Chapter 29 - Ang Pagtakas

818 Words
Apat na oras ang nakalipas. Dumating na rin sa wakas anf yacht. Nakatanaw lang ako mula sa pinakamalaking balcony sa pangatlong palapag ng bahay na ito. Napalingon ulit ako sa mga bodyguards. Mukhang talagang alerto sila sa akin. Bantay sarado ako lalo nang wala akong ibang kasama na amo nila. Kapag ba ginamit ko ang pinakamabilis kong takbo ay mapapansin nila? Iyon na lang ang tanging ag-asa ko para makatakas. Napakunot ang noo ko na dalawang yacht ang nakikita ko. Hindi ako familiar sa isa. Kanino iyon? "Kuya, bakit dalawang yacht po ang dumating?" nagtatakang tanong ko sa bodyguard na katabi ko. Bigla siyang napatingin sa daungan. Nanlalaki ang kanyang mga mata "Kila Ma'am Chelly iyan. Kailangan mo po munang pumasok sa basement natin. Bawal po nilang malaman na narito kayo," nagpa-panic na sabi ng bodyguard. Kahit ako ay nagulat. Bakit nalaman nila Chelly ang lugar na ito? Alam kong malaki ang galit niya sa akin hanggang ngayon. Masakit mawalan ng ina at ako pa ang rason nito. Sumunod ako sa bodyguard. May hidden door papunta sa kwarto. Halos hindi talaga ito halata kung hindi iuusod ang cabinet. "Ma'am Minlei, mayroong basement diyan. Ikaw na lang po ang papapasukin namin. In case of emergency, may hidden door din po sa basement palabas ng bahay. Ang labas po niyan ay sa may malalaking punuan. May pipindutin akong button kapag na-discover nila ang hidden room, tsaka po kayo lumabas sa hidden door palabas," paliwanag niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Magandang pagkakataon ata ito para makatakas ako. Kahit hindi niya pa ako binibigyan ng signal ay tatakas na ako. "Hindi naman ba ako maririnig sa baba?" pagkukunwaring pag-aalala ko. "Hindi po. Bilisan na po ninyo at baka maabutan pa po nila tayo. Mukhang nakatunog sila na may tinatago sila Sir Mio rito," kabadong saad niya. Sinunod ko na lang siya. Pumasok na ako sa hidden room. Siya na ang nagsarado ng pintuan. Nagsimula akong maghanap ng sinasabi niyang daan patungo sa basement. Mabilis ko naman itong nakita. Matalas talaga ang aking mga mata ngayon. Epekto siguro ng pagiging bampira ko. Bumaba agad ako sa basement. Mahirap na kapag nahanap pa nila ako rito. Baka hindi na ako buhayin ni Chelly. Bumaba ako sa hagdan. Isinarado ko na rin ang daanan kahit medyo mahirap mula sa baba. Nakakita ako ng lock kaya iniligay ko agad iyon. Ang susi naman ay narito rin. Kung pupuntahan nila ako, sa hidden door dapat sila dumaan. Inilibot ko muna ang tingin sa buong basement. Hindi ko makita ang pintuan na sinasabi ng guard. Pinuntahan ko ang bawat sulok para mas makapa ang bawat pader. Palagay ko ay may itinutulak lang din. Kakaiba kasi ang pattern ng pader, hindi talaga makikita ang hidden door. Napangiti ako nang may nakita akong maliit na button kasama ng designs sa pader. Pagkapindot ko ay kusang bumukas ang pintuan. Humanga naman ako sa galing at pagkakadisensyo nito. Talagang hindi maiisip na may hidden door kung hindi sasabihin. Mabilis akong lumabas at hinanap naman ang pindutan para maisarado ito. At dahil nasa labas naman ako, nakita ko agad ito. Hindi na ako nagdalawang isip sa pinaplano ko na pagtakas. Naglakad ako sa madilim na daanan . Ganito pala ang pakiramdam ng isang bampira, malinaw ang paningin kahit madilim ang paligid. Kaya siguro wala na ring ilaw dito, kaya naman makita ang dadaanan. Medyo mahaba pala ang lalakaran ko papunta sa pinakadulo. Inaasahan kong may pintuan ulit doon na naka-lock. Pagkarating ko sa dulo ay nakita ko na ang pintuan. Mayroon pang pwedeng buksan para silipin ang labas kung walang ibang nakabantay o kalaban. Mukhang secret way talaga ito at ang pinagkakatiwalaan lang ni Mio ang may alam nito. Wala akong nakikitang mga bampira sa paligid nito. Binuksan ko na ang pintuan palabas. Nagtago ako sa may likod ng puno. Tinanaw ko muna ang mansion kung naroon na sila Chelly sa bahay. Nang maramdaman kong walang kakaiba ay paunti-unti akong lumalapit sa yacht. Halos lahat ng bampira ata sa dala nila Chelly na yacht ay umalis din doon. May mga tauhan kami na naglalapag ng mga pagkain mula sa yacht nila Mio. Kapag dinala na nila ito sa bahay, sasalisi ako para makasakay doon. Pag-alis nila ay mabilis akong tumakbo papasok sa yacht at pumunta sa pinakatagong area. Magaan ang aking paa at wala namang nakahalata sa akin. Pumunta ako sa kwarto at nagtago sa ilalim ng kama. Baka babalik ito mamaya sa pinanggalingan ni Mio para sunduin siya. Nakahinga ako nang maluwag. Naisagawa ko nang tama ang aking plano. Walang kahirap-hirap ang pagpunta rito. Hindi na rin ako makikita nila Chelly. Hindi na rin niya paghihinalaan sila Mio tungkol sa akin. Ang alam siguro nila ay patay na ako, kaso mukhang naghinala sila. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pag-andar ng yacht. Mukhang hindi talaga sila aware na nakatakas ako. Bahala na sila kung saan nila ako hahanapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD