Chapter 7 - Kasama ka

1005 Words
Shin Minlei's POV Nagising ako na may nakayakap sa akin. Nakatingin ako kay Mio na mahimbing natutulog. Parang napakaperpekto ng kanyang itsura. Hindi ako makapaniwala na may pinagpala ng gandang itsura. Hindi ako gumagalaw para hindi siya magising. Parang puyat na puyat siya kababantay sa akin. Ganito na niya pala ako kamahal, hinding-hindi niya ako pababayaan. Napangiti na lamang ako. Maswerte ako na mayroong nagmamalasakit sa akin kahit na ngayong sobrang hirap ng aking sitwasyon. Wala akong naaalala at pakiramdam ko ay may mga mali akong nagawa noong mga nakaraan, kaya maraming taong galit sa akin. Bigla siyang nagmulat ng kanyang mga mata kaya nagkatitigan kami. Ngumiti lang ulit ako. "Good morning," bati ko sa kanya. Nasilayan ko na naman ang kanyang mga ngiti kaya kuntento na ako. Ayokong makita siyang malungkot. Masyado na rin akong mabigat alagaan, kaya ang makita lang siyang masaya ay nakaantig ba ng aking puso. "Magandang umaga, aking mahal. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo o ano?" bati niya rin sa akin na may halong pag-aalala. "Lagi ka na lang nag-aalala, Mio. Maayos naman ang aking pakiramdam kaya wala kang dapat ipangamba. Nagiging malakas na naman ako. Kaya ko na sigurong gawin ang mga gawaing bahay," nagtatawang sabi ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya sabay yakap. Hinayaan ko na lang siya. Siguradong miss na miss niya lang ako. Yumakap na lang din ako sa kanya. Kahit hindi ko siya naaalala, ramdam ko ang koneksyon namin sa isa't isa. "Sobrang tagal ko bang nawalan ng malay?" tanong ko. "Oo, Minlei. Lagpas kalahating buwan din iyon. Kaya sobrang kabado na kami sa iyo. Wala pa ring improvement sa iyo. Kaya nagulat na lang din kami nang makita kang nakatayo. Hindi namin ine-expect na magigising ka habang walang nakabantay sa iyo sa loob," saad ni Mio. Bakit ako mawawalan ng malay sa ganoong katagal na panahon? Ibig sabihin ay maramo na ring panahon ang nasayang sa akin. At ano na ba ang status ko ngayon? "Pwede mo ba akong makuwentuhan tungkol sa buhay ko noon? Gusto ko lang din sana malaman kahit papaano ang nakaraan ko kahit hindi ko maalala," pakiusap ko sa kanya. Hinaplos niya ang aking buhok habang nakatingin sa akin. Inayos niya rin ang pagkakahiga ko sa kanyang balikat. Sobrang lapit namin sa isa't isa pero hindi na ako nagreklamo pa. "Malapit ka na ring mag-twenty two next year. Nakalipas na kasi ang birthday mo nitong taon. Sobrang sipag at talino mo. Laging tayong dalawa ang naglalaban sa top 1. Parehong business ang kurso natin at graduate na rin tayo," kuwento ni Mio. Lalo akong humanga nang malaman na graduate na pala kami. Akala ko ay wala pa akong patutunguhan, kay na-achieve na pala ako. "Masaya ako na graduate na ako. Akala ko ay wala pa akong patutunguhan. Pero bakit parang ang aga ata nating maka-graduate? Maging twenty two pa lang ako?" wika ko. "Sa Vnight Academy tayo nag-aral. Kapag mataas ang IQ mo at pumasa sa pinakamahirap nilang entrance exam, magiging accelerated student ka. Dalawang taon lang tayo nag-college kaya graduate na tayo," paliwanag ni Mio. Wow, mayroon pala na ganoong paaralan? Medyo weird lang pakinggan ang Vnight Academy, pero kung ganoon ba naman iyon kahirap at nakapasa ako, ayos na. "Sobrang sikat siguro ng school na iyon, ano? Tsaka bakit business ang course na kinuha ko? Mayaman ba kami o ano? Parang nakakahiya kasi sa iyo na naging tayo tapos makita ko lang itong tinutuluyan natin, halatang sobrang yaman ninyo na," sunud-sunod na tanong ko. Para siyang natatawa sa mga pinagsasabi ko kaya napanguso na lamang ako. Worried lang ako na baka sobrang yaman nila tapos ako ay laki lang sa hirap, pero sigurado naman na lumalaban ako sa buhay at nagpupursigido para sa mga pangarap. "Mahabang kwento pero mayaman kayo. Nagawa mo na ngang i-handle ang company ninyo noong mga panahon na nawala ang mga magulang mo. Masasabi kong sobrang responsable mong anak kahit na sa murang edad, nagtatrabaho ka na para sa inyo," saad niya. Sobrang interesado tuloy ako sa aking nakaraan. Parang may mga magagandang alaala na gusto kong balikan. Sigurado na sa lahat ng mga pagsubok na ginawa ko, talagang nagustuhan ko ang outcome ng mga ito. "Bakit nawala sila Mom at Dad? Hindi ba may kapatid din ako? Nawala rin ba siya? Pasensya na kung marami akong tanong ha? Hirap pala kapag ganito," ika ko. "Okay lang kahit marami kang tanong. Handa ko namang sagutin ang kahit ano," pagbibigay assurance niya. "Akala kasi natin ay patay na ang mga magulang mo dahil sa pagsabog. Iyon pala, ang kapatid mo sa ama ang nagtago sa kanya. Dahil sa mga threat sa pamilya ninyo, kinailangan silang itago ni Minari. Lihim lang din na may anak ang mga magulang mo kaya malaya kang nakagagalaw." Na-curious lalo ako sa pamilya ko. Hindi ko pala kapatid sa parehong magulang si Ate Minari. Kaya pala isang taon lang din ang agwat namin sa isa't isa. Mukha naman siyang mabait at maalalahanin kaya naniniwala akong may maganda kaming pinagsamahan. "Hindi na ako makapaghintay na makaalala, Mio. Sobrang dami kong katanungan na gustong masagot. Alam kong hindi sapat ang katatanong, dapat bumalik ang aking mga alaala," malungkot kong sabi. "Huwag kang mag-alala, darating din ang panahon na ikaw na mismo ang makakasagot sa mga katanungan mo. May rason naman kung bakit iyan nangyari sa iyo. Ang mahalaga ay ligtas ka ngayon," pagbibigay lakas ng loob niya sa akin. "May punto ka. Sa ngayon, kailangan ko munang magpalakas para pagbalik ko ay maayos na ako. Siguradong miss na miss na rin ako ng pamilya ko. Sana ay makasama natin sila," wika ko. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya bago kami bumangon. Nakakahiya naman na baka kanina pa naghihintay sa amin ang kanyang mga magulang. Magkahawak kami ng kamay habang papalabas ng kwarto. Napangiti ako na ramdam ko ang totoong pagmamahal ni Mio. Napakaswerte ko na siya ang naging kasintahan ko. Sana ay maalala ko na rin ang mga magagandang alaala na kasama ko siya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD