Chapter 5 - Alaala

1034 Words
Third Person's POV Pagmulat ng mga mata ni Minlei ay hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Nasa isang lugar siya na hindi familiar sa kanya. Pinilit niyang bumangon para makalabas ng kwarto. Pinipilit niyang maalala ang mga nakaraan, ngunit ni isang alaala ay wala siyang matandaan. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang napakamatipunong lalaki. Nagulat siya sa lalaki kaya bigla siyang napaatras. Napansin niya gulat na gulat ang lalaki sa presensya niya kaya nagsimula na siyang magtaka. Hindi niya kilala ang lalaki kaya iniisip niya na nasa maling lugar siya. "Hello? Are you okay?" tanong ni Minlei kay Mio. Mas nagulat si Mio nang kakaiba ang reaction ni Minlei. Inaasahan niya na magagalit ito, pero para siyang inosente at walang alam sa nangyayari. "Kamusta ang pakiramdam mo, Minlei? Sobrang na-miss kita," saad ni Mio, halu-halo ang nararamdaman. Kumunot ang noo ni Minlei. Tanong niya, "Minlei pala ang pangalan ko?" Sakto naman na dumating ang mga magulang ni Mio at narinig ang tanong ni Minlei. Kahit sila ay nagulat na walang naaalala si Minlei. "Wala ka bang naaalala, Iha? Hindi mo ba kami nakikilala?" tanong ng mom ni Mio. Tinitigan ni Minlei ang kanilang nga mukha. Kahit anong gawin niyang pilit sa sarili ay hindi niya makilala ang mga ito. Muntik na siyang bumagsak pero nasalo siya ni Mio. "May kakaibang sakit sa aking ulo kapag pinipilit kong makaalala. Sino po ba kayo?" saad ko. "Minlei, ako ang kasintahan mo, si Mio. Dinala kita rito para mas mabantayan kita. Kapag medyo okay ka na, tsaka ko na lang ipaliliwanag sa iyo ang mga nangyari. Ayokong mapaano ka pa kapag masyadong mabigat na sa iyo ang mga nnagyari noon," pag-aalalang sabi ni Mio. "Minlei, kami naman ang mga magulang ni Mio. Tita Michie at Tito Geo na lang din. Pwede mo kaming tawaging mom at dad na rin dahil kayo naman ng anak namin," saad ng mom ni Mio, sabay ngiti kay Minlei. Ngumiti rin sa kanila si Minlei. Sa isip niya ay napakabuti ng pamilya na ito. Hindi niya lang ma-imagine na mayroon siyang kasintahan na katulad ni Mio. Para sa kanya ay napakagwapo nito at malakas. Hinayaan na lang niyang buhatin siya niyo pabalik sa kama. Isang mainit na halik ang iginawad ni Mio sa kanyang noo. "Mahal na mahal kita, Minlei. Gagawin ko ang lahat para lang masigurado ang kaligtasan mo. Hindi kita pababayaan, pangako ko iyan sa iyo." Pumikit si Minlei dahil hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Hindi niya kilala ang mga nakapaligid sa kanya. Hirap na hirap siyang magtiwala sa ganitong sitwasyon pero hinayaan na lang niya ang lalaking nagpakilala bilang kasintahan niya. "I'm so sorry kung hindi ko po kayo maalala. Wala talaga akong matandaan," malungkot na sabi ni Minlei. "Okay lang iyon, anak. Ang mahalaga sa amin ay gising ka na. Sobrang nag-alala kami sa iyo. Akala namin kung ano na ang mangyayari sa iyo. Hayaan mo, babalik ang alaala mo sa tamang panahon," saad ni Michie, ang ina ni Mio. "Maraming salamat po sa walang sawang pag-aalaga sa akin. Kung hindi ninyo po ako pinagtiyagaan, baka hindi ko na rin po inabot ang araw ngayon. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo," maluha-luhang sabi ni Minlei kahit wala siyang naaalala. Kahit anong pilit ni Minlei na tingnan ang mga itsura ng kanyang mga nasa harapan, wala talaga siyang maalala. Ang importante sa kanya ay mabait at maalaga ang mga ito sa kanya. Hindi siya sinukuan kahit na malala na ang kanyang kalagayan. Napatingin ulit siya sa sinasabing kasintahan niya. Napansin niya na may mga luhang pumapatak kay Mio kaya agad itong pinawi ni Minlei. "Huwag ka na ngang umiyak diyan. Buhay naman ako at iyon ang mahalaga," saad ni Minlei sabay bigay ng isang matamis na ngiti sa kanyang kasintahan. Napangitu rin naman si Mio sa kanya. "Naluluha ako dahil masaya ako. Hindi ko sukat akalain na magigising ka na lang, kaso wala pa kami sa iyong tabi." "It's okay, Mio. Hindi naman dapat laging nasa tabi ko. Mas makukunsensya pa ako kung ang lahat ng oras mo ay sa akin lang mapupunta. Ang mahalaga ay ito na ako, nakakausap ninyo na. Babawi ako sa lahat ng mga tulong na ginawa at sinakripisyo ninyo para sa akin," saad ni Minlei. Hindi malaman ni Mio kung matutuwa siya na ganito kapositibo mag-isip si Minlei. Alam niyang pansamantala lang ito kaya nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Pinilit niyang ngumiti para hindi na lang magtaka si Minlie. "Sobrang nakatutuwang isipin na positibo ka pa ring mag-isip. Basta masaya ako na naka-survive ka sa pagsubok na ito," malambing na sabi ni Mio. Hinalikan niya ulit sa noo si Minlei. Hindi pa rin mawala ang kaba sa kanya na isang araw ay magagalit na lang ito sa kanya dahil sa pagbabalik ng mga alaala ng mahal niya. Nagulat siya nang maramdaman niya ang pagyakap ni Minlei sa kanya. Bigla siyang nahiya na parang siya pa ang kino-comfort nito. "May gusto ka bang kainin?" tanong ni Geo, ang ama ni Mio kay Minlei. "Ay, oo nga pala. Hindi man lang natin siya pinakain muna. Tiyak na miss na miss na niya ang pagkain," dagdag pa ni Michie. "Halika muna kayo para kumain. Sabay-sabay na tayo," yakag ni Geo. Nauna nang lumabas ang mag-asawa para magpatulong makapagpahanda sila ng mga pagkain sa mga kasamahan nila. "Kaya mo na bang tumayo?" pag-aalalang tanong ni Mio. "Oo naman! Nahilo lang ako kanina kapipilit na makaalala kaya nagkaganoon ako. Tara? Gusto ko sanang tumulong sa kanila sa paghahain," sagot ni Minlei. "Hindi na kailangan tumulong. Baka mamaya ay mapaano ka pa. Hanggang hindi natin sigurado ang kalagayan mo, hindi ka pwedeng mapagod," pag-agap ni Mio kay Minlei. Tumayo na sila at agad na umalalay si Mio kay Minlei. Tila ayaw na niyang mawala ito sa kanyang tabi. Ingat na ingat siya babaeng kanyang minamahal. Para kay Mio, timing lang din sa kanya na walang maalala si Minlei para maipakita nila na mabuti silang mga bampira. Gagawin niya ang lahat para mapalapit lalo ang loob sa kanya ni Minlei. Kahit na hiwalay na sila bago pa mangyari ang trahedya, sa puso at isip niya ay sila pa rin ng babaeng mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD