Chapter 10 - Bampira

1022 Words
Mas lalong naging sweet sa akin si Mio. Lagi niyang gustong-gusto na nakayakap sa akin. Hinahayaan ko na lang siya dahil gusto ko rin iyon. "Mio, bakit kaya naghilom agad ang aking mga sugat? Anong mayroon nga ulit? Hindi ko kasi talaga maintindihan," tanong ko sa kanya. Umalis sa pagkakayakap sa akin si Mio. Kita ko ang pagkaseryoso niya. Seryosong usapan na ba ang tungkol sa sugat na iyon? Curious lang talaga ako. "Tingnan mo ang aking gagawin," saad ni Mio. Nanlaki ang aking mga mata nang may lumabas na mahabang pangil sa kanya. Pumula rin ang kanyang mga mata na parang kakaiba siyang nilalang. Kinagat niya ang kanyang palapulsuan kaya nagulat ako. Nagdugo ito at para akong nakaramdam ng kakaibang sakit sa aking lalamunan. May nagwawala sa aking kalamnan. Maya-maya ay hinalikan ako ni Mio at pinasa sa bibig ko ang dugo mula sa kanya. Gusto ko sanang mandiri kaso para akong nauuhaw. Wala akong choice kung hindi ang inumin ito. Pagkatapos ni Mio ay pinakita niya sa akin ang kamay niya. Walang bakas ng sugat o kagat man lang. Mabilis itong naghilom, katulad nang nangyari sa akin. "Anong ibig sabihin nito? Hindi ba tayo normal na tao?" naguguluhang tanong ko. Tumango si Mio. Kung ganoon, ano kami? Bakit kami narito? Anong mayroon sa akin na dahilan kung bakit ako tinatago? "Bampira tayo, Minlei. Kung mapapansin mo, mabilis maghilom ang ating mga sugat. Iba kasi talaga tayo sa mga tao. May kakayahan din tayong maging mabilis, tulad ng mga napapanood mo noon sa movies tungkol sa mga bampira. Naalala mo ba ano ang mga bampira?" paliwanag ni Mio sa akin. Wala akong maalala sa mga napanood ko dati, pero may kaunting ideya ako sa mga bampira. Hindi ko lang alam kung mamamangha ako o maiinis na isa pala akong bampira. Inisip ko na lang na bampira rin ang aking pamilya kaya wala na akong magagawa sa buhay na kinagisnan ko. "Hindi ko maalala pero familiar naman ako sa uri natin. Hintayin ko na lang bumalik ang aking mga alaala. Malakin naman siguro ang chance na babalik ang mga ito," saad ko. Tumango lang siya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko naman na mahirap para sa kanya na magkuwento tungkol sa aking nakaraan. Ayokong masaktan siya sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa akin. "Pwede mo naman siguro akong turuan muli kung paano maging malakas na bampira?" tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing maging malakas kagaya nila. "Gusto kong maging malakas din para sa inyo." "Walang problema sa akin iyan, Minlei. Hayaan mo, tuturuan agad kita kapag handa ka na. Maganda sana ay gabi natin iyan gagawin. Dapat umiwas muna tayo sa initan, masakit sa ating balat ang sikat ng araw," wika ni Mio. Kaya pala noong isang araw ay lagi lang siyang nasa lilim. Buti nga noong nag-swimming ako ay nasa lilim din ako gawa ng mga anino ng coconut tree na magkakatabi. Ngayon ay naiintindihan ko na ang ibang mga bagay na makasasama sa amin bilang isang bampira. "Okay! Bawal pala sa atin iyon dahil masusunog ang ating balat, ano? Ano pa ang dapat nating iwasan? Silver?" tanong ko sa kanya. "Oo, tama ka. Mas dapat nating iwasan ang patalim na gawa sa kahoy. Ipakikita ko sa iyo sa susunod ang itsura niyan. Basta iyan ang instant na papatay sa iyo kapag nasaksak ka sa dibdib mo," dagdag pa niya sa sinabi ko. Nakatatakot naman isipin na may gagawa ng bagay na iyon para patayin kaming mga bampira. Hindi naman siguro lahat ng bampira ay kaaway ng mga tao. "Bakit may ganiyang bagay laban sa atin?" nagtatakang tanong ko.. "Hindi kasi lahat ng bampira ay mabubuti. Kahit kami ay mayroong ganiyang bagay. Kailangan din natin dumipensa laban sa mga masasamang loob. Mayroong mga bampira na talagang gawain ang maging masama at mandamay ng mga tao para sirain ang buong imahe ng mga bampira," paliwanag pa ni Mio. Ibig sabihin pala ay may kalaban kami? Kaya ba delikado ang buhay ko at ng mga magulang ko ay dahil sa mga ganoong nilalang? Nakalulungkot na hindi talaga kaya lahat ay maging mabuti. "Paano nagiging masama ang bampira? O iyong tinutukoy mo na mga kalaban?" tanong ko. "Kinakagat nila ang mga tao at ginagawa silang low class vampires. Iyon ang mga bampira na parang nawawala na sa sarili at nagkakaroon ng pakpak para makalipad. Kakaiba ang itsura nila sa totoong mga bampira. Para silang manananggal pero buo ang katawan. Alam ko ay may naimbento na ang clan ninyo kung paano ibalik sila sa normal na tao. Iyon ang pinagpapatuloy ng kapatid at mga magulang mo ngayon," dagdag paliwanag pa ni Mio. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nagtatago sila Mom. Mukhang hahabulin sila ng kalaban para mapigilan ang pagkontra sa mga ginagawang kasamaan ng nga bampira na iyon. Sana ay matapos na ang kasamaan ng mga kalaban namin para maging malaya na rin kami. Dapat ay maging maganda rin ang tingin sa amin ng mga tao para magkaroon ng pagkakaisa. "Ibig sabihin ay may hindi pa rin pagkakaunawan sa tao at bampira dahil sa mga nangyayari?" malungkot na tanong ko. "Sana masolusyunan agad natin ang mga iyan para magkaroon ng kapayapaan sa mga tao at bampira, magkabati ang dalawang panig. Maging normal din tayo sa paningin nila." Napansin ko ang pagbago ng expression ni Mio. Hindi ko malaman kung nalulungkot siya o dismayado lang sa mga nangyayaring kasamaan sa mundo. "Iyan din ang matagal ko nang ginagawa para sa mga kapwa bampira natin. Matagal ko nang tinatrabaho na pagkaisahin ang tao at bampira para na rin sa ikatatahimik natin. May mga bagay lang na mahirap ipaliwanag. Nagkaroon kasi ng hindi magandang pangyayari noon. Pero umaasa ako na magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon," malungkot niyang sabi. Hindi na ako nagtanong pa. Ayokong nasasaktan siya at iyon ang nakikita ko ngayon. Yumakap ako sa kanya para pagaanin ang kanyang kalooban. Pakiramdam ko ay may mabigat siyang dinadala sa nakaraan kaya mas kailangan niya ang suporta ko. "Magiging maayos din ang lahat, Mio. Tutulungan kitang mapag-ayos ang mga tao at bampira, pangako ko iyan sa iyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD