Chapter 28 - Ang Plano

897 Words
Nakaalis na si Mio. Ngayon lang ata ako natuwa na umalis siya. Mayroon akong chance na makatakas sa lugar na ito. Didiretso na agad ako sa hidden house namin kung nasaan ang mga Scientists namin. Ang naaalala ko na wala pang mga kalaban ang may alam ng lugar na iyon. Alam na iyon ni Minari at Kaliex pero sigurado naman na hindi nila iyon ipagsasabi sa iba, maliban kay Mio. Mahal ko talaga si Mio kaya ako sobrang nasaktan noon. Aminado ako na mahal ko talaga siya hanggang ngayon. Hindi ko lang alam kung tama pa ba ang relasyon namin ngayon. Pagkatapos ng mga ginawa ko noon laban sa kanila, nagawa niya pa rin akong tanggapin kung sino ako. "Tuwing ganitong oras po ba talaga laging nadaong ang yacht na iyan po?" tanong ko sa bodyguards. Nakatanaw langako sa yacht hanggang sa mawala na ito sa aking paningin at inaaral ko kung paano ako makasasakay dito kapag bumalik mamaya o bukas. Kaso babalik na ata si Mio bukas kaya sana ay mayroon ngayong schedule. "Babalik po iyan mamaya. Hindi ko lang po alam ang schedule. Depende po kasi iyan sa oras na gusto nila Sir Mio," sagot ng isa sa akin. "Uuwi naman po ata si Sir Mio bukas, Ma'am Minlei. Huwag na po kayong masyadong mag-alala. Hindi po kayo niyan matitiis na hindi makasama. Isang araw pa lang ay miss na miss ka na po agad ni Sir," saad naman ng isa pa naming bodyguard. Nagkunwari akong natatawa para isipin nila na walang problema sa amin ni Mio. Wala pang may alam na nakaaalala na ako. Kung sakali man na sabihin kong nakaaalala na ako, hahayaan ba nila akong bumalik sa totoong bahay namin nila Mom at Dad? Mukang malabo na iyon hanggang hindi nagkakaayos ang dalawang panig. Ako ang nakagawa ng mga kasalanan sa mga inosenteng bampira, ako rin dapat ang magsimula sa pag-aayos ng problema sa pagitan ng bampira at tao. Malakas ang social media ngayon kaya iyan ang gagamitin ko habang hindi pa ako pwedeng lumabas. "Mukhang hindi nga po niya ako matitiis. Sabi ko nga po sama na lang po ako kaso ayaw niya po at masyado raw pong risky," saad ko. "Makinig po kayo kay Sir Mio. Alam niya po ang mas makabubuti sa inyo," saad ng bodyguard. "Pero kamusta po ngayon ang relasyon ng mga tao sa bampira?" kuryosong tanong ko. "Alam na po ng mga tao na may bampira na katulad natin. Syempre, maraming against pa rin po sa atin, lalo na at may Vampire Hunter Clan. Sila po ang nauuna sa pagkontra sa atin. Marami pong umaanib sa kanila ngayon. Wala na rin pong magawa ang dating pinuno dahil ayaw na po nilang maniwala sa mga iyon. Ang paniniwalaan lang daw po nila ay ang huli nilang naging pinuno kung nabubuhay man daw po iyon," mahabang paliwanag ng isa pang guard. Ako ata ang tinutukoy na huling naging pinuno nila. Lumaban ba naman ako hanggang sa huli kong hininga. Hindi ko man lang naipaliwanag sa kanila na nagsisisi ako. Hindi rin ata nila alam kung nasaan na ako pagkatapos ng trahedyang iyon. Alam na kaya nila na sila Mom, Dad at Minari ay kakampi na ng mga bampira? Kung ganoon, kailangan ko munang kuhanin ang loob ng mga dati kong grupo. Hindi dapat nila malaman na may connection pa ako kila Mio. Kapag nalaman nila na engaged ako kay Mio, ang prinsipe ng mga bampira, baka ako pa ang mauna nilang masaktan. Ang isa ko pang kinatatakutan ay kapag nalaman nila na bampira na rin ako. Hindi ko naman ito ginusto in the first place. Kaya siguro buhay pa ako ay maayos ko ang gulo na ginawa ko. Hangad ko na magkaroon ng mapayapang mundo. Hindi ko man lang naisip na pwedeng may mga mababait na bampira at napatunayan ko iyon. Maganda ang pakikitungo ng mga bampira sa akin dito. Kahit naman obserbahan ko sila na hindi ako nakikita, pansin ko na parang tao lang din talaga ang ugali nila. "Sana po magkasundo na ang dalawang panig. Iyon po talaga ang paraan para magkaroon ng mas mapayapang mundo," saad ko. Napansin ko na gulat na napatingin sila sa akin. Alam din nila na ako ang sinasabi nilang pinuno ng clan na iyon. Kita naman na kabado rin sila kapag nakaalala ako. Hindi nila alam na mananatili ang kabutihan ko sa kanila at nagsisisi ako na naging matigas ako sa kanila noon. Hindi na ako galit sa mga ginawa nila. Thankful pa rin ako na inalagaan nila ako nang mabuti. Nga lang, nasaktan talaga ako sa nangyayari. Kaya hindi nila maikwento ang nakaraan, pinoprotektahan din nila ako at ang sarili nila. Naiintindihan ko naman na ayaw lang nilang mawala ako sa piling nila. "Gusto ko pagbalik ko roon, maayos na ang lahat. Wala na sanag kalaban pa," malungkot na wika ko. "Paano po ang mga bampira? Mayroon din daw po na mga kalaban na kauri natin at dinadamay ang mga tao?" "Sila po talaga ang problema natin. Hindi naman po magagalit ang mga tao sa mga bampira kung walang gumagawa ng mga masasama sa kanila. Ginagawang low class vampire ng mga taksil na bampira ang mga inosenteng tao," sagot ng bodyguard. Totoo ito. Hindi rin naman ako magagalit noon kung hindi sila nananakit ng mga tao. Naniwala pa ako na wala na ang aking mga magulang dahil sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD