Chapter 31 - Matalik na Kaibigan

1865 Words
Pamilyar na sa akin ang lugar na dinadaanan ng pampasaherong sasakyan na sinasabayan ko ngayon. Pagkatapos ng ilang oras na byahe, nasa lungsod na kami. Madilim na rin ang paligid kaya wala na ring makapapansin sa akin. Hindi ko na hinintay makatigil ang sasakyan. Tumalon na ako at tumakbo nang mabilis patungo sa daanan na alam ko. Hindi ko na namalayan ang oras pero kita kong malapit na ako sa paroroonan ko. Nalagpasan ko rin ang kumpanya namin at mukha namang buhay pa rin ang business namin dito. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa paroroonan ko. Napasandal muna ako sa tabi ng puno para magpahinga at makapagmatyag. Hindi kasi ako basta-basta magpakita sa kanila. Magkukunwari ako na galing ako sa mapunong lugar para walang kuha ng CCTV sa ibang area. Tanaw na tanaw ko na ang kalakihan ng aming bahay. Halos maluha ako sa sobrang pagka-miss ko sa mga alaala ko rito. Lumapit na ako sa gate. Nag-doorbell ako at umaasa na pagbubuksan ng mga nasa loob. Nagtaka ako na walang responde sa kabila. Wala akong choice kung hindi ang tumalon sa bakod. Bumwelo pa ako para makatalon nang mataas. Pagbagsak ko sa kabila ay napalingon agad ako sa paligid. Nalungkot ako nang mapansin na maraming mga patay na halaman. Wala na rin ang sigla nito. Parang matagal nang hindi naaayos ang kapaligiran. Wala na rin ang mga bantay sa paligid. Tiyak na wala na ring nakatira sa bahay. Iniwan na pala nila ito. Bakit kaya? Kasi wala na sila tiwala kila Mom at Dad? Natatandaan ko na sinabi ng isang bodyguard ni Mio na ganoon ang nangyari. Ako lang ang pinagkakatiwalaan nila. Maingat ako na naglakad sa daanan. Mahirap na kung mayroon pa ring mga traps sa paligid. Bampira ako at worried din ako na sa akin pa magamit ang mga naimbento namin noon. Iniisip ko kung gagana ba sa akin ang potion at babalik ako sa normal na tao. Wala naman sigurong masama kung susubukan. Nagbabakasakali lang ako na magkaroon ng normal na buhay. Nakarating ako sa unahan. Ang pader ay marumi na at matagal nang hindi nalilinisan. Wala nga talagang tao rito. Wala rin kasi alagang magpapasweldo sa kanila kaya mahirap nang magtigil pa rito. Sabagay, ayos na rin ito para masolo ko ang bahay. Kaya ko namang linisan ito. Ang problema ko lang ay paano ako makasu-survive nang walang pera. Hinanap ko ang susi sa pinagtataguan ko noon. Mayroon kasi akong secret key in case na nakalilimutan ko ang akin at kung mayroong emergency. Pagbukas ko ay naroon pa nga. Ako lang naman ang nakaaalam nito. Binuksan ko na ang pintuan at mabilis din na isinarado ito. Baka may mga bampirang may alam ng bahay na ito kaya dapat maingat pa rin ako. Masyadong naging madali ang pagpunta ko rito gawa ng aking kakayahan. Napapaisip tuloy ako kung gagamitin ko muna ang pagiging bampira para maka-survive na mag-isa lang ako. Dumiretso ako sa aking kwarto at buti na lang, mayroon din akong extra na susi. Mas okay na naka-lock ito para walang ibang makapapasok sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa loob at nag-lock ulit ng pintuan. Sa palagay ko kasi ay pupuntahan ako rito nila Mio. Hindi naman ako nag-iwan ng bakas na galing ako rito. Na-miss ko rin ang kwarto ko. Walang pinagbago sa kaayusan ang mga gamit ko rito. Wala na nga sigurong nakapasok dito pagkatapos kong umalis noon. Maalikabok lang talaga sa paligid. Halos mag-iisang taon na rin pala itong hindi napapasukan. Kinuha ko ang mga gamit panlinis sa aking kwarto. Buti na lang mayroon akong panlinis dito. May mga pang-disinfect din ako kaya hindi naman nakapapagod ang gawaing bahay. Kung lilinisan ko ang bupng bahay, baka abutin ako ng tatlong araw na walang pahinga. Ang labas naman ay kailangang tanggalin na ang mga patay na halaman para gumandang tingnan. Pagkatapos kong malinis ang kwarto ay pinalitan ko naman ang bedsheet at punda. Sa ilalim ng bedsheet ay nakita ko ang mga larawan namin ni Mio. Napakagat na lang ako ng aking labi para pigilan ang aking mga luha. Ang larawan na ito ay masaya pa kami at hindi ko pa alam na bampira si Mio. Bakit ko nga ba itinago sa ilalim ng kama ito? Nakalulungkot isipin na ang saya namin noon pero bigla na lang nagbago ang lahat. Iniisip kong pinagtaksilan niya ako noon. Kung ia-analyze ko ang mga nangyari noon, mare-realize ko na si Mio rin pala ang pumoprotekta sa amin. Iisa lang din pala ang pinakakalaban namin. Hindi pala talaga lahat ng bampira ay masama. "Hay naku, Minlei, bawal ang palaging malungkot. Kung gaano ka kapositibo noong wala kang naaalala, ngayon naman ay kabaliktaran," saad ko sa sarili ko. Ito pala ang epekto ng mga alaala sa nakaraan. Kaya pala malungkot din sila kapag naiisip nila na magagalit ako kapag nakaalala, magiging malungkot at masakit pala talaga sa akin ang mga nangyari noon. Nagpaliwanag naman sa akin si Minari kaso hindi pa rin sapat. Nagagalit ako na hindi nila ako kinuha. Matatanggap ko naman kung kapatid ko siya. Medyo natawa ako sa part na nagkasira ang samahan namin ni Kaliex dahil sa pagpili niyang sumama kay Minari. Para akong inagawan ng kaibigan at wala siyang tiwala sa mga plano ko. Alam din niya kayang may mga mabubuting bampira pero ayaw lang sabihin sa akin? Pakiramdam ko tuloy ay takot silang mag-open sa akin noon dahil na rin sa galit ko sa mga bampira. Iba talaga ang nagagawa ng galit sa puso. Pati ang malalapit sa akin ay natatakot na ring mag-reach out sa akin. Paano ko ba sisimulan na pagbatiin ang mga bampira at mga tao? Sobrang hirap paniwalaan na mababait ang mga bampira. Kailangan ko bang mag-anunsyo na kasama ko sila Mio o baka naman isipin nila na hawak ako ng mga ito sa leeg? Ang dapat ko sigurong unahin ay mahanap kung nasaan na ang bagong laboratory ng clan namin. Dapat mahanap ko sila Denver. Tiyak na alam niya kung nasaan ang mga Scientists namin. Sila na kaya ang nag-o-operate nito? Binuksan ko ang aking cabinet para hanapin ang isa kong cellphone at charger. Si Kaliex ang una kong tatawagan. Hindi naman niya siguro ako bibiguin. Mapagkakatiwalaan ko naman siya lalo na kung kaligtasan ko na ang pinag-uusapan. Nag-charge agad ako ng cellphone para matawagan siya. Wala namang ibang nakaaalam ng number ko na iyon bukod kay Kaliex. Nahiga muna ako para magpahinga. Nakapapagod pala ang araw na ito. Kung hindi pa dumating sila Chelly, hindi pa ako makatatakas. Posible kasi na makita nila akong nananakbo kung focus lang sila sa pagbabantay sa akin. Perfect timing talaga na dumating sila at nalaman ko na may secret basement ang bahay na iyon. Maya-maya ay naalimpungatan ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagtingin ko sa bintana ay mukhang madaling araw na. Napahimbing ang aking tulog kaya may lakas na ulit akong maglinis mamaya. Dinampot ko ang aking cellphone at agad na binuksan iyon. Updated naman ang orasan nito kaya nakita kong alas tres na nang madaling araw. Hindi ko pa matatawagan si Kaliex at ayoko siyang maistorbo sa kanyang pagtulog. Hindi rin niya agad maiintindihan ang sasabihin ko at baka mahirapan siyang maniwala na buhay pa ako. Nagpalipas muna ako ng oras sa pamamagitan nang paglilinis ng bahay. Sinimulan ko muna sa kusina at sinunod ko naman ang living room. Masaya ako na kahit papaano ay may mga canned goods dito. Mayroon ding mga wine at iba pang hindi expired na pagkain. Hindi na ako magiging mapili pa. Isa pa, baka mayroon ding mga tanim na gulay sa likod namin. Sana ay mayroon pa nga para hindi na ako mangangailangan ng pera. Pagtingin ko sa oras sa cellphone ay alas otso na. Gising na siguro si Kaliex kaya maari ko na siyang tawagan. Sana lang ay hindi niya sabihin kay Minari ang tungkol sa akin. Kapag nalaman ni Minari na narito ako, baka si Mio pa ang unang makarating dito. Kinakaahan ako habang dina-dial ang numero ni Kaliex. Sana ay hindi na siya nagpalit ng numero at naka-save pa rin sa kanya ang numero kong ito. "Hello?!" Nagulat ako sa parang nanginginig na boses ni Kaliex. Na-realize niya bang walang ibang makagagamit ng cellphone na ito kung hindi ako lang. Napangiti pa rin ako kasi sinagot niya ang tawag ko. "Kaliex," mahinang sabi ko habang nagpipigil ulit ng luha. "Papaanong---" putol na tanong niya. Parang may narinig pa akong pagkurot niya sa kanyang pisngi. "Totoob ba ito? Buhay ka?" Mahina ang kanyang boses pero nangangatal pa rin. Kahit pala ang simpleng tunog sa kabilang linya ay naririnig ko. Sensitive na rin ang aking tainga. At least ay bumubulong na lang si Kaliex. Maganda na siya lang ang makaalam na buhay pa ako bukod kila Mio at sa pamilya ko. "Kaliex, tulungan mo ako. Buhay pa ako at tumakas lang ako. Sana ay mapuntahan mo ako rito sa dating hidden house namin. Walang-wala talaga akong pera at tanging mga natirang canned goods lang ang mayroon ako," malungkot na saad ko. "Ta-talaga? Kung ganoon ay agad kitang pupuntahan ngayon diyan. Hintayin mo ako," wika niya. "Saglit, Kaliex," agap ko sa kanya para hindi mapagsabi na buhay ako. "Huwag na huwag mong sasabihin sa iba na buhay ako. Ikaw na lang ang naiisip kong mapagkatitiwalaan ko. Natatakot ako na baka may kalaban na gustong tuluyang patayin ako. Ayokong madamay ka kapag nalaman nilang may alam ka." "Maaasahan mo ako, Minnie. Maraming salamat dahil mayroon ka na ulit tiwala sa akin. Sobrang tagal kong inasam na mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pagtalikod noon. Mag-uusap tayo pagkarating ko sa bahay ninyo. Magdadala na rin ako ng mga gamit ko na pang-isang linggo para samahan ka muna riyan," masayang sabi ni Kaliex. Napangiti ako sa excitement na mayroon siya. Matagal na rin niya pala na gusto akong makausap. Bago ako mawala ay hindi man lang kami nakapagpatawaran at nakapag-usap nang matino. Sana ay bumalik na rin ang dati nating pagkakaibigan. Miss ko na rin na makasama siya. "Mag-iingat ka, Kaliex. Tawagan mo agad ako kapag nasa gate ka na para mabuksan ko. See you," excited na sabi ko. Hindi pa rin magbabago na si Kaliex ang matalik kong kaibigan. Siya ang pinakauna kong naka-close kaya talagang mahirap na panatilihin ang tampo sa kanya. Masaya ako na magkakausap na rin kami pagkatapos ng mga sakit at hindi magandang pangyayari sa amin. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Binilisan ko na ang paglilinis para naman hindi nakahihiya sa kanya ang itsura ng bahay. Naglinis na rin ako ng guest room para sa tutuluyan niya. Sinisipag ako ngayon. Akala ko ay mag-isa lang ako pero hindi pala, sasamahan ako ni Kaliex. Hindi talaga siya nakalilimot na maging mabuti at maalaga sa akin. Kaya ni Kaliex na isantabi ang mga trabaho niya para sa akin. Sigurado naman na busy siya dahil siya ang namamahala ng kanilang business. Sana ay makatulong ako sa kanya kung may trabaho man siyang gagawin habang narito siya. Sana ay maintindihan ni Kaliex kapag sinabi ko sa kanya na kaya ako buhay ngayon ay dahil isa na ako sa kinamumuhian ko noon. Isa na akong ganap na bampira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD