Matapos ang huling pagsusulit para sa semester na ay nagtungo si Vlad sa kagubatan. Walang araw sa lugar nila kaya makulimlim kahit anong oras at napakadilim kung gabi. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa komunidad na ginawa para sa kanila lamang. Hindi na siya magtataka na sa paglipas ng maraming panahon ay makagagawa na rin ang mga Vampire ng sariling mundo hiwalay sa mga tao. Sinundan siya ni Phyrica. May namamatay sa bayan na kagagawan ng isa ring Vampire, ngunit hindi matukoy kung sino. Isa na naman sa pinaghihinalaan si Vlad, dahil nga hindi kayang galugarin ang isipan nito ay ito ang primero sa lahat ng pin