Chapter 30 - Panibagong Pagsubok

914 Words
Pinapakiramdaman ko ang paligid. Umaalon pa rin pero hindi na katulad noong parang nasa kalagitnaan kami. "Anong oras po tayo babalik sa yacht bukas?" May narinig akong boses na nagtatanong. Kailangan kong marinig iyon nang mabuti. "Alas otso sa umaga paparito si Sir Mio. Bawal tayong ma-late kaya mas maaga dapat ang dating ninyo. Maliwanag ba?" sagot ng mukhang pinaka-boss nila rito. Hindi na ako maaabutan ni Mio rito. Aalis din agad ako kapag wala na akong naririnig na boses sa paligid. Baka hindi rin ako kilala ng mga ito o hindi nila alam na buhay pa ako. Dapat mag-ingat ako. Maya-maya ay wala na akong narinig na boses. Umalis na ako sa ilalim ng kama. Inilibot ko ang aking paningin para maghanap ng ibang mga pwedeng magamit at madala ko. Sa vanity table ay may nakita akong gunting. Napatingin tuloy ako sa mahaba kong buhok. Mahaba rin ang buhok ko bago ako mawalan ng mga alaala. Siguro mas mabuting baguhin ko muna ang istilo ko ngayon. Hindi ako nagdalawang isip na gupitin nang maiksi ang aking buhok. Wala na ring atrasan ito kaya dire-diretso ko na itong ginawa. Pagtingin ko sa salamin ay hindi ko maiwasan na humanga sa sarili. Bumagay sa akin ang maiksing buhok. Hindi ko pinagsisisihan na gupitin ito. Itinapon ko ang buhok ko sa may basurahan. Bahala na si Mio na makita iyon. Malalaman at malalaman din naman niyang tumakas ako. Pero hindi pa rin ako kampante. Tinabunan ko ito ng panibagong plastic para hindi niya agad mapansin. Unless, tanda niya pa ang amoy ng buhok ko, talagang magtataka na siya. May nakita naman akong mga damit sa loob. Mayroon akong nakitang t-shirt. Kinuha ko ito at agad na isinuot. Mayroon ding pantalon at mukhang sa mom niya iyon. Iba ang kilala nilang Minlei, hindi ganito magsuot ng mga damit kaya hindi na siguro ako mapapansin ng ibang mga bampira. Napangiti ako nang may makita rin akong iba't ibang kulay ng mga contact lenses. Sinusuwerte ata ako ngayon. Hindi ko pa naiisip, mayroon na agad sagot. Pinili ko ang kulay itim, parang normal na tao lang. Sanay din ang mga kilala ko na brown ang aking mga mata. Isa pa, bampira ako at kapag pumula ang aking mga mata, mahihirapan akong maitago ito. Mukhang kwarto ito ni Tita Michie kaya halos lahat ng gamit ay pambabae. Hanggang dito ba naman ay may mga extra na gamit sila. Iba na talaga ang yaman nila. Well, kung sabagay, prinsipe nga pala si Mio at nasa royal family sila. Ano pa ba ang ie-expect ko? Ngayon na handa na ako, pinakiramdaman ko muna ulit ang paligid. Nang nakumpirma ko na wala ang mga tauhan ni Mio, binuksan ko na ang pintuan. Dahan-dahan ako sa pagpanhik sa taas. Ang mga nakikita ko na lang sa paligid ay ang mga normal na tao. Bakit parang nase-sense ko kung sino ang tao at bampira? Ganito ba talaga? Mabilis akong tumakbo palabas. Nagtago ako sa may gilid ng isang bahay. Hindi pa ako familiar sa lugar na ito. Paano ako babalik sa bahay ko? Panibagong pagsubok na naman ito para sa akin. Ang hirap mag-adjust. Wala akong pera at wala ring pagkain. Mabilis naman ang takbo ko kaya ang tanging kailangan ko ay mahanap ang pabalik sa bahay. Huminga ako nang malalim. Bahala na nga kung ano ang mangyayari sa araw na ito. Ang mahalaga ay malayo ako para hindi mahanap nila Mio. Isinaklob ko sa ulo ko ang sumbrerong nakita ko sa labas ng kwarto kanina. Naglakad ako na parang normal na tao lang. Nakarating ako sa isang mall. Mayroon pala na ganito malapit sa beach? Kung ganoon, baka may masundan akong byahe papuntang lungsod. Mayroon ding mga bampira sa paligid. Wala namang nakakilala sa akin kaya ayos lang. Hindi rin naman masakit sa balat ang sinag ng araw dahil hapon na, pero ang mga bampira ay nasa lilong pa rin. Ngayon ay alam ko na kung bakit panay puno at mga bubong sa Vnight Academy, iniiwasan din pala nila ang init sa hapon. Magaling silang pumili ng lugar. Hinanap ko na ang terminal dito. Sinundan ko lang ang mga tao na mukhang mga nagtatrabago. Mabilis namang nakita kaya hindi na ako nahirapan. Naghanap ako ng lugar na patutunguhang pamilyar sa akin. Nakita ko na may byahe rin pala papuntang lungsod kaya agad akong nag-focus doon. Hindi pala ako pwedeng sumakay. Wala akong pambayad. Sasabay na lang ako sa pagtakbo. At kung wala namang makakakita, sa bubong na lang ako sasakay. Naroon ang mga gamit ng ilang pasahero kaya doon na lang ako sisiksik. Ano na kaya ang nangyayari sa bahay nila Mio? Makahihinga naman sila nang maluwag sa pag-eeskandalo nila Chelly. Wala naman silang mapapatunayan hanggang hindi ako nakikita. Wala rin sila Mio roon at baka minanmanan na nila ito. Nang makitang wala ako, nagtiyempo silang pumunta sa isla para makita ako. Mabuti na lang talaga at bumalik agad ang aking alaala, kung hindi, delikado ako roon. Umalis na ang sasakyan kaya mabilis akong lumabas para mag-abang. Mabilis akong tumakbo nang nakalayu-layo na ito. Sa sobrang taas kong tumalon, nakasampa agad ako sa bubong nang walang nagagawang ingay. Humiga ako nang maayos. Napapikit ako at sabay ngiti. Medyo nakalaya ako kahit papaano. Hindi na rin ako magiging pabigat sa pamilya ni Mio. Napatingin ako sa singsing na kanyang ibinigay. Nanghihinayang akong itapon ito. Mahal ko rin naman siya kaso mali ito. Itatago ko na lang ito pagkauwi sa bahay. May maabutan pa kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD