Chapter 17 - Ang Pagsabog sa Nakaraan

1098 Words
Minari's POV Natulala ako nang madatnan kong magkayakap si Minlei at Mio. Hindi dapat ako basta-basta pumapasok. Ganito tuloy ang nadatnan ko. Naabala ko pa ata sila. Nang makita kong kumalas sila sa pagkayakap ay agad akong lumapit kay Minlei. Tiniyak ko muna na maayos ang pakiramdam niya. Kinakabahan ako sa tuwing nagkakaganito siya. Handa naman na ako kung sakaling magalit siya. Gusto ko lang ng kaunti pang panahon para makasama siya na wala pa siyang galit sa puso. Gusto kong maging assured siya kay Mio kaya nagbigay ako ng payo sa kanya. Ayoko namang na isipin niya in the future na may hindi kami pagkakaunawaan tungkol kay Mio. "Pero okay ka lang talaga, Ate Minari?" tanong sa akin ni Minlei. Nagulat ako sa kanya. Saan naman nanggaling ang sinasabi niya? Anong ibig sabihin niya sa tanong na iyan? "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan? Problema lang talaga natin ang mga kalaban na ayaw tumigil sa paggawa ng mga masasamang bagay," sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin pero alam kong may iba pa siyang pinapahiwatig. Malungkot ang kanyang mga mata. Narinig kaya niya ang pinag-usapan namin ni Mio kaninang madaling araw? "Wala lang, Ate. Gusto ko ay masaya lang tayo. Iwanan na natin ang mga masasamang alaala noon. Kung ano man ang mayroon ngayon, iyon na lang muna ang pahalagahan natin," saad niya. Tumango ako sa kanya. Hindi ko maiwasan na hindi makunsensya sa nangyayari sa kanya. Kasalanan ko rin na nagkaroon siya ng trust issues. Tuwing titingin ako sa kanya nang matagal, hindi ko maiwasan na maalala ang nakaraan at ang aking mga pagkakamali. "Miss Minari, ang huli pong balita ay susugurin ang pamilyang Young sa mismong meeting ng clan nila. Ano po ang gagawin natin?" tanong ni Mr. Sean, ang isa sa aking pinagkakatiwalaan. "Sino po ang susugod sa kanila? Ang mga bampira? Kailangan po nating mailigtas sila Dad," pag-aalalang sabi ko. "Opo. Nalaman lang namin sa isang bampira na nagbibigay ng detalye sa atin. Alam na rin po namin kung saan ito magaganap," sagot ni Mr. Sean. Umuwi rin kami ng bansang iyon. Gusto ko sanang bantayan ang aking kapatid kaso mas kailangan ako ng aming ama at ng kanyang ina. Kahit na sobrang bata ko pa para sa ganito, kinailangan kong makipagsapalaran. Wala na ang aking ina dahil sa mga bampira. Mas ayoko pang mawalan ng ama at kapatid na wala akong ginagawang hakbang para mailigtas sila. Nakarating na kami sa gaganapan ng meeting. Nakahanda na ang lahat ng mga tauhan namin sa pagsagip kila Dad. "Mukhang paparating na po ang mga low class vampires. Sobrang dami nila at may mga kasama pang normal na bampira. Hindi po natin kakayanin ang puwersa nila," kabadong sabi ng isa naming kasamahan. "Hindi tayo makikipaglaban. Kailangan lang nating mailigtas at maitago ang mag-asawang Young," saad ko. Napansin ko na unti-unti nang nakakapasok ang mga bampira. Mabilis akong tumakno para maunahan sila sa pagkuha kila Dad. Nagkakagulo na sa loob at nakita ko ang mag-asawa na nakikipaglaban na sa mga sumusugod sa kanila. Pinatay ko ang lahat ng mga papunta sa kanila. Napansin nila ako kaya parang kinabahan sila. May nakita akong isang bampira na may hawak na bomba. Hindi ito low class vampire, mukhang nasa tamang pag-iisip at isasakripisyo ang buhay mapasabog lang iyon. "May bomba!" sigaw ko. Inihagis ng bampira ang bomba sa gitna. Napatalon ako papunta kay Dad at agad silang hinila palabas sa backdoor. Napayuko kaming lahat dahil sa sobrang lakas nang pagsabog ng bomba. Naitulak ko ang asawa ni Dad nang makita kong may babagsak na bato sa pwesto niya. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ko. Tumango sila at ramdam ko ang kaba nila. Nagdala ako ng mga damit pampalit nila para mapalabas ko na patay na sila. "Magpalit po kayo ng damit. May plano po ako para hindi na kayo atakihin ng mga bampira. Please?" pakiusap ko sa kanila. Hindi na sila nagdalawang isip. Sinunod na lang nila ako. Hindi na lang ako tumingin para mabigyan sila ng privacy. Pagkatapos nila ay agad ko itong kinuha. "Mr. Sean, paki-assist po sila papunta sa sasakyan natin. Ako na po ang bahala rito. May sasakyang naghihintay din naman po sa akin sa ibang parte ng lugar na ito. Dalhin po ninyo agad sila sa bahay," utos ko kay Mr. Sean. "Papaano ka, Minari?" nag-aalalang tanong ni Dad. "Kaya na po ni Ma'am Minari ang sarili niya. Bata pa lang po ay hasa na siya sa pakikipaglaban. Magtiwala na lang po tayo sa kanya. Sumunod na po kayo sa akin," saad ni Mr. Sean. "Mag-iingat ka. Maraming salamat sa pagligtas mo sa amin," naiiyak na sabi ni Mrs. Young. Tumango lang ako sa kanila. Kailangan na nilang makaalis para magamot ang kanilang sugat mula sa pagsabog. Pumasok na ako sa loob para maghanap ng katawan na susuotan ng damit para pagpanggapin na patay na ang mag-asawa. Nakaramdam ako ng awa nang makita ko na maraming nakahandusay. Wala na ring mga bampira sa loob dahil sa lakas ng sabog. Pagkatapos ng ilang minuto ay napalitan ko na ang damit ng dalawang taong hindi na makilala ang mukha. Mabigat sa kalooban ko, pero kailangan ko silang gamitin. Sumakto naman na pinadala rin nila sa akin ang suot nilang accessories kaya mas malalaman na sila iyon. Hinila ko ang katawan nila malapit sa pinaka-stage kung saan naroon ang mag-asawa bago maganap ang pagsabog. Dinala ko na rin ang mga damit nila para itapon. Pagkatapos ko sa huling task ko ay dumaan na ulit ako sa backdoor. May mga nakapalibot na mga members ng Vampire Hunter Clan. Buti na lang ay saulado ko na agad ang lugar na ito. Dumaan na ako sa may pinakasulok at lumusot sa may butas. Nakaabang na agad ang driver ko at agad na binigyan ako ng tuwalya pantaklob sa aking katawan na puno ng dugo. "Kamusta, Ma'am Minari?" tanong ng aking driver. Ngumiti ako sa kanya. Kailan ba naging palpak ang aking mga plano? Kinuwento ko na lang sa kanya ang nangyari. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil nakaligtas ang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa nga tao sa labas ng building na iyon. Sobrang daming umiiyak at nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. Aminado ako na wala akong nagawa para kontrahin ang bomba. Sa sobrang bilis ng mga bampira, hindi ko na magagawang hanapin kung sino ang may dala nito. Bigla na lang iyon lumitaw sa gitna nang nagkakagulo na. Bigla kong naalala si Minlei. Sigurado akong sobrang masasaktan siya sa mababalitaan niya. Sana ay napatawad niya pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD