga magulat at kapatid. Naniniwala siya na babalik din ang mga alaala niya sa tamang panahon. Handa siyang maghintay para maiayos ang lahat ng problema na naiwan niya. Mayroon lang siyang hindi maintindihan sa kanyang katawan. Parang may kulang pero hindi niya malaman kung ano. Iniisip niya na lang na dahil matagal siyang nawalan ng malay kaya ganito siya, nagiging praning. "Excited na akong makita sila. Sana naman ay talagang maayos ang kalagayan nila. Wala ako roon para bantayan sila sa mga nagbabanta sa amin," wika ni Minlei habang nakatingin na kay Mio. Hindi pa rin makapaniwala si Minlei na mayroon siyang gwapo na kasintahan, napakamaalaga pa nito. Para siyang sinuwerte na napakabait nito at halos lahat ng kanyang nakikita kay Mio ay panay positibo lamang. "Mamaya ay tatanungin ko sila kung available na kausapin ka. Alam mo naman ang mga iyon, maya't maya humihingi ng update sa iyo. Tiyak na tatawag agad sila. Nasa bakasyon kasi sila kaya mahirap silang ma-contact nitong nakaraan. Hindi ko pa lang sinasabi na gising ka na para hindi sila mag-panic. Don't worry, mamaya ay makakausap mo sila," pagsisigurado ni Mio. Napangiti si Minlei. Parehong iniisip ni Mio ang kapakanan niya at ng pamilya niya sa malayo, kaya mas lalo siyang humanga sa kanyang kasintahan. "Maraming salamat, Mio. Hindi mo kami pinapabayaan at sobrang laki na rin ng mga naitulong mo sa amin. Paano ba kami makababawi?" nahihiyang sabi ni Minlei. "Hindi mo kailangan bumawi. Ginagawa ko ito dahil mahal kita," masayang sabi ni Mio. Pagkatapos ng ilang oras ay sila Minari na mismo ang tumawag kila Mio. Magkakasama silang buong pamilya sa isang ligtas na lugar. "Sila na ba ang mga magulang at kapatid ko?" natutuwang tanong ni Minlei. "Oh my! Totoo ba ang aking nakikita?" gulat na sabi ng ina ni Minlei. Halos mangiyak-iyak na siya nang masaksihan mismo na buhay na buhay ang kanilang anak. "Minlei, miss ka na namin," naiiyak na sabi ni Minari. Agad na napangiti si Minlei sa kanila. Saad niya, "Ikinagagalak ko po na makita po ulit kayo. Sana po ay makasama ko kayo." Nagkatinginan ang pamilya ni Minlei. Hindi nila inaasahan na ganito ang bungad sa kanila ni Minlei. Pakiramdam nila ay mayroong mali. "Dadalaw kami kapag maayos na ang lahat, anak. Sa ngayon ay kailangan lang namin siguraduhin na ligtas ka. Nasa ibang bansa kami para asikasuhin ang mga plano namin para sa kinabukasan," saad ng ama ni Minlei. Ngumiti lang si Minlei. Hindi niya talaga maintindihan ang mga sinasabi nila kaya tumatango na lang siya. "Tita, Tito, Minari, wala pong naaalala si Minlei kaya po ganito ang kanyang reaction. Nalilito siya sa mga nangyayari, pero hayaan po ninyo na ako na ang magpahapyap sa kanya ng mga nakaraan. Nahihimatay po kasi siya kapag pinipilit na makaalala," paliwanag ni Mio. Ngayon ay naiintindihan na ng mga magulang nila at ni Minari ang nangyayari kay Minlei. Inaasahan din nila na makatatanggap sila ng masasakit na salita dahil sa iniisip nito noon na pagtataksil sa kanya. Nagkuwentuhan sila para malibang si Minlei. Maya-maya ay nakatulog si Minlei kaya dinala muna ni Mio ito sa kwarto. Lumabas din siya para makausap ang mga magulang ni Minlei na hindi maririnig nito. "Anong nangyari? Bakit hindi siya makaalala?" nagtatakang tanong ni Minari. "Kaya pala bigla siyang napatanong kanina. Akala ko ay may iba lang siyang tinutukoy, kami pala," dagdag pa ng ina ni Minlei. "Hindi rin po namin alam kung bakit siya nawalan ng alaala. Ang alam lang po namin ay babalik din po iyan sa tamang panahon. Medyo natatakot nga rin po ako kung paano magpapaliwanag sa kanya. Pangako na gagawin ko rin po ang lahat ng aking makakaya para protektahan siya," sagot ni Mio. "Makita lang siya na buhay at masaya ngayon ay kuntento na kami. Habang wala pa siyang naaalala, iparamdam natin kung gaano siya kahalaga at kamahal natin," saad ni Minari. Napagkasunduan nila na gawin ang lahat para makuhang muli ang tiwala ni Minlei. Habang wala pa siyang naaalala ay tanging mabubuting gawa lang ang kanilang ipakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD