“Gusto talaga naming na makuha ka bilang model, please naman Ms. Rain!” Pagmamakaawa ng isang baklang hindi niya alam kung ano. Mukha itong lalaki pero kapag nagsalita ay doon mo lang malalaman na hindi pala ‘to pure blood na lalaki pero ang maskulado ng peg. Naroon sila nag-uusap sa loob ng theater kung saan siya nag-audition. Kanina pa siya nito pinipilit na maging model. Ang dami na nitong offer na pera pero marami na siya non. Ano pang gagawin niya don? I-offer nito si Andrew at ig-grab niya ASAP. “Nope! Ayoko.” Sagot niya na akmang tatayo sa kinauupuan ng pigilin siya nito. Kanina ay ibinibigay na sa kanya ang Lead Role pero tumanggi na rin siya, bakit ba ganito ang mga taong ‘to? Nagpa-practice din sa mga oras na ‘yon ang mga kasali sa stage play na napapatingin sa kanila kapag