Chapter Five

2172 Words
"Ang tagal mo naman," reklamo ni Rage nang mamataan akong palabas ng gym. Pinagtaasan ko siya ng kilay at tumingin sa motor na dala niya. Dala ko ang sasakyan ko kaya siguro ay susundan ko nalang siya papunta sa restaurant. "Saan tayo?" "Sa labas ng gym," pamimilosopo niya. He laughed when I glared at him. "McDonald's, kumakain ka ba roon, Madam?" "Tara! Kunin ko lang sasakyan ko." "Hindi ka sasabay sa akin?" "Baka mapagkamalan pa akong kalandian mo. Ayoko ng issue, no!" He chuckled and just nodded. Hinintay niya akong makasakay at mapaandar ang sasakyan ko bago pinaandar ang motor niya. Hindi ako takot sumakay sa motor, I actually know how to ride one pero Rage is a model. Nagpa-part time siya unlike Trev na talagang full-time ang pagmomodelo. Pero kahit na part time lang si Rage ay alam kong marami pa ring tsismosa sa mundo na mangingielam ng buhay niya. Mas okay na na ganito. "Pancakes saka McCafe lang sa akin," sabi ko at tinuro ang malapit lang na upuan sa may bintana. "I'll wait you there nalang." "Bayad?" Nilahad niya ang palad sa akin at tinampal ko iyon. "Kahit kiss lang?" I cringed at what he has said. Natawa siya ulit sa reaksyon ko. Siraulo talaga. Iiling-iling akong naglakad papunta sa may upuang itinuro ko sa kanya. Lumingon ako sa labas at hindi sinasadyang mapukol ang tingin sa isang may kalakihang poster sa tapat. I don't know much about the establishment but I know that Trev was the one on that poster. Naka-side siya roon. Hindi man masyadong kita dahil malayo pero alam ko, sigurado ako, na si Trevor iyon. He has a bad boy image but swear, he's a great guy. Sobrang sweet at gentleman niyan. I wonder if he's still like that tho. "Anong tinitignan mo diyan?" Rage is standing beside me as he put the tray of our orders on the table. Sumilip siya sa kaninang tinitignan ko at kunot-noong bumaling sa akin. "May multo ba diyan?" "Wala pero may gwapo." "Ako?" "Ikaw?" "Oo, ako." "Bakit ikaw?" "Ako nga, gwapo." "Baka gago." Nagtawanan kami bago siya umupo sa tapat ko. Kinuha ko ang pancake at kape na order ko. Siya naman ay burger ang kinuha. Kagi-gym niya lang pero ganyan ang kinakain niya. Well, it's fine. Madalas naman siya sa gym hindi tulad ko. "How's work?" "Ayos lang naman. May project kaming pinag-iisipan. Not yet sure about it pero sana ma-push. It's a collaboration with Vida, my friend, you know her right?" Tumango-tango siya habang kagat-kagat ang burger. "Jewelry designer siya, 'di ba?" Anito na ngumunguya pa. Gosh! He's gross. Nag-peace sign siya sa akin bago uminom ng tubig. "Yeah, were planning to do a collab pero wala pa talagang kahit anong concrete plan. Baka mamaya ay pupunta ako sa kanya para planuhin iyon." "Akala ko pupunta ka sa ex mo." "I was about to." Balak kong dumaan sa bahay ni Trevor ngayon. Hindi ko sure kung maaabutan ko siya roon pero sana. Mahigit isang linggo na noong huli ko siyang makita. I missed him. Miss na miss ko na siya. Kahit ipagtabuyan niya ako ayos lang. Tatanggapin ko iyon dahil galit siya. I know, someday, he'll forgive me, he'll understand my reason of leaving. Sana... "You should move on and let go, Alliyah," seryoso niyang sabi habang mariing nakatingin sa akin. "I know he still loves me, Rage." "Love?" Naiirita nyang banggit. "Nasaan ang pagmamahal doon? He's already in a relationship with Hazel." Sumimangot ako at humigop ng kape. Hindi ko siya sinagot at nanahimik nalang. I know in some way, and some time, he'll eventually forgive me. He'll accept me again and we'll be happy again. "You should just date other men, seriously." Hindi pa pala siya tapos sa topic na iyon. Hindi ako martyr. Ako kasi ang may kasalanan kaya ako ang kailangang sumuyo. Hindi ko paiiralin ang pride ko dahil mas lalong walang mangyayari. "He's just playing hard to get, Rage. He still loves me. I know that. I can feel that." Alam kong hindi siya sang-ayon pero hindi nalang din siya sumagot. After our breakfast, I go straight at home and took another shower. Nagbihis ako ng maayos at disenteng damit. Vida won't meet me today for some reason pero nagkausap na kami sa mga plans namin. I'll meet my employees and team today to tell them about this. "We'll be releasing a new collection in collaboration with Vida Jewelries." Iba-iba sila ng reaksyon. Ang ilan ay namangha. Ang iba ay nagulat at karamihan ay excited. Pinag-usapan na namin ang mga gagawin. I assigned each team for their purpose. Ang team ko na ang bahala sa shoot base sa napag-usapan. Hindi na ako naghanap ng photographer dahil mayroon kaming official photographer. Maghahanap nalang siya ng kasama dahil marami ang tatrabahuin nila. My production team was on set for stand by. Ako lang ang designer dito unlike Vida na madami sila. Kinausap ko na rin ang mga naka-assign sa posting at website para sa kailangan nilang gawin. Vida will be the one who will print the invitations and sa kanila rin nanggagaling ang mga posters so we will just wait for it. "Ilang designs gagawin mo, Ma'am?" Ang pagde-design lang talaga ang mahihirapan ako. Though ida-drawing lang naman iyon dahil ang production team na ang magtatahi non. "I'm planning to do around ten to fifteen items for this collection." "Keri ba, Ma'am, o gagahulin sa oras?" Matagal pa naman iyon. I don't think na kukulangin ang oras. The dates aren't final yet but I can start planning for my clothes now. Iyon ang pinagkaabalahan namin ng araw na iyon. Hindi na muna namin iisipin ang pagkuha ng ambassador dahil magiging malaking tulong itong collection na ire-release para sa brand ko. I'm actually thankful to Vida for agreeing on this. "Gotta go," I waved my hand to my staffs before entering the car. Kakaunti lang naman ang empleyado ko unlike ng kay Vida. I only have Lyra- my assistant, Lea- our website manager with her two assistants, Klenz- our official photographer, Myca and Camille- our sales ladies in the shop, Kuya Vince- our guard, and my Production team. Problema ko ngayon ang pagde-design ng mga damit for men. Alam ko naman gumawa nun pero wala akong ideya sa ngayon na maikonekta sa aming theme. Natagpuan ko ang sarili kong sasakyan na binabaybay ang daan patungo sa bahay ni Trevor. Huli kong kita sa kanya ay noong nagpunta ako sa bahay niya. I wonder if he lives alone in that house? Dati kasi ay nakatira siya sa mga magulang niya, noong kami pa. I parked two blocks away from his house. I unconsciously hold my breath when I saw Hazel coming out from his house. Nagtatawanan silang dalawa habang palabas ng gate. May kakaibang pait na pumasok sa lalamunan ko at hindi malaman ang gagawin. Hindi na ako nag-isip at agad lumabas ng sasakyan. I walk gracefully to their side.  The girl looked at me, quite shocked, but she immediately pull off a smile. I wonder if she still remembers me. Hindi ko inakala na sa dami ng babae ay siya pa... she knows everything that Trev and I has gone through. Alam niya kung paano kami nagsimula, kung paano namin hinarap lahat ng hamon, and she was also there when we broke up. Paano kaya naging sila? Did she comfort him? I didn't know it will hurt this much seeing them together in person. May binulong siya kay Trev kaya napatingin ito sa gawi ko. Pero sa halip na gulat, kasiyahan, o pagtataka ay madilim ang naging tingin niya sa akin. He raised his brow like he's not happy to see me around him. "Sakay na muna ako," malambing na sabi nung babae sa kanya at muli pang ngumiti sa akin bago um-exit. Ganoon na lang iyon? Hindi man lang ba siya magso-sorry na inagaw niya ang boyfriend ko? Well, technically break na kami noon but still... "What are you doing here again?" The coldness in his voice stabbed my chest a million times. Hanggang kailan ba ako masasanay sa turing niya sa akin? Bagsak ang balikat pero pinilit kong ngumiti sa kanya. I am so tired today that I want to be recharged so I came to see him pero mas lalo lang akong nauubos habang nakatingin sa kanila.  "May lakad ka?"  "What is it to you?" Masungit niyang sabi at akmang bubuksan ang pintuan ng driver's seat pero dali-dali ko siyang pinigilan. "What the fvck?" Inilayo niya ang kamay sa akin na bahagya lang nadikit. Diring-diri, ah? "Can we talk?" Gustong-gusto ko ng ipaliwanag sa kanya lahat. Gustong-gusto ko na aminin sa kanya yung side ko. Gustong-gusto ko na siyang makasama. Gustong-gusto ko ng maibalik na kami sa dati. Naluluha na ako habang nakatingin sa kanya pero pinilit ko pa ring umayos ng postura at ngumiti sa kanya. Hindi nagbago ang tingin niya. Madilim pa rin, nakakatakot, nakakabagabag. I sighed heavily.  "Sabihin mo na kung anong gusto mong sasabihin. Can't you see? We have a date." Lumunok ako. "Date rin tayo," ngumuso ako at pilit nagpaawa sa kanya pero binalewala niya lang. His face remained stoic and dangerous. "On the serious note, babe, can we talk?" "Stop calling me 'that'." "What?" I bite the insides of my cheeks to stop myself from smiling. He sounds affected though. Talaga bang wala na siyang pakielam? Bakit parang ang bitter niya? "I want to win you back, again, babe." I tried to reach for his face but he avoided my hand and instead, he took a step back. "I missed you..." He smirked. "Then keep missing me. Who cares about your feelings, anyway?" Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. May mas isasakit pa pala, ano? Nevermind. Keep going Alliyah. I'm sure he'll be with me in the end. I'm sure he still loves me. I'm sure I can still win him back. I'm sure... I still owns his heart. "B-babe," hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses. Damn, kahit anong tago ko ay halatang-halata pa rin na nasasaktan ako. "Back off, Miss Simson. You're seriously getting creepy already." Umatras ako ng umabante siya. He held the car's door and opened it. Pero bago siya sumakay ay tumingin siya sa akin. "If you think I still love you... I'm sorry, but I no longer do." He slammed the door and drove fast, leaving me here, standing like a crazy mad woman. Lukot ang mukha na bumalik ako sa sasakyan. Damn it. Kung pwede ko lang isumbat sa kanya ang lahat ay ginawa ko na. Kung pwede lang na piliin ko siya noong mga panahon na iyon ay ginawa ko na. I've been through so much pain and still... kahit makinig lang ay hindi niya magawa. My heart is breaking into pieces as I stared at his gate. Doon sila sabay na lumabas. They both looked happy and contented. Their fans were right, sweet nga sila on and off cam. Should I talk to Hazel and begged her instead? No... No, Alliyah. Don't ever do that! Nagpunas ako ng luha bago muling pinaandar ang sasakyan pauwi sa condo ko. And here am I, crying while he's happy with his date. Paano nga ba kitang mapapaamo ulit, Trev? Paano ko sisimulan na kausapin ka kung sa bawat pagkikita natin ay nasasabihan ako ng masasakit na salita? I wonder if he ever feels guilty right after our conversation. I wonder if he feels sad after leaving me dumbfounded all the time. I wonder if he tried to go back after leaving me. I wonder... if he thinks about me. Kahit ano ng isipin niya sa akin... basta nasasama lang ako sa mga iniisip niya. "Damn," I chuckled like a crazy woman. "So this is how it feels?" Alam kong magiging mahirap ang muling pagkikita namin pero hindi ko inaasahang ganito. He's already in a relationship. Ayokong maging kaawa-awa at mas lalong ayaw kong manira ng relasyon. I still want to believe that they aren't together. Imposible eh. If they are together, why would Hazel leave him with me? Because if I am his girlfriend and I saw a woman going after him, I won't leave. I got busy the next days trying to plan for the clothes I will design for our collection. May mga na-plan na rin for the shoot, for the venue... hindi pa finalize pero we're already in the process of finalizing everything. As for Trev, I'm trying to avoid him for a while. Hindi para sukuan siya kung 'di para bigyan siya ng sapat na oras para makapag-isip. I don't want him to be impulsive with his decisions. I know I still owns a large space in his heart. Alam ko natabunan lang iyon ng galit pero alam ko rin na kapag nakapag-paliwanag ako at nasabi ko sa kanya lahat ng rason ko ay tatanggapin niya ako ulit. Damn. I know I'm stupid but I should try to ask his forgiveness since I was really the one at fault that time. I was the one who ask for break up. But then I wonder, if I chose to stay with him... will I be able to sleep at night? Will I be able to be happy? He's successful now and I'm on the way to success too. Maybe at some part, our parting ways need to happen so we can focus on ourselves. After all, I believe we can still find the way to each other's arms. Iyon ang sana at natatanging hiling ko sa ngayon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD