Chapter 16 - Tiwala

1141 Words
Nagising na lamang ako sa isang familiar na kwarto. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Mio na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong niya. Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam ang sunod na nangyari. Nakatulog na pala ako, hindi ko na natapos ang tanong ko sa kanila. "Nakatulog pala ako?" natatawang tanong ko. Hinaplos niya ang aking buhok. Mukha siyang kabado sa akin. Sagot niya, "Nawalan ka ulit ng malay, Minlei. Hindi ka basta-basta nakatulog lamang. Nagising din si Tita at alam na rin ang nangyari sa iyo. Sinabi ko lang na ako na ang magbabantay sa iyo." Mapapadalas ata ang pagkawala ng aking malay sa tuwing may maaalala ako. Dapat ay masanay na ako sa ganitong sitwasyon. "Nasaan sila Ate Minari?" tanong ko. Bigla kong naalala ang mga pinag-usapab nila kagabi. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako tungkol doon. "Nagpapahinga na rin. Pagod sila sa byahe kaya nagbabawi," sagot niya. "Ganoon ba?" nahihiyang tanong ko. "Narinig ko ang usapan ninyo ni Ate Minari kagabi. Hindi ko naman sinasadya na masaktuhan na pinag-uusapan ninyo ang nakaraan. Na-curious lang ako kaya napatagal ako at doon na may unti-unting mga alaala na bumabalik." Napalinunok siya ng kanyang laway. Kabado ba siya na narinig ko na gusto siya ni Ate Minari? Tiyak na higit pa iyon sa pagkagusto. "Ano ang gusto mo pang malaman, Minlei? Handa naman akong magkuwento," saad niya, nakabawi sa kabadong itsura niya kanina. Ngayon ay parang kalmado na siya. "Minahal mo rin ba noon si Ate Minari?" diretsong tanong ko. Masakit kasi kung oo pero sa akin siya napunta. "Hindi naman siguro ako ang dahilan kung bakit hindi kayo nagkatuluyan?" Hinila niya ako para yakapin. Napapikit na lang ako. Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Sigura talaga ako na mahal ko ang lalaking ito. Mahal namin ang isa't isa kaya worth it ipaglaban ito. "Minlei, ikaw lang ang babaeng minahal at mamahalin ko. Oo, minahal ako ni Minari, pero hindi naman ibig sabihin nito ay minahal ko rin siya. Wala akong naramdamang espesyal sa kanya. Noong una nga ay hindi ko rin naisip na maging kaibigan siya," sagot niya. Ako lang talaga? Grabe naman iyon! Ganoon din kaya ako? Pero nabanggit nila na may dalawang lalaki rin sa buhay ko noon. Sino kaya sila at anong mayroon ang dalawang iyon sa buhay ko? "Sobrang nakaka-touch naman iyan. Pero noong una ay wala ka rin balak na magustuhan ako, hindi ba? Paano mo ko minahal?" Dumarami na talaga ang tanong ko sa kanya. Sana ay kahit papaano makatulong ito sa pagbalik ng aking mga alaala. "Oo, wala sa isip ko noon na magkaroon ng kasintahan. Naging malapit tayo sa isa't isa dahil sa mga activities. Tayo rin ang magkalaban sa mataas na rank kaya mas napalapit pa lalo tayo. Doon ko na lang na-realize na unti-unti na akong nahuhulog sa iyo. Basta tulad ng aking mga sinasabi, mahal na kita noon pa man. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyan sa iyo," sagot niya ulit sa akin. Bigla akong nahiya. Nakailang tanong na ba ako tungkol sa pagmamahal niya? Baka isipin niya pa na wala akong tiwala sa kanya. "Uy, huwag kang ma-offend sa mga tanong ko ha? Ayokong isipin mo na wala akong tiwala sa iyo at sa mga kinukwento mo. Hindi lang talaga ako nagsasawa sa mga kuwento mo kung gaano mo ko kamahal. Masarap lang talagang pakinggan," maagang depensa ko sa kanya. Kakalas sana siya sa yakap pero hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na ayoko na siyang pakawalan. "Mahal na mahal kita, Mio. Iyon ang sinasabi ng aking damdamin. Ayokong mawala ka sa akin. Huwag kang magsasawa sa akin. Please?" madamdaming sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa aking noo. Ang sarap talaga sa piling niya. Hindi nakasasawa na yumakap at makipaglambingan sa kanya. "Hinding-hindi ako magsasawa sa iyo. Mahal na mahal din kita kaya imposibleng iwan kita. Gagawin ko ang lahat para lang mapanatili ang relasyon natin. Kasal na lang ang kulang sa atin para mas akin ka na," malambing na saad niya. Hindi na ako makapaghintay para sa araw na iyon. Ayos lang naman sa akin na hindi na bumalik ang aking mga alaala. Mas mahalaga na kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay. Magiging masaya rin naman kami. Bumukas ang pintuan at saktong nakita ko si Ate Minari na nanlaki ang nga mata sa nadatnan. Sa isang iglap lang ay naibalik niya agad ang normal niyang reaction. "Ate Minari," banggit ko sa pangalan niya para hindi na siya lumabas. Ako na ang kumalas sa yakap namin ni Mio. Ayoko naman maging sweet kami ni Mio sa harapan ng aking kapatid. Baka tahimik lang siyang nasasaktan. Hindi basta-basta madali makalimot kapag sobrang nagmahal. "Kamusta ang pakiramdam ng bunso namin?" tanong ni Ate Minari. Lumapit siya sa akin para tingnan ang kalagayan ko. Hinipo niya rin ang noo ko. Hindi naman ako mainit dahil bampira ako. Bakit niya hihipuin ang aking noo? Naguguluhan ako sa gestures nila ni Mom. "Maayos naman na po ako. Nahihimatay lang siguro kapag nati-trigger ang nakaraan. Bigla kasing nakaalala kaso hindi ganoon kalinaw. Nakita ko lang na umiiyak ako dahil kila Mom at Dad tapos may isang lalaking nagko-comfort sa akin. Hindi ko na nakita ang kanyang itsura dahil sa liwanag na aking nakita," sagot ko kay Ate Minari. "Mukhang base iyan sa totoong nangyari noon. Siguro ang lalaking nasa naaalala mo ay si Kaliex. Siya ang pinakamalapit sa iyo bukod kay Den. May mga kaibigan ka rin noon tulad ni Minsy at Denver. Baka hindi mo pa lang naaalala," saad ni Ate Minari. Para tuloy akong na-curious kay Kaliex. Bakit kaya hindi ko pa maalala ang kanyang itsura? Sigurado ako na napakabuti niya kaya siya ang pinakamalapit sa akin. "Siya rin ang first love mo," dagdag pa ni Ate Minari. Nanlaki ang aking mga mata sabay lingon kay Mio na walang reaction. Seryoso lang siyang nakatingin sa baba. "Ha? Akala ko si Mio lang ang aking minahal at mahal ngayon. Akala ko ay kaibigan lang ang kaliex na iyon?" nagtatakang tanong ko. "Pareho kayo na gusto ang isa't isa noon kaso walang umaamin. Hanggang sa nagkakilala na kayo ni Mio at doon ka na tuluyan nakalimot at naka-move on kay Kaliex. Totoong may relasyon kayo ni Mio noong nag-aaral pa lang kayo. Kita ko kung gaano mo kamahal si Mio. Kaya magtiwala ka lang sa nararamdaman mo ngayon. Hindi naman basta-basta malilimutan ang pagmamahal. Mararamdaman mo pa rin iyan kahit mawala ang mga alaala mo," kuwento ni Ate Minari. Napatango ako. May tiwala ako sa ang nararamdaman. Mahal ko si Mio at walang makapagbabago ng aking isipan. Hinawakan ko ang kamay ni Mio. Napalingon siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang ngiti na magiging kampante siya sa pagmamahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD