"I'll be out for days. Wala naman akong scheduled appointments and meeting this week, ano?" I asked Lyra.
"Wala naman po, Ma'am, but we have deadlines to meet after this week. Iyon pong pinagawa ni Mrs. Cruz na dress para sa debut ng anak niya."
Oh, that fancy dress. Tapos ko na ang disenyo non last week pa. Kasalukuyan ko na ring fina-finalize yung kabuuan ng dress. Hindi ako ang usually na gumagawa nung actual dress, I have my team for that but this one is different. Mrs. Cruz is one of my Dad's friend and she personally asked me to create her daughter's dress. Saka isa pa, iisa lang naman iyon at hindi tulad ng pino-produce namin na maraming katulad kaya ako na mismo ang nagtahi non.
"I'll finish the dress until tomorrow. May iba pa ba?"
"Wala na Ma'am but how about our ads? We're still looking for endorsers."
I sighed. Isa pa iyan. Ang hirap naman kasing kumuha ng mga endorsers. Pumasok na sa isipan ko ang suhestyon nilang kuhanin si Trevor pero alam ko na hindi iyon papayag and I don't want to push him too much, too. I'm trying to reach out other models.
Pagod akong dumapa sa kama nang makauwi sa condo ko. I closed my eyes as I remember how tiring my day was. Ang saya siguro kung uuwi ako ng may magluluto para sa akin, ano? O kahit kasabay lang kumain. I suddenly remembered how Trev and I are way back in college. Sabay kami lagi kumakain noon.
Nanikip ang dibdib ko at namalayan nalang na tumutulo na naman ang mga luha ko. I closed my eyes and got drawn in the darkness again. Bandang alas-diyes na ng magising ako. Damn, hindi pa ako kumakain. Bumangon ako at parang zombie na naglakad papunta sa kusina. Inilabas ko ang oat meal at iyon nalang ang kakainin ko ngayon.
"Argh! Why did I slept?"
Nakakainis! Kailangan ko pang tapusin yung dress. Nevermind. Magkakape nalang ako.
I didn't sleep that night to finish everything. Hindi naman ako lutang habang ginagawa iyon kaya nakahinga ako ng maluwag nang matapos. I can now freely enjoy my vacation without thinking about my deadlines.
Two days after that, nagpunta kami ng beach kasama ang mga kaibigan ko. Vida, Jem, and Tracy. We decided to hang out since we missed each other so much. They were all busy with their lives. Wala nga lang ni isa sa amin ang may love life.
"I heard a lot of things about your ex," Vida uttered while we're in the elevator. Papunta kami ngayon sa aming hotel room and I don't know why she's opening about Trevor right now. "I heard he's happy with some other girl."
Umirap ako sa hangin. "No one beats his happiness when he's with me," I confidently said.
"Wow," she laughed. "Confidence level one hundred ka girl, ah?"
Ngumiti ako sa kanya at lumabas nang bumukas na ang elevator. We decided to rest first before going out. Nagkani-kaniya na sila ng ginagawa pagdating sa room. Jem asked for our lunch, Tracy is in the shower, Vida is roaming and looking aorund while I am sitting on my bed and looking at Trevor's picture. Kapo-post niya lang iyon sa kanyang sss Page kanina.
Kasalukuyan kong pinag-aaralan kung nasaan siya ngayon base sa background ay biglang hinablot ni Vida ang phone ko. Kunot-noo ko siyang tinignan at nagtatakang sinundan ng tingin dahil kinuha niya rin ang phone ni Jem. "Throughout our stay here, no one will hold your phone, okay? Para naman walang negative energy na sasapi at walang kontrabida sa trip."
"I need that to take pictures, Vida." Oh, what a damn excuse. May camera naman kaming dala so why would I need the phone's camera? I sighed and just agreed to whatever she wants.
Wearing our beach dresses and accessories, we ramp and took pictures around the place.
"What's that?" Jem neared me. "You're a loser, Alli," aniya at natatawang umiling.
"Yours aren't even nice," sumbat ko at pinakatitigan ang gawa niya. Naisipan naming gumawa at magpagandahan ng sand castle at ang OA maka-sita ng isang ito samantalang halos pareho kaming walang kwenta ang ginawa.
"Mine are way better than you castle."
"Damn it," bulong ko. "She's so childish." Naiiling na tumawa nalang ako at hinayaan si Jem, she's just like that and I know she doesn't mean that. May pagka-childish lang iyan minsan.
Later that night, nag-bar kami pero hindi rin nagtagal ay bumili nalang kami ng mga drinks bago umakyat sa hotel. Pinayagan naman kaya siguro ay ayos lang. Pagdating doon ay sumalampak sa sofa na naroon si Tracy samantalang kaming tatlo ay umupo sa floor at binuksan ang mga dala naming alak.
"Para tayong mga brokenhearted lahat dito, ah? Eh si Alli lang naman ang ganoon," Vida said, chuckling.
"I'm not brokenhearted, no!"
"Really?"
Tumahimik ako at hindi nalang siya pinansin. I remember before that Trev doesn't want me to drink liquors and other alcoholic beverages. Mas matanda siya sa akin kaya mas matured. He was very understanding way back then and quite strict too because he cares. Pero ngayon...
"Damn. Liquor makes me miss him so much."
None of them answered nor talked. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa nakitang awa sa kanilang mga mata. I'm pretty sure they all wanted me to stop pursuing him, to stop loving him, let go and move on. Kung sana nga lang ay ganoon kadali iyon, eh 'di nagawa kona, 'di ba?
I'm not like him... who easily replaced me with the girl he said I should never get jealoused of.
Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos para makapamasyal. Since plano na naming mag-swimming ngayon, I wore my yellow two-piece underneath my see-through white dress. Napapikit ako sa lamig ng hangin na tumatama sa aking balat. I feel relaxed and refreshed.
Pinakatitigan ko ang payapang karagatan. Iilan palang ang naroon at nagsi-swimming. My smile soon faded when I remembered him again. Trevor loves beach. He loves swimming, he loves the peaceful sea, he loves building a sand castle with me. I wonder if he still loves beach.. or even that part, he already left behind just to forget me?
Naglakad-lakad ako at iniwan sila roon. Nasa may mga rock formations kami ngayon. Iba't iba ang shapes at sizes ng mga bato. Ang ilan ay naiiba rin ang kulay. There's a lot of sea shells too in the sand. Nakakasugat kapag hindi ka nag-tsinelas.
Uupo na sana ako nang may pumigil sa akin. "Miss, baka masugat ka," anito.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaki at bahagyang nangunot ang noo. He gave me a sly smile.
"Who are you?" Hindi ko maiwasang hindi tanungin.
"Baka guardian angel mo," banat niya kaya natatawa akong umirap. "But on a serious note, don't sit there. Maraming mga sea shells diyan at masusugat ka. If you want, there is a chair there or you can borrow a mat on that place." May tinuro siyang parang tindahan doon.
Bagsak ang balikat na tumango ako sa kanya. Umalis na siya at ako naman ay sinunod ang sinabi niya. Pero sa halip na manghiram pa ng banig ay nakiupo nalang ako sa duyan na nandoon. Now, this feels fine. Kitang-kita rito sa pwesto ko ang napakagandang tanawin. I can see my friends from here. They are taking pictures and having fun.
Tatayo na sana ako ulit nang may maisip ako. Pinulot ko ang may kalakihang sea-shell na nasa paanan ko at pinakatitigan. The shell is quite different among it's class. Biglang pumasok sa isipan ko ang damit na ka-shape noon. I suddenly wanted to create clothes relating to sea creatures.
"Right!" Lumapit ako kay Vida nang may maisip.
Naabutan ko si Vida na pinipicturan ang isang dead coral. Then she looked at it closely. Para siyang na-a-amaze na ewan.
"How about doing a sea collection? I propose a collaboration." Napaigtad siya nang marinig ang boses ko. I laughed at her reaction while she glared at me. Then she looked at the coral again as if she already has an idea of what to do.
"Sea collection?"
Vida is a jewelry designer. May mga nagawa na siyang collection before while I haven't, yet. Matagal ko ng plano ito pero natatakot ako na baka hindi ko siya magawa ng maayos or worse, walang sumuporta. We're still in the middle of finding an ambassador and since kao-open lang din ng physical shop namin, sobrang dami pang kailangang trabahuin. I will precisely need my friend's expertise on this.
Hindi niya man direktang sinabi ay alam ko namang payag siya. She even said, "Let's plan about it later."
Iyon ang dahilan kaya na-enjoy ko ang buong araw na iyon. Habang tumitingin sa paligid ay napakarami ng disenyo ng damit ang naglalaro sa aking isipan. Parang bigla kong gustong i-text ang aking assistant dahil sa excitement na nararamdaman.
Later that day, nag-bonfire kami at nagkwentuhan. We shared a lot of stories and reminisce some. I'm glad hindi umatake ang pagiging brokenhearted ko ng gabing iyon. The next morning, umuwi na rin kami dahil pare-pareho kaming may mga trabahong kailangang gawin.
It's afternoon when I arrived at my condo. Nag-shower ako at nagbihis bago dumapa sa kama. I opened my phone. Ngayon ko lang ito mabubuksan. Bigla akong kinabahan dahil baka tumawag si Trevor at hindi niya ako ma-contact. Paano na iyon?
But then... hindi niya naman alam ang numero ko so paano niya ako kokontakin? Sumimangot ako at padabog na binitawan ang phone. I stared at our picture on my bedside table again. Patagilid akong humiga at hinarap iyon.
"When will you forgive me?" Nakatakas ang pait sa boses ko na hindi ko namamalayan. Paulit-ulit na bumabalik sa memorya ko ang galit na ekspresyon niya sa tuwing makikita ako. I don't know if he's so mad to the extent that he'll do everything to get rid of me.
Paano kung pinagseselos niya lang pala ako gamit si Hazel? I laughed. Luh, asa ka naman, Alliyah. Trevor isn't like that in the first place.
I decided to go to gym the next day. Sa treadmill lang ako. Naisip kong mag-jogging nalang kanina kaso late akong nagising at medyo mainit na.
"Good morning, Alli," my gay instructor greeted me.
"Good morning! Sa may treadmill lang muna ako," saad ko para hindi na niya ako asikasuhin. He smiled before leaving me.
Ibinaba ko ang mga gamit ko at saka nagsimula na sa gagawin. Rage, in his fine and black colored shirt, stood beside me. "Sinusundan mo ba ako?"
Ang tigas talaga ng mukha ng isang ito. Sinilip ko siya sandali at nakitang nagpupunas siya ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa balikat niya. Tapos na siguro siya mag-gym. Well, he's a one busy man kaya mahalaga ang oras at malamang maaga siyang nagpunta rito.
"Sinusundan your face!"
Humalakhak siya at nanatili sa gilid ko. Hindi ako na-conscious sa ginagawa niyang paninitig sa ginagawa ko because duh, it's just Rage. Alam kong gwapo siya, malakas ang dating at marami pang iba but he's my friend, he's not my type and I'm not his either.
"Magtatagal ka ba?" tanong niya ulit.
"Hindi. Treadmill lang ako ngayon. Bakit?"
"Breakfast?" alok niya.
"Libre mo?"
"Ikaw itong mayaman sa atin tapos ako ang manlilibre?"
I hissed. That's not true, ano. "Ilibre mo na ako. Yung mga babae mo nga naililibre mo ng condom at hotel, tapos ako pagkain lang ayaw mo pa?"
I laughed at his reaction. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa habang natameme siya sa sinabi ko. Well, I'm sure hindi naman ako lumampas sa border line. Isa pa, that's a decent statement. Pawang katotohanan ang mga sinabi ko roon so he can't say anything contradicting to that.
"Kaya ka hindi binabalikan eh," he harshly uttered.
Nanlaki ang mata ko at pinatay ang machine na ginagamit. Humalakhak siya at tumakbo nang mapansin ang reaksyon ko. Tinignan ko siya ng masama habang tumatakbo palayo.
"I'll wait you outside," pasigaw na sabi niya saka kumaway.
I rolled my eyes. That guy surely knows how and where to piss me off. Damn, Rage.
Rage is a friend of mine after I graduated college. Nakaka-awkward pero nakakatawa at the same time dahil sa bar kami nagkakilala. He's a cassanova that time and I am a broken hearted girl who entered the bar to get wasted. Rage is a flirt but he's also a gentleman. Siya ang kasama ko noong mga panahon na iyon.
He left his fling to comfort me and I appreciate that. Hanggang ngayon ay sobrang close namin to the extent na lahat nang nababanggit naming asaran at kung ano-ano ay parang wala nalang meaning sa amin. Hindi niya ako na-offend at siguradong hindi ko rin siya na-offend.
I run for another thirty minutes before taking a shower. There's a shower here for girls. Hindi naman ako mag-so-shower totally but I need to wash up. Medyo malagkit na rin ako.
"Grabe! Look, ang bait talaga ni Hazel at Trev, ano? Tapos ang sweet sweet nila." Natigil ako sa akmang paglabas sa may shower room nang marinig iyon.
Did she just mentioned Hazel and Trevor?
"Ang cute nga eh dahil si Trev ang may bitbit nung bag ni Hazel tapos kulay pink pa. Kung ibang lalaki iyon ay mahihiyang buhatin ang bag ng girlfriend nila."
Not to Trev, I whispered. He's a gentleman. Umiling ako. Hindi ko bibigyan ng malisya iyon dahil alam kong ganoon lang talaga si Trevor. He's kind to everyone so that's fine. Girlfriend? Tss. Ako ang girlfriend niya. Wait and see...