Chapter 9 - Paghihilom

1009 Words
Nagdala ng maraming libro si Mio. Gusto ko kasi sanang mag-aral ng mga tungkol sa business para naman may mapaglibangan ako. Maganda kung mare-refresh ang aking utak sa mga ideas na nakalimutan ko na noon dahil sa nawalan ako ng mga alaala. "Aalis muna kami ng Dad ninyo ha? May aasikasuhin lang kami. Anong gusto ninyong pasalubong?" saad ni Tita Michie. "Kahit ano na lang po sa akin. Hindi naman po ako choosy," sagot ko. "O siya, sige. Ako na ang bahalang bumili ng nga magugustuhan ninyong dalawa. Mag-iingat kayo," ika niya. "Mag-iingat din po kayo," saad ko. Hindi talaga sumagot si Mio? Nakasandal lang siya sa aking habang nakapikit ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa orasan. Alas diyes pa lang naman ng umaga at mukhang antok pa siya. Ako naman ay sinubukan kong i-adjust ang tulog ko para sana ma-enjoy ang view ng beach. "Mio, inaantok ka ba? Gusto mo sa kwarto ka na lang magpahinga?" concerned na tanong ko sa kanya. "Hindi naman. Gusto ko lang ang ganitong posisyon, katabi mo," diretsong sagot niya. "Tatayo ka ba o kaya may gusto ka bang puntahan?" Malakas talaga siya makakutob kung ano ang gusto kong gawin. Sasama rin naman siya sa akin kapag niyakag ko siya palabas. "Gusto ko sanang makita ang view ng beach kapag ganitong kaaga. Okay lang ba sa iyo?" sagot ko sa kanya. Tumango lang siya sabay tumayo. Inalalayan na rin niya ako patayo kaya lalo akong natuwa sa kanya. Paglabas namin ng bahay ay tumambad sa amin ang init ng araw. Hindi naman ganoon nakasasakit ng balat at may mga lilong na area naman kaming matatambayan ni Mio. Magkahawak ang aming kamay kaya kung saan ako pumunta, sumusunod lang si Mio. Nakatutuwa na sobrang ganda ng property na ito. Hindi ako magsasawang tumira rito kahit na simple lang ang buhay ko, basta walang bagay na makapagpapasakit sa akin. Umupo muna kami sa bench sa harap ng dagat. At dahil sobrang active ko ngayon, naisipan ko na magtampisaw muna sa tubig. Nakasuot naman ako ng t-shirt at shorts kaya okay lang na mabasa ang mga ito. Pinapanood lang ako ni Mio. Ngumingiti ako sa kanya kapag may nadadampot akong magagandang bato at shells. Agad ko naman itong binabalik dahil para iyon sa dagat, hindi sa akin. Nagulat ako nang may maapakan akong matulis na bagay at ang tubig ay nagkaroon ng dugo. Wala pang ilang segundo ay naglaho na ang dugo sa tubig dahil humalo na ito. Pagtingin ko sa aking paa na nasugatan ay hindi ko na makita ang hiwa. Umupo pa ako sa buhangin para i-double check ang aking paa. Napatingin na rin ako sa isa kong paa para makasigurado. Imposible naman na ganoon kabilis ang paghilom ng aking sugat. Paglingon ko kay Mio ay nakapikit lang siya. Parang pagod na pagod talaga kababantay sa akin. Hindi na na-adjust ang tulog niya. Naging curious ako sa aking sugat. Ramdam na ramdam ko ang pagkahiwa kaya nagtataka ako kung bakit walang bakas ng dugo sa aking paa. Wala talagang sakit ngayon kahit anong gawin kong pisil dito. Naglakad ulit ako papalapit sa tubig. Naligo na ako sa dagat kaya lumublob na ako pailalim. Agad akong napaahon. Hindi ata ako sanay lumangoy kaya nahihirapan akong magtagal sa tubig. Sa hindi inaasahan, bigla akong nadulas kaya nasugatan ang aking mga tuhod. Habang nakatingin ako sa aking mga tuhod ay hindi ko maiwasang hindi manlaki ang mga mata. Nasasaksihan ko kung paano mabilis maghilom ang mga sugat ko. Napatingin ako kay Mio na ngayon ay nasa harapan ko na. Paano siya nakarating sa akin sa ganoon kabilis na paraan? Hindi ko man lang napansin na tumakbo o naglakad siya papalapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya. Tumango ako at itinuro ko pa ang aking sugat. Tanong ko, "Ano iyan? Bakit mabilis maghilom? Anong mayroon sa atin?" Napansin kong napalunok ng laway si Mio. Kinakabahan ba siyang magpaliwanag sa akin? Para kasing hindi kami normal na tao sa lagay na ito. Ang alam ko ay pumepeklat ang mga sugat kapag malala ito. Sa akin, wala man lang bakas ng ni isang peklat ang aking katawan. Maputi rin ako at parang hindi rin pareho sa mga taong nakikita ko sa magazines na mayroon sa bahay. "Mahabang paliwanag, Minlei. Mamaya sa bahay ay sasabihin ko sa iyo ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na mga sugat sa atin. Sa ngayon, kailangan na muna nating bumalik sa bahay. Doon ka na maligo sa kwarto mo," saad ni Mio. Napatango na lang ako. Sumunod na ako sa kanya sa pagpasok ng kwarto. Pansin ko rin na kapag kasama ko si Mio, walang nagbabantay sa akin na mga bodyguards. Ganoon na ba kalakas si Mio? "Hindi ka pa pala masyadong nagkukuwento sa akin tungkol sa iyo at sa relasyon natin. Pwede bang makarinig kahit kaunti pagkatapos kong maligo?" curious na sabi ko sa kanya. "Sure! Walang problema iyan sa akin. Gusto ko nga iyan, na curious ka tungkol sa akin. Nakikita kong interested kang malaman ang lahat ng mayroon sa atin," sabi niya, sabay ngiti sa akin. Sobrang sweet niya talaga. Kahit kailan ay hindi siya nagalit sa akin kahit medyo pasaway ako. Napakamaintindihin at maalagain siya kaya lalong nahuhulog ang aking loob sa kanya. Hindi naman siguro masamang maramdaman ang muling pagmamahal sa kanya kahit mahal ko na siya. Nakalimutan ko lang ang nakaraan, pero ramdam ko na mahal na mahal ko siya. Hindi na ako mahihiyang ipakita sa kanya ang pagmamahal ko. "Alam mo, Mio, handa ulit akong mahalin ka sa ibang paraan kung sakali man na hindi na bumalik ang aking mga alaala," biglang sabi ko sa kanya. Para siyang natigilan sa paglalakad, sabay tingin sa akin. Hindi siya makapaniwala? "Wala naman sigurong masama na makaramdam ng ibang klaseng pagmamahal sa isang tao lang. Handa akong mahalin kang muli, Mio. Iyon ang aking nararamdaman para sa iyo," malambing na sabi ko. Tila tulala siya sa akin at hindi makapagsalita kaya pinisil ko ang kanyang ilong. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago pumasok sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD